Drake!” isang boses nang babae ang narinig nina Samantha at Drake habang naglalakad sila patungo sa exit nang arrival area sa Airport. Kakarating lang nila nang bansa matapos ang limang araw na bakasyon nila sa Italy. Nang marinig nina Drake at Samantha ang boses sabay silang natigilan at napatingin sa pinanggagalingan nang boses.
Si Nancy ang Nakita nila na kasama ang isang matangkad na lalaking naka suit. Kilala ni Samantha ang lalaki dahil sa business world. Kilala itong isa sa mga rising CEO. He is literally declared as the new business genius. Pinalago niya ang business nang family niya in just a span of 2 years. Hindi lang sa bansa kundi international. At paano ba naman niya hindi makikilala ang Binatang kasama nito. That night, na nabalitang nagpakamatay ang ama ni Drake was also the same night na ini-announce ang engagement ni Nancy at nang binata.
“Galing kayo sa honeymoon niyo?” tanong ni Nancy saka tumingin kay Samantha. Simple namang ngumiti si Samantha sa dalaga at napatingin kay Drake na tila hindi komportable sa pagkikita nilang iyon. Nakatingin ito sa Binatang kasama ni Nancy habang nakatiim ang bagang.
“Oh, Mr and Mrs Drake Anderson tama ba?” wika nang lalaki sa kanila na nakangiti. “I think hindi pa ako personally nakakapagpakilala. Dumalo ako sa kasal niyo pero hindi ako nakalapit para e-congratulat kayo. Binabati ko kayo sa kasal niyo. It was a little sudden but, I am happy for you.” Wika nito at inilahad ang kamay sa Binatang di Drake. Napatingin lang si Drake sa kamay nito at tila walang planong tanggapin. Sino ba naman ang makikipagkamay sa lalaking umagaw sa fiancée mo.
“Thank you.” Maagap na wika ni Samantha at tinanggap ang pakikipagkamay nang binata. Ngumiti naman ito kay Samantha.
“Samantha Montefeugo, right?” anito sa dalaga. “The Heiress of El Feugo’s Pride and Dynasty. Pinaka malaking kompanya sa bansa.” Wika nito saka bumaling kay Drake nang bitiwan ni Samantha ang kamay nito. “Tingnan mo nga naman ang swerte mo. Matapos masangkot sa isang iskandalo ang ama mo ang pamilya nito, napangasawa mo naman ang pinakamayamang babae sa bansa.” Tila nang-iinsulto ang boses nito sa binata. Napansin naman ni Samantha ang mahigpit na paghawak ni Drake sa hawakan nang maleta niya. Parang pinipigilan nito ang sarili na hindi ihampas ang maleta sa binata. Pasimple namang hinawakan nang dalaga ang kamay nang binata para kalmahin ito bagay na hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Nancy.
“Are you thinking na sayang ang swerte at napunta sa iba?” wika nang dalaga saka tumingin sa binata.
“What?” Sabay na wika ni Nancy at nang binata dahil sa biglang sinabi nang dalaga.
“Mr. Rafael. You are a businessman. And I am sure your engagement with Ms. Castillo is also about business. May be all of us is the same. Nagkataon lang na mas sinuwerte si Drake at ako ang napangsawa niya. While you choose someone else to be by your side.” Anang dalaga saka bumaling kay Drake.
“Let’s go. I am a little dizzy dahil sa biyahe gusto ko nang magpahinga.” Baling ni Samantha sa binata. “Mauna na kami. Nice to meet you.” Anang dalaga sa dalawa bago inakay ang binata papalayo. Naiwan namang tigalgal ang dalawa dahil sa sinabi nang binata. Ang ngiti nang dalawa ay napalis din dahil sa inis.
“Why did you do that?” tanong nang binata kay Samantha habang naglalakad sila papunta sa parking lot nang mga taxi.
“Bakit na impress ka ba?” Nakangiting wika nang dalaga sabay angkla sa kamay niya sa braso nang binata.
“Don’t be so full of yourself.” Anang binata at tinanggal ang kamay nang dalaga sa braso niya. “Hindi kita kailangan para ipagtanggol ako. May bibig ako at alam ko---”
“I know. Pero hindi naman masamang tumanggap nang tulong sa iba. Hindi naman tayo iba.” Wika nang dalaga at ngumiti sa binata. Muling napatingin ang binata sa dalaga and again that smile.
“One thing.” Anang binata at huminto taka namang napatingin ang dalaga sa binata. “Don’t smile. Not infront of me. Naiinis lang ako lalo saiyo. You are conceited. You are happy dahil nakuha mo ang gusto mo? If you then keep it to yourself.” Anang binata saka nagmamadaling umalis. Bago pa siya ma sway nang mga ngiting iyon. Mas Mabuti pang hindi na niya iyon makita. He has his resolve to take his revenge at hindi niya magagawa iyon kung nakikita niya ang matatamis na ngiting iyon.
Natigilan nang ilang sandali ang dalaga bago sumunod sa binata. Hindi naman niya ito masisisi. Hinanda na niya ang loob niya sa ganitong sitwasyon at pagtrato, Hindi naman niya ini-expect na ibabalik ni Drake ang pagtangi niya dito. But for him to tell her to stop smiling. Lihim siyang nasaktan. Parang sinabi nito sa kanya na huminto na rin sa paghinga. She is trying her best to appear strong sa harap nang binata. Pero baka bumigay din ang tapang niya kung ganito ang trato ni Drake sa kanya.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Drake nang mapansin na nakatingin sa paligid si Samantha na parang may hinahanap habang siya naman ay nakatayo sa harap nang isang taxi. Kakalagay lang din niya nang mga maleta nila sa compartment nang taxi nang manpansin niyang parang may hinahanap ang dalaga.
“Hindi yata dumating ang assistant ni Lolo.” Wika nang dalaga. Sinabi nang assistant nang lolo niya na ito ang susundo sa kanila kapag dumating na sila nang bansa.
“Huwag mo na siyang hintayin hindi siya darating.” Wika ni Drake saka naglakad patungo sa pinto nang kotse saka binuksan ito.
“Hindi darating? Pero bakit? Sabi niya susunduin niya tayo. Hindi pa siya sumisira sa pangako niya.” Wika nang dalaga.
“I told him not to.” Wika nang binata. Taka namang napatingin si Samantha sa binata. Hindi niya inaasahang gagawin iyon ni Drake.
“Bakit? Paano tayo uuwi sa mansion?” Tanong nang dalaga.
“Hindi tayo uuwi nang mansion.” Anang binata.
“Hindi? Bakit? Saan tayo uuwi?” sunod-sunod na tanong nang dalaga.
“Bakit ba ang dami mong tanong? Nakakairita.” Angal nang binata.
“Anong gusto mong gawin ko? Hindi tayo susunduin ni Assistant Lee. Saan tayo matutulog? Sa kalsada? Gusto mo bang matulog sa kalsada ang isang Magandang bride na gaya ko? Hindi ka ba naaawa sa akin.” Anang dalaga.
“Magandang bride?” di makapaniwalang wika nang binata. “Tumigil ka nga. Nagiging hobby mo na maging conceited. Sumakay kana para makauwi na tayo. Diba gusto mong magpahinga.” Anang binata sa umalis sa may pinto para makasakay ang dalaga.“Saan tayo uuwi?” Tanong nang dalaga saka tumingin sa binata.“Sa bahay ko.” Simpleng wika nang binata saka sumakay.“Sa bahay mo?” tanong nang dalaga saka tumingin sa Binatang nakaupo sa loob nang sasakyan.“Lahat ba nang sasabihin ko itatanong mo. Sasakay ka ba o iiwan kita dito.” Inis na wika nang binata.“Sasakay na.” Napalabi ang dalaga saka sumakay. Hindi naman siya magrereklamo kung saan siya titira basta kasama ang binata. Pero sa natatandaan niya sa sinabi ni Assistant Lee isang maliit na silid lang ang tinutuluyan nang binata. Hindi pa niya nasususbukang tumira sa ibang lugar maliban sa mansion. Hindi pa rin niya nasusubukang umalis nang hindi kasama ang lolo niya, si Assistant Lee or kahit isang bodyguar
Teka, paano nga ulit umuwi sa apartment ni Drake?" Biglang wika nang dalaga saka tumigil sa paglalakad. Simula nang bumalik sila mula sa honeymoon kono nila nag insist si Drake na doon sila manatili sa apartment na tinutuluyan nito kahit pa sinabi nang lolo ni Samantha na mas gusto nitong nasa mansion ang dalawa. Pumayag naman ang lolo niya dahil sa pakiusap niya dito.Alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya kaya ayaw nitong pumayag pero sinabi niyang mas mabuting doon siya sa apartment ni Drake tumira dahil baka maawkward si Drake sa mansion nila lalo na at nasa mansion na lahat nang kapatid nang lolo niya at anak at apo nang mga ito. Dahil sa biglaan nilang pagpapakasal kaya naman naisip nang mga ito na sa mansion na tumira.Habang papauwi siya sa apartment ni Drake may isang lalaking na coat siyang nakasalubong. bigla siyang nagulat at natigilan. Nang napatingin siya dito napansin niyang ang coat lang na suot nito na hanggang tuhod ang nakatabon sa katawan ni
"Anong ginagawa natin dito? Hindi ba tayo uuwi sa apartment mo?" tanong ni Samantha kay Drake nang makita niyang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Bumaba sila sa taxi at ganoon na lamang ang gulat niya nang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Matapos ang nangyari kanina sinabi nang binata na uuwi na sila akala naman niya sa apartment na ang tuloy nila. "Uuwi ka pa din doon matapos ang nangyari kanina?" Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. "Pero doon ang bahay natin hindi ba?" tanong nang dalaga. "Bahay ko lang. Dito ka nakatira." mariing wika nang binata. Napakagat nang labi naman ang dalaga. She was hurt with those words. Ibig bang sabihin noon hindi talaga siya itinuring na pamilya nang binata? Alam naman niyang napilitan lang ito. But hearing him say it kahit alam na niya nasasaktan pa rin siya. "Ibig mong sabihin----" Putol na wika nang dalaga nang biglang bumukas ang gate. Para bang inaasahan na nang mga tao sa mansion ang pagdating nila. "Let's go.
WOW!" manghang wika ni Samantha nang pumasok sila sa silid niya. binago na ang desinyon nang silid niya at bukod doon ang isa sa mga guest room na katabi nang silid niya ginawang closet nang lolo niya. Laman noon ang iba't ibang klase nang damit para kay Drake maging mga accessories. Katabi din noon ang closet para sa kanya. Silid at closet palang nilang dalawa parang isang buong bahay na."Nagustuhan mo ba?" tanong nang matanda kay Samantha. Masayang tumango ang dalaga. Hindi niya akalaing gagastos ang lolo niya para ipaayos ang silid na iyon. Para bang inaasahan nitong uuwi sila sa mansion."Drake. Okay na ito saiyo? Dahil sa papasok kana sa kompanya niyo kailangan mo nang mga damit. Hindi ko alam kong anong gusto mo sa mga damit kaya---" putol na wika nang lolo niya."This is more than enough." wika nang binata. Hindi niya alam kung anong gustong gawin nang matanda pero hindi naman nito kailangang bigyan din siya nang sarili niyang closet. Para namang mananat
There's Mrs. Anderson." nakangiting wika nang kaibigan ni Drake nang makita nila ang dalagang nasa labas nang kotse sa labas nang gate nang University nila. Mukhang may hinihintay ito at alam nilang isang tao lang naman ang pwede nitong hintayin sa Labas nang University at iyon ay si Drake."Mukhang bantay sarado ka sa asawa mo." Biro pa nang isang kaibigan ni Drake."Shut up!" anang nang binata saka napatingin sa dalaga. Napakuyom ang kamao niya. hindi niya gustong nagpupunta sa University nila ang dalaga. Kahit naman Kasal sila. Pero mukhang walang plano ang maglolo na lubayan siya at bigyan siya nang katahimikan. Hindi nga siya kinulit nang mga ito na lumipat nang university pero bakit naman ito pa ang susundo sa kanya ngayon. Alam naman niya kung papaano umuwi. Hindi siya gumamit nang kotse dahil hindi siya komportable at dahil na din sa titig nang mga pinsan at ibang miyembro nang pamilya. Hindi sila makapaniwala na binigyan siya nang magarang sasakyan. Haba
Dumating na pala kayo.” Wika ni Assistant Lee na nagaabang sa labas nang building nang Factory nang Kompanya nina Drake. Matapos sunduin ni Samantha ang binata sa Factory sila dumiretso. Nang makababa sila nang kotse Nakita nilang nag-aabang sa labas ang Binatang assistant nang lolo niya.“Assistant Lee.” Masayang wika nang dalaga nang makita ang binata saka ngumiti nang malapad. Napatiim nang bagang ang Binatang si Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga sa harap nang assistant.“Masigla ka yata ngayon.” Wika nito na seryoso ang mukha saka inilagay ang kamay sa ulo nangd dalaga. “Okay lang ba na pumunta ka dito?” Tanong nang binata.“Oo. Nag-usap na kami ni Lolo.” Wika nang dalaga at ngumiti.“Tatayo nalang ba tayo dito?” Tanong nang binata na tila naiinis.“Nasa loob si Chairman.” Wika nito saka nagpatiuna.“Ganyan ka ba sa lahat?” ta
Tama pala ang nadinig ko. Talagang naging inlaws mo na nga ang pamilyang pumatay sa ama mo.” Wika nang Tito Miguel ni Drake nang dumating ito sa conference room nang Factory kung saan naghihintay sina Drake at ang matandang si Leandro at ang assistant nitong si Lee.“Nakita ko ang mga dating empleyado na tinanggal na nakabalik na sa kani-kanilang pwesto. Ibig bang sabihin nito kapalit nang pagpapakasal mo sa apo niya----”“That’s our agreement. Maging ang pagkakablik mo sa trabaho mo ay parte din nang kasunduan. Kung ako lang hindi ako papayag na makabalik sa kompanyang ito ang isang tulad mo.” Wika nang matanda. Napatingin naman si Drake sa matanda. Bakit maman ang init nang dugo nito sa Tito Miguel niya. Ang Tito Miguel niya ang pinagkakatiwalaan nang papa niya. Noong hindi niya alam kung saan pupunta dahil sa sunod-sunod na nangyari sa pamilya nila. Binigyan siya nito nang pera para makakuha siya nang isang silid na lilipatan niya. Binibigyan din siya nito nang pera
Doctor Simone!" masiglang wika ni Samantha nang makita ang doctor niya na dumating sa mansion nila. Bigla namang napaawang ang labi ni Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga nang makita ang binatang doctor na dumating. Sinabi sa kanya nang lolo niya na magpapacheck-up siya matapos ang nangyari sa factory pero hindi niya inaasahan na darating sa mansion ang Binatang Doctor. Sa pagkakaalam niya wala ito sa bansa."Energetic yata ang paborito kong pasyente." wika nito saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Nang huminto ang dalaga sa harap nito. Para itong isang batang nakatingala sa kuya niya na naghihintay na purihin nito. Nakita naman ni Drake ang naging pagsalubong nang dalaga sa lalaking dumating. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya sa ngiti nang dalaga. Tuwing magkasama sila hindi naman ito ngumingiti nang ganoon. Naisip din niya kanina sa Factory nila. Ni hindi ito lumabas sa Opisina ni Lee. Nandoon lang ito buong araw hanggang sa makauwi sila. II
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni