Leandro nababaliw ka nababaliw ka na ba?" Gulat na bulalas nangi sang matandang lalaki kay Leandro. "You want this man. Ang anak nang taong nanloko sa iyo na maging asawa nang apo mo?" dagdag pa nito saka tumingin sa binata. Pinigilan ni Drake ang sarili niya dahil nasa harap siya nang pamilya ni Leandro. Naiinis siya dahil sa turing nito sa ama niya Sa isip nang binata wala naman silang alam sa kung ano ang pinagdaanan nang pamilya niya.
"Ganyan ka na ba ka desperado na ipakasal ang apo mo at kahit ang anak nang lalaking manloloko ipagkakatiwala mo ang apo mo." wika nang isang babae. Nang mga sandaling iyon nasa isang malaking mesa sila sa mansion nang mga Montefuego. Nasa harap siya nang buong angkan nang mga Montefuego. Nandoon ang mga kapatid ni Leandro at mga anak nang mga ito at mga apo.
“Alam na ba ni Samantha ang ginawa mo?” Tanong nang matandang babaeng kapatid ni Leandro. “Alam kung mahal mo ang apo mo pero hindi naman siguro----”
“This is the best for her.” Agaw nang matanda.
“Lolo nandito na ako!” masiglang wika nang isang dalaga na pumasok sa komedor. Lahat nang nandoon ay napatingin nang makita ang dalagang bagong dating. Bigla namang natigilan ang dalaga nang makita ang buong angkan nila lalo na ang Binatang nandoon sa hapag.
Saka niya napagtanto kung ano ang suot niya. Kakagaling lang niya noon sa day care center. Tuwing weekends tumutulong siya sa mga madre na magturo sa mga bata. Karamihan sa kanila mga batang inabanduna at ma mga malubhang sakit gaya niya.
“Look at you. Hindi ka manlang nagbihis.” Sita nang Matandang babae habang nakatingin sa dalaga. Nakasuot pa ito nang apron habang may mga mantsa nang pinta ang suot nito maging ang kamay nang dalaga.
“So, this is your future wife. She is nothing but a child. Look at her.” Wika nang isa pang matanda kay Drake bago bumaling kay Leandro. “This is pathetic Leandro.” Naiiling na wika nito.
“Did I ruin the mood?” Pabulong na wika ni Samantha sa lolo niya at lumapit dito saka nagmano.
“Of course not.” Malambing na wika nito saka hinawakan ang mukha nang apo.
“Go say hi to them.” Wika pa nito sa dalaga. Tumango naman ang dalaga saka lumapit sa matandang babae at lalaki saka nagmano sa mga ito bago lumapit sa mga tito at tita niya saka nagmano din dito at bumalik sa kinauupuan nang lolo niya.
“Drake. This is my Granddaughter Samantha. Siya ang mapapangasawa mo.” Wika nito sa binata. “Dinala ko dito ang magiging asawa mo. Sabi mo gusto mo nang mag-asawa.” Natatawang wika nang matanda sa apo.
“Lolo Talaga.” Nahihiyang wika nang dalaga saka napatingin sa binata. Malamig ang ekspresyon nang mukha nito. Alam naman ni Samantha ang dahilan. He was forced to be here and to marry her. Alam nang lolo niya ang tungkol sa nangyari sa pamilya nila.
“We will have the wedding in two weeks.” Deklara nang matanda. Napatingin naman si Samantha sa lolo niya. Hindi na siya nagugulat kung bakit ito nagmamadali sa mga desisyon niya. Hindi rin naman siya magrereklamo kahit siya pakiramdam naghahabol din siya nang oras. Walang ni isa sa pamilya niya maliban sa lolo Leandro niya ang nakakaalam sa sitwasyon niya. Kaya naman siguro masyado itong nagmamadali. Hindi nila alam kung kelan nalang titigil ang oras niya.
“What?” sabay-sabay na wika nang lahat dahil sa gulat. Si Drake naman ay napatingin lang sa maglolo. Hindi siya makapaniwala na unbothered ang dalawa sa reaksyon nang pamilya nila. Lalo siyang naiinis. Kung hindi lang talaga siya nasa isang mahirap na sitwasyon bakit naman niya tatanggapin ang alok na kasal nang nang matanda. Gusto niyang mabawi ang business nang papa niya at malinis ang pangalan nito. Kaya kahit ano handa niyang gawin.
“Two weeks? Bakit naman nagmamadali ka?” Tanong nang isa pang matandang lalaki. “Mga bata pa naman sila.” Dagdag pa nito. “At isa pa hindi pa natin lubusang nakikilala ang Binatang gusto mong ikasal sa apo mo. Alam mo kung ano ang background nang pamilya nila handa mong ipagkatiwala ang apo mo sa kanya. Ang business mo handa mong ipagkatiwala sa kanya? Siya ang pwedeng maging dahilan nang pag---” putol na wika nang matandang lalaki.
“Hindi ko naman sinabing ibibigay ko sa kanya ang Negosyo ko.” Wika nito saka tumingin sa binata. “Gaya nang sabi mo mga bata pa sila. And I don’t think Drake has the ability to handle my business sa estado niya ngayon. He needs to go on an intensive training. I don’t even think kaya niyang ibangon ang business nila.” Ani Leandro.
“I am not getting any younger. Gusto ko ring makita ang magiging apo ko sa tuhod.” Dagdag pa nito at tumingin kay Samantha. Napangiti naman si Samantha dahil sa sinabi nang lolo niya.
“You are crazy Leandro.” Anang matandang lalaki. “Don’t tell me okay lang saiyo ang mga gustong gawin nang lolo mo? Buhay mo ang pinag-uusapan natin dito?” wika nito sa dalaga.
“It’s fine. Naniniwala naman akong ginawa ni lolo ang kung anong makakabuti sa akin.” Wika nang dalaga. Simula nang magising siya sa coma ang lolo na niya ang naging kasama niya. Wala siyang matandaan sa kung ano ang buhay niya. Para siyang isang latang walang laman nang magising siya. Bata pa siya para maintindihan ang nangyayari. He basically raised her. Ipinakilala nito sa kanya ang mga magulang niya mula sa mga litrato at videos na kinuha nang mga ito mula sa kasal hanggang sa mga yearly birthdays niya at okasyon. Naging tradisyon nan ang pamilya niya na kumuha nang videos tuwing may mga okasyon. Hindi niya maalala ang mga yakap nang pamilya niya o kahit ang mga ngiti nang magulang niya.
“And you.” Anito at bumaling kay Drake. “You’re good with this? Baka nakakalimutan mong may atraso ang ama mo sa kompanya namin.” Anito.
“I am getting paid. Bakit hindi magiging okay sa akin ang lahat.” Anang binata. Nakakuyom ang kamao niya lalo na ay narinig niya ang huling sinabi nito. Sa isip niya, kayo ang may atraso sa pamilya ko. Pero hindi niya iyon maisatinig.
“See. Leandro. Anong klaseng kasal ito. Binabayaran mo ang isang taong hindi naman mahal ang apo mo just because----”“Hindi ko kayo pinapunta dito para kwestyunin ang mga gagawin ko. My decision is final. Wala kayong sasabihin na magpapabago nang isip ko.” Nang matanda. “Walang problema si Samantha sa gusto ko. Kung okay ang apo ko sapalagay ko hindi ko na kailangan nang iba pang opinion.” Wika nang matanda.“You are stubborn. At masyado mong ini-i-spoil ang apo mo.” Wika pa nang matandang babae. “Pagsisisihan mo ito. Paano kung may ibang lalaki palang gusto iyang si Samantha. Akala ko ba---”“It’s my right, she is my Granddaughter.” Anang matanda. “Ginagawa ko lang ang sa tingin ko at tama sa apo ko.” Wika nito at tumingin sa dalaga.“You should change your clothes. Para makapag dinner na tayo.” Wika nito kay Samantha at hinawakan ang kamay nito. Tumango naman si Samantha saka tumingin kay Drake. Nakikita niya hindi ito komportable.“Lolo he is not comfortable.” Wika nang dalaga at
Iba talaga ang nagagawa nang kayaman.” Wika nang binata na lumapit kay Samantha. Nakatayo noon ang dalaga sa pinto nang mansion habang nakatingin sa pamilya niya na nasa harden at naghahanda nang hapunan nila. Tuwing sabado at linggo nasa mansion lahat nang kapatid nang lolo niya at mga anak nang mga ito maging ang mga apo nila. At kahit hindi naman sila ganoon kalapit, nagagawa nilang maglaan nang oras para mag bonding. Kahit sa maraming okasyon nag-aaway silang magkakapatid hindi nila nakakalimutang mag sama-sama tuwing weekends at ngayon ay hindi iba sa mga araw na iyon.“Bakit ka nakatingin sa akin na parang natuklaw nang ahas.” Wika nang binata nang biglang humarap sa kanya ang dalaga at napatingin na parang nagulat.“Huwag mong isiping magpapakasal ako saiyo dahil----”“Alam ko.” Agaw nang dalaga. “Ngayon lang tayo nagkita sino naman ang maniniwalang may gusto tayo sa isa’t-isa.” Anang dalaga.“Normally, a girl would fret kung ipakakasal sila sa tao
Lola, ano ‘to?” Tanong ni Samantha nang iaabot sa kanya nang lola Leanne niya ang isang puting sobre. Nasa reception sila noon nang kasal nila ni Drake. Maging si Drake ay napatingin din sa iniabot nang matandang babae sa dalaga.“Regalo ko. Kahit naman ayoko talaga sa ideya nang kasal na ito. Hindi naman pwedeng wala akong ibigay sa iyo at sa asawa mo. I never expect na ang bunso nang angkan ang unang ikakasal. Wala naman akong magagawa.” Wika nito saka napatingin kay Leandro na hindi naman kumibo.“Thank you. Pero hindi na po sana kayo nag-abala.” Magalang na wika nang dalga saka tinanggap ang iniabot na sobre. Nabigla pa ang dalaga nang makita ang laman nang sobre saka napatingin sa lola niya na nakangiti sa kanya. Simple namang kinuha ni Drake ang sobre sa kamay nang dalaga.“Alam kong gusto mong---”“This is not necessary.” Biglang wika ni Drake. Napatingin naman si Samantha at Leanne sa binata. “May pasok kami sa university. I think this kind of stu
Drake!” isang boses nang babae ang narinig nina Samantha at Drake habang naglalakad sila patungo sa exit nang arrival area sa Airport. Kakarating lang nila nang bansa matapos ang limang araw na bakasyon nila sa Italy. Nang marinig nina Drake at Samantha ang boses sabay silang natigilan at napatingin sa pinanggagalingan nang boses.Si Nancy ang Nakita nila na kasama ang isang matangkad na lalaking naka suit. Kilala ni Samantha ang lalaki dahil sa business world. Kilala itong isa sa mga rising CEO. He is literally declared as the new business genius. Pinalago niya ang business nang family niya in just a span of 2 years. Hindi lang sa bansa kundi international. At paano ba naman niya hindi makikilala ang Binatang kasama nito. That night, na nabalitang nagpakamatay ang ama ni Drake was also the same night na ini-announce ang engagement ni Nancy at nang binata.“Galing kayo sa honeymoon niyo?” tanong ni Nancy saka tumingin kay Samantha. Simple namang ngumiti si Samantha sa
“Magandang bride?” di makapaniwalang wika nang binata. “Tumigil ka nga. Nagiging hobby mo na maging conceited. Sumakay kana para makauwi na tayo. Diba gusto mong magpahinga.” Anang binata sa umalis sa may pinto para makasakay ang dalaga.“Saan tayo uuwi?” Tanong nang dalaga saka tumingin sa binata.“Sa bahay ko.” Simpleng wika nang binata saka sumakay.“Sa bahay mo?” tanong nang dalaga saka tumingin sa Binatang nakaupo sa loob nang sasakyan.“Lahat ba nang sasabihin ko itatanong mo. Sasakay ka ba o iiwan kita dito.” Inis na wika nang binata.“Sasakay na.” Napalabi ang dalaga saka sumakay. Hindi naman siya magrereklamo kung saan siya titira basta kasama ang binata. Pero sa natatandaan niya sa sinabi ni Assistant Lee isang maliit na silid lang ang tinutuluyan nang binata. Hindi pa niya nasususbukang tumira sa ibang lugar maliban sa mansion. Hindi pa rin niya nasusubukang umalis nang hindi kasama ang lolo niya, si Assistant Lee or kahit isang bodyguar
Teka, paano nga ulit umuwi sa apartment ni Drake?" Biglang wika nang dalaga saka tumigil sa paglalakad. Simula nang bumalik sila mula sa honeymoon kono nila nag insist si Drake na doon sila manatili sa apartment na tinutuluyan nito kahit pa sinabi nang lolo ni Samantha na mas gusto nitong nasa mansion ang dalawa. Pumayag naman ang lolo niya dahil sa pakiusap niya dito.Alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya kaya ayaw nitong pumayag pero sinabi niyang mas mabuting doon siya sa apartment ni Drake tumira dahil baka maawkward si Drake sa mansion nila lalo na at nasa mansion na lahat nang kapatid nang lolo niya at anak at apo nang mga ito. Dahil sa biglaan nilang pagpapakasal kaya naman naisip nang mga ito na sa mansion na tumira.Habang papauwi siya sa apartment ni Drake may isang lalaking na coat siyang nakasalubong. bigla siyang nagulat at natigilan. Nang napatingin siya dito napansin niyang ang coat lang na suot nito na hanggang tuhod ang nakatabon sa katawan ni
"Anong ginagawa natin dito? Hindi ba tayo uuwi sa apartment mo?" tanong ni Samantha kay Drake nang makita niyang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Bumaba sila sa taxi at ganoon na lamang ang gulat niya nang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Matapos ang nangyari kanina sinabi nang binata na uuwi na sila akala naman niya sa apartment na ang tuloy nila. "Uuwi ka pa din doon matapos ang nangyari kanina?" Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. "Pero doon ang bahay natin hindi ba?" tanong nang dalaga. "Bahay ko lang. Dito ka nakatira." mariing wika nang binata. Napakagat nang labi naman ang dalaga. She was hurt with those words. Ibig bang sabihin noon hindi talaga siya itinuring na pamilya nang binata? Alam naman niyang napilitan lang ito. But hearing him say it kahit alam na niya nasasaktan pa rin siya. "Ibig mong sabihin----" Putol na wika nang dalaga nang biglang bumukas ang gate. Para bang inaasahan na nang mga tao sa mansion ang pagdating nila. "Let's go.
WOW!" manghang wika ni Samantha nang pumasok sila sa silid niya. binago na ang desinyon nang silid niya at bukod doon ang isa sa mga guest room na katabi nang silid niya ginawang closet nang lolo niya. Laman noon ang iba't ibang klase nang damit para kay Drake maging mga accessories. Katabi din noon ang closet para sa kanya. Silid at closet palang nilang dalawa parang isang buong bahay na."Nagustuhan mo ba?" tanong nang matanda kay Samantha. Masayang tumango ang dalaga. Hindi niya akalaing gagastos ang lolo niya para ipaayos ang silid na iyon. Para bang inaasahan nitong uuwi sila sa mansion."Drake. Okay na ito saiyo? Dahil sa papasok kana sa kompanya niyo kailangan mo nang mga damit. Hindi ko alam kong anong gusto mo sa mga damit kaya---" putol na wika nang lolo niya."This is more than enough." wika nang binata. Hindi niya alam kung anong gustong gawin nang matanda pero hindi naman nito kailangang bigyan din siya nang sarili niyang closet. Para namang mananat
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni