Lovebele “Saan tayo mga magandang binibini?” tinanong kami ni Scott, ng maayos na kaming nakaupo ni Analisa sa loob ng kotse niya. Si Analisa nasa backseat ako sa tabi niya pinaupo. Nakatatlo nga itong pakiusap sa ‘kin. Pinagbigyan ko na para hindi na kami magtalo lalo na ang bestfriend ko na binigyan ako ng babala. Pumayag na raw ako para makabalik agad kami. Ang hilig ko raw magmatigas sa nagmamagandang loob na nga ang bagong new friend n'yang si Scott. “Sa pangalawang kanto tayo liko ka r’yan, attorney. Diyan lilipat ang bestfriend ko,” si Analisa ang sumagot kay Scott. Ito naman talaga ang kanina pa panay sagot kay Scott kahit ako ang tinanong nito. “Thank you, Analisa. Mabuti ka pa kinakausap ako pero ang kasama natin wala talaga. Masungit pala ano? Malapit ko na isipin may gusto siya sa ‘kin kaya nga lang dinadaan sa pagsusungit kuno para mapansin ko,” parang shunga tahasang parinig ni Scott sa akin. “Tss! Guwapong-guwapo ka attorney?” ismid ko pa rito kaya lang hindi
Lovebele “Nakulong kasi si Tatay kaya hindi siya natuloy mag-abroad,” sabi ko kay Scott dahil ayaw niya akong tigilan ng tingin. Binigyan ko pa ng matinding irap dahil hanggang ngayon nakatingin pa rin siya sa 'kin. Para bang in-exam-in niya ako kung totoo ang sinasabi ko base sa nakikita ko sa mata ni Scott. “Anong problema mo kung nakulong? Ngayon na alam mo nakulong ang Tatay ko, siguro naman lalayo ka na. Galit na galit ako noon. Dahil hindi nabigyan ng tamang hustisya si Tatay. Wala eh, ganun talaga dahil free lawyer lang ang nakuha namin para magtanggol sa kaniya. Dahil wala naman akong kakayahan noong magbayad kasi bata pa ako noon.” Natigilan si Scott ng sabihin ko iyon. Ngumiti ako sa kaniya upang hindi ako magmukhang hindi ako bitter. “Scott Miguel. Anong ginagawa mo bakit ganiyan ang reaksyon mo?” Umiling ito hinilot ang ilong niya. “Hindi ako nagbibiro ‘no. Nakulong si Tatay. Alam mo iyon. Ang malas talaga naming mahirap. Dahil nagkaroon pa ng riot sa correct
Lovebele “Besh, sure ka talaga kaya mo na magtrabaho?” tanong ni Analisa sa ‘kin ng nasa dressing room ako nag-aayos ng sarili ko. Tipid na tango lang ang isinagot ko sa kaniya. Mabuti hindi naman na ulit nagsalita si Analisa. Nakikita ko si Analisa sa harapan ko dahil salamin ito. Nakahalukipkip ang bestfriend ko parang nakatatanda kong kapatid kung bigyan ako ng sermon. Nabingi na nga ako. Sa jeep pa kanina patungo rito. Panay check sa ‘kin kung kaya ko na raw ba? Pagkatapos hihinga ng malalim kapag sinabi ko sa kaniya ayos lang ako Nagpahid ako ng lipstick. Nakatingin ito sa ‘kin. Bumuntonghininga dahil hindi ko siya pinansin ni isang sagot hindi ako sumagot. Kung hindi siguro ako nito bestfriend nilayasan na nito ako o baka sinakal na ako nito dahil para akong naputulan ng dila sa pangde-dedma sa kaniya. “Ikaw na ang babaeng manhid at matigas ang pabungo. At ano ito Lovebele. Bakit tumawag si Scott, sa ‘kin. Ignore mo raw ang mga tawag at text niya sa ‘yo kahapon pa.
Lovebele “Belle!” 'I miss you, Belle! Please pa table ka naman dito. Kanina pa ako atat na mahawakan ka.' 'Belle, akin ka na lang please....ang ganda at sexy mo, nakakabaliw,' Mga iilan lang na medyo bastos na customer. Sanay na ako marinig dito sa mga lalaki mga customer. Na master ko na ang salitang 'dedma' kapag narinig ko ang bastos na salita ng mga ito. Ngumisi ako ng nakakaakit sa table number 4 kahit gusto kong irapan para kasing mga asong nauulol habang nakatingin sa katawan ko kapag gigiling ako. Lingid sa akin kaalaman dumating si Scott. Pumuwesto malapit sa mga manyakis na kanina pa sigaw nang sigaw gusto raw akong matikman. Napalimos sa mukha niya si Scott habang lalo kong nilagyan ng harot ang sayaw ko. ‘Magkano ang isang gabi mo Belle, bibilhin ko mahimas ko lang ang malusog mong sus*’ Pak! Malakas na sapak ang pinadapo ni Scott Miguel sa lalakimg nagsalita. Kumasa ang kasama nitong tatlo. Nag-amok. Hindi naman tinamaan si Scott ng suntok, siguro dahil
Lovebele Bago pa ako makarating sa pinto ng office ni Mamasang. Lumabas na si Scott Miguel galing sa loob. Natigilan ito kaya tumigil sa pinto pagkakita sa ‘kin at walang emosyon sa mata nito pinasadahan ako ng tingin. Alanganin ako kung anong ire-react ko sa kanya. Nagpasya akong ngumiti ngunit hindi niyon tinugon ni Scott kaya napayuko ako sa hiya. Ano ba ang aasahan ko masaya pa ito pagkatapos ko kanina pagsalitan ng hindi kaaya ayang salita. Alangan matuwa pa si Scott sa ‘kin. Sino ba naman ako para pagtiyagaan nito ng oras. Napagtanto nga siguro ni Scott, walang katuturan na pag-aksayahan nito ako ng atensyon ngayon narealize na niya. Nanliliit ako sa aking sarili lalo na roon sa sinabi ng mga customer sa club. Ganito ba talaga ka unfair ng mundo? Bakit? E, gusto ko lang naman kumita para sa dalawa kong kapatid. Kaya kahit hindi ko masikmura ang salitang marinig galing sa mga pumapasok na customer ng Elite club. Pilit kong lulunukin para sa maginhawang buhay para sa dalaw
Lovebele “Kumusta naman ang pag-uusap. Nakita ko si hottorney umuwi na. Hindi ba kayo nagpang-abot sa loob ng office ni, Mamasang?” inulan agad ako ng tanong ni Analisa pagdating ko sa p'westo niya. Umiling ako. Umupo sa kaniyang tabi. Wala yatang customer si Analisa kasi mag-isa lang siya sa table niya. “Ikaw lang solo mo rito?” tanong ko pa sa kaniya. Kasi may apat na empty bottles ng San Mig light sa harapan ni Analisa. Sa kabila naman may beer mga anim na iyon pero iyong pang-amin ay hindi pa ubos ang laman. “Marami ka ng nainom ah. Ang tibay ng beshy ko, huh?” biro ko tinutukoy mga bote sa table na walang laman. “May ka-table ako nag-restroom lang. Mabuti nga dahil makulit daming tanong. Pero kerebels lang dinaan ko na lang sa tawa at tango,” wika pa nito sabay bumungisngis. Ganito rin ginagawa ko kapag ka table ko makulit. “Nag-usap na kayo ni Mamasang? Si hottorney anong sabi?” Tumango ako at umiling. Kasi dalawa ang tanong niya bahala na siya alin ang akma sa sagot
Lovebele Pagbalik ko sa table ni Analisa. May kasama na ito. Nagulat na lang ako ng hindi gaano'n katandaan ang customer ni Analisa at medyo rin may itsura. Pinasama na nila ako sa table. Mukhang mabait naman kaya pumayag ako. “Lisa, kanina pa tayo nag-uusap hindi ko pa naibigay ang pangalan ko. Ako nga pala si Daniel,” pakilala n'ya sa ‘min. “Daniel? As in Daniel Padilla?” biro ni Analisa sa kaniya. Natawa ito nakitawa na rin kami. “Daniel Argilas…e,itong kaibigan mo?” “Belle,” ako na ang nagpakilala sa kaniya. Naging dalawa na kami. Okay naman kausap ang ka table ni Analisa. Madaldal nga lang tama si Analisa tango na lang nakikinig sa mga kwento nito. Katulad na lang ngayon. May offer na trabaho. Naalala ko tuloy si Scott pilit ko na lang iyon inalis sa ‘kin isip. Nagtataka lang ako. Si Sir Daniel ang nag-alok ng trabaho. Pero hindi ako naiinis. Ako na rin ang sumagot customer kasi kaya gano'n. “Mabibigyan ko kayo ng trabaho. Kasi tingin ko sa inyo mabait kayong mag
Lovebele After one month.....Alas-sais pa gising na ako't nakabihis na ng pang-alis. Ang dalawa kong kapatid nakanganga pa sa higaan ng tingnan ko parang mamayang tanghali pa gigising ang dalawa. Kasi ganito sila kapag walang pasok sa school nila.Sabado naman kasi ngayon at walang pasok kaya hinayaan ko na makatulog si Bebeng at Jaya ng mahaba-habang oras. Kapag kasi mayroon pasok. Maaga naman ang dalawa kung gumising bumawi lang sila kapag walang pasok.Ako rin walang pasok mamaya at bukas din. Kasi nagpaalam ako sa Mamasang may lalakarin ako kaya hindi ako papasok mamaya gabi gano'n din bukas ng gabi.Hahanap kasi ako ng p'westo sa naisip kong bakeshop. Gusto ko ganito business ang itayo ko kahit maliit lang dahil mag-uumpisa pa lang naman ako.Mabuti na lang pinayagan ako ni Mamasang. Kasi absent din ang bestfriend kong si Analisa, mamaya. Iba naman ang lakad ni Analisa. Pupunta ito mamayang hapon sa Kuya niya kasama ang Nanay. Birthday kasi ng anak ng Kuya ni Analisa. Sa gabi a
Belle Dalawang linggo na rin ang nakalipas na simula ng hindi na ako pumapasok sa Elite club, at sa loob ng dalawang linggo. Maayos naman ang takbo ng bakery ko. Nagustuhan ko na ang daily routine ko. Bahay pagkatapos ay sa bakery umiikot ang buong maghapon ko. Isa rin sa pinakagusto ko ako ang gumigising sa umaga para sa pagluluto ng baon at almusal ng dalawa kong kapatid. Matagal ko itong hindi nagawa simula ng kami'y naulila ni Tatay. Si Nanay ewan kung may balak pa kami kumustahin. Pero okay na rin naman kasi hindi na kami umaasa maalaala niya kami. Parang ulilang lubos na kami kasi wala na talaga hindi na siya nakaalala bumalik sa ‘min. Ayaw ko pang bumangon kaya lang may tumatawag sa phone ko. Pumasok na ang dalawa kong kapatid pero ako tamad pang bumangon kasi maaga akong nagising kanina dito kasi natulog si Scott kagabi. Napilitan akong sagutin. Siya pala ang tumatawag. Kagagaling lang dito kagabi tatawag agad ngayon. Naiiling nalang ako at napangiti. Kasi matiyaga
Belle “Salamat sa paghatid. Dito na lang ‘wag ka ng bumaba para hindi ka gaano'n ma late sa office,” “Itinataboy mo agad ako?” “Hindi ah. Kasi tanghali na,” “Kapag nakarating ka sa bakery tsaka ako aalis,” laban ni Scott. Bubuksan ko na sana ang pinto sa tagiliran ko. Pinigilan ako nito nagtataka ako nilingon siya. Aysus naman kiss pala hinihingi sa “kin parang hindi lang nagsawa aba. Humarap ako dapat sa pisngi ko lang siya hahalikan kaya lang pilyo talaga nitong ni Scott Miguel. Hindi pumayag sa pisngi. Dahil saktong lalapat ang labi ko sa pisngi niya humarap ito sa 'kin timing sa labi ko dumikit ang labi niya. Nilaliman nito ang halik. Pinagbigyan ko yumakap ako sa batok niya mabuti na man naisip din putilin kahit napilitan si Scott. “Pwede na akong bumaba diba?” natatawa na lang ako nakikita sa mata niya, nabitin pa sa halik na aming pinagsaluhan. Kaya lang no choice siya. “Ingat ka kapag nasa office kana tawagan mo ako,” “Ano pa nga ang magagawa ko kahit gusto k
Belle “Good morning,” namamalat ang boses ko paggising ng umaga. Nakaupo si Scott sa gilid ko saan kaya ito galing hindi ko lang namalayan wala ito sa tabi paggising ko. “Dumating kasi ang pagkain natin pinadeliver ko galing ako sa living room,” sagot nito tila nabasa yata niya ang aking iniisip. Lumingon ako sa wall clock. Alas-otso na pala ng umaga pero naririto pa si Scott Miguel sa condo unit niya. Wala ba itong balak magtrabaho? “Hey, bakit hindi ka pa nakabihis? Kahit hindi mo na ako ihatid pauwi. Mag-ta-taxi na lang ako. Umaga naman walang magtatangka kumanti sa akin,” saad ko pa sa kaniya. “Good morning, love,” sagot lang nito't pagkatapos yumuko binigyan ako ng mabilis na halik sa labi ko. Hindi lang nandiri ni mumog ay wala pa ako. Kaya pasimple ko tuloy kinapa ang gilid ng labi ko baka mayroon pang naiwan na laway galing sa pagtulog ko. “The smell is still fresh, lasang matamis na lips,” saad ni Scott. Talagang alam niya ang inaalala ko kahit hindi ko naman sinambit.
Scott Nang makarating kami ng condo unit ko. Pinangko ko agad si Belle at dinala sa k’warto ko. “Dammit,” marahas akong napasinghap ng itulak ako ni Belle pagdating namin sa kama. Napaupo ako sa gilid ng kama mabilis itong umupo sa hita ko. Nauna itong humalik. Nilaliman ko at hindi ko na pinakawalan. Idiin ko sa kaniya ang akin. Yumakap ito sa batok ko hinaplos ako roon kaya ako'y napaungol. Dammit! Sinapo ko siya sa magkabila niyang pisngi upang malalim ko siyang mahalikan. I licked her tongue and then her bottom lip, which made her moan louder. Umangal ito ng sandali kong iwanan ang labi niya. I softly chuckled. “Relax, love. Nag-u-umpisa pa lang tayo, mmm,” I said. Muli ko siyang siniil ng malalim na halik. Napatili ito ng wala akong pag-iingat na hinubad ang kakarampot n'yang tube. Kaya sinamaan niya ako ng tingin ngumiti lang ako. Hindi ko talaga ma kontrol kapag ito ang aangkin ko. Kahit siguro magdamag ko siyang angkinin. I will not be satisfied. Palagi akong nas
Belle Paglabas ko ng Elite club. Saktong pumarada ang kotse ni Scott sa hindi kalayuan sa 'kin. Puno ako ng pagtataka sa biglaan n'yang pagsulpot ngayon. Mabilis akong lumakad upang lapitan siya sa korse niya. Bago pa ako dumating sa tabi ng driver seat lumabas na si Scott naka kunot noo nito tumingin pa sa pambisig niyang relo pagkatapos pag-angat ng tingin at mabilis tinawid ang pagitan namin. “Hey, what happened? Why are you out here, love?” puno ng pagtataka sa mata nito pinasadahan ako ng tingin. Bakas sa mata nito ang puyat at pagod. Dito ba ito deresto pumunta pagdating niya ng Maynila? “Nag-resign na ako sa trabaho,” pagsisinungaling ko na kinataas ng kilay niya. “Oo nga! Mukha ba akong hindi nagsasabi ng totoo?” tanong ko sa kaniya. “At ikaw bakit ka nandito? Sabi mo bukas ka pa babalik?” usig ko pa sa kaniya upang mapagtakpan ang pagsisinungaling ko sa kaniya. “Because I miss you. Hindi ko na kayang mag-extend pa. Gusto na kitang makita at mayakap ng ganito,” Pa
Belle Nang matapos kong makausap si Mamasang at Bea. Sinalubong agad ako ni Analisa sa pinto pa lang. “Anong balita? Nakasalubong ko si Bea, badtrip ang bruha. Anong ginawa mo mukhang asar talo iyon?” “Wala besh. Aba hindi ako papayag na apihin ng gagang babaeng iyan. Alam ko gumagawa lang iyan ng kwento dahil kay Scott. Akala niya walang CCTV footage. Kakalbuhin ko iyan.” “Anong sabi ni Mamasang?” “Iyon nga babalikan n'ya kami para kausapin review raw muna ang CCTV. Biruin mo fifty thousand daw ang nawawala sa kaniya ako raw ang kumuha. At sinabi pa ginamit ko sa bakery ko ang pera na kinuha ko. Bruha siya, pagbuhulin ko pa sila ni Gerlie kuha nila ang gigil ko!” “Kalma muna hindi sila magtatagumpay. Hello, okay lang sila ang yaman ng jowabels mo, kung gusto mo ng pera kahit milyon pa ang hingin mo roon tiyak ako bibigay agad iyan si hottorney. Mga shunga, shunga, talaga ang dalawang ambisyosa na iyan.” “Gage. H'wag mo na ito ipaalam kay Scott kaya ko na ang trouble na
Lovebele Nang dumating ako ng Elite club. Nagtataka ako bakit ako pinatawag ni Mamasang. Iyan agad ang sabi ng guard papasok pa lamang ako ng entrance. Hindi kami magkasabay pumasok ni Analisa, dahil nagbukas na ang maliit kong bakery. Busy na ako masyado. Umuuwi pa kasi ako sa bahay pagkasarado ng bakery. Dahil iiwanan ko pa ang benta at magbibihis din. Wala kasi si Scott. Nasa out of town, dahil sa branch ng bus company nila sa Visayas may problema. Bukas pa ang uwi nito katatawag lang sa ‘kin kanina. Isang linggo na open ang bakery ko kaya palagi akong naghahabol ng oras, kapag papasok ng Elite club. Natutuwa naman ako at hindi ako pagod dahil maganda ang benta ng aking maliit na bakery. Hindi ako nagkamali sa pagkuha ng p'westo. Kung si Scott lang pinatitigil na ako pumasok. Ayaw ko lang kasi nagdagdag pa ako ng paninda. May grocery na rin hindi lang bakery. Tsaka ako aalis ng Elite club kapag stable na ang business ko. “Besh, bakit sa ‘kin agad ang mga mata noong ibang waitr
BelleBumalik si Scott na tatlong gallon ang dalang ice cream. Mayroon pang tatlong malaking size ng cadbury chocolate. Nang maayos na siyang nakaupo loob ng kotse inaabot ang tatlong chocolate sa 'kin.“Thank you rito. Bakit may pa chocolate pa?” tanong ko sa kaniya.“Bawal bang bigyan ng chocolate ang girlfriend ko?” balik lang na tanong nito sa 'kin.“Hindi naman baka masanay ako niyan bahala ka. Araw-araw ako hihingi sa 'yo,"“Okay lang gusto ko rin naman spoiled sa 'kin ang girlfriend ko. Kung nagustuhan mo. Araw-araw kang may delivery niyan.”“Biro ko lang iyan ‘wag mong seryosohin. Tumingin ako sa ice cream. Ang dami mong binili niyan. Kahit isa lang okay na Scott,"“Hindi na baleng sobra h'wag lang magkulang. Tara na baka matunaw kung magtatalo pa tayo sa binili ko.”Malapit na lang kasi sa M. Dela Cruz sa Alpha mart kaya fifteen minutes nakarating na kami sa apartment."Maupo ka muna Scott. IIalagay ko lang sa freezer ito baka malusaw," ani ko nginuso ko ang maliit naming so
LovebeleSa condo unit nga kami ni Scott natulog. Binabagtas na namin pauwi sa apartment ko. Panigurado hindi ko maabutan ang dalawa kong kapatid nasa school na pareho kapag ganitong oras.Tinanghali ako ng gising at kung hindi pa nga ako ginising ni Scott. Nakahilata pa ako hanggang ngayon sa k’warto niya. Naulit kasi ang aming pagtatalik pagkatapos magkaaminan ng damdamin sa isa't isa.Tumingin ako kay Scott. Tumikhim ito ramdam siguro niya ang aking paninitig sa kaniya. Urong sulong kasi ako sa pagsasabi na magbubukas na ako ng maliit kong bakery. Nahihiya ako kasi noon a-ayaw ayaw ako ng alukin niya ng matinong trabaho.Ngayon na totoo ko na siyang boyfriend gusto ko alam din niya ang tungkol sa bakery ko.“Kinakabahan ako love, kanina ka pa sulyap nang sulyap sa ‘kin, why?” saad nito saglit akong tiningnan.“May good news kasi ako sa ‘yo,”“Kung good news? Gusto ko 'yan. Akala ko masakit ang ibabalita mo sa ‘kin ngayon. I now feel relieved."“May bubuksan na akong business maliit