Biyernes ng gabi. Dumating si Mateo sa bahay nina Irene dahil naimbitahan siyang makisalo sa hapunan. Maayos at malinis ang bahay at napakaayos ng hapag-kainan. Halatang pinaghandaan ni Janet ang gabing iyon. Ang aroma ng bagong lutong pagkain ay pumuno sa buong kabahayan. Maingat na pinili ni Janet ang tradisyunal at modernong mga pagkain.Naupo na si Mateo matapos na magalang na bumati si pamilya ni Irene. Abot-tainga ang ngiti ni Janet, napakagiliw nito at laging nakangiti habang inaalok ang isang pinggan ng naglalakihang sugpo.“Mateo, mabuti naman at pumayag kang saluhan kami,” umpisa nito.Habang tumatagal ang hapunan, ginamit ni Janet ang pagkakataong iyon upang simulan ang isang planadong pag-uusap. “Rigor, naalala ko lang…hindi ba malapit na ang birthday mo?” Kaswal nitong sabi sa asawa. “Anong balak mo? Aba, hindi naman natin pwedeng palampasin na lang ang araw ng kapanganakan mo. Mas gusto mo ba na dito na lang tayo sa bahay o sa ibang lugar?”Sinadya ni Janet iyon. Layuni
Para kay Drake, wala siyang hindi kayang gawin para makakain lang si Natalie. Balewala sa kanya ang perang magagastos niya, distansya, oras at pagod niya---walang halaga ito basta’t masiguro lang niya na maayos ang kalagayan nito. Naalala niyang nabanggit nito ang tungkol sa hinog at nagkukulay pula na papaya. Naisip ni Drake na baka iyon ang kailangan ni Natalie. Nagmaneho siya ng humigit kumulang dalawang oras papunta sa isang farm ng papaya. Doon, nakapamili siya ng pinakamalaki at pinakasariwang papaya. Maingat din niyang ipinalagay sa kahon iyon para hindi malamog at nagmaneho pabalik.Pagdating niya sa apartment, sinalubong siya ni Nilly. Napanganga din ito sa gulat ng nakita ang dala niya. “Wow! Ibang klase, perfect na perfect ang papayang ito, ah! Ang kinis at mukhang matamis! Parang papaya from heaven ang atake!”Napangiti ng malapad si Drake. “Syempre. Sa farm ko mismo binili ‘yan. Siguro, ito na ang pinakamalapit sa langit na kaya kong gawin.”Hindi nga nagbibiro si Drake.
Binalot ng matinding kaba si Mateo nang mabuhat na niya sa mga bisig ang halos walang malay na si Natalie. Nanghihina ito, mas magaan pa kaysa huling pagkakatanda niya. Balingkinitan itong babae pero mula ng mabuntis ito, imbis na tumaba ay lalo itong namayat. Ang hindi niya maintindihan ay kung paano ito umabot sa ganoong timbang. “Anong nangyari sayo, Natalie? Bakit ka nagkaganito?” Tanong ni Mateo sa isipan.Hindi ito ang babaeng kilala niya---ang Natalie na bitbit niya ngayon ay mistulang ibang tao na. Ubos ang lakas at halos hindi na kayang dalhin ang sarili. Pero sa mga oras na iyon, wala ng oras pa si Mateo para magdalamhati at magnilay-nilay.“May dala ka bang kendi? O kahit anong matamis sa bag?” Madiin ang tanong niya para marinig siya nito.Nagawa pang tumango ni Natalie at ibuka ang bibig para ipakita ang kendi sa bibig niya. Sa kabila ng pagkain nito, naguguluhan pa rin si Mateo kung bakit ito ganoon kahina. Lalong nadagdagan ang kanyang pag-aalala, kasabay ng pagkadisma
“Sige, pumapayag ako sa gusto mo,” sa wakas ay naisatinig na din ni Natalie ang kanina pa niya gustong sabihin. Mahina iyon pero may kasiguruhan. Tumango si Mateo, tsaka sinenyasan ang nurse na lumapit na. “Simulan niyo na.”Biglang pagtupad sa usapan nila, lumabas siya ng kwarto para tawagan si Drake. Ilang beses niyang sinubukang tawagan ito ngunit hindi ito sumasagot. Sinubukan niyang muli. Apat na magkakasunod na tawag ang ginawa niya pero hindi pa rin ito sumasagot.Unti-unting nawala ang pagiging kalmado niya at napalitan na iyon inis para sa lalaki. Muli niyang sinubukan ngunit ganoon pa din. Wala siyang ibang magagawa kundi ang bumalik sa kwarto at sabihin kay Natalie ang totoo.Naturukan na ng nutritional IV si Natalie, nakapwesto na rin ito. Hindi ito tulog pero mas kalmado na. Nang makita siya nito ulit, bumalik ang pagsasalubong ng kilay nito.“Aalis ka na?” Paniniguro nito.Natawa si Mateo dahil sa hindi maikailang kagustuhan nitong makita siyang umalis na. “Pasensya, pe
Hanggang maari, tuwing weekend, dumadalaw si Natalie sa bunsong kapatid. Ang tahimik na daan papunta sa rehabilitation center ng kapatid ay na napapaligiran ng mga namumulaklak na mga bougainvillea. Sari-sari ang kulay at ang mga talulot ay sumasabay sa ihip ng hangin. Gaano man kaganda ang tanawin, ang isipan niya ay malayong-malayo sa kalmadong daan na tinatahak.Pagpasok niya sa gusali, agad siyang sinalubong ng isang nurse na may magiliw na ngiti. “Hi, Miss Natalie, maaga ka yata ngayon.”“Ah, oo.” Ngiting tugon din niya dito. “Tapos na ang internship ko kaya mas marami na akong libreng oras para makasama si Justin.”“Yung lalaki, nauna lang siya sa iyo ng kaunti,” dagdag ng nurse ng pabulong.Napahinto si Natalie sa paglalakad. Diretso na sana siya sa kwarto ng kapatid pero ng marinig ang sinabi ng nurse, napatigil siya sa paghakbang. “Nurse, sinong lalaki?”“Yung nagsabing siya raw ang tatay niyo ni Justin. Nandito rin siya mga ilang araw lang ang lumipas.”Nawala ang ngiti ni N
Halos tumagos ang tingin ni Natalie sa ama, litong-lito siya. Ang lalaking kaharap niya ngayon ay ang parehong lalaki na mas pinili ang pangalawang pamilya at tinalikuran ang obligasyon sa kanila ni Justin ilang taon na ang nakalipas. Iniwan sila nito at napilitan silang harapin ang hamon ng buhay ng silang dalawa lang. At ngayon, narito ito, nag-aalok ng suporta para sa kinabukasan ni Justin. Para kay Natalie, isa itong panaginip o di kaya ay isang biro.Hindi nakatakas sa pandinig ni Rigor ang pagaalinlangang iyon ni Natalie. Kaya inulit nito ang mga sinabi. Matatag ngunit may bahid ng pagsusumamo.“Ang sabi ko, ako na ang bahala kay Justin sa Wells Institute.”Sinuri ni Natalie ang mukha ng ama. Ang hinahanap niya doon ay ang bakas ng kasinungalingan, ngunit wala siyang makita kundi sinseridad na hindi niya gustong paniwalaan. Nagdududa pa rin siya.“Bakit?” Sa wakas ay naitanong niya.“Bakit?” Natawa si Rigor ngunit hindi iyon tawa na may kasiyahan. “Kailangan pa bang may dahilan
Halos lahat ng tao ay napatigil sa pagtutulukan sa abalang sakayan ng pumara ang isang bago at magarang sasakyan sa harapan. Bumaba ang bintana sa passenger’s seat at bumungad ang maaliwalas at nakangiting mukha ni Isaac, ang mga mata nito ay nakatuon sa iisang tao lamang.“Nat!” masaya nitong tawag. “Saan ka pupunta? Sumabay ka na sa amin, ihahatid ka na namin.”Napakurap si Natalie sa gulat. Hindi siya sigurado kung tama ba ang nakikita niya. Saglit na nagpalipat-lipat ang tingin niya mula kay Isaac at sa lalaking nakaupo sa harapang upuan---si Mateo. Hindi naman ito umuupo doon. Iyon ang nakatalagang pwesto ni Isaac.Mariin siyang umiling at ngumiti ng bahagya. “Salamat, may paparating naman na bus. Kaya ko na.”Lalong lumawak ang ngiti ni Isaac, tila aliw na aliw ito sa pinapakitang pagtanggi niya sa paanyaya. “Halika na, isang sakay lang naman ‘yan. Huwag mo na akong piliting bumaba. Sige ka.”Nakaharang ang sasakyan nina Mateo kaya hindi makausad ang ibang pampublikong sasakyan.
Pasimpleng tinitingnan ni Isaac ang boss niya. Kanina pa ito tahimik habang nakaupo ngunit mukha’y sadlak sa pinaghalong pagsisisi at determinasyon. Ang karaniwang talas sa mga mata nito ay napalitan ng mas malambot na ekspresyon na may halong lungkot. Hindi na niya kailangang magtanong kung bakit biglang nagbago ang mood nito. Ganoon lagi ang eksena sa tuwing nakakadaupang-palad nito si Natalie.“Sir,” maingat na bungad ni Isaac para mabasag ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.“Isaac,” putol ni Mateo sa sasabihin nito. Banayad ang boses pero matatag. “Pakinggan mo ako. May ipapagawa ako.”Biglang nag-seryoso si Isaac dahi ramdam niya ang bigat ng tono nito. “Nakikinig ako.”“Gumawa ka ng paraan para mapagaan ang buhay ni Natalie,” mariing utos nito habang nakapako ang tingin sa kawalan. Tila malayo ang iniisip nito.“Mapagaan ang buhay niya? Pero…paano, sir?“Trabaho mo ‘yan, basta ang gusto ko hindi ganito ang buhay niya.” Maikli ngunit mariing sagot ni Mateo. Hindi na n
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni
Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a
Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon
Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i