Share

KABANATA 231

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-02-10 18:39:07

Hanggang maari, tuwing weekend, dumadalaw si Natalie sa bunsong kapatid. Ang tahimik na daan papunta sa rehabilitation center ng kapatid ay na napapaligiran ng mga namumulaklak na mga bougainvillea. Sari-sari ang kulay at ang mga talulot ay sumasabay sa ihip ng hangin. Gaano man kaganda ang tanawin, ang isipan niya ay malayong-malayo sa kalmadong daan na tinatahak.

Pagpasok niya sa gusali, agad siyang sinalubong ng isang nurse na may magiliw na ngiti. “Hi, Miss Natalie, maaga ka yata ngayon.”

“Ah, oo.” Ngiting tugon din niya dito. “Tapos na ang internship ko kaya mas marami na akong libreng oras para makasama si Justin.”

“Yung lalaki, nauna lang siya sa iyo ng kaunti,” dagdag ng nurse ng pabulong.

Napahinto si Natalie sa paglalakad. Diretso na sana siya sa kwarto ng kapatid pero ng marinig ang sinabi ng nurse, napatigil siya sa paghakbang. “Nurse, sinong lalaki?”

“Yung nagsabing siya raw ang tatay niyo ni Justin. Nandito rin siya mga ilang araw lang ang lumipas.”

Nawala ang ngiti ni N
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Mohamed El Yamany
Ang bagal po ng storya nya gang gang ngayon d pa nanganak c Natalie,bilis bilisan naman po ng Monterey author!
goodnovel comment avatar
Juan Pablo
kaumay na nga hindi ko na nga binabasa kasi paulit ulit lang
goodnovel comment avatar
Marimar Zamora
ka umay na
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 232

    Halos tumagos ang tingin ni Natalie sa ama, litong-lito siya. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang parehong lalaki na mas pinili ang pangalawang pamilya at tinalikuran ang obligasyon sa kanila ni Justin ilang taon na ang nakalipas. Iniwan sila nito at napilitan silang harapin ang hamon ng buhay ng silang dalawa lang. At ngayon, narito ito, nag-aalok ng suporta para sa kinabukasan ni Justin. Para kay Natalie, isa itong panaginip o di kaya ay isang biro.Hindi nakatakas sa pandinig ni Rigor ang pagaalinlangang iyon ni Natalie. Kaya inulit nito ang mga sinabi. Matatag ngunit may bahid ng pagsusumamo.“Ang sabi ko, ako na ang bahala kay Justin sa Wells Institute.”Sinuri ni Natalie ang mukha ng ama. Ang hinahanap niya doon ay ang bakas ng kasinungalingan, ngunit wala siyang makita kundi sinseridad na hindi niya gustong paniwalaan. Nagdududa pa rin siya.“Bakit?” Sa wakas ay naitanong niya.“Bakit?” Natawa si Rigor ngunit hindi iyon tawa na may kasiyahan. “Kailangan pa bang may dahilan

    Huling Na-update : 2025-02-10
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 1

    Alas diyes ng gabi sa Golden Palace Hotel…Napatingin si Natalie sa door number ng pintong nasa kaniyang harapan. Maya-maya pa tumunog ang kaniyang cellphone. Nakatanggap siya ng text mula kay Rigor, ang ama niya. [Nat, pumayag na ang Tita Janet mo. Basta’t sasamahan mo raw si Mr. Chen, babayaran niya ang hospital bills ng kapatid mo.]Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Natalie nang mabasa ang text message. Wala na siyang maramdaman.Matapos magpakasal muli ng ama nila, lagi na lamang silang naiiwang magkapatid. Sa loob ng sampung taon ay iniwan sila nito sa pangangalaga ng madrasta na wala nang alam gawin kundi ang pahirapan sila at siguraduhing impyerno ang mararanasan nila.Hindi lamang madamot sa pagkain at pag-aaruga si Janet. Pinagbubuhatan din niya ng kamay ang magkapatid.Umabot na sa sukdulan ang kawalanghiyaan ng madrasta. Dahil sa malaking pagkakautang nito ay ipinagkanulo siya nito sa isang lalaki!Noong una ay tahasan ang ginawang pagtanggi ni Natalie. Pum

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 2

    Nagmadaling umuwi si Natalie. Ang nadatnan niya sa salas ng bahay ay isang may kalbo at may edad na lalaki. Naroon din ang ama niya, madrasta, at si Irene. Mukhang galit ito at inaaway ang half-sister niya.“Irene, papakasalan kita! Sa kahit anong simbahan pa ‘yan. Name it! Pero bakit mo naman ako pinaghintay buong gabi?” reklamo pa nito.Pinabayaan lamang ni Irene na sigaw-sigawan siya ng lalaki. Kahit ganoon ang hitsura ng lalaki ay masasabing playboy ito. Sandamukal ang mga babae nito!Malas lang ni Irene dahil natipuhan siya ni Kalbo. Mabuti na lamang at mahal na mahal siya ng mga magulang at pinagpalit sila ni Natalie ng posisyon. Si Natalie ang pinadala para makasiping ni Mr. Chen at hindi siya.Nandilat si Irene nang makita si Natalie. Tinakasan nito si Mr. Chen kagabi!“Mr. Chen,” hinimas-himas ni Janet ang braso ng lalaki para kumalma ito. “Pasensya na po kayo. Alam niyo naman ang mga bata sa panahon ngayon, may katigasan ang ulo.”“Tama po ang asawa ko, Mr. Chen. Pasens

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 3

    Nagulat pa si Mr. Chen nang makita kung sino ang bagong dating.“Mr. Garcia?”Sa mundo ng negosyo, walang hindi nakakakilala kay Mateo Garcia. Siya ang nagpapatakbo ng pinakamalaking kompanya ng langis sa buong bansa. Masasabi na ring nasa mga palad ni Mateo nakasalalay ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas.Binitawan ni Mr. Chen ang palapulsuhan ni Irene. Ngunit hawak pa rin nito ang bestida niya. “A-Ano pong ginagawa niyo rito?”Hindi sinagot ni Mateo si Mr. Chen. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Irene. Umiiyak pa rin ito dala ng marahas na paghatak sa kaniya ng lalaki.Ito ang babaeng kasama niya kagabi.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Mateo. Dumapo ito sa panga ni Mr. Chen. Napaupo ito sa lakas ng suntok ng binata.“How dare you lay a hand on her?”“Mr. Garcia, this is a misunderstanding! I can explain everything to you!” tiklop ang kaangasan ni Mr. Chen kay Mateo.“Irene, sinaktan ka ba niya?”Umiling si Irene. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. “H-Hind

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 4

    Naiintindihan ni Natalie ang gustong iparating ni Mateo. Pero para sa kaniya, ang kasal ay sagrado. Hindi ito larong pambata. May pag-aalinlangan siyang umiling. “Hindi naman kailangang umabot tayo sa gano’n ‘di ba? Pwede mo naman sigurong pakiusapan ang lolo mo–”Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinutol na siya ng lalaki. “Bibigyan kita ng malaking halaga bilang kapalit,” sabat ni Mateo sa dalaga. Malaking halaga?Napatda si Natalie sa kaniyang kinauupuan. Sa loob niya, gusto niyang tumanggi. Pero hindi niya maibuka ang bibig para muling tumanggi sa lalaki. Kailangan nang maoperahan ng kapatid niya. At ang tanging dahilan lang naman kaya siya lumapit sa pamilyang Garcia ay pera. Sa mga sandaling iyon ay alam ni Mateo na nakuha niya na ang atensyon ng babae. “You can name your price. Ibibigay ko kahit magkano. Basta’t pumayag ka sa sinabi ko.”Ilang beses na napahugot nang malalim na hininga si Natalie. Kapagkuwa’y tumango na siya sa lalaki. “Sige. Papayag

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 5

    Muntik pang matumba si Natalie dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Mateo. Kakatapos lang i-check ng doktor ang kalagayan ni Antonio. Napalingon ito kina Mateo at Natalie. “Kumusta na ang kalagayan ng lolo ko?” agad na tanong ni Mateo. “Stable na ang kalagayan ni Mr. Garcia. Pero nanghihina pa rin siya sa ngayon. Kailangang mabantayan ng diyeta niya. At kailangan niya ring magpahinga. Higit sa lahat, dapat ay lagi siyang nasa magandang mood. Panatilihin niyo siyang masaya at huwag na huwag niyo siyang stressin at biglain.”Matapos ibilin iyon ay lumabas na ng silid ang doktor. “Mateo, Natalie, nakuha niyo na ang marriage certificate niyo ngayon, hindi ba? Mateo, siguraduhin mong bibigyan mo oras at atensyon ang asawa mo. Hindi niyo na ako kailangang bantayan.”“Mr. Garcia…”Napakunot ng noo si Antonio. “Bakit Mr. Garcia pa rin ang tawag mosa ‘kin? Hindi ba dapat ay lolo na? At saka bakit ka humihingi ng patawad?” “A-Ano po kasi…”Ngunit bago niya pa masabi ang kaniyang sasa

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 6  

    Nanatiling nakaupo si Justin sa kabila ng pangyayari. Ang suot niyang hospital gown ay basang-basa na dahil sa sabaw na ibinuhos sa kaniya. Para siyang naghilamos ng lugaw dahil natabunan ang mukha niya ng mga butil ng kanin. Isang babaeng caregiver na nasa edad trenta ang galit na galit at namimilit na ipasak ang isang kutsara ng lugaw sa bibig ni Justin. “Kainin mo!” bulyaw niya. “Mas malala ka pa sa mga aso’t baboy! Ni hindi mo magawang ibuka ang bunganga mo!” Nang bigla ay may humablot at humatak sa buhok niya. Hindi niya napigilang mapahiyaw sa sakit. “Bitiwan mo ako! Aray! Sino ka ba?!” “Mama?” Namumula ang mga mata ni Justin dahil sa luha niyang nangingilid. Bakas ang matinding galit sa mukha ni Natalie. “Sino ka bas a tingin mong bruhilda ka?! Ang kapal naman ng mukha mong manakit ng bata! Para sabihin ko sa ‘yo, hindi pa kami patay na pamilya niya!” Lalong humigpit ang hawak ni Natalie sa buhok ng babae. Muli niya itong hinatak, dahilan para mapaiyak ito. Pakiram

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 7

    Dahil sa lakas ng kutob niya, naglakad pabalik si Natalie. Nang makalapit siya ay agad niyang natanaw si Irene na nakabihis ng magarang bestida at heels. May kolorete rin sa mukha nito. Kakalabas lang nito ng mansyon. Bumukas ang pinto ng sasakyan. At mula roon ay lumabas si Mateo na may hawak-hawak na pumpon ng bulaklak. Kulay pulang mga rosas ang mga ito— simbolo ng pag-ibig. “Ang ganda,” nakangiting ani Irene matapos niyang tanggapin ang bouquet. Ipinulupot niya ang kaniyang braso sa braso ng binata. Inalalayan naman siya ni Mateo pababa. Pinagbuksan niya pa ito ng pinto at saka inalalayang makapasok sa loob ng sasakyan. Matapos ay sumakay na rin si Mateo at pinaharurot ang sasakyan palayo. Nang malapit nang dumaan sa harapan ni Natalie ang sasakyan ay agad siyang tumalikod para itago ang kaniyang mukha. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib. Kaya pala pinagbihis si Irene ng kaniyang ina kanina dahil may importanteng lakad ito. At iyon ay ang pakikipag-date kay Mateo Ga

    Huling Na-update : 2024-09-11

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 232

    Halos tumagos ang tingin ni Natalie sa ama, litong-lito siya. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang parehong lalaki na mas pinili ang pangalawang pamilya at tinalikuran ang obligasyon sa kanila ni Justin ilang taon na ang nakalipas. Iniwan sila nito at napilitan silang harapin ang hamon ng buhay ng silang dalawa lang. At ngayon, narito ito, nag-aalok ng suporta para sa kinabukasan ni Justin. Para kay Natalie, isa itong panaginip o di kaya ay isang biro.Hindi nakatakas sa pandinig ni Rigor ang pagaalinlangang iyon ni Natalie. Kaya inulit nito ang mga sinabi. Matatag ngunit may bahid ng pagsusumamo.“Ang sabi ko, ako na ang bahala kay Justin sa Wells Institute.”Sinuri ni Natalie ang mukha ng ama. Ang hinahanap niya doon ay ang bakas ng kasinungalingan, ngunit wala siyang makita kundi sinseridad na hindi niya gustong paniwalaan. Nagdududa pa rin siya.“Bakit?” Sa wakas ay naitanong niya.“Bakit?” Natawa si Rigor ngunit hindi iyon tawa na may kasiyahan. “Kailangan pa bang may dahilan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 231

    Hanggang maari, tuwing weekend, dumadalaw si Natalie sa bunsong kapatid. Ang tahimik na daan papunta sa rehabilitation center ng kapatid ay na napapaligiran ng mga namumulaklak na mga bougainvillea. Sari-sari ang kulay at ang mga talulot ay sumasabay sa ihip ng hangin. Gaano man kaganda ang tanawin, ang isipan niya ay malayong-malayo sa kalmadong daan na tinatahak.Pagpasok niya sa gusali, agad siyang sinalubong ng isang nurse na may magiliw na ngiti. “Hi, Miss Natalie, maaga ka yata ngayon.”“Ah, oo.” Ngiting tugon din niya dito. “Tapos na ang internship ko kaya mas marami na akong libreng oras para makasama si Justin.”“Yung lalaki, nauna lang siya sa iyo ng kaunti,” dagdag ng nurse ng pabulong.Napahinto si Natalie sa paglalakad. Diretso na sana siya sa kwarto ng kapatid pero ng marinig ang sinabi ng nurse, napatigil siya sa paghakbang. “Nurse, sinong lalaki?”“Yung nagsabing siya raw ang tatay niyo ni Justin. Nandito rin siya mga ilang araw lang ang lumipas.”Nawala ang ngiti ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 230

    “Sige, pumapayag ako sa gusto mo,” sa wakas ay naisatinig na din ni Natalie ang kanina pa niya gustong sabihin. Mahina iyon pero may kasiguruhan. Tumango si Mateo, tsaka sinenyasan ang nurse na lumapit na. “Simulan niyo na.”Biglang pagtupad sa usapan nila, lumabas siya ng kwarto para tawagan si Drake. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang muli. Apat na magkakasunod na tawag ang ginawa niya pero hindi pa rin ito sumasagot.Unti-unting nawala ang pagiging kalmado niya at napalitan na iyon inis para sa lalaki. Muli niyang sinubukan ngunit ganoon pa din. Wala siyang ibang magagawa kundi ang bumalik sa kwarto at sabihin kay Natalie ang totoo.Naturukan na ng nutritional IV si Natalie, nakapwesto na rin ito. Hindi ito tulog pero mas kalmado na. Nang makita siya nito ulit, bumalik ang pagsasalubong ng kilay nito.“Aalis ka na?” Paniniguro nito.Natawa si Mateo dahil sa hindi maikailang kagustuhan nitong makita siyang umalis na. “Pasensya, pe

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 229

    Binalot ng matinding kaba si Mateo nang mabuhat na niya sa mga bisig ang halos walang malay na si Natalie. Nanghihina ito, mas magaan pa kaysa huling pagkakatanda niya. Balingkinitan itong babae pero mula ng mabuntis ito, imbis na tumaba ay lalo itong namayat. Ang hindi niya maintindihan ay kung paano ito umabot sa ganoong timbang. “Anong nangyari sayo, Natalie? Bakit ka nagkaganito?” Tanong ni Mateo sa isipan.Hindi ito ang babaeng kilala niya---ang Natalie na bitbit niya ngayon ay mistulang ibang tao na. Ubos ang lakas at halos hindi na kayang dalhin ang sarili. Pero sa mga oras na iyon, wala ng oras pa si Mateo para magdalamhati at magnilay-nilay.“May dala ka bang kendi? O kahit anong matamis sa bag?” Madiin ang tanong niya para marinig siya nito.Nagawa pang tumango ni Natalie at ibuka ang bibig para ipakita ang kendi sa bibig niya. Sa kabila ng pagkain nito, naguguluhan pa rin si Mateo kung bakit ito ganoon kahina. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-aalala, kasabay ng pagkadisma

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 228

    Para kay Drake, wala siyang hindi kayang gawin para makakain lang si Natalie. Balewala sa kanya ang perang magagastos niya, distansya, oras at pagod niya---walang halaga ito basta’t masiguro lang niya na maayos ang kalagayan nito. Naalala niyang nabanggit nito ang tungkol sa hinog at nagkukulay pula na papaya. Naisip ni Drake na baka iyon ang kailangan ni Natalie. Nagmaneho siya ng humigit kumulang dalawang oras papunta sa isang farm ng papaya. Doon, nakapamili siya ng pinakamalaki at pinakasariwang papaya. Maingat din niyang ipinalagay sa kahon iyon para hindi malamog at nagmaneho pabalik.Pagdating niya sa apartment, sinalubong siya ni Nilly. Napanganga din ito sa gulat ng nakita ang dala niya. “Wow! Ibang klase, perfect na perfect ang papayang ito, ah! Ang kinis at mukhang matamis! Parang papaya from heaven ang atake!”Napangiti ng malapad si Drake. “Syempre. Sa farm ko mismo binili ‘yan. Siguro, ito na ang pinakamalapit sa langit na kaya kong gawin.”Hindi nga nagbibiro si Drake.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 227

    Biyernes ng gabi. Dumating si Mateo sa bahay nina Irene dahil naimbitahan siyang makisalo sa hapunan. Maayos at malinis ang bahay at napakaayos ng hapag-kainan. Halatang pinaghandaan ni Janet ang gabing iyon. Ang aroma ng bagong lutong pagkain ay pumuno sa buong kabahayan. Maingat na pinili ni Janet ang tradisyunal at modernong mga pagkain.Naupo na si Mateo matapos na magalang na bumati si pamilya ni Irene. Abot-tainga ang ngiti ni Janet, napakagiliw nito at laging nakangiti habang inaalok ang isang pinggan ng naglalakihang sugpo.“Mateo, mabuti naman at pumayag kang saluhan kami,” umpisa nito.Habang tumatagal ang hapunan, ginamit ni Janet ang pagkakataong iyon upang simulan ang isang planadong pag-uusap. “Rigor, naalala ko lang…hindi ba malapit na ang birthday mo?” Kaswal nitong sabi sa asawa. “Anong balak mo? Aba, hindi naman natin pwedeng palampasin na lang ang araw ng kapanganakan mo. Mas gusto mo ba na dito na lang tayo sa bahay o sa ibang lugar?”Sinadya ni Janet iyon. Layuni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 226

    “Mmm,” kinilig si Natalie hindi dahil sa kasama niya si Drake kundi dahil sa kinakain niya. “Ang asim.” Kahit na nagrereklamo ito, kumuha pa rin ito ng manggang hilaw at isinawsaw sa sauce na kapares nito. Naglalaway siya. Naaliw naman si Drake sa reaksyon niya. “Gusto mo pa ba?”“Oo,” mabilis na sagot ni Natalie. Nasasabik siya sa malutong na mangga. Pansamantala niyang nakalimutan ang lungkot niya kanina lang.“Sige, susubuan kita,” sabi ni Drake sabay subo ng maliit na hiwa ng hilaw na mangga na may sawsawan.Sunud-sunuran si Natalie, binuka rin niya ang bibig at hinayaang subuan siya ng lalaki ng maasim na prutas. Ang asim ay nagpapikit ng kanyang mga mata ngunit parang bata itong tuwa-tuwa sa natuklasang bagong paboritong pagkain.Tinitigan siya ni Drake ng may pag-aalala. “Kung masyadong maasim, itigil na natin, ha?”“Huwag! Masarap nga!” Umiling si Natalie. Sarap na sarap ito. “Masarap yung sauce. Sino ang gumawa?”“Gawa ko. Yung mangga, binili ko lang. Ang sabi kasi ng tinder

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 225

    Pinagmasdan na Mateo ang maamong mukha ni Natalie. Halos alam na niya na magiging ganito ang reaksyon nito. Kahit pa nag-aatubili, nagtanong pa rin siya. “Ayaw mo na ba nito? Hindi ba ito ang gusto mo?” Totoo na sandaling panahon lamang sila namuhay bilang mag-asawa. Pero sa kapiranggot na sandaling iyon, masasabi niyang natutunan niya ang mga gusto at hindi gusto nito. Mapagmasid siyang tao. Batid niyang hindi basta-bastang naghahangad si Natalie ng isang bagay ng walang dahilan. Lagi itong meron. Kung nag-abala itong halughugin ang mall para sa puto-bumbong, siguradong gusto niya iyon.Ngunit ngayon ay tahasan nitong tinatanggi ang bigay niya. Hindi dahil sa ayaw nito ng puto-bumbong kundi dahil galing ito sa kanya.Muli, isang punyal ang tumarak sa dibdib ni Mateo. Pilit niyang pinagaan ang tinig kahit na bigat na bigat siya, umaasa pa rin siyang makakapag-usap sila. “Tungkol ba ito sa nangyari kanina? Galit ka ba? Nung sinabi kong…maghati na lang kayo ni Irene? Diba gusto mo ‘yon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 224

    Hindi talaga makapaniwala ang tindera ng maliit na tindahan na iyon. Nakaalis na ang lalaki ngunit laglag pa rin ang panga niya sa nangyari. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses na naroon sa tindahan nila si Mateo Garcia. Hindi lang basta kilala ang lalaki—napakayaman at maimpluwensya ito kaya kaya nitong bilhin ang tindahan nila ng walang kahirap-hirap. Hindi na bago ang balitang bumibili ito ng tindahan kapag nagustuhan nito ang binebenta doon.Kaya wala nang nagawa ang tindera kundi tumalima kaagad. Tila nasiyahan naman ito nang sinabi niyang gagawan na niya ng paraan ang order nito.Napakamot na lang ng ulo ang tindera. “Sinong tanga ang bibili ng tindahan para lang may supply siya ng puto-bumbong?”**Pagdating ni Natalie sa kanto, ramdam niya ang pagkaubos ng enerhiya niya mula sa mabilis na paglisan niya sa mall at ang pagkadismaya dahil wala siyang puto-bumbong. Gusto niya pa rin ito at sa tantya niya ay walang ibang meryenda ang makakapantay sa sarap nito.Nakakita si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status