WOW!" manghang wika ni Samantha nang pumasok sila sa silid niya. binago na ang desinyon nang silid niya at bukod doon ang isa sa mga guest room na katabi nang silid niya ginawang closet nang lolo niya. Laman noon ang iba't ibang klase nang damit para kay Drake maging mga accessories. Katabi din noon ang closet para sa kanya. Silid at closet palang nilang dalawa parang isang buong bahay na.
"Nagustuhan mo ba?" tanong nang matanda kay Samantha. Masayang tumango ang dalaga. Hindi niya akalaing gagastos ang lolo niya para ipaayos ang silid na iyon. Para bang inaasahan nitong uuwi sila sa mansion.
"Drake. Okay na ito saiyo? Dahil sa papasok kana sa kompanya niyo kailangan mo nang mga damit. Hindi ko alam kong anong gusto mo sa mga damit kaya---" putol na wika nang lolo niya.
"This is more than enough." wika nang binata. Hindi niya alam kung anong gustong gawin nang matanda pero hindi naman nito kailangang bigyan din siya nang sarili niyang closet. Para namang mananat
There's Mrs. Anderson." nakangiting wika nang kaibigan ni Drake nang makita nila ang dalagang nasa labas nang kotse sa labas nang gate nang University nila. Mukhang may hinihintay ito at alam nilang isang tao lang naman ang pwede nitong hintayin sa Labas nang University at iyon ay si Drake."Mukhang bantay sarado ka sa asawa mo." Biro pa nang isang kaibigan ni Drake."Shut up!" anang nang binata saka napatingin sa dalaga. Napakuyom ang kamao niya. hindi niya gustong nagpupunta sa University nila ang dalaga. Kahit naman Kasal sila. Pero mukhang walang plano ang maglolo na lubayan siya at bigyan siya nang katahimikan. Hindi nga siya kinulit nang mga ito na lumipat nang university pero bakit naman ito pa ang susundo sa kanya ngayon. Alam naman niya kung papaano umuwi. Hindi siya gumamit nang kotse dahil hindi siya komportable at dahil na din sa titig nang mga pinsan at ibang miyembro nang pamilya. Hindi sila makapaniwala na binigyan siya nang magarang sasakyan. Haba
Dumating na pala kayo.” Wika ni Assistant Lee na nagaabang sa labas nang building nang Factory nang Kompanya nina Drake. Matapos sunduin ni Samantha ang binata sa Factory sila dumiretso. Nang makababa sila nang kotse Nakita nilang nag-aabang sa labas ang Binatang assistant nang lolo niya.“Assistant Lee.” Masayang wika nang dalaga nang makita ang binata saka ngumiti nang malapad. Napatiim nang bagang ang Binatang si Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga sa harap nang assistant.“Masigla ka yata ngayon.” Wika nito na seryoso ang mukha saka inilagay ang kamay sa ulo nangd dalaga. “Okay lang ba na pumunta ka dito?” Tanong nang binata.“Oo. Nag-usap na kami ni Lolo.” Wika nang dalaga at ngumiti.“Tatayo nalang ba tayo dito?” Tanong nang binata na tila naiinis.“Nasa loob si Chairman.” Wika nito saka nagpatiuna.“Ganyan ka ba sa lahat?” ta
Tama pala ang nadinig ko. Talagang naging inlaws mo na nga ang pamilyang pumatay sa ama mo.” Wika nang Tito Miguel ni Drake nang dumating ito sa conference room nang Factory kung saan naghihintay sina Drake at ang matandang si Leandro at ang assistant nitong si Lee.“Nakita ko ang mga dating empleyado na tinanggal na nakabalik na sa kani-kanilang pwesto. Ibig bang sabihin nito kapalit nang pagpapakasal mo sa apo niya----”“That’s our agreement. Maging ang pagkakablik mo sa trabaho mo ay parte din nang kasunduan. Kung ako lang hindi ako papayag na makabalik sa kompanyang ito ang isang tulad mo.” Wika nang matanda. Napatingin naman si Drake sa matanda. Bakit maman ang init nang dugo nito sa Tito Miguel niya. Ang Tito Miguel niya ang pinagkakatiwalaan nang papa niya. Noong hindi niya alam kung saan pupunta dahil sa sunod-sunod na nangyari sa pamilya nila. Binigyan siya nito nang pera para makakuha siya nang isang silid na lilipatan niya. Binibigyan din siya nito nang pera
Doctor Simone!" masiglang wika ni Samantha nang makita ang doctor niya na dumating sa mansion nila. Bigla namang napaawang ang labi ni Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga nang makita ang binatang doctor na dumating. Sinabi sa kanya nang lolo niya na magpapacheck-up siya matapos ang nangyari sa factory pero hindi niya inaasahan na darating sa mansion ang Binatang Doctor. Sa pagkakaalam niya wala ito sa bansa."Energetic yata ang paborito kong pasyente." wika nito saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Nang huminto ang dalaga sa harap nito. Para itong isang batang nakatingala sa kuya niya na naghihintay na purihin nito. Nakita naman ni Drake ang naging pagsalubong nang dalaga sa lalaking dumating. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya sa ngiti nang dalaga. Tuwing magkasama sila hindi naman ito ngumingiti nang ganoon. Naisip din niya kanina sa Factory nila. Ni hindi ito lumabas sa Opisina ni Lee. Nandoon lang ito buong araw hanggang sa makauwi sila. II
Ang isipin iyon isang bagay na impossible. Bakit naman magseselos ang binata. Kung nakatingin man ito kay Simone hindi naman siguro ibig sabihin noon nagseselos na siya.“Aha, pinamumulahan ka. Masamang senyalis yan.” Wika nito at itinuro ang mukha nang dalaga habang may malapad na ngiti sa labi nito.“Big bully.” Wika nang dalaga at itinulak ang binata saka padabog nag umakyat nang haghan.“Hey! Masyado ka namang pikon. I was just kidding.” Natatawang habol nito sa dalaga. Nang mahabol nito ang dalaga agad niya itong inabakyan.“Isipin mo. Kapag nagseselos siya ibig sabihin may gusto siya saiyo. Ayaw mo ba noon? Ang first love mo magkakaroon nan ang katuparan.” Wika nito.“Malabo yun. Parati siyang nakasimangot sa akin at parati siyang nagsusugit.” Anang dalaga.“Gusto mo bang kausapin ko siya? Hindi pwedeng hindi niya pinapansin ang pinakamamahal kong pasyente.”“Ano naman sasabihin mo sa kanya ang sitwasyon ko?” tanong nang dalaga.
Aalis ka kaagad?” Tanong ni Leandro nang dumating kasama si Lee. Nakasalubong nila si Simone at Samantha na naglalakad papunta sa gate. “Kadarating mo lang, aaalis ka kaagad. Why don’t you stay for dinner. Bakit aligaga kang umalis?” wika nang matanda.“Yan nga din po ang sinabi ko sa kanya. Eh, kaso hindi daw siya komportable sa bahay.” Nakangusong wika ni Samantha. Napangiti naman si Simone dahil sa sinabi nang dalaga saka inakbayani to.“Ito naman nagtatampo kaagad. I think I can stay.” Wika nito saka bumaling kay Leandro.“Hmm.” Wika nang dalaga saka itinulak ang binata. “Ngayong si Lolo ang nagsabi you can stay? Kaninag ako nagyaya. Ayaw mo dahil maraming tao sa bahay.” Wika ni Samantha.“You will take a whole night calming her down.” Wika ni Lee saka umiling.“Yeah, this sulking baby is really had to please.” Wika nito saka muling inakbayan ang dalaga. Pero inirapan lang siya nang dalaga at nagcross nang kamay. Lalo namang napangiti si
Habang nasa hapag sila at kumain nang dinner. Tahimik ang lahat. Ganito naman ang parating view nang hapagkainan nila. Minsan din hindi sila sabay-sabay kumain except weekends. Naging kaugalian na nang pamilya nil ana gawing bonding time ang weekened. But apart from that, parang nasa magkaibang mundo ang mga ito.“Why?” tanong ni Simone na bumaling kay Samantha nang mapansin na hinawakan nang dalaga ang sleeve nang polo niya. Napatingin siya sa kamay nito. Nang marinig ni Drake ang doctor napatingin siya dito maging si Lee at Leandro ay napatingin din sa dalawa.“Clingy as ever are we Samantha. Para namang ang tagal niyong hindi nagkita.” Wika nang lolo Lyndon niya na hindi nakatingin sa dalaga pero tila alam ang nangyayari. Natigilan naman ang iba at napatingin sa dalawa.“Gusto mo bang subuan pa kita?” biro ni Simone na napangiti. Pero alam niyang hindi iyon ang dahilan. He is just trying to distract the rest.“You people are treating her like a weak ch
Ano yan?” tanong ni Samantha kay Drake nang maglapag ito nang tray na may lamang pagkain sa mesa. Nasa sofa siya noon sa silid nila at nagbabasa nang libro. Nasa silid din noon si Drake at nag-aaral pero bigla itong lumabas nang bumalik ito may dala na itong tray nang pagkain.“Pagkain.” Simpleng wika nang binata saka bumalik sa desk niya. Napatingin naman si Samantha sa dalaga sabay napangiti.“Thank you.” Mahinang wika nang dalaga saka napatingin sa pagkain.“HIndi ko lang gustong naririnig ang kumakalam mong sikmura.” Wika nang binata. Napahawak naman si Samantha sa tiyan niya. Hindi pa pala siya nakakain nang maayos matapos ang nangyari sa komedor kanina.“If you are going to act so high and mighty. Dapat e-train mo din yang sikmura mo na hindi magreklamo.” Wika nang binata na hindi lumingon sa dalaga.“Para kang si Doc Simone kung mag sermon.” Wika nang dalaga saka nagsimulang kumain. Natigilan naman si Drake nang marinig ang pangalan nang doc