Share

Chapter 21

Aubrey's POV

Pagkatapos naming magligpit ng mga pinggan, napagdesisyunan namin ni Adon na lumabas para mamili ng pasalubong. Mula sa paglabas namin ng hotel, hanggang sa bawat hakbang sa makulay at masiglang mga kalye ng Singapore, nararamdaman ko ang excitement sa hangin. Ang init ng araw ay tumatama sa aming mga mukha, ngunit imbes na mainis, mas naramdaman ko pa ang saya dahil kasama ko si Adon.

Habang naglalakad kami sa paligid ng isang sikat na shopping district, hindi ko maiwasang mapansin ang natural na ganda ni Adon. Bagaman naka-simpleng polo shirt at jeans lang siya, parang siya pa rin ang pinaka-stylish na lalaki sa paligid. Wala siyang kahit anong suot na accessories, pero kitang-kita ko ang confidence sa bawat galaw niya. Very fresh, very pogi talaga itong si Adon—hindi lang dahil sa itsura niya, kundi dahil sa aura na dala-dala niya. Napangiti ako sa isip-isip ko habang iniisip ang mga ganitong bagay.

Pumasok kami sa isang tindahan na nagbebenta ng iba't ibang souvenirs—
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status