Pagkatapos ng meeting, bumalik na si Mateo sa opisina niya. Hindi maikakailang mas maayos at maaliwalas kumpara sa palaging tahimik na anyo.Magalang siyang binati ng sekretarya niya. “Sir, nasa loob po si Miss Irene at hinihintay po kayo.”Napatingin si Mateo sa relo at napabuntong-hininga. Sasamahan niya ngayong gabi si Irene sa isang dinner party--hindi niya personal na kagustuhan ang gawin iyon, ngunit isa iyong desisyon na nagmula sa obligasyon niya.“Irene,” tawag niya pagpasok.Mula sa pagkakaupo sa malambot na couch, tumayo si Irene ng elegante. May nakapaskil na matamis na ngiti sa mga labi. “Hi, Mateo.”“Maupo ka ulit,” tinuro ni Mateo ang upuan habang nauupo rin. Tinitigan niya ng sandali ang dalaga bago muling nagsalita. “Hindi ka na dapat tumayo. Isa pa, narinig ko kay Ed na wala ka raw balak na magpahinga sa trabaho. Totoo ba ‘yon?”Tumuwid sa pagkakaupo si Irene, bumakas din ang kaba sa mukha. “H-ha? Ah, oo. Ang bilis naman dumating ng balita sayo. Ganito kasi, ang peli
Pagkatapos ng tawag na iyon, matagal na nakatitig lang si Mateo sa madilim na screen ng kanyang telepono. Bumuhos ang kanyang iniisip at kasabay ng pagdating ng mga iyon ay ang paghihigpit ng kanyang hawak sa telepono na para bang may kasalanan ito sa kanya.Lumapit si Irene, may hawak na itong isang baso ng tubig. May maamong ngiti rin ito sa labi. “Mateo, kumusta na ang pakiramdam mo? Heto, uminom ka muna.”Tinanggap ni Mateo ang baso at bahagyang tumango. “Hindi pa. Medyo naparami yata ang inom ko kanina.”“Hmm,” lumapit si Irene. Ang tono ay puno ng sinseridad. “Gusto mo bang tulungan kita?”“Paano?” Tumaas ang isang kilay ni Mateo.“Kapag nalalasing ng sobra si papa, minamasahe ko siya.” Paliwanag ni Irene at hinatak pabalik ng upuan si Mateo para maupo. Naupo rin siya sa tabi nito. “Nakakatulong ang masahe sa sakit ng ulo at hilo.”Saglit na nag-alinlangan si Mateo. Gusto niyang tumanggi, ngunit ang taos-pusong alok ni Irene ay hindi niya matanggihan kaya sumandal siya sa sofa.
Pakiramdam ni Mateo ay lalo lang siyang nawalan ng gana. Hindi na niya gustong makipaghalubilo pa sa ibang mga panauhin doon. Bagot na bagot na siya at mahaba ang araw niya. Bago magpunta doon ay nag-opisina muna siya. Bukod doon, ang masiglang enerhiya ng gabi ay tila hungkag, ang maingay na usapan mula sa mga kumpol ng tao at kumikinang na chandelier ay parang naglaho sa kanyang isipan.“Wala namang kwenta ang event na ‘to,” mahinang wika ni Mateo. Hindi halos marinig ang sinabi niya dahil sa ingay ng paligid.Dahil magkalapit sila, narinig ni Irene ang tono niya at bahagyang tumingala. May bahid ng pag-aalala ang mukha. “Ha? May sinasabi ka ba, Mateo? Hindi ko masyadong narinig, eh.”“Wala,” palki ni Mateo at mabilis na sinulyapan ang tiyan ni Irene. “Gabi na. Kailangan mo ng magpahinga at ang pananatili dito ay hindi maganda para sayo o sa bata. Puno ng usok ng sigarilyo at takaw-disgrasya.”Kahit na tumango si Irene bilang pagsang-ayon kay Mateo, hindi niya maiwasang makonsensya
Parang tumigil ang mundo ni Mateo dahil sa narinig. Ang tibok ng puso niya ay tumigil. Agad niyang binitawan ang kamay ni Natalie. Ang pagkabahala ay malinaw na nakaukit sa kanyang mukha. Nilapitan niya ang babae upang matingnan niya ng malapitan ang kalagayan nito.“Nat, masakit ang tiyan mo? Gaano kasakit? Sabihin mo sa akin, tatawag na ba ako ng ambulansya---”Bago pa siya makatapos, bigla na lang tumalikod si Natalie at naglakad palayo. Tsaka pa lang napagtanto ni Mateo na naisahan siya nito. Matalino si Natalie, dapat sana ay naisip niya iyon.“Natalie, sandali!” tawag niya ng may halong kaba at pagkamangha ngunit tuloy lang ito sa paglalakad.Sa isang iglap, hinabol ni Mateo si Natalie at niyakap ng mahigpit mula sa likuran. Saglit na natigilan ang babae ngunit mabilis namang nakabawi. Tinulak niya kaagad ito palayo.“Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?”Hindi sumagot si Mateo, bagkus ay hinila ulit palapit si Natalie. Inilagay pa niya ang kamay sa mga mata nito, maingat ngunit m
Ilang hakbang lamang ang pagitan nina Drake at Jean at ang kanilang kaswal na paglalapit ay parang isang malinaw na larawan na nagsasabi ng napakaraming bagay. Naestatwa sa kinatatayuan si Natalie, ngunit matagumpay niyang naitago ang sorpresa sa likod ng mahinahong anyo.“N-nat?” nauutal na sambit ni Drake, halatang kinabahan ito. Makikitaan ng sari-saring emosyon ang kanyang mukha habang pasimpleng lumalapit kay Natalie.“Kaibigan mo ba siya, Drake?” Magalang ngunit mausisang tanong ni Jean.Nag-atubili si Drake, ang mga mata niya ay sandaling nagpalit-lipat kina Natalie at Jean. Tila hindi alam kung sino ang unang aatupagin. Pagkatapos ng ilang sandali, umiling si Drake. “Jean, hindi ko lang siya basta kaibigan…siya si Natalie…siya ang babaeng gusto ko.”Saglit na natigilan ang lahat at mistulang nabitin sa ere ang kumpirmasyong iyon ni Drake. Hanggang sa tumaas ang kilay ni Jean dahil sa pagkagulat. Si Natalie naman ay nanatiling kalmado, bagamat may bahagyang pagdilim sa kanyang
Samantala, balot ng nakakailang na katahimikan ang paligid sa labas ng conference room na iyon. Nakapwesto malapit sa may pintuan si Mateo at nakasandal sa pader. Ang matalas niyang mata ay nakatuon sa nakasarang pinto. Habang nasa di kalayuan naman sina Jean at Drake, lahat sila ay hindi mapakali. Isang napakabigat na tensyon ang nasa pagitan nila.Nabasag lamang ang katahimikan ng mag-ring ang telepono ni Jean. Sinagot naman niya iyon kaagad. “Ma? O-opo, tapos na po ang dinner party. Pauwi na po ako.”Matapos niyang ibaba ang tawag, bumaling siya kay Drake ng may alinlangan sa mukha. “Drake, si mama ‘yon. Sabi niya, kailangan ko ng umuwi dahil malalim na ang gabi.”Tinapunan siya ng mabilis na tingin ng lalaki, pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa pinto. “Mauna ka na, mag-taxi ka na lang, hihintayin ko si Natalie.”Inaasahan na ni Jean ang bagay na ‘yon pero nag-atubili pa rin siya ng kaunti. “S-sigurado ka ba?”Tumango si Drake, may tatag sa boses nito. “Oo, kailangan ko siyan
Hindi nagkamali si Mateo, makalipas ang limang minuto, muling bumalik si Natalie. Ang una niyang tinapunan ng tingin ay si Mateo. Naabutan pa niyang tila pinariringan ng lalaki si Drake kaya agad itong tumigil at ibinaling ang tingin palayo.Sunod naman pinuna niya si Drake. “Bakit narito ka pa? Hindi ba kailangan niyo ng umalis? Sige na, umalis ka na.” Malumanay na wika ni Natalie, ang tono ng pananalita niya ay ganoon pa din. Malamig at may distansya.Nagdalawang-isip si Drake ngunit halata ang pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Nat. Ihahatid ko lang si Jean pauwi sa kanila. Babalik ako kaagad para sayo. Pangako. Please, huwag kang magalit o masyadong mag-isip ng kung ano-ano, ha? Wala lang ‘to.”Ngumiti si Natalie ng bahagya, ang ekspresyon ay hindi mabasa. “Sige.”“Hintayin mo ako,” paalala pa ni Drake bago umalis dahil nauna na sa paglalakad si Jean.Habang lumalayo ang dalawa, naiwan ang nakakabagabag na katahimikan. Saglit lang ang ginawang pagtapon ng tingin ni Natalie sa papal
Magkaibang-magkaiba ang dalawang babae. Kung anong ikinakalma, ikinahinahon at itinatag ni Natalie, ay siyang kabaligtaran naman ng galit na galit na reaksyon ni Irene. Hinahayaan lang ni Natalie na maglabas ng sama ng loob ang babae. Sa totoo lang, nauunawaan niya kung ano ang pakiramdam ng makita ang kasintahan kasama ang ex nito---ngunit hindi din naman siya santo. May hangganan ang kanyang simpatya.“Hindi ako lapit ng lapit sa nobyo mo,” paliwanag ni Natalie. Nanatili pa rin siyang kalmado. “Sa maniwala ka o hindi, nagkataon lang talaga.”“Ha!” Muling tumawa ng mapait at nakakainsulto si Irene, napailing din ito at muling tumaas ang boses dahil hindi pa rin ito naniniwala. “Talaga lang, ha? Kung ganoon, ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit ang tagal mong pirmahan ang mga papeles ng diborsyo kung wala ka talagang pakialam at talagang nagkataon lang ‘to.”Natigilan si Natalie, nabigla siya sa narinig at nalipat ang mga nagtatanong niyang mata kay Mateo.“Irene, kasalanan ko ‘yon,”
Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na puno ay parang mga higanteng anino na gumagalaw kasabay ng nagngangalit na bagyo.Pinili ni Natalie na magpatuloy, kahit na ang bawat hakbang niya ay lumulubog sa maputik na lupa. Ang mga hibla ng buhok niya ay dumidikit sa mukha at ang kanyang paghinga ay mabigat habang nagpapatuloy siya sa paghahanap.Matagal-tagal na rin siyang naglalakad, ngunit wala pa ring bakas ni Mateo.Bumilis lalo ang tibok ng puso ni Natalie. “Sa iba ba siya dumaan? Imposible naman. Sigurado akong doon ako dumaan sa kung saan siya dumaan. Eto lang ang pwede niyang daanan.”Isang matinding kaba ang bumalot sa dibdib niya. “Hala. Paano kung…paano kung nakabalik na si Mateo sa kotse at wala ako doon?”Imbes na maging ok
Napaisip si Mateo. “Talaga bang naiinis siya sa amoy ng damit ko?”Hindi pa niya nagagawang magsalita ay nahila na pabalik ni Natalie ang kamay at nagawa ng buksan ang pintuan sa likod ng kotse.“Sandali, huwag ka ng lumipat sa likod. Lalo kang makakaramdam ng hilo kapag dyan ka pumwesto.” Dali-dali niyang hinubad ang suot na jacket, nirolyo ito at itinapon sa likod ng sasakyan. “Ayan, itatapon ko ‘yan sa unang basurahan na madadaanan natin, okay?”Nag-iisip si Natalie, nakapamewang pa ito. Hindi man niya gustong aminin, kahit paano ay nabawasan ng kaunti ang inis niya dahil sa simpleng kilos na iyon. “Bahala ka.”“Dito ka na ulit sa harap.”“Oo nga!”Muntik ng matawa si Mateo, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Pero naisip niya kung bakit nagkakaganoon si Natalie. “Nagseselos ba siya?”Mabilis niyang sinulyapan ang kanyang katabi at kahit na pumayag na itong maupo ulit sa harapan, may paraan ng pag-iwas si Natalie ng tingin sa kanya. Ipinagpatuloy din nito ang pagbubukas sa
“Last na ‘to, promise.” Tiyak ang pagkakasabing iyon ni Mateo. May tipid na ngiti din ito sa labi. Isang ngiti na hindi madaling basahin. “Tama ka. Napagdesisyunan ko na, na ito na ang huling beses. Pagbalik natin sa Pilipinas, hindi na kita guguluhin.”Nalito si Natalie at halata iyon sa mukha niya pero hindi siya nagsalita. May kung anong bigat sa dibdib niya nang marinig iyon pero pinili niyang huwag na lang itong pansinin.“Hindi ka ba naniniwala sa akin?” Tumawa si Mateo ng may panunukso sa tinig. “Mag-asawa tayo dati, Nat. Siguro naman, kabisado mo kahit paano ang ugali ko.”Syempre, kabisadong-kabisado ni Natalie. At dahil nga kabisado niya, hindi siya lubos makapaniwala. Marami na siyang narinig na pangakong parang may kasiguraduhan kahit wala naman pagdating sa huli. Ilang beses na itong nangakong hindi na lalapit pero si Mateo mismo ang lumalabag sa pangako niya.Pero hindi na nakipagtalo si Natalie.Sa halip ay tumango siya. “Salamat kung ganoon.”Iyon lang ang sagot niya--
Namilog ang mga mata ni Natalie sa gulat. Hindi siya makapaniwala. “Seryoso ba siya? Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!” Himutok niya sa sarili.Palakas ng palakas ang loob nito at sinusubukan pa din ang swerte niya. Sa inaasta nito ngayon, kulang na lang na ipamukha sa kanya ni Mateo na dapat niyang tanggapin ang presensya nito sa ayaw at sa gusto niya.“Alam mong gusto kita, Natalie,” hindi ito nag-atubili. “Talaga bang kaya mong tiisin na may isang taong may gusto sayo at labis na nag-aalala?”Napaawang ang bibig ni Natalie sa baluktot na lohikang ginamit sa kanya ni Mateo. Para sa kanya, wala itong ka-kwenta-kwentang rason.Nagbuga siya ng hangin habang pinipigil ang sarili. Napagdesisyunan niyang huwag bigyan ng halaga ang kahibangan ni Mateo. Tinuloy niya ang paglalakad hanggang sa malagpasan niya ito. Matulin at determinado ang bawat hakbang niya.“Natalie? Natalie! Hintay!”Narinig niya ang galit na boses ni Mateo na tinatawag ang pangalan niya ng paulit-ulit pero hind
Walang taong mabait sa iba nang walang dahilan. Hindi inosente si Natalie at lalong hindi siya mapagpanggap. Matagal na niyang alam na may gusto sa kanya si Mateo.Yun nga lang, mas gusto nito si Irene.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi nito kayang mamili sa pagitan ng dalawang babae. Alam naman siguro niyang hindi pwedeng magkaroon ng dalawang babae sa buhay niya ng sabay. Bukod sa komplikado, magulo din. Pero hindi na muna niya gustong isipin ‘yon sa ngayon.Dahil sa sandaling hiningi ni Mateo sa kanya ang diborsyo, natapos na rin ang lahat kaya hindi niya maintindihan kung bakit lumalapit pa ito sa kanya.Pinag-aaralan ni Natalie si Mateo, sinusubukan niyang basahin ang magulong laman ng isip nito. Palagi itong mayabang, palaging sigurado sa kanyang mga desisyon. Pero pagdating sa kanya, bigla itong nag-aalinlangan.Hindi na naitago ni Natalie ang paglitaw ng isang pilit na ngiti sa kanyang labi.“Alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng tao at mga bagay? Pwede kang magkaro
“Teka, paano ko siya dadalhin sa ospital?” Tanong ni Natalie sa sarili. “Nakalimutan kong wala nga pala kami sa Pilipina kung saan gamay ko ang sistema at may koneksyon ako sa mga ospital. Hindi ganito ang sistema dito sa Canada.”Hindi rin Canadian citizen si Rigor at sa pagkakaalam niya, mahirap magpa-admit kapag naka-tourist visa lang. Kahit pumayag na ito na magpa-ospital, siguradong madugo ang proseso dahil sa patakaran. Wala na silang oras pa.Mabilis na kinalkal ni Natalie ang utak para sa solusyon. Kailangan niyang makahanap ng taong pwedeng makatulong sa kanila. Kailangan niya ng isang taong may kapangyarihan para lagpasan ang lahat ng patakaran at maging madali ang proseso.Halos hindi na niya kailangang mag-isip dahil may pangalan na ang taong kailangan niya.Mateo Garcia.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa telepono niya. Nagdadalawang-isip siya kung tatawagan niya ito pagkatapos ng engkwentro nila kanina.Ngunit pinaalala niya sa sarili na hindi ito ang tamang oras para pai
Halatang mas masama ang lagay ni Rigor kaysa pinapakita niya. Ang pamumutla na nasundan ng pagsusuka at pagtatae maghapon ay nagdulot sa kanya ng labis na panghihina. Matapos makita ang lahat ng sintomas, inisip ni Natalie na posibleng sanhi ito ng food intolerance dahil sa pag-aadjust ng katawan sa bagong klima at lugar.“Hindi naman ito seryoso,” paliwanag sa kanya ng ama, sabay kumpas ng kamay. “Ano lang ‘to…naninibago lang ang sikmura ko sa pagkain at tubig dito. Ayos lang ako.”Ngunit lumalim lang ang kunot sa noo ni Natalie. Bilang isang alagad ng medisina, alam niyang hindi dapat binabalewala ang food intolerance dahil maaari itong humantong sa dehydration o iba pang komplikasyon kapag hindi nabigyan ng tamang lunas.Sa kabila ng kanyang pag-aalala, nagpasya siyang huwag na lang makipagtalo dahil nasa ibang bansa sila at marami pa siya inaasa sa ama. Hindi niya gugustuhing magkaproblema sila---lalo na ngayon na abot kamay na nila ni Justin ang bagong buhay na inaasam nila.Napa
May mga bagay na hindi na kailangang iutos pa sa kanya ni Mateo. Sa tagal na niyang nagtatrabaho para rito---nasanay na si Isaac na alamin ang mga bagay na maaaring makatulong sa hinaharap lalo na pagdating sa personal na buhay ng boss. Habang nasa labas ito, siya naman ay abala sa pagkalap ng mga impormasyon kung bakit umalis si Natalie at nagpunta ng Canada. Unti-unti niyang nabuo ang isang kwento na maaaring magbigay linaw sa lahat.“Galing ang impormasyon na nakuha ko sa rehabilitation center ni Justin Natividad, ang nakababatang kapatid ni Natalie,” panimulang paliwanag ni Isaac.“Oh, tapos?” Tumaas ang kilay ni Mateo habang hinihintay ang kasunod pang detalye.“Kararating lang last week ng resulta ng aplikasyon ni Justin galing Wells Institute, sir.”“At ano ang resulta?” lumalim ang kunot sa noo ni Mateo. Hindi na siya makapaghintay.“Pumasa ang bata. Kwalipikado si Justin. Ang balita, mataas ang nakuhang marka.”“Hm, Wells Institute?” ulit ni Mateo. Halatang nalilito siya. Wal
“Sasaktan niya ba ako? Diyos ko po.”Nanigas si Natalie at ang nanlalaki niyang mga mata ay nakatuon kay Mateo. Bawat kalamnan ng kanyang katawan ay napuno ng takot habang hinihintay ang kahihinatnan niya.Isang malamig na hangin ang dumampi sa pisngi niya habang lumilipad ang kamao nito---ipinikit niya ang mga mata. Ngunit ang inaasahan niyang sakit mulo sa suntok nito ay hindi dumating.Sa halip…Bang!Ang puno sa tabi niya ay umuga ng bumagsak ang kamao ni Mateo doon. Umalingawngaw ang tunog ng pagtama ng mga buto sa kahoy at may mga nalaglag na dahoon sa paanan niya.Hindi mahina ang suntok na pinakawalan nito.“Mateo!” bulalas ni Natalie. Nabahala siya at inabot ang kamay ng lalaki. “Nasaktan ka ba? Patingin---”Ngunit bago niya makuha ang kamay nito, mabilis na naiiwas ni Mateo ang kamay. May ngiti ito sa labi. Isang ngiting may sakit kaysa nakakatawa.“Titingnan mo? Para saan, Natalie?” May pait na tanong nito. “Mahalaga ba talaga ako sayo?”Para siyang sinampal ng mga salitang