Nagpaalam muna si Natalie para lumabas saglit. May isang minuto na rin siyang nakatayo sa labas ng pintuan ng opisina ng department head. Ilang beses na rin niyang nilakad ang kahabaan ng pasilyo, nagtatalo ang kagustuhan at pag-aalinlangan niya bago niya tuluyang tinipa sa telepono ang numero ni Isaac.[Nat! Masiglang sagot ng lalaki sa kabilang linya. [Napatawag ka?]“Isaac,” panimula niya, may kaunting kaba sa boses pero matatag. “Gusto ko sanang malaman kung kasama mo si Mateo. Kailangan ko kasi siyang makausap.”Walang alinlangan sa tinig ni Isaac. [Ah, oo. Kasama ko siya. Sandali lang.]Ang sumunod na narinig ni Natalie ay ang mahinang bulong-bulungan sa kabilang linya at maya-maya ay ang malamig at pamilyar na boses ni Mateo na ang narinig niya.[Gusto mo raw akong makausap?] Tanong nito.Bago magsalita ay kinailangan ni Natalie na punuin ng hangin ang baga at piliting patatagin ang sarili bago sumagot. “Ikaw ba ang nagpasok sa akin sa cardio-pulmonary team ng ospital?”Katahim
Sinadya man o hindi, nagkatingan ang dalawang magkaibigan ng matagal. May bahagyang ngiti sa labi ni Amanda at kakaibang ningning sa mata ni Helen.“Alam mo, Helen, hindi naman sa pinapangunahan ko na. Pero sa tingin ko bagay talaga si Jean at Drake.” May halong biro ang pagkakasabi nito. “Sayang nga lang at mukhang hindi pa napapansin ng anak ko ang bagay na ‘yon.”Namula naman si Jean na nakikinig lang kanina. “Naku, wag naman po ganyan, Tita Amanda. Sobra naman po ang papuri niyo sa akin.”Pero hindi madaling patigilin si Amanda, inabot niya ang kamay ni Jean at hinimas ito ng buong lambing. Nang magsalita ito ay puno na ito ng kakaibang pag-asa. “Jean, magtapat ka nga sa akin, pagkatapos niyo bang manood ng theater play ni Drake, umasa akong may mga susunod pa. Bakit hindi na ‘yon nasundan pa? May problema ba sa anak ko?”Nag-alinlangan si Jean, hindi ito mapakali. Tumingin din siya kay Drake na tahimik lang sa isang sulok. Sa palagay ni Jean ay hinihintay din nito kung ano ang is
Alas diyes ng gabi sa Golden Palace Hotel…Napatingin si Natalie sa door number ng pintong nasa kaniyang harapan. Maya-maya pa tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatanggap siya ng text mula kay Rigor, ang ama niya. [Nat, pumayag na ang Tita Janet mo. Basta’t sasamahan mo raw si Mr. Chen, babayaran niya ang hospital bills ng kapatid mo.]Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Natalie nang mabasa ang text message. Wala na siyang maramdaman.Matapos magpakasal muli ng ama nila, lagi na lamang silang naiiwang magkapatid. Sa loob ng sampung taon ay iniwan sila nito sa pangangalaga ng madrasta na wala nang alam gawin kundi ang pahirapan sila at siguraduhing impyerno ang mararanasan nila.Hindi lamang madamot sa pagkain at pag-aaruga si Janet. Pinagbubuhatan din niya ng kamay ang magkapatid.Umabot na sa sukdulan ang kawalanghiyaan ng madrasta. Dahil sa malaking pagkakautang nito ay ipinagkanulo siya nito sa isang lalaki!Noong una ay tahasan ang ginawang pagtanggi ni Natalie. Pum
Nagmadaling umuwi si Natalie. Ang nadatnan niya sa salas ng bahay ay isang may kalbo at may edad na lalaki. Naroon din ang ama niya, madrasta, at si Irene. Mukhang galit ito at inaaway ang half-sister niya.“Irene, papakasalan kita! Sa kahit anong simbahan pa ‘yan. Name it! Pero bakit mo naman ako pinaghintay buong gabi?” reklamo pa nito.Pinabayaan lamang ni Irene na sigaw-sigawan siya ng lalaki. Kahit ganoon ang hitsura ng lalaki ay masasabing playboy ito. Sandamukal ang mga babae nito!Malas lang ni Irene dahil natipuhan siya ni Kalbo. Mabuti na lamang at mahal na mahal siya ng mga magulang at pinagpalit sila ni Natalie ng posisyon. Si Natalie ang pinadala para makasiping ni Mr. Chen at hindi siya.Nandilat si Irene nang makita si Natalie. Tinakasan nito si Mr. Chen kagabi!“Mr. Chen,” hinimas-himas ni Janet ang braso ng lalaki para kumalma ito. “Pasensya na po kayo. Alam niyo naman ang mga bata sa panahon ngayon, may katigasan ang ulo.”“Tama po ang asawa ko, Mr. Chen. Pasens
Nagulat pa si Mr. Chen nang makita kung sino ang bagong dating.“Mr. Garcia?”Sa mundo ng negosyo, walang hindi nakakakilala kay Mateo Garcia. Siya ang nagpapatakbo ng pinakamalaking kompanya ng langis sa buong bansa. Masasabi na ring nasa mga palad ni Mateo nakasalalay ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.Binitawan ni Mr. Chen ang palapulsuhan ni Irene. Ngunit hawak pa rin nito ang bestida niya. “A-Ano pong ginagawa niyo rito?”Hindi sinagot ni Mateo si Mr. Chen. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Irene. Umiiyak pa rin ito dala ng marahas na paghatak sa kaniya ng lalaki.Ito ang babaeng kasama niya kagabi.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Mateo. Dumapo ito sa panga ni Mr. Chen. Napaupo ito sa lakas ng suntok ng binata.“How dare you lay a hand on her?”“Mr. Garcia, this is a misunderstanding! I can explain everything to you!” tiklop ang kaangasan ni Mr. Chen kay Mateo.“Irene, sinaktan ka ba niya?”Umiling si Irene. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. “H-Hind
Naiintindihan ni Natalie ang gustong iparating ni Mateo. Pero para sa kaniya, ang kasal ay sagrado. Hindi ito larong pambata. May pag-aalinlangan siyang umiling. “Hindi naman kailangang umabot tayo sa gano’n ‘di ba? Pwede mo naman sigurong pakiusapan ang lolo mo–”Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinutol na siya ng lalaki. “Bibigyan kita ng malaking halaga bilang kapalit,” sabat ni Mateo sa dalaga. Malaking halaga?Napatda si Natalie sa kaniyang kinauupuan. Sa loob niya, gusto niyang tumanggi. Pero hindi niya maibuka ang bibig para muling tumanggi sa lalaki. Kailangan nang maoperahan ng kapatid niya. At ang tanging dahilan lang naman kaya siya lumapit sa pamilyang Garcia ay pera. Sa mga sandaling iyon ay alam ni Mateo na nakuha niya na ang atensyon ng babae. “You can name your price. Ibibigay ko kahit magkano. Basta’t pumayag ka sa sinabi ko.”Ilang beses na napahugot nang malalim na hininga si Natalie. Kapagkuwa’y tumango na siya sa lalaki. “Sige. Papayag
Muntik pang matumba si Natalie dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Mateo. Kakatapos lang i-check ng doktor ang kalagayan ni Antonio. Napalingon ito kina Mateo at Natalie. “Kumusta na ang kalagayan ng lolo ko?” agad na tanong ni Mateo. “Stable na ang kalagayan ni Mr. Garcia. Pero nanghihina pa rin siya sa ngayon. Kailangang mabantayan ng diyeta niya. At kailangan niya ring magpahinga. Higit sa lahat, dapat ay lagi siyang nasa magandang mood. Panatilihin niyo siyang masaya at huwag na huwag niyo siyang stressin at biglain.”Matapos ibilin iyon ay lumabas na ng silid ang doktor. “Mateo, Natalie, nakuha niyo na ang marriage certificate niyo ngayon, hindi ba? Mateo, siguraduhin mong bibigyan mo oras at atensyon ang asawa mo. Hindi niyo na ako kailangang bantayan.”“Mr. Garcia…”Napakunot ng noo si Antonio. “Bakit Mr. Garcia pa rin ang tawag mosa ‘kin? Hindi ba dapat ay lolo na? At saka bakit ka humihingi ng patawad?” “A-Ano po kasi…”Ngunit bago niya pa masabi ang kaniyang sasa
Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin. Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin. “Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!” Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!” “Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid. Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!” Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito. Pakiram
Sinadya man o hindi, nagkatingan ang dalawang magkaibigan ng matagal. May bahagyang ngiti sa labi ni Amanda at kakaibang ningning sa mata ni Helen.“Alam mo, Helen, hindi naman sa pinapangunahan ko na. Pero sa tingin ko bagay talaga si Jean at Drake.” May halong biro ang pagkakasabi nito. “Sayang nga lang at mukhang hindi pa napapansin ng anak ko ang bagay na ‘yon.”Namula naman si Jean na nakikinig lang kanina. “Naku, wag naman po ganyan, Tita Amanda. Sobra naman po ang papuri niyo sa akin.”Pero hindi madaling patigilin si Amanda, inabot niya ang kamay ni Jean at hinimas ito ng buong lambing. Nang magsalita ito ay puno na ito ng kakaibang pag-asa. “Jean, magtapat ka nga sa akin, pagkatapos niyo bang manood ng theater play ni Drake, umasa akong may mga susunod pa. Bakit hindi na ‘yon nasundan pa? May problema ba sa anak ko?”Nag-alinlangan si Jean, hindi ito mapakali. Tumingin din siya kay Drake na tahimik lang sa isang sulok. Sa palagay ni Jean ay hinihintay din nito kung ano ang is
Nagpaalam muna si Natalie para lumabas saglit. May isang minuto na rin siyang nakatayo sa labas ng pintuan ng opisina ng department head. Ilang beses na rin niyang nilakad ang kahabaan ng pasilyo, nagtatalo ang kagustuhan at pag-aalinlangan niya bago niya tuluyang tinipa sa telepono ang numero ni Isaac.[Nat! Masiglang sagot ng lalaki sa kabilang linya. [Napatawag ka?]“Isaac,” panimula niya, may kaunting kaba sa boses pero matatag. “Gusto ko sanang malaman kung kasama mo si Mateo. Kailangan ko kasi siyang makausap.”Walang alinlangan sa tinig ni Isaac. [Ah, oo. Kasama ko siya. Sandali lang.]Ang sumunod na narinig ni Natalie ay ang mahinang bulong-bulungan sa kabilang linya at maya-maya ay ang malamig at pamilyar na boses ni Mateo na ang narinig niya.[Gusto mo raw akong makausap?] Tanong nito.Bago magsalita ay kinailangan ni Natalie na punuin ng hangin ang baga at piliting patatagin ang sarili bago sumagot. “Ikaw ba ang nagpasok sa akin sa cardio-pulmonary team ng ospital?”Katahim
Pasimpleng tinitingnan ni Isaac ang boss niya. Kanina pa ito tahimik habang nakaupo ngunit mukha’y sadlak sa pinaghalong pagsisisi at determinasyon. Ang karaniwang talas sa mga mata nito ay napalitan ng mas malambot na ekspresyon na may halong lungkot. Hindi na niya kailangang magtanong kung bakit biglang nagbago ang mood nito. Ganoon lagi ang eksena sa tuwing nakakadaupang-palad nito si Natalie.“Sir,” maingat na bungad ni Isaac para mabasag ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.“Isaac,” putol ni Mateo sa sasabihin nito. Banayad ang boses pero matatag. “Pakinggan mo ako. May ipapagawa ako.”Biglang nag-seryoso si Isaac dahi ramdam niya ang bigat ng tono nito. “Nakikinig ako.”“Gumawa ka ng paraan para mapagaan ang buhay ni Natalie,” mariing utos nito habang nakapako ang tingin sa kawalan. Tila malayo ang iniisip nito.“Mapagaan ang buhay niya? Pero…paano, sir?“Trabaho mo ‘yan, basta ang gusto ko hindi ganito ang buhay niya.” Maikli ngunit mariing sagot ni Mateo. Hindi na n
Halos lahat ng tao ay napatigil sa pagtutulukan sa abalang sakayan ng pumara ang isang bago at magarang sasakyan sa harapan. Bumaba ang bintana sa passenger’s seat at bumungad ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Isaac, ang mga mata nito ay nakatuon sa iisang tao lamang.“Nat!” masaya nitong tawag. “Saan ka pupunta? Sumabay ka na sa amin, ihahatid ka na namin.”Napakurap si Natalie sa gulat. Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niya. Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin niya mula kay Isaac at sa lalaking nakaupo sa harapang upuan---si Mateo. Hindi naman ito umuupo doon. Iyon ang nakatalagang pwesto ni Isaac.Mariin siyang umiling at ngumiti ng bahagya. “Salamat, may paparating naman na bus. Kaya ko na.”Lalong lumawak ang ngiti ni Isaac, tila aliw na aliw ito sa pinapakitang pagtanggi niya sa paanyaya. “Halika na, isang sakay lang naman ‘yan. Huwag mo na akong piliting bumaba. Sige ka.”Nakaharang ang sasakyan nina Mateo kaya hindi makausad ang ibang pampublikong sasakyan.
Halos tumagos ang tingin ni Natalie sa ama, litong-lito siya. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang parehong lalaki na mas pinili ang pangalawang pamilya at tinalikuran ang obligasyon sa kanila ni Justin ilang taon na ang nakalipas. Iniwan sila nito at napilitan silang harapin ang hamon ng buhay ng silang dalawa lang. At ngayon, narito ito, nag-aalok ng suporta para sa kinabukasan ni Justin. Para kay Natalie, isa itong panaginip o di kaya ay isang biro.Hindi nakatakas sa pandinig ni Rigor ang pagaalinlangang iyon ni Natalie. Kaya inulit nito ang mga sinabi. Matatag ngunit may bahid ng pagsusumamo.“Ang sabi ko, ako na ang bahala kay Justin sa Wells Institute.”Sinuri ni Natalie ang mukha ng ama. Ang hinahanap niya doon ay ang bakas ng kasinungalingan, ngunit wala siyang makita kundi sinseridad na hindi niya gustong paniwalaan. Nagdududa pa rin siya.“Bakit?” Sa wakas ay naitanong niya.“Bakit?” Natawa si Rigor ngunit hindi iyon tawa na may kasiyahan. “Kailangan pa bang may dahilan
Hanggang maari, tuwing weekend, dumadalaw si Natalie sa bunsong kapatid. Ang tahimik na daan papunta sa rehabilitation center ng kapatid ay na napapaligiran ng mga namumulaklak na mga bougainvillea. Sari-sari ang kulay at ang mga talulot ay sumasabay sa ihip ng hangin. Gaano man kaganda ang tanawin, ang isipan niya ay malayong-malayo sa kalmadong daan na tinatahak.Pagpasok niya sa gusali, agad siyang sinalubong ng isang nurse na may magiliw na ngiti. “Hi, Miss Natalie, maaga ka yata ngayon.”“Ah, oo.” Ngiting tugon din niya dito. “Tapos na ang internship ko kaya mas marami na akong libreng oras para makasama si Justin.”“Yung lalaki, nauna lang siya sa iyo ng kaunti,” dagdag ng nurse ng pabulong.Napahinto si Natalie sa paglalakad. Diretso na sana siya sa kwarto ng kapatid pero ng marinig ang sinabi ng nurse, napatigil siya sa paghakbang. “Nurse, sinong lalaki?”“Yung nagsabing siya raw ang tatay niyo ni Justin. Nandito rin siya mga ilang araw lang ang lumipas.”Nawala ang ngiti ni N
“Sige, pumapayag ako sa gusto mo,” sa wakas ay naisatinig na din ni Natalie ang kanina pa niya gustong sabihin. Mahina iyon pero may kasiguruhan. Tumango si Mateo, tsaka sinenyasan ang nurse na lumapit na. “Simulan niyo na.”Biglang pagtupad sa usapan nila, lumabas siya ng kwarto para tawagan si Drake. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang muli. Apat na magkakasunod na tawag ang ginawa niya pero hindi pa rin ito sumasagot.Unti-unting nawala ang pagiging kalmado niya at napalitan na iyon inis para sa lalaki. Muli niyang sinubukan ngunit ganoon pa din. Wala siyang ibang magagawa kundi ang bumalik sa kwarto at sabihin kay Natalie ang totoo.Naturukan na ng nutritional IV si Natalie, nakapwesto na rin ito. Hindi ito tulog pero mas kalmado na. Nang makita siya nito ulit, bumalik ang pagsasalubong ng kilay nito.“Aalis ka na?” Paniniguro nito.Natawa si Mateo dahil sa hindi maikailang kagustuhan nitong makita siyang umalis na. “Pasensya, pe
Binalot ng matinding kaba si Mateo nang mabuhat na niya sa mga bisig ang halos walang malay na si Natalie. Nanghihina ito, mas magaan pa kaysa huling pagkakatanda niya. Balingkinitan itong babae pero mula ng mabuntis ito, imbis na tumaba ay lalo itong namayat. Ang hindi niya maintindihan ay kung paano ito umabot sa ganoong timbang. “Anong nangyari sayo, Natalie? Bakit ka nagkaganito?” Tanong ni Mateo sa isipan.Hindi ito ang babaeng kilala niya---ang Natalie na bitbit niya ngayon ay mistulang ibang tao na. Ubos ang lakas at halos hindi na kayang dalhin ang sarili. Pero sa mga oras na iyon, wala ng oras pa si Mateo para magdalamhati at magnilay-nilay.“May dala ka bang kendi? O kahit anong matamis sa bag?” Madiin ang tanong niya para marinig siya nito.Nagawa pang tumango ni Natalie at ibuka ang bibig para ipakita ang kendi sa bibig niya. Sa kabila ng pagkain nito, naguguluhan pa rin si Mateo kung bakit ito ganoon kahina. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-aalala, kasabay ng pagkadisma
Para kay Drake, wala siyang hindi kayang gawin para makakain lang si Natalie. Balewala sa kanya ang perang magagastos niya, distansya, oras at pagod niya---walang halaga ito basta’t masiguro lang niya na maayos ang kalagayan nito. Naalala niyang nabanggit nito ang tungkol sa hinog at nagkukulay pula na papaya. Naisip ni Drake na baka iyon ang kailangan ni Natalie. Nagmaneho siya ng humigit kumulang dalawang oras papunta sa isang farm ng papaya. Doon, nakapamili siya ng pinakamalaki at pinakasariwang papaya. Maingat din niyang ipinalagay sa kahon iyon para hindi malamog at nagmaneho pabalik.Pagdating niya sa apartment, sinalubong siya ni Nilly. Napanganga din ito sa gulat ng nakita ang dala niya. “Wow! Ibang klase, perfect na perfect ang papayang ito, ah! Ang kinis at mukhang matamis! Parang papaya from heaven ang atake!”Napangiti ng malapad si Drake. “Syempre. Sa farm ko mismo binili ‘yan. Siguro, ito na ang pinakamalapit sa langit na kaya kong gawin.”Hindi nga nagbibiro si Drake.