“Magandang bride?” di makapaniwalang wika nang binata. “Tumigil ka nga. Nagiging hobby mo na maging conceited. Sumakay kana para makauwi na tayo. Diba gusto mong magpahinga.” Anang binata sa umalis sa may pinto para makasakay ang dalaga.
“Saan tayo uuwi?” Tanong nang dalaga saka tumingin sa binata.
“Sa bahay ko.” Simpleng wika nang binata saka sumakay.
“Sa bahay mo?” tanong nang dalaga saka tumingin sa Binatang nakaupo sa loob nang sasakyan.
“Lahat ba nang sasabihin ko itatanong mo. Sasakay ka ba o iiwan kita dito.” Inis na wika nang binata.
“Sasakay na.” Napalabi ang dalaga saka sumakay. Hindi naman siya magrereklamo kung saan siya titira basta kasama ang binata. Pero sa natatandaan niya sa sinabi ni Assistant Lee isang maliit na silid lang ang tinutuluyan nang binata. Hindi pa niya nasususbukang tumira sa ibang lugar maliban sa mansion. Hindi pa rin niya nasusubukang umalis nang hindi kasama ang lolo niya, si Assistant Lee or kahit isang bodyguard. Dahil sa takot nito na may mangyari sa kanya kaya naman bantay sarado siya. Iniisip niya kung paano na kumbinsi ni Drake ang lolo niya na sa ibang bahay siya tumira. Napaka overprotective nang lolo niya pagdating sa kanya.
“Dito tayo titira?” Tanong nang dalaga nang dumating sila sa isang apartment. Nang pumasok sila sa loob nang silid nang binata. Sa isip nang dalaga mas Malaki pa ang bathroom niya kumpara sa silid na iyon. Sa silid nang binata makikita ang isang mesa sa di kalayuan ay ang sink at sa tabi nito ang gamit sa kusina malapit sa mesa ay ang kama nang nakatabi ang isang cabinet.
Sa isang tingin masasabing isang tao lang ang pwedeng tumira sa lugar na iyon. Sa isip nang dalaga ito marahil ang silid na sinasabi ni Assistant Lee na tinutuluyan ni Drake.
“Bakit may problema ba?” tanong nang binata.
“Are you sure you want me to live here?” Tanong nang dalaga sa binata.
“Ano sa palagay mo?” tanong nang binata saka pumasok sa loob. Sumunod ang dalaga sa binata.
“But this is too small even for the both of us. It would have been better if we live sa mansion. Tatawagan ko si Lolo.” Wika nang dalaga saka kinuha ang cellphone niya at akmang tatawagan ang lolo niya pero biglang inagaw ni Drake ang cellphone niya. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata dahil sa ginawa nito.
“Saan ka nakakita nang mag-asawang nakikitira sa lolo niya. You wanted to marry me right then you have to live where I live. Hindi ko rin gustong tumira sa mansion niyo dahil pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko.” Wika nang binata at inilapag ang cellphone nang dalaga sa mesa.
“But did you ask if I can live here?” Habol nang dalaga sa Binata. “Hindi pa ako tumitira sa ibang bahay. Baka hindi ako makatulog, maatim mo bang ---” natigilan ang dalaga nang biglang isara nang binata ang pinto nang banyo dahilan din kung bakit siya natigilan ay dahil pa daskol na isinara iyon ni Drake na para bang sinsabi nitong hindi niya gustong marinig ang reklamo niya. Napabuntong hininga lang ang dalaga. Mukhang hindi naman niya mapipilit ang binata na bumalik sila sa mansion.
Takang napatingin sa pinto ang dalaga nang marinig ang katok mula doon. Dahil nasa loob nang banyo ang binata walang ibang naging choice ang dalaga kundi ang buksan ang pinto.
“Lolo!” masiglang wika ni Samantha nang makita ang lolo niya at si Assistant lee na dumating. Nang makita niya ang lolo niya agad niya itong niyakap.
“May dumating ba?” tanong ni Drake na lumabas nang banyo na ngayon ay nakabihis na at nakasuot nang Tshirt at Jogging pants. “Kayo pala.” Walang emosyon na wika nang binata nang makita kung sino ang dumating.
“This is a small place for my grand-daughter.” Wika ni Leandro saka pumasok.
“Maglolo nga kayo pareho kayo nang sinabi.” Wika ni Drake.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Drake kay Assistant Lee nang magsimula itong umikot sa buong silid at tinitingnan ang buong paligid. Parang tinitingnan kung may mga alikabok sa paligid. Tumingin din ito sa labas nang bintana.
“I am checking if this place is safe for Sam.” Sagot nito at tumingin sa binata. “And I think. It’s better that you live sa mansion. Hindi ako palagay sa lugar na ito.” wika nito saka tumingin sa maglolo na nakaupo.
“Wala sa kontrata natin ang nakasaan na pati ang titirahan ko pakikialaman niyo. You asked me to marry your princess. Kung saan ko siya ititira will be up to me.” Wika nang binata.
“It’s Samantha’s safety that we are concerned of.” Sagot nang matanda.
“Eh si sana itinago niyo nalang siya sa mansion niyo para hindi makita nang iba. Who even asked you to asked me to marry her.” Inis na wika nang binata.
Napatingin naman si Samantha sa lolo niya at hinawakan ang kamay nito. “It’s fine lolo. I’ll be okay here. Besides, it’s a new experience for me.” Wika nang dalaga at ngumiti sa lolo niya.
“Are you sure?” nag-aalalang wika nito.
“Oo naman. Nothing bad will happen. Nasa poder naman ako ni Drake. Wala sa itsura niya pero tiyak babantayan naman niya ako.” Wika nang dalaga na ngumiti para e-assure ang lolo niya.
“And what is that supposed to mean?” tanong ni Drake sa dalaga.
“It means you’re a good guy and I trust you. Why else would I marry you.” Wika nang dalaga saka ngumiti sa binata. Lihim na napatiim bagang ang binata. That smile again. Ang inis na nararamdaman niya kanina tila unti-unting nawawala dahil sa ngiting iyon. Even if he is showing her his bad side. But still he can give her that sweet smile. Sinong hindi lalambot ang puso.
“Kung hindi talaga kita mapipilit na bumalik sa mansion wala akong magagawa. Pero tandaan mong bukas ang pinto nang mansion para sa inyong dalawa.” Anang matanda.
“Thank you lolo.” Anang dalaga at inihilig sa balikat nang matanda ang ulo niya. Napangiti naman ang matanda saka marahang tinapik ang ulo nang apo niya. Napatingin lang binata sa maglolo. Hindi naman niya maikakaila ang pagiging close nang dalawa.
Teka, paano nga ulit umuwi sa apartment ni Drake?" Biglang wika nang dalaga saka tumigil sa paglalakad. Simula nang bumalik sila mula sa honeymoon kono nila nag insist si Drake na doon sila manatili sa apartment na tinutuluyan nito kahit pa sinabi nang lolo ni Samantha na mas gusto nitong nasa mansion ang dalawa. Pumayag naman ang lolo niya dahil sa pakiusap niya dito.Alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya kaya ayaw nitong pumayag pero sinabi niyang mas mabuting doon siya sa apartment ni Drake tumira dahil baka maawkward si Drake sa mansion nila lalo na at nasa mansion na lahat nang kapatid nang lolo niya at anak at apo nang mga ito. Dahil sa biglaan nilang pagpapakasal kaya naman naisip nang mga ito na sa mansion na tumira.Habang papauwi siya sa apartment ni Drake may isang lalaking na coat siyang nakasalubong. bigla siyang nagulat at natigilan. Nang napatingin siya dito napansin niyang ang coat lang na suot nito na hanggang tuhod ang nakatabon sa katawan ni
"Anong ginagawa natin dito? Hindi ba tayo uuwi sa apartment mo?" tanong ni Samantha kay Drake nang makita niyang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Bumaba sila sa taxi at ganoon na lamang ang gulat niya nang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Matapos ang nangyari kanina sinabi nang binata na uuwi na sila akala naman niya sa apartment na ang tuloy nila. "Uuwi ka pa din doon matapos ang nangyari kanina?" Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. "Pero doon ang bahay natin hindi ba?" tanong nang dalaga. "Bahay ko lang. Dito ka nakatira." mariing wika nang binata. Napakagat nang labi naman ang dalaga. She was hurt with those words. Ibig bang sabihin noon hindi talaga siya itinuring na pamilya nang binata? Alam naman niyang napilitan lang ito. But hearing him say it kahit alam na niya nasasaktan pa rin siya. "Ibig mong sabihin----" Putol na wika nang dalaga nang biglang bumukas ang gate. Para bang inaasahan na nang mga tao sa mansion ang pagdating nila. "Let's go.
WOW!" manghang wika ni Samantha nang pumasok sila sa silid niya. binago na ang desinyon nang silid niya at bukod doon ang isa sa mga guest room na katabi nang silid niya ginawang closet nang lolo niya. Laman noon ang iba't ibang klase nang damit para kay Drake maging mga accessories. Katabi din noon ang closet para sa kanya. Silid at closet palang nilang dalawa parang isang buong bahay na."Nagustuhan mo ba?" tanong nang matanda kay Samantha. Masayang tumango ang dalaga. Hindi niya akalaing gagastos ang lolo niya para ipaayos ang silid na iyon. Para bang inaasahan nitong uuwi sila sa mansion."Drake. Okay na ito saiyo? Dahil sa papasok kana sa kompanya niyo kailangan mo nang mga damit. Hindi ko alam kong anong gusto mo sa mga damit kaya---" putol na wika nang lolo niya."This is more than enough." wika nang binata. Hindi niya alam kung anong gustong gawin nang matanda pero hindi naman nito kailangang bigyan din siya nang sarili niyang closet. Para namang mananat
There's Mrs. Anderson." nakangiting wika nang kaibigan ni Drake nang makita nila ang dalagang nasa labas nang kotse sa labas nang gate nang University nila. Mukhang may hinihintay ito at alam nilang isang tao lang naman ang pwede nitong hintayin sa Labas nang University at iyon ay si Drake."Mukhang bantay sarado ka sa asawa mo." Biro pa nang isang kaibigan ni Drake."Shut up!" anang nang binata saka napatingin sa dalaga. Napakuyom ang kamao niya. hindi niya gustong nagpupunta sa University nila ang dalaga. Kahit naman Kasal sila. Pero mukhang walang plano ang maglolo na lubayan siya at bigyan siya nang katahimikan. Hindi nga siya kinulit nang mga ito na lumipat nang university pero bakit naman ito pa ang susundo sa kanya ngayon. Alam naman niya kung papaano umuwi. Hindi siya gumamit nang kotse dahil hindi siya komportable at dahil na din sa titig nang mga pinsan at ibang miyembro nang pamilya. Hindi sila makapaniwala na binigyan siya nang magarang sasakyan. Haba
Dumating na pala kayo.” Wika ni Assistant Lee na nagaabang sa labas nang building nang Factory nang Kompanya nina Drake. Matapos sunduin ni Samantha ang binata sa Factory sila dumiretso. Nang makababa sila nang kotse Nakita nilang nag-aabang sa labas ang Binatang assistant nang lolo niya.“Assistant Lee.” Masayang wika nang dalaga nang makita ang binata saka ngumiti nang malapad. Napatiim nang bagang ang Binatang si Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga sa harap nang assistant.“Masigla ka yata ngayon.” Wika nito na seryoso ang mukha saka inilagay ang kamay sa ulo nangd dalaga. “Okay lang ba na pumunta ka dito?” Tanong nang binata.“Oo. Nag-usap na kami ni Lolo.” Wika nang dalaga at ngumiti.“Tatayo nalang ba tayo dito?” Tanong nang binata na tila naiinis.“Nasa loob si Chairman.” Wika nito saka nagpatiuna.“Ganyan ka ba sa lahat?” ta
Tama pala ang nadinig ko. Talagang naging inlaws mo na nga ang pamilyang pumatay sa ama mo.” Wika nang Tito Miguel ni Drake nang dumating ito sa conference room nang Factory kung saan naghihintay sina Drake at ang matandang si Leandro at ang assistant nitong si Lee.“Nakita ko ang mga dating empleyado na tinanggal na nakabalik na sa kani-kanilang pwesto. Ibig bang sabihin nito kapalit nang pagpapakasal mo sa apo niya----”“That’s our agreement. Maging ang pagkakablik mo sa trabaho mo ay parte din nang kasunduan. Kung ako lang hindi ako papayag na makabalik sa kompanyang ito ang isang tulad mo.” Wika nang matanda. Napatingin naman si Drake sa matanda. Bakit maman ang init nang dugo nito sa Tito Miguel niya. Ang Tito Miguel niya ang pinagkakatiwalaan nang papa niya. Noong hindi niya alam kung saan pupunta dahil sa sunod-sunod na nangyari sa pamilya nila. Binigyan siya nito nang pera para makakuha siya nang isang silid na lilipatan niya. Binibigyan din siya nito nang pera
Doctor Simone!" masiglang wika ni Samantha nang makita ang doctor niya na dumating sa mansion nila. Bigla namang napaawang ang labi ni Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga nang makita ang binatang doctor na dumating. Sinabi sa kanya nang lolo niya na magpapacheck-up siya matapos ang nangyari sa factory pero hindi niya inaasahan na darating sa mansion ang Binatang Doctor. Sa pagkakaalam niya wala ito sa bansa."Energetic yata ang paborito kong pasyente." wika nito saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Nang huminto ang dalaga sa harap nito. Para itong isang batang nakatingala sa kuya niya na naghihintay na purihin nito. Nakita naman ni Drake ang naging pagsalubong nang dalaga sa lalaking dumating. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya sa ngiti nang dalaga. Tuwing magkasama sila hindi naman ito ngumingiti nang ganoon. Naisip din niya kanina sa Factory nila. Ni hindi ito lumabas sa Opisina ni Lee. Nandoon lang ito buong araw hanggang sa makauwi sila. II
Ang isipin iyon isang bagay na impossible. Bakit naman magseselos ang binata. Kung nakatingin man ito kay Simone hindi naman siguro ibig sabihin noon nagseselos na siya.“Aha, pinamumulahan ka. Masamang senyalis yan.” Wika nito at itinuro ang mukha nang dalaga habang may malapad na ngiti sa labi nito.“Big bully.” Wika nang dalaga at itinulak ang binata saka padabog nag umakyat nang haghan.“Hey! Masyado ka namang pikon. I was just kidding.” Natatawang habol nito sa dalaga. Nang mahabol nito ang dalaga agad niya itong inabakyan.“Isipin mo. Kapag nagseselos siya ibig sabihin may gusto siya saiyo. Ayaw mo ba noon? Ang first love mo magkakaroon nan ang katuparan.” Wika nito.“Malabo yun. Parati siyang nakasimangot sa akin at parati siyang nagsusugit.” Anang dalaga.“Gusto mo bang kausapin ko siya? Hindi pwedeng hindi niya pinapansin ang pinakamamahal kong pasyente.”“Ano naman sasabihin mo sa kanya ang sitwasyon ko?” tanong nang dalaga.
Naningkit lang ang mata ni Drake sa narinig mula sa lalaki. Mukhang iniisip pa nitong siya ang tama nang mga sandaling iyon at ang ginawa niya ang dapat gawin sa ganoong sitwasyon. He can only imagine kung gaano ka takot si Samantha nang mga sandaling iyon.“Wala akong pakiaalam sa sinasabi mo. Lubayan mo ako. Ako mismo ang tatapos sa tangang driver na yan.” Wika nang lalaki saka inagaw ang kamay sa binata. Pilit pa ring binubuksan nang lalaki ang pinto nang sasakyan ni Samantha. Mariing napakuyom nang kamao si Drake dahil sa labis na inis.“We should settle this sa presinto. Hindi mo kailangang maghuramintado. Hindi natin alam baka nasaktan din ang nasa loob nang kotse.” Wika ni Drake at hinawakan ang kamay nang lalaki upang pigilan ito ngunit marahas lang na itinaboy nang lalaki ang kamay nang binata. Naningkit naman ang mata ni Drak dahil sa inasal nang lalaki. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit.“Huwag ka sabing makialam, baka ikaw ang
Ang naging pag-uusap nina Simone at Samantha ang nasa isip ng dalaga dahilan kung bakit siya tila wala sa isip at siyang naging dahilan nang mangyari ang aksidente. Ilang sandaling nakatingin ang dalaga sa nabangga niya. “Oh No! What have I done? Did I kill him?” Kinakabahan na wika ni Samantha nang makabawi mula sa pagkakabigla saka napatingin sa side mirror niya upang tingnan ang lalaking tumilapon. Nang makita niyang bumangon ang lalaki agad niyang iginilid ang sasakyan upang puntahan ang lalaki at tingnan kung okay lang ito. Nakita niya mula sa side mirror nang sasakyan na nakatayo na ang lalaki. Bababa na sana siya para kausapin ito nang bigla makita ang lalaki galit at naglabas nang baril mula sa likod. Dahil sa takot agad niyang ini-lock ang pinto nang sasakyan. Hindi naman niya inaasahang may dala pala itong baril.“Lumabas ka diyan!” galit na wika nang lalaki saka sinipa ang pinto nang sasakyan niya. “Walang hiya ka! Gusto mo ba akong patayin! Marunog ka bang magmaniho. Lum
AH!” biglang wika ni Samantha saka inapakan nang bigla ang preno nang sasakyan. Nakita niya ang isang motorsiklo na sumalpok sa harap nang sasakyan niya. Nakita din niyang tumilapon ang motor at ang driver nito. Tumama pa ang likod nang driver sa isang poste habang ang motor naman nito ay muntik nang makatama nang isang naglalakad na babae mabuti na lamang at nakaiwas ito. Natigilan si Samantha sa nakita niya. Wala ba siya sa sarili niya habang nagmamaneho? Hindi ba niya nakita ang motor? Hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam niyang malayo ang tinatakbo nang isip niya habang nagmamaneho pero alam din naman niyang hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang motor. Kagagaling lang niya noon sa hospital dahil pinapunta siya ni Simone. Dahilan siguro iyon kung bakit malayo ang tinatakabo nang isip niya. “You know what this means Sam right?” ani Simone na ipinakita sa kanya ang MRI Scan. May regular checkup siya to make sure na wala nang komplikasyon mula sa dati niyang sakit ka
"Mukhang masaya ka ngayon.” Wika ni Miguel nang dalawin siya ni Drake sa kulungan. Ang tawag na natanggap niya noong nasa Ibang bansa sila ay mula kay Juno. Sinabi nitong gusto siyang makausap nang tito Miguel niya at kahit na nasa kulungan na ito hindi parin ito tumitigil sa panggugulo sa kanila. Pinadala pa nito ang anak niya sa opisina nila at sinabing magsasampa sila nang kontra demanda sa binata dahil sa ginawa nito kay Miguel. Pamilya sila pero pangalawang beses na nitong pinakukulong si Miguel. Bukod doon, mukhang ang mga kapatid ni Leandro ay hindi parin nagtitiwala kay Drake. They are digging up kung paano nagawang mapalago ni Drake ang business niya ina short span of time. May hinala si Juno na may kinalaman si Miguel sa mga ito. Ilan din sa mga investor’s nila ay nagpupull out na dahil sa koneksyon nang mga kapatid ni Leandro.“Kumusta ang bakasyon niyo nang anak mo?” sakristong tanong ni Miguel sa binata.“Hindi ako nagpunta dito para e-kwento saiyo ang tungkol sa pamilya
Bago bumalik nang bansa Sina Samantha at Drake, sinulit muna nila ang oras na magkasama sila sa kanilang bakasyon. Lalo na at enjoy na enjoy si Sky sa mga pinupuntahan nilang lugar at kasama ang kanyang Dada. Napansin ni Samantha na lalong naging mas malapit sina Drake at Sky sa naging bakasyon nilang iyon. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ni Samantha bumabawi si Drake sa tatlong taong pagkakahiwalay nila. Ganoon din naman ang gusto niya. Maraming panahon na Nawala sa kanila. Hindi na mahalaga kung wala siyang naalala sa nakaraang ang mahalaga naman ay ang ngayon at bukas. “Good Morning.” Nakangiting wika ni Drake nang pumasok sa silid nila ni Samantha. Napatingin si Samantha sa asawa niya saka napangiti nang makita itong may dalang tray na may pagkain at white roses. Nagising siyang wala sa tabi nila si Sky ang binata. Hindi naman agad siya nakaalis sa kama dahil alam niyang maghahanap si Sky sa kanila kung magigising ito at wala itong katabi. “So, this is the rea
"Are you happy little guy?” Tanong ni Simone kay Sky nang ihatid nila ni Lee sina Samantha sa Airport. Ngayon ang alis nang tatlo papunta Rome. Hindi na sila tumutol ni Lee dahil nakikita naman nilang wala na ring silbi kung pipigilan nila si Samantha at Drake. Kahit na walang maalala si Samantha sa binata hindi maitatanggi na gusto pa rin ni Samantha ang binata at mukhang nakuha na ulit ni Drake ang tiwala ni Samantha. Nakikita nilang masaya na ulit si Samantha. Lalo na si Sky na kasama ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.“Take care of them.” Wika ni Lee kay Drake.“Don’t worry ako nang bahala sa mag-ina ko.” Wika pa ni Drake.“Bye Bye.” Malambing na wika ni Sky sa dalawang binata habang karga-karga ni Drake papasok sa departures area.“My love.” Isang boses ang narinig ni Samantha dahilan kung bakit siya napabalikwas nang bangon. Napatingin siya sa paligid. Nakita niya si Drake sa tabi niya habang kalong ang natutulog na si Sky na nakahiga sa dibdib nito. Talagang komportable
"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon.“Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha.“It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nang anak. “It would have been nice if you could open your heart to me again.” Wika ni Drake saka tumingin kay Samantha. Lihim namang napakagat nang labi nang dalaga saka napahawak nang mahigpit sa hawak n
"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito.“Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi ni Master Drake. dito niyo nalang siya hintayin. Pwede kayong pumasok sa study niya may mga hinanda siyang laruan para kay Sky.” Wika nito.“Toys.” Wika nang bata na biglang bumitaw sa kamay ni Samantha
“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars.“I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuwa dahil sa pagtanggap nang binata sa regalo niya. Napakagat lang nang labi si Samantha dahil sa alam niyang hindi maiintindihan ni Sky kung sasabihin niyang hindi naman si Drake ang ama nito. Pero ayaw d