Happy Valentine's day po mga labs readers ❤️
Lovebele “Sir Daniel, magi-ingat po sa pag-uwi ha? Ayaw naming mawalan ng kaibigan sayang din po kasi malakas ka magbigay ng tip sa 'min ni Analisa," biniro ko siya bumungisngis tuloy ang kaibigan kong si Analisa sa reaksyon ni sir Daniel. “Awts! Medyo masakit iyon ha? Kaya naman pala dahil sa tip lang, kaya magiliw kayo sa ‘kin?” aniya kunwari nasaktan nakasapo sa dibdib niya. “Medyo lang naman po kaya oks lang siguro,” pambubuska ko ulit sa kaniya kalaunan natawa na lamang si sir Daniel, binuksan ang pinto sa driver seat pumasok na siya sa loob hindi nga lang nito iyon muna sinarado dahil nakipag-usap pa sa 'min ni Analisa. “Mas lasing nga ako noong una kong punta rito. Nakauwi naman ako sa bahay ko ng buo. Kaya p'wede n'yo na akong iwanan dito, lalo ka na Belle. Baka umusong na ilong ng boyfriend mo,” “Sige po sir Daniel,” tuluyang paalam namin ni Analisa. Subalit hindi pa kami tuluyang nakalalayo sa kaniya. Mayroon itong pahabol na sinabi sa 'min, na kinaawang ng labi nam
Lovebele “Ay…S-Scott…” napatili ako ng hilahin ako nito sa kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya at mabilis n'yang pinatong ang magkabila n'yang kamay sa baywang ko. “Bitiw kasi, Scott! Madaling araw na matulog na tayo,” wika ko. “No! Gusto ko muna ng morning kiss,” ani pa nito't hindi nag-aksaya ng oras. Siniil ako ng halik. Matagal din ang halikan namin bago ako nito pakawalan. “Kumusta kayo rito?” tanong nito nakatitig sa mukha ko. “Ayos lang,” “Hindi naba kayo ginugolo ng Tiyahin mo?” Umiling ako. Hindi ko na lang sinabi ang nangyari noong nagpang-abot kami ni Tiya Lena sa kalsada. After all wala naman talagang obligasyon si Scott sa ‘ming magkakapatid. Kaya hindi ko na lang sasabihin sa kaniya. “Kung ginugulo ulit kayo. Just tell me okay? Ako na ang bahala sa lahat.” “Tahimik naman na. Kaya manahimik ka na rin,” ani ko kinahalakhak nito. “Love, ang sungit mo talaga. Mabuti na lang kahit nakasimangot at masungit ka. Ang ganda mo pa rin. Lalo pa nga gumaga
Lovebele Saktong alas-tres ng hapon. Dumating si Scott sa apartment ko. Nakabihis na rin ako kaya nakaalis din agad kami pagdating niya sa apartment ko. Sa gitna ng biyahe hindi ko maiwasan mag-isip ng negatibong bagay. Iniisip ko lang kung alam ba ng mga kaibigan ni Scott na isa lamang akong hamak na dancer sa club. Umaasa sa tip na makukuha galing sa mga customer ko. Gusto ko sanang itanong kay Scott kung alam ba ng mga asawa ng kaibigan niya kung anong trabaho ko? Ito ang bumabagabag sa ‘kin pagsakay ko lang sa kotse niya. Parang mali pa yata pumayag akong sumama ngayon sa kaniya. Ito tuloy nahihiya akong humarap sa mga asawa ng mga kaibigan ni Scott. Narinig ko bumuntonghininga si Scott kaya pumaling ako ng tingin sa kaniya nagtatanong ang aking mata. Nagtaka ako ng alisin nito ang isang kamay na nasa manibela. Kaya naman pala kukunin niya ang kamay ko pinag salikop niyon ni Scott. “Hey, bakit ang lamig ng kamay mo?” wika nito kumunot pa ang noo. Big deal ba iyon sa kaniy
Lovebele Ipinakilala ako ni Scott sa dalawa n'yang kaibigan naabutan namin sa table. Dumating na rin si Callum, bumalik sa upuan nito. May karugtong ng isang table dalawang magandang babae ang nakaupo. Nakangiti ito sa ‘kin at kinawayan ako kahit mga tatlong lalad lang naman upuan na nila. Si Tristan at Jerone. Halos wala ring tulak kabigin kagaya kay Scott at Callum. Sana all na lang may tropang ganitong lubos na pinagpala. Lahat nasalo ng apat ang magandang lalaki kasama na ang pera ng magpasabog ng swerte ang Diyos. Ang g’wapo kasi nila walang babaeng hindi mapapatingin sa apat na ito. “Belle! Dito ka iwanan mo na iyang mga pangit d'yan,” sabi ng dalawang babae. “Pangit ka raw dude sabi ng Misis mo,” anang Scott, sinamaan siya ng tingin nito. “Love, siya si Tristan. At ‘yang nagsalitang babae. Siya si Russell. Dating singer 'yan," Kumaway ako kasi nasa tabi pa ako ni Scott ayaw pa akong bitiwan magkasalikop pa ang kamay naming dalawa. “Iyong katabi ni Russell. Siya na
BelleNang sumapit ang alas-sais ng gabi umuwi na rin kami ni Scott. Nakainom na ito kaya panay ko lingon dito kung okay pa ba ito. Kasi nag-aalala ako sa kanya baka magkamali ito sa manibela. Madisgrasya pa kami.Halata nga may tama na kasi namumula pa ang pisngi nito dahil sa alak na nainom. Dagdagan pa ang puti naman kasi ni Scott, baliktad nga kami mas maputi pa ito kaysa ‘kin.Pinasadahan ko siya ng tingin namula ang pisngi ko ng bumaba pa ang tingin ko sa hita niya agad akong nag-iwas ng tingin lalo na saktong lumingon sa ‘kin si Scott nakangisi.Kay galing tumiming aba. Alam kung kailan ako mahuhuli sa akto.“Kapag hindi mo iyan tigilan. Liliko tayo sa condo unit ko I'll swear uungol ka magdamag,” banta nito ngunit naging excited ang dating noon sa 'kin.Ang shunga ko ginatunagan ko pa si Scott. Ngumisi ako ng pilya sa kaniya. “Bakit hindi natin subukan,” bulong ko.“Lovebele,” nakita kong umigting ang panga kahit pa ito ay naka sideview.Mahina akong tumawa ng mapamura ito.
Belle Nakatulog ako nang humupa ang init na aming pinagsaluhan ni Scott. Tatlong beses akong inangkin ni Scott kaya napagod ako ng husto. Hindi ko na alam kung inayos niya ang higa ko dahil inantok agad ako nasa ibabaw ko pa ito. Pagkatapos kasi ng isa sa kaniyang sala. Lumapit kami dito sa k'warto at dalawang beses kami nagtatampisaw sa malaparasong langit. Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Nakaunan pala ako sa braso ni Scott. Habang nakalapat ang kamay ko sa matigas niyang dibdib. Nakasiksik ako sa kili-kili niya pero ang bango nito kahit wala naman nilalagay na deodorant sa underarm niya. Ramdam ko ang ginaw ng buga ng aircon sa loob ng kuwarto dahil wala pa yata akong saplot. Sinilip ko upang kompermahin kong tama ang aking iniisip. Wala kaming pareho damit ni Scott. Napangiwi ako ng mabigat ang mga hita ko. Umangat ako ng tingin upang silipin kung tulog si Scott dahil tahimik naman. Nakapikit ito ewan kong mahimbing ang tulog nito. Pero kung pagbabasehan ko ang
LovebeleSa condo unit nga kami ni Scott natulog. Binabagtas na namin pauwi sa apartment ko. Panigurado hindi ko maabutan ang dalawa kong kapatid nasa school na pareho kapag ganitong oras.Tinanghali ako ng gising at kung hindi pa nga ako ginising ni Scott. Nakahilata pa ako hanggang ngayon sa k’warto niya. Naulit kasi ang aming pagtatalik pagkatapos magkaaminan ng damdamin sa isa't isa.Tumingin ako kay Scott. Tumikhim ito ramdam siguro niya ang aking paninitig sa kaniya. Urong sulong kasi ako sa pagsasabi na magbubukas na ako ng maliit kong bakery. Nahihiya ako kasi noon a-ayaw ayaw ako ng alukin niya ng matinong trabaho.Ngayon na totoo ko na siyang boyfriend gusto ko alam din niya ang tungkol sa bakery ko.“Kinakabahan ako love, kanina ka pa sulyap nang sulyap sa ‘kin, why?” saad nito saglit akong tiningnan.“May good news kasi ako sa ‘yo,”“Kung good news? Gusto ko 'yan. Akala ko masakit ang ibabalita mo sa ‘kin ngayon. I now feel relieved."“May bubuksan na akong business maliit
BelleBumalik si Scott na tatlong gallon ang dalang ice cream. Mayroon pang tatlong malaking size ng cadbury chocolate. Nang maayos na siyang nakaupo loob ng kotse inaabot ang tatlong chocolate sa 'kin.“Thank you rito. Bakit may pa chocolate pa?” tanong ko sa kaniya.“Bawal bang bigyan ng chocolate ang girlfriend ko?” balik lang na tanong nito sa 'kin.“Hindi naman baka masanay ako niyan bahala ka. Araw-araw ako hihingi sa 'yo,"“Okay lang gusto ko rin naman spoiled sa 'kin ang girlfriend ko. Kung nagustuhan mo. Araw-araw kang may delivery niyan.”“Biro ko lang iyan ‘wag mong seryosohin. Tumingin ako sa ice cream. Ang dami mong binili niyan. Kahit isa lang okay na Scott,"“Hindi na baleng sobra h'wag lang magkulang. Tara na baka matunaw kung magtatalo pa tayo sa binili ko.”Malapit na lang kasi sa M. Dela Cruz sa Alpha mart kaya fifteen minutes nakarating na kami sa apartment."Maupo ka muna Scott. IIalagay ko lang sa freezer ito baka malusaw," ani ko nginuso ko ang maliit naming so
Belle Nang sumapit ang alas-nueve ng gabi. Nagpaalam na si Analisa at Nanay niya na uuwi sa bahay nila. Papasok pa pala si Analisa sa Elite, nagpaalam lang kay Mamasang na ten pm na siya papasok pinayagan naman siya ni Mamasang. “Kuya! Ihatid mo si Analisa at Nanay," anang ko tumayo naman din agad si kuya Daniel. “Hindi na besh. Kasama ko naman si Nanay ah,” “Luh! Hindi naman sa bahay n'yo. Sa Elite club. Bakit umiiwas ka yata Analisa? Hmm, dati rati friendship kayo niyan ni kuya Daniel,” paalala ko baka lang nagka amnesia rin ang bestfriend ko hindi na naalala si kuya Daniel. “Taxi naman ako ayos lang. Nag-uusap pa kayo—” “Hindi! Ipahahatid kita para hindi ka na mahirapan mag-abang ng taxi. Tumingin ako sa kuya Daniel. “Kuya ihatid mo hanggang sa Elite club ha? Sa bahay muna nila at antayin mo na lang,” “Okay sis. Babalik ako mamaya rito ako matutulog ngunit mamaya na pagka out ni Analisa.” “Baka kuya tulog na kami niyan. Ito susi ko pumasok ka na lang pagdating mo. Di
Belle "Dahil diyan besh, siguro naman pwede na tayong kumain. Gutom na ako. Isa pa talaga bang dito na lang tayo sa pinto?" sumabat si Analisa at doon lang din namin naalala hindi nga kami nakaalis sa pinto. Nagkatawanan kaming lahat. Tawa na puno ng saya. "Yes! Makakakain na rin ng unlimited cake," pumalpak si Bebeng ng buksan nila Scott ang tatlong cake. Kasi ang hawak ni Jaya. Galing daw iyon kay kuya Daniel. Iba rin kay Scott at kay Analisa. "Jaya ikaw na ang mag-umpisa kumanta." Utos ni Analisa. "Sure ate Lisa," wika ni Jaya nag-umpisa ng kumanta. Sumabay ang lahat. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday ate, Belle. Dali ate Love. Blow the candle na and make a wish na,” sabi ng kapatid kong si Jaya na may hawak na rectangular chocolate cake. Umuulan ng cake. Natakam ako lahat kasi ay favorite ko. Pumikit ako. Isa lang naman ang hiling ko. Kung nasaan sina mommy ngayon sana nakikisaya rin sila sa okasyon na ito
Belle Nang ilang sandali kaming magkayakap ni Scott Miguel. Kumalas ako sa kaniya upang balita ko sa kuya Daniel na wala na akong amnesia. “Bakit?” tanong pa ni Scott ngunit umiling ako at humarap sa kuya Daniel ko. “Kuya Daniel,” anang ko namula agad ang mata ko dahil sa guilty sa katigasan ng ulo ko. Kumunot ang noo nila pareho ni Scott Miguel. Noon si Kuya Daniel lang ang tagapagtanggol ko ngayon ay dalawa na sila ni Scott Miguel, kaya sobra akong natutuwa. Sa mommy at daddy lang namin ni kuya Daniel ako nalungkot. Kasi ngayon dapat makakasama ko na sila ngunit wala na akong naabutan. “Bakit gan'yan ang reaksyon mo sis? Ayaw mo ba sa sorpresa na ito?” aniya ay tila bang na stress ang kuya ko. Kasi nga naman paiyak na ako ngayon ng sumagi sa isip ko ang mabait naming magulang. Tumulo na pala ang luha ko naulinigan ko pareho sila napamura ni Scott Miguel at kuya Daniel. "Shit!" Sinamaan ng tingin ni kuya Daniel si Scott Miguel. Talagang sa paraan ng titig nito sa boy
Belle Naalala ko na ang nangyari noon. Dahil sa pagpigil ko na makidnap iyong batang nakita ko roon sa parking lot. Pati ako ay nadamay. Na-guilty ako sa pangungulila ni kuya sa ‘kin lalo na sinisi nito ang sarili niya dahil sa pagkawala ko. Isang sindikato ang napuntahan ko. May clinic sa loob ng warehouse na nagbebenta ng organ sa mga nangangailangan pasyente sa ospital. Lahat ng mga batang nakukuha nila inaalisan ng organ pagkatapos pinapatay at doon din sa warehouse na iyon nililibing. Illegal ang operation ng clinic na iyon. Sana malaman ng awtoridad ang illegal na operation ng clinic. Upang managot sa batas ang walang pusong nagpapatakbo noon. Kawawa ang mga magulang ng mga batang nawawala. Hindi na kailanman makababalik sa nanngungulilang pamilya. Nag-unahan tumulo ang luha sa pisngi ko. Isang linggo akong umiiyak gaya sa mga batang kasama ko. Sa pinagdaanan ko sa nakaraan. Buti na lang nakatakas ako dapat ako na ang nakatakdang isalang kinabukasan para kunin ang orga
Belle Flashback…. “Bunso ‘wag na ‘wag kang bababa rito ha? Mabilis lang ako sa loob ng grocery store.” “Opo kuya,” nakangiti kong sabi nagba-bye pa ako ng kamay ko pagkatapos umayos ng upo. “Good!” tugon nito pagkatapos lumabas na ng kotse. Sampung minuto pa si kuya nakaalis ng may nakita akong batang lalaki kinakaladkad at pilit na isinasakay sa kotse. Maganda ang suot ng batang lalaki. Hala! Nanlaki ang mata ko. Sabi ng mommy ko marami ngayon pakalat-kalat na masasamang tao kaya magi-ingat daw ako. Pero kawawa naman iyong bata kapag hindi ko tutulungan. Nagpalinga-linga ako sa paligid baka may p'wedeng hingian ng tulong habang hindi pa tuluyang naisakay ang bata sa nakaabang na van. Wala akong makita ni isa. Galing naman tumiming nitong kidnaper walang dumadating na sasakyan ngayon dito sa parking lot. Naawa ako sa batang lalaki kasi umiiyak hinahanap ang mommy nito. Paano kaya ito nakuha ng mga kidnaper bakit pinabayaan ng mommy niya. O baka hinahanap na ito nalig
Belle "Ate Belle, pwede rin po ako pumunta kay ate Jaya, sa bakery?" naulinigan ko tanong ni Bebeng. Lumundo ang kama sa gilid ko umupo siguro ang kapatid ko. Ha? Anong oras na kaya? Hindi na ako gaano'n inaantok pero ayaw ko lang dumilat at bumangon. Nitong dalawang araw. Napansin ko mas gusto kong matulog at humilita na lang. Kaya nga hapon na ako nagtutungo ng bakery kalimitan alas-dos na ng hapon. "Sige na ate Belle. Babalik din agad ako," paalam nito kaya tumango ako. Panahon na siguro masanay sila sa bakery para katuwang ko mapalago ang maliit naming negosyo kapag hindi ko kaya pumunta roon. "Basta sa kakilalang tricycle ka sumakay ha? I-text mo sa 'kin kapag naroon ka na," bilin ko sa kaniya. "Yes! The best ka talagang ate. Love po kita mwahhh...." niyakap ako sa leeg hinalikan sa magkabila kong pisngi. "Galing ng convincing power ah," anang ko. Pero masaya ako kasi ang lambing talaga ni Bebeng. Well pareho naman sila ni Jaya. Mas malambing nga lang si Bebeng kaysa
Belle Nang makarating kami ni sir Daniel sa apartment. Nag-effort pa rin akong i-text si Scott Miguel. Ako: nakauwi ako ng ligtas. Nasa apartment na ako. Text mo ako kapag nakauwi ka na rin sa condo unit mo. Ako: Scott, sorry sa nasabi ko kanina. Gulong-gulo lang ang isip ko. Hindi ko talaga kayang maghiwalay tayo dahil mahal na mahal kita. Nag-antay ako ng reply nito kung sasagot agad si Scott. Nang wala pa. Inilapag ko na muna ang cellphone ko sa sofa. Lumingon ako sa kuya Daniel ko. Napangiti ako ng lihim ko s'yang tawagin ng kuya Daniel ko. Kasi para bang sanay na sanay akong tawagin siyang kuya. Mabait kaya itong kuya? Sa layo kasi ng agwat ng edad namin ni kuya Daniel. Siguro madalas kaming mag-away. Hindi magkasundo lalo pa babae ako magkaiba kami ng hilig. “Gusto mong kape?” tanong ko sa kaniya itinuro ko ang maliit naming sofa. Umiling ito umupo pagkatapos sa akin na nakatitig lang. “Bakit?” nakataas kilay na tanong ko sa kaniya nagpamaywang pa ako ngumiti lang i
Belle Naging tahimik kami ni Scott ng pabalik sa table ng magulang niya. Ngunit ng makarating kami sa table ng magulang niya ngumiti na ako. Pinasadahan ako ng tingin ng mommy ni Scott, ngumiti pa rin ako kahit feeling ko tinaasan nito ako ng kilay. “Daddy, ihahatid ko lang po si Belle. Sumama ang pakiramdam niya,” iyon agad ang sinabi ni Scott sa daddy niya. “Anak party ng dad mo aalis ka na agad?” sumagot si Tita Mabel tila dismayado pagkatapos sa akin tumingin napalunok ako kaya pinilit ko maging kalmado. “Hindi po ako ihahatid ni Scott. Diba? Tumingin ako sa kaniya. Hanggang sa parking lot lang po. May susundo po sa akin kapatid ko po,” tugon ko kaya tumango si Tito Edward ngunit hindi si tita Mabel. “Sure ka ba hija okay ka lang? Maiintindihan ko kung ihahatid ka hanggang sa bahay n'yo ng anak ko—” “Edward! Sinabi na nga ni Belle, susunduin ng kapatid bakit ihahatid pa ng anak mo. Isa pa hindi pa tapos ang party mo. Hindi pa nga nakikita iyan ng ibang bisita kasi naka
Belle Nakangiti ako habang pinanood si Scott, siya kasi ang unang hiningian ng speech noong emcee, ng birthday message para sa daddy niya. Seryoso din akong nagbi-video sa kaniya. Pangalawa ang Tito Edward. Ang galing nitong speaker. Hindi nakakaantok kasi may kasamang biro ang atake nito. Natapos ang Tito Edward si Tita Mabel naman ang huli. Kahit na inaaway ako ni Tita Mabel. Kinukuhaan ko pa rin siya ng video. Sa kalagitnaan ng speech nito. Napasinghap ako. “Isa rin itong pagkakataon para ipaalam ko sa lahat, ang nalalapit na pagpapakasal ng nag-iisa naming anak na si Scott Miguel Stewart. Sa anak nina attorney Carlos at doktora Michelle, walang iba si doktora Abril.” Masigabong palakpakan ang nangingibabaw sa buong venue sa announcement na iyon ni Mrs. Stewart. May humiling pa na mga bisita kung maari daw paakyatin sa stage si Abril. Napatingin ako kay Scott. Nakita ko gustong iwanan ang magulang niya sa taas umiling ako. “I'm sorry. Inihatid muna pauwi ng anak ko, dahil m