Share

CHAPTER 26

Author: JENEVIEVE
last update Huling Na-update: 2025-02-09 07:37:52

Lovebele

“Aga ng gala natin ah?! Anong atin, besh? Nakalimutan mo bang may lakad kami ni Nanay mamaya?”

“Hindi ko ‘yon nakalimutan, besh. Kaya nga inagahan ko na pumunta rito upang masamahan mo pa ako,”

“Ha, saan naman? Wait! Siya nga pala tumawag ba sa ‘yo si Scott?” tanong nito kaya nasira ang mood ko nakasimangot ako sa kaniya.

“Ikaw alam na alam mo talaga paano akong inisin,” saad ko pagkatapos inambahan ko siya ng kamao ko bilang babala na tumahimik siya sa kabubuyo r'yan sa walang paramdam na manok n'yang si Scott Miguel. Hindi ako interesado kung buhay pa ba iyon ngayon.

“Inis? Nek-nek mo, Lovebele Lozano. Kung hindi ko pa alam hinahanap-hanap mo si hottorney. Utot nimo Inday, ‘wag ako kabisado ko na ugali mo mga bata pa lang tayo.”

“Ikaw lang nagsabi n'yang hinanap ko siya kaya tigilan mo ako Analisa,”

Almost one month ng hindi nagparamdam uungkatin pa nitong bestfriend kong salawahan ang loyalty, half kay attorney at nasa 'kin ang kalahati. Maganda nga forlife
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (9)
goodnovel comment avatar
Alejad0'2
wahahha tupakin ala hahah
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
wow dismayado si Belle na negative ang results
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
haha siguradong si Analisa ang nagbigay ng cp number mo Belle
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 27

    Lovebele Mayroon na akong nakitang p'westo para sa itatayo kong bakeshop. Nakapag down na rin ako ng five months rent. Imbis na two months lang. Ginawa ko ng five months para may tatlong buwan pa akong allowance hindi magbabayad ng upa. Sa sunod na linggo mag-o-open na ang bakery ko. Hindi pa ako makapaniwala noong una malapit na akong makapag umpisa sa pangarap kong bakery. Bumili na rin ako ng oven at iba pang kailangan na gamit. May nakuha na rin akong panadero at dalawang kasama ko na all around tindera. Sinabi ko naman na all around sila pansamantala lang kasi kauumpisa lang ng bakery ko. Maaga rin ang pasok. Alas singko y medya at labas naman ay alas-singko ng hapon. Mabuti lang pumayag. Kasi kasama naman nila ako sa tanghali at hanggang alas singko lang naman ng hapon, sarado na kami. Kasi nga papasok pa ako ng alas-siyete ng gabi sa Elite club. Pansamantala lang ito habang nag-u-umpisa pa ang negosyo ko. Kailangan ko pa rin magtrabaho. Dahil trial and error kung baga.

    Huling Na-update : 2025-02-10
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 28

    Lovebele “Damn!” pupunta si Scott Miguel, ngayon dahil kina Bea? Okay! Dedmahan kami ngayon. Letsugas siya. Tagal n'yang hindi sa ‘kin nagparamdam pagdating sa iba magiliw siya. Argh! Mariin kong ipinikit ang aking mata dahil slight akong nauurat kay Scott. Lentek lang talaga hottorney ‘wag kang makalapit lapit sa ‘kin dinagdagan mo pa ang kasalanan sa ‘kin. Pagdating ko sa mismong disco house. Tumayo muna ako sa sulok dahil hahanapin ko pa ang bestfriend ko. Nlibot ko ang aking mata. Nakita rin agad ako ni Analisa. Inirapan ko kahit malayo ‘to sa ‘kin. Kasama kasi n'ya si sir Daniel. Kinawayan niya ako. Nakita ko si Sir Daniel kumaway rin sa ‘kin. Aba himala bumalik si Sir Daniel. Nakikita ko masayang nag-uusap ni Analisa. Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa ah. Binilisan ko ang lakad. Kaya lang may table akong nadaanan may nakaupo lalaki at bastos. Pinisil ang magkabila kong pag-upo kaya uminit ang ulo ko. Sinampal ko. Pak! Malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha nit

    Huling Na-update : 2025-02-10
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 29

    Lovebele “Lovebele, are you sure pupuntahan mo talaga ‘yung lalaki? Bago mo bang suitor?” Tumigil ako upang lalong asarin si Scott. Tamang hinala ang gago hmp! Wala sana akong balak na kausapin si Scott, ngunit hindi ko pa rin natiis lumingon ako nginisihan ko siya. Ayaw pala nito ako pumunta roon kina Daniel, pero siya p'wede kina Bea? Ang unfair naman nito aba. “Selos ka ba, attorney?” wika ko sa kaniya. Tumawa si Scott, subalit dedma ko lang siya. “Puntahan mo na ka date mo. Look, masama ng tingin sa ‘kin. Ayaw ko yatang masabunutan dito dahil lang ayaw mo pa lapitan.” Humakbang palapit sa ‘kin kaya umatras ako mabuti nga tumigil ito. “Bakit baliktad yata, Love…Belle? Parang nakikita ko ikaw ang nagseselos. Aminin mo kasi na miss mo ako,” wika nito hindi pa nabubura ang inis nakikita ko sa mata nito. Lalo na kung titingin doon sa table nila Analisa at kay sir Daniel, nakatingin ang nagbabagang mata ni Scott kay sir Daniel. “Ows? Ikaw nga kaya ang selos na selos. Ayaw mo pa

    Huling Na-update : 2025-02-12
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 30

    Lovebele “Pare,” nilahad ni Sir Daniel ang kamay niya kay Scott, ngunit napahiya sir Daniel. Hindi lang iyon pinansin ni attorney. Nimals hindi man lamang inabot ang kamay ni sir Daniel. Napaka sama ng ugali nitong attorney ano siya gold kung maka dedma sa kaibigan ko. “Ahm diyan na lang ako besh. Dito ka na umupo,” ani ko at tumayo tinutukoy ko ang p'westo ni Analisa, makikipagpalit sana ako ng upuan para tabi kami ni Sir Daniel. “Sit down, Belle!” may galit sa boses ni Scott, doon ako napalunok. Umupo na rin ito sa tabi ko kaya naman pakiramdam ko parang masikip na kaming apat sa table na ito. Tumingin pa si Analisa sa ‘kin binigyan ako ng babala na, manatili na lang daw ako sa pwesto ko at ‘wag ng komontra. Lihim akong napaigtad ng ipatong ni Scott ang braso nito sa balikat ko at pinisil iyon. Nanayo pa ang balahibo ko kasi bumaba ang mukha nito sa banda tainga ko at mayroon ibinulong. “Sinubukan mong lumipat doon sa tabi ng new found friend mo. Makikita mo Love, ang hin

    Huling Na-update : 2025-02-12
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 31

    Lovebele Mabilis akong pumasok sa loob ng CR ngunit hindi muna ako sa cubicle dumeresto. Sa harapan ng bathroom sink ako pumunta. Tinitigan ko ang mukha ko. “Woah!” napabuga ako ng hangin sa aking bibig dahil namumula ang mukha ko. Potek nakakahiya kung mayroon makakikita sa ginagawa ni Scott sa ilalim ng mesa. Biglang nagtaasan ang balahibo ko at nakiliti kapag naiisip ang daliri nito sumasagi sa singit ko. Napalunok ako uminit ang pakiramdam ko ng maalala ang mainit nitong haplos sa hita ko. Mariin kong ipinikit ang aking mata. Bwisit na attorney! May girlfriend na siya gusto pa akong idagdag sa listahan niya. OMG…ibig sabihin ba nito ng isinama ako ni Scott sa condo niya may nobya siya noon tapos sumiping pa siya sa ‘kin. Bwisit na ‘yan ginawa pa akong panakip butas ng attorney na ‘yan bakit ngayon ko lang kasi nalaman kakaurat. Argh Lovebele ang tanga mo bakit hindi ka naniniguro kung taken na si Attorney. Pero Teka lang. Ano ba ang inaarte ko customer ko naman ng ga

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 32

    Lovebele “M-mauna ka na may kukunin lang ako sa locker ko,” taboy ko kay Scott ng nasa labas na kami ng CR. Kumunot ang noo ni Scott humarap sa ‘kin. “No! Sasamahan kita—” “Ako na! Ahm, mabilis lang naman ako roon. Antayin mo na lang ako sa table namin ni Analisa,” giit ko sa kaniya. Subalit naging tabingi ang aking ngiti dahil naningkit ang mata ni Scott, ng timingin sa 'kin. Nahihiya kasi ako magsabi rito kung anong kukunin ko roon sa locker bakit ko siya pinauuna umalis. “Sasamahan na kita,” hindi nagbago na sagot ni Scott sa ‘kin. Tumikhim ako at sinilip ko siya. Nagtama ang aming mata tinaasan nito ako ng kilay na para bang sinasabi nito, sa ayaw at sa gusto ko sasama pa rin siya sa pupuntahan ko. “Okay fine! Mapilit ka e, wala naman akong pagpilian kung hindi pumayag!” binigyan ko pa ng inis ang aking boses baka sakaling makinig siya sa ‘kin at magbago isip pumayag sa gusto ko mauna siya sa ‘kin. “Ano ba kasi ang kailangan mo roon sa locker mo?” tinanong ako. “Hindi

    Huling Na-update : 2025-02-14
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 33

    Lovebele “Sir Daniel, magi-ingat po sa pag-uwi ha? Ayaw naming mawalan ng kaibigan sayang din po kasi malakas ka magbigay ng tip sa 'min ni Analisa," biniro ko siya bumungisngis tuloy ang kaibigan kong si Analisa sa reaksyon ni sir Daniel. “Awts! Medyo masakit iyon ha? Kaya naman pala dahil sa tip lang, kaya magiliw kayo sa ‘kin?” aniya kunwari nasaktan nakasapo sa dibdib niya. “Medyo lang naman po kaya oks lang siguro,” pambubuska ko ulit sa kaniya kalaunan natawa na lamang si sir Daniel, binuksan ang pinto sa driver seat pumasok na siya sa loob hindi nga lang nito iyon muna sinarado dahil nakipag-usap pa sa 'min ni Analisa. “Mas lasing nga ako noong una kong punta rito. Nakauwi naman ako sa bahay ko ng buo. Kaya p'wede n'yo na akong iwanan dito, lalo ka na Belle. Baka umusong na ilong ng boyfriend mo,” “Sige po sir Daniel,” tuluyang paalam namin ni Analisa. Subalit hindi pa kami tuluyang nakalalayo sa kaniya. Mayroon itong pahabol na sinabi sa 'min, na kinaawang ng labi nam

    Huling Na-update : 2025-02-17
  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 34

    Lovebele “Ay…S-Scott…” napatili ako ng hilahin ako nito sa kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya at mabilis n'yang pinatong ang magkabila n'yang kamay sa baywang ko. “Bitiw kasi, Scott! Madaling araw na matulog na tayo,” wika ko. “No! Gusto ko muna ng morning kiss,” ani pa nito't hindi nag-aksaya ng oras. Siniil ako ng halik. Matagal din ang halikan namin bago ako nito pakawalan. “Kumusta kayo rito?” tanong nito nakatitig sa mukha ko. “Ayos lang,” “Hindi naba kayo ginugolo ng Tiyahin mo?” Umiling ako. Hindi ko na lang sinabi ang nangyari noong nagpang-abot kami ni Tiya Lena sa kalsada. After all wala naman talagang obligasyon si Scott sa ‘ming magkakapatid. Kaya hindi ko na lang sasabihin sa kaniya. “Kung ginugulo ulit kayo. Just tell me okay? Ako na ang bahala sa lahat.” “Tahimik naman na. Kaya manahimik ka na rin,” ani ko kinahalakhak nito. “Love, ang sungit mo talaga. Mabuti na lang kahit nakasimangot at masungit ka. Ang ganda mo pa rin. Lalo pa nga gumaga

    Huling Na-update : 2025-02-23

Pinakabagong kabanata

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 72

    Belle “Analisa buntis ka!?” Labis ang aking pagtataka sa nakalarawan galit sa mukha ng kuya Daniel ko. Kung bakit naman ganoon ang react ni kuya sa kaibigan ko parang gustong tirisin kung sino man ang kaaway nito. Si Analisa naman sandaling nakitaan ko na kinakabahan ngunit mabilis lang din ito nakabawi. May lihim na bang unawaan ang kuya Daniel ko at ang bestfriend ko? Hmm, kaya ganun na lang ba ang reaksyon ni kuya pagkakita sa PT? “Kuya hindi ka nagsabi na pupunta ka?” tinaasan ko siya ng kilay. “Tsk! I texted you. Ikaw lang little sis ang hindi nagbabasa ng message,” tinatamad n'yang sagot sa akin. “Ahehe…oo nga naroon pala sa silid ang phone ko hindi pa ako sumilip simula kanina paggising ko.” “Alas diyes na ah! Ngayon ka lang ba nagising?” Ngumiti ako't tumango. Ngunit ng tumayo si Analisa hayun ulit si kuya Daniel badtrip na naman sa PT na hawak ng kaibigan ko. Bakit hindi kasi bitiwan aba'y hawak pa rin talaga walang balak magpaliwanag sa galit kong kuya Dani

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 71

    Belle “Love, papasok na ako,” paalam ni Scott kinabukasan. Papasok daw e, mahigpit pa rin nakayakap sa baywang ko. Tinulak ko hindi ako pinakawalan sa halip siniil ako ng halik sa labi ko. Ito rin ang unang tumapos nagkasya na lang na yakap ako at nakatitig siya sa ‘kin. Inirapan ko nakangisi lang talaga kahit masungit ako. “Alis na!” taboy ko sa kaniya kakamot na lang si Scott Miguel sa kilay niya napabumuntong hininga ito. Kasi naiinis ako sa hitsura ni Scott. “Palaging mainit ang ulo mo sa akin, love,” sabi pa niya matiim akong pinagmamasdan parang ang lalim ng iniisip. “Kasi papasok ka pa kaya tinataboy kita. Tanghali ka na gumising. Kanina pa si kuya nakaalis ikaw narito pa,” “May nabuo na ba tayo, mmm? Kaya palaging mainit ang ulo mo sa akin?” nakangisi niyang tanong. Naningkit ang mata ko kaya tumawa ito hinalikan ako sa noo ko. “Aalis na ako. I love you, love,” bulong niya pagkatapos humalik din sa pisngi ko. “I love you too, attorney,” sagot ko kumislap ang mata ni

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 70

    Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 69

    Belle "Dahil diyan besh, siguro naman pwede na tayong kumain. Gutom na ako. Isa pa talaga bang dito na lang tayo sa pinto?" sumabat si Analisa at doon lang din namin naalala hindi nga kami nakaalis sa pinto. Nagkatawanan kaming lahat. Tawa na puno ng saya. "Yes! Makakakain na rin ng unlimited cake," pumalpak si Bebeng ng buksan nila Scott ang tatlong cake. Kasi ang hawak ni Jaya. Galing daw iyon kay kuya Daniel. Iba rin kay Scott at kay Analisa. "Jaya ikaw na ang mag-umpisa kumanta." Utos ni Analisa. "Sure ate Lisa," wika ni Jaya nag-umpisa ng kumanta. Sumabay ang lahat. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday ate, Belle. Dali ate Love. Blow the candle na and make a wish na,” sabi ng kapatid kong si Jaya na may hawak na rectangular chocolate cake. Umuulan ng cake. Natakam ako lahat kasi ay favorite ko. Pumikit ako. Isa lang naman ang hiling ko. Kung nasaan sina mommy ngayon sana nakikisaya rin sila sa okasyon na ito

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 68

    Belle Nang ilang sandali kaming magkayakap ni Scott Miguel. Kumalas ako sa kaniya upang balita ko sa kuya Daniel na wala na akong amnesia. “Bakit?” tanong pa ni Scott ngunit umiling ako at humarap sa kuya Daniel ko. “Kuya Daniel,” anang ko namula agad ang mata ko dahil sa guilty sa katigasan ng ulo ko. Kumunot ang noo nila pareho ni Scott Miguel. Noon si Kuya Daniel lang ang tagapagtanggol ko ngayon ay dalawa na sila ni Scott Miguel, kaya sobra akong natutuwa. Sa mommy at daddy lang namin ni kuya Daniel ako nalungkot. Kasi ngayon dapat makakasama ko na sila ngunit wala na akong naabutan. “Bakit gan'yan ang reaksyon mo sis? Ayaw mo ba sa sorpresa na ito?” aniya ay tila bang na stress ang kuya ko. Kasi nga naman paiyak na ako ngayon ng sumagi sa isip ko ang mabait naming magulang. Tumulo na pala ang luha ko naulinigan ko pareho sila napamura ni Scott Miguel at kuya Daniel. "Shit!" Sinamaan ng tingin ni kuya Daniel si Scott Miguel. Talagang sa paraan ng titig nito sa boy

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   Chapter 67

    Belle Naalala ko na ang nangyari noon. Dahil sa pagpigil ko na makidnap iyong batang nakita ko roon sa parking lot. Pati ako ay nadamay. Na-guilty ako sa pangungulila ni kuya sa ‘kin lalo na sinisi nito ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Isang sindikato ang napuntahan ko. May clinic sa loob ng warehouse na nagbebenta ng organ sa mga nangangailangan pasyente sa ospital. Lahat ng mga batang nakukuha nila inaalisan ng organ pagkatapos pinapatay at doon din sa warehouse na iyon nililibing. Illegal ang operation ng clinic na iyon. Sana malaman ng awtoridad ang illegal na operation ng clinic. Upang managot sa batas ang walang pusong nagpapatakbo noon. Kawawa ang mga magulang ng mga batang nawawala. Hindi na kailanman makababalik sa nanngungulilang pamilya. Nag-unahan tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang linggo akong umiiyak gaya sa mga batang kasama ko. Sa pinagdaanan ko sa nakaraan. Buti na lang nakatakas ako dapat ako na ang nakatakdang isalang kinabukasan para kunin ang orga

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 66

    Belle Flashback…. “Bunso ‘wag na ‘wag kang bababa rito ha? Mabilis lang ako sa loob ng grocery store.” “Opo kuya,” nakangiti kong sabi nagba-bye pa ako ng kamay ko pagkatapos umayos ng upo. “Good!” tugon nito pagkatapos lumabas na ng kotse. Sampung minuto pa si kuya nakaalis ng may nakita akong batang lalaki kinakaladkad at pilit na isinasakay sa kotse. Maganda ang suot ng batang lalaki. Hala! Nanlaki ang mata ko. Sabi ng mommy ko marami ngayon pakalat-kalat na masasamang tao kaya magi-ingat daw ako. Pero kawawa naman iyong bata kapag hindi ko tutulungan. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may p'wedeng hingian ng tulong habang hindi pa tuluyang naisakay ang bata sa nakaabang na van. Wala akong makita ni isa. Galing naman tumiming nitong kidnaper walang dumadating na sasakyan ngayon dito sa parking lot. Naawa ako sa batang lalaki kasi umiiyak hinahanap ang mommy nito. Paano kaya ito nakuha ng mga kidnaper bakit pinabayaan ng mommy niya. O baka hinahanap na ito nalig

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 65

    Belle "Ate Belle, pwede rin po ako pumunta kay ate Jaya, sa bakery?" naulinigan ko tanong ni Bebeng. Lumundo ang kama sa gilid ko umupo siguro ang kapatid ko. Ha? Anong oras na kaya? Hindi na ako gaano'n inaantok pero ayaw ko lang dumilat at bumangon. Nitong dalawang araw. Napansin ko mas gusto kong matulog at humilita na lang. Kaya nga hapon na ako nagtutungo ng bakery kalimitan alas-dos na ng hapon. "Sige na ate Belle. Babalik din agad ako," paalam nito kaya tumango ako. Panahon na siguro masanay sila sa bakery para katuwang ko mapalago ang maliit naming negosyo kapag hindi ko kaya pumunta roon. "Basta sa kakilalang tricycle ka sumakay ha? I-text mo sa 'kin kapag naroon ka na," bilin ko sa kaniya. "Yes! The best ka talagang ate. Love po kita mwahhh...." niyakap ako sa leeg hinalikan sa magkabila kong pisngi. "Galing ng convincing power ah," anang ko. Pero masaya ako kasi ang lambing talaga ni Bebeng. Well pareho naman sila ni Jaya. Mas malambing nga lang si Bebeng kaysa

  • Attorney Scott's Sweetest Downfall (SPG)   CHAPTER 64

    Belle Nang makarating kami ni sir Daniel sa apartment. Nag-effort pa rin akong i-text si Scott Miguel. Ako: nakauwi ako ng ligtas. Nasa apartment na ako. Text mo ako kapag nakauwi ka na rin sa condo unit mo. Ako: Scott, sorry sa nasabi ko kanina. Gulong-gulo lang ang isip ko. Hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo dahil mahal na mahal kita. Nag-antay ako ng reply nito kung sasagot agad si Scott. Nang wala pa. Inilapag ko na muna ang cellphone ko sa sofa. Lumingon ako sa kuya Daniel ko. Napangiti ako ng lihim ko s'yang tawagin ng kuya Daniel ko. Kasi para bang sanay na sanay akong tawagin siyang kuya. Mabait kaya itong kuya? Sa layo kasi ng agwat ng edad namin ni kuya Daniel. Siguro madalas kaming mag-away. Hindi magkasundo lalo pa babae ako magkaiba kami ng hilig. “Gusto mong kape?” tanong ko sa kaniya itinuro ko ang maliit naming sofa. Umiling ito umupo pagkatapos sa akin na nakatitig lang. “Bakit?” nakataas kilay na tanong ko sa kaniya nagpamaywang pa ako ngumiti lang i

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status