Ano yan?” tanong ni Samantha kay Drake nang maglapag ito nang tray na may lamang pagkain sa mesa. Nasa sofa siya noon sa silid nila at nagbabasa nang libro. Nasa silid din noon si Drake at nag-aaral pero bigla itong lumabas nang bumalik ito may dala na itong tray nang pagkain.
“Pagkain.” Simpleng wika nang binata saka bumalik sa desk niya. Napatingin naman si Samantha sa dalaga sabay napangiti.
“Thank you.” Mahinang wika nang dalaga saka napatingin sa pagkain.
“HIndi ko lang gustong naririnig ang kumakalam mong sikmura.” Wika nang binata. Napahawak naman si Samantha sa tiyan niya. Hindi pa pala siya nakakain nang maayos matapos ang nangyari sa komedor kanina.
“If you are going to act so high and mighty. Dapat e-train mo din yang sikmura mo na hindi magreklamo.” Wika nang binata na hindi lumingon sa dalaga.
“Para kang si Doc Simone kung mag sermon.” Wika nang dalaga saka nagsimulang kumain. Natigilan naman si Drake nang marinig ang pangalan nang doctor. Saka niya naalala ang Nakita niya kanina sa may swimming pool. Halata niyang talagang malapit na malapit ang dalawa.
Napatingin ang dalaga kay Drake nang tumayo ito sa desk niya saka pinatay ang laptop saka naglakad patungo sa kama saka nahiga at pinatay ang lampshade na nasa tabi nito.
“Matutulog kana?” tanong nang dalaga habang kumain.
“Wala na akong ganang magbasa dahil sa isang----” wika nang binata saka natigilan. Bakit ba siya naiinis. Wala naman siyang pakiaalam sa personal na buhay nang dalaga Iyon ang nasa kasunduan.
Nakatingin lang si Samantha sa binata. Hindi niya maintindihan ang kilos nito. Dati naman inaabot ito nang madaling araw dahil sa pagbabasa at minsan nagbabsa din ito nang mga documents tungkol sa kompanya nito. Mga documents na pinababasa ni Lee sa kanya. Isang striktong mentor si Lee kay kailangan niyang mag doble kayod kung gusto niyang makuha ang kompanya.
“Marami ka bang ginawa sa factory ngayon?” tanong nang dalaga. Pero hindi sumagot ang binata at ipinikit lang ang mga mat anito.
“Sabi ni Lee. Malaki na ang ini-improve mo. At may mga empleyado na humahanga saiyo. Alam mo bang hind madaling makakuha nang komento mula kay Lee. Masyado siyang strikto at mapili. But I think, he likes your works. He acknowledges your capabilities.” Wika nang dalaga. Hindi naman sumagot ang binata nakapikit pa din ang mat anito at nakikinig lang sa dalaga.
“Sa makalawa na ang event sa school niyo. Pwede ba akong pumunta?” tanong nang dalaga. Biglang nagmulat nang mata si Drake nang marinig ang sinabi nang dalaga.
“Hindi.” Simpleng sagot nang binata.
“Bakit naman? Open house naman ang event na iyon. Malay mo. Maisipan kong mag transfer nang school para magkasama tayo sa iisang school.”
“Kapag ginawa mo yan. Lilipat ako nang ibang school.” Wika nang binata, napalabi naman ang dalaga.
“Pupunta ako. Okay lang ba?” Tanong nang dalaga.
“Hindi. At tumigil ka na sa pagsasalita dahil gusto kong magpahinga.” Wika nang binata saka tumalikod sa dalaga. Saka muling ipinikit ang mga mata.
“Sayang naman gusto ko sanang makita ang mga activities niyo sa school. Saka sabi ni Juno maglalaro ka nang basket ball.” Wika nang dalaga. “Gusto ko sana ulit makita na maglaro ka nang basketball.” Bigla namang nagmulat ulit nang mata ang binata. Anong ibig sabihin nito? Nakita na ba siya nang dalaga na maglaro nang basketball? Noong high school siya miyembro siya nang basketball at Karate club. Huling laro niya nang basketball noong senior high school siya sa isang inter school tournament. Wala siyang naalalang Nakita sila ni Samantha. O baka, isa sa mga school na nakalaban nila noon ang school nang dalawa. Biglal siyang napaisip. Wala siyang masyadong alam tungkol sa dalaga.
“Alam mo ba. Noong nakalaban mo ang school namin noong high school. Saiyo ako nag che-cheer.” Anang dalaga at bahagyang tumawa. “I was like betraying my school’s team by cheering sa kalaban nila.” Dagdag pa nang dalaga. Nakinig lang ang binata sa kwento nang dalaga. Papangiti pa siya habang kinukwento nito nang detalyado ang mga nangyari sa laro kahit siya medyo Malabo na din sa alaala niya ang mga nangyari pero habang nagkukwento si Samantha parang bumabalik sa kanya ang lahat. Hindi niya maiwasang hindi humanga sa talas nang memorya nito.
“I don’t want to forget these memories.” Wika nang dalaga na naging malungkot ang boses. Alam niyang kahit gaano kadetalyado ang mga sinabi niya at mga naaalala niya hindi magtatagal makakalimutan niyang lahat nang iyon. Isang araw lahat nang laman nang utak niya mawawala nalang. Pasimpleng pinahid ni Samantha ang luha niya na pumatak.
“Tulog ka na ba?” tanong nang dalaga nang hindi na sumagot sa kanya si Drake. Kanina pa siya nagsasalita pero mukhang tinulugan na siya nang binata.
“It would be great if I can convince na na pumayag na pumunta ako sa Event nang university niyo.” Wika nang dalaga. Narinig ni Drake ang sinabing iyon nang dalaga. Hindi pa siya natutulog dahil sino naman ang makakatulog kung naririnig mo ang walang tigil niyang kwento. Ngunit sa halip na mainis sa naririnig niya. Drake without noticing it is enjoying it. Parang kaya niyang pakinggan ang kwento nang dalaga kahit abutin sila nang madaling araw.
Sam!" masiglang wika ni Juno nang pumasok sa gate nang University nila ang dalaga. Dahil wala naman siyang masyadong klase naisipan niyang pumunta sa event nang University ni Drake. Hindi siya pinapapunta ni Drake doon dahil para sa binata nagsasayang lang siya nang oras. Pero dahil kay Juno kaya siya pumayag na pumunta bukod doon sinabi din nito na hindi lang sa basketball kasali ang binata ito din ang University King kaya naman marami itong event. Sa katunayan niya, nang dumating siya kasalukuyang nasa isang pictorial ang binata. Para itong professional model."Isang pictorial lang ito para sa univeristy editorial pero tingnan mo naman para talaga siyang isang model. Marami ding mga kumukuha sa kanya na maging isang model. Kung hindi lang siya masyadong fixated sa kagustuhan niyang makuha muli ang kompanya nila maaari siyang pumasok sa pag-aartista. Alam mo bang may ilang mga talent agency na na pumunta dito at kinausap si Drake. Kaso, tumatanggi siya." wika nito habang nak
"Ah! Yeah muntik ko nang makalimutan." wika nito na napalatak. "Sam. Manonood ka hindi ba?" wika nito na akmang hahawakan ulit ang kamay nang dalaga pero biglang humarang ang binata. Napangiti naman si Juno dahil sa naging reaksyon nang kaibigan. Hindi niya alam kung tama ba ang basa niya sa kilos nang binata pero mukhang he is being possessive of his wife. Alam niyang nagpakasal ito sa dalaga hindi dahil mahal nito ang dalaga ngunit may iba itong motibo. And probably could also be the reason why he is hostile pagdating sa dalaga. She is showing her he is not friendly and will never ba friendly towards her. O baka naman, pinipigilan niya ang sarili na maging malapit sa dalaga."Maglalaro din si Drake, kaya kailangan mong manood." wika nito sa dalaga bago bumaling sa kaibigan. "Tapusin mo na ang pictorial mo at sumunod kana sa Gym." Anito at inilagay ang kamay sa balikat nang kaibigan."If you are jealous. Pwede mo namang ipakita. And Also, huwag mo siyang masyadong sun
Sila ba?” Excited na wika nang isang Dalaga. Agad namang napatingin si Samantha sa pinanggagalingan nang Boses. Nakita niya ang isang grupo nang mga dalaga na nakatingin sa kinaroroonan nila at mukhang ang tinitingnan nang mga ito ay sina Nancy at Drake.“Sila nga. Ang ganda at gwapo pala nila sa personal.” Tila kinikilig na wika nang isang dalaga habang nakatingin sa dalawa. Sang-ayon naman si Samantha sa sinabi nang mga ito. Si Nancy at Drake ang itinuturing na King and queen nang University. Sila ang Face of the University. Sila din ang mukha na nasa webpage nang social media account nang university.“Lumapit tayo mag papicture tayo sa kanila. Minsan lang tayo makapunta dito sa sa University nila.” Wika nang isa pang dalaga.“Dito na ba kayo magpapaenrol next year?” tanong nang kasamaa nito.“Syempre. Dalawang taon pa bago sila mag graduate. Kapag dito tayo nag pa enroll makakasama natin sa iisang univers
“Ah. Alam ko na. Dito nag-aaral ang asawa mo diba? Alam mo ba, nahihiya akong pumunta dito wala kasi akong kilala Mabuti nalang Nakita kita.” Wika nito.“Wala ka bang kasama?” tanong ni Samantha sa dalaga.“Yung boyfriend ko. Nasa faculty of Law siya. Sabi niya sa Gym kami magkikita. Kasali kasi siya sa basketball team nang faculty nila at makakalaban nila ang faculty nang business administration ngayon.” Wika nang dalaga. “Ikaw bakit ka nag-iisa? Nasaan ang asawa mo?” tanong nito.“Busy siya.” Wika nang dalaga. Mukhang makakalaban nang boyfriend niya ang college ni Drake. Wika nang isip nang dalaga. Hindi niya alam kung maglalaro si Drake. Ang dalagang nasa harap niya ngayon ay isang University student mula sa university niya. Hindi niya masasabing kaibigan niya ito. Pero magkaklase sila. Wala siyang masyadong kaibigan sa University nila. Close sila nang dalaga dahil pareho sila nang college at classmates din sila.“Ganoon ba. So, Mag-isa ka din
Crys.” Wika nang isang Binatang nakasuot nang jersey nang Faculty of Law at lumapit sa kanila. Kasalukuyan silang nakatayo sa entrance nang Gym. Kumakaway ito sa kanila habang papalapit.“Buti at nakarating ka. Pasensya kana hindi kita nasalubong.” Wika nito at makalapit sa kanila. Bahagya itong napatingin kay Samantha.“May kasama ka?” Tanong nang nito.“Ah, Si Samantha. Kaklase ko. Nagkita lang kami dito.” Wika nito sa kasintahan. “Samantha. Si Eric, boyfriend ko. Siya ang Number one player sa college nila at miyembro din siya nang University Varsity team.” Wika nito na may halong pagmamalaki sa boses.“Ikaw naman masyado mong pinababango ang pangalan ko. Hindi naman ako ang number one player.” Wika nito saka napangiti at napakamot sa ulo. “Nice to meet you.” Wika nito saka inilahad ang kamay sa dalaga.“Nice to meet you.” Anang dalaga at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Sandali lang siyang nakipagkamay dito saka binitiwan ang kamay nang binata
“I might as well later.” Wika nang binata saka naupo. Napatingin naman si Juno sa kaibigan. Saka bumaling kay Samantha na nakatingin sa binata. Mukhang napako ang tingin nito sa binata. At halatang na bigla sa Nakita.“Kanino ka ba naiinis?” Tanong ni Juno sa kaibigan.“Just shut it.” Wika ni Drake. Napailing lang si Juno. Sanay na siya sa pagiging moody nito. “Mukhang lalo pa kayong naging sikat ni Nancy ngayon. Kahit alam nang lahat na hiwalay na kayo. Iniisip parin nilang couple kayo. Umaasa sila na magkakabalikan pa rin kayo.”“It’s their delusion. Alam naman nilang impossible na mangyari yun.” Wika ni Drake.“Pero aminin mo. Hanggang ngayon nasa puso at isip mo pa rin si Nancy. Mahirap kalimutan yan. Dahil simula noong high school magkasama na kayo.” Wika nang binata. Napatingin naman si Drake sa kaibigan.“Just shut your mouth. Kahit ilang minuto lang hayaan mo akong magisip bago magsimula ang laro.” Wika nang binata saka tumingin sa kaibigan
“Gawin mo ang gusto mong gawin. Kahit naman sabihin kong huwag kang pumunta dito. Matigas ang ulo mo. Pupunta ka pa din.” Wika ni Drake sa dalaga.“Pupunta ka rin naman diba?” nakangiting wika nang dalaga sa binata.“Kung hindi ako pupunta sinong kasama mo?” wika nang binata. Napangiti naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata.Bakit ka nakangiti nang ganyan. Wala naman akong espesyal na ginawa. Ang babaw nang kaligayahan mo. Wika nang isip nang binata habang nakatingin sa matamis na ngiti nang dalaga.“Bakit ka nakangiti?” tanong ni Drake sa dalaga. “Para kang sira.” Wika nang binata saka nagpatiunang maglakad sa kanila. Taka namang napatingin sina Juno, Nancy at Samantha sa binata.“Masaya lang ako. Gusto mo bang mag shopping nag susuotin para mamaya?” tanong nang dalaga saka sumunod sa binata.“Hindi na magastos.” Wika nang binata napatuloy nang lakad.“Ang galing mo kanina. Akala ko talaga hindi ka maglalaro. Ang dami
Drake!” wika ni Nancy nang makita ang Binatang dumating. Pagtayo palang nang binata sa may pinto agaw atensyon na kaagad ito lalo na sa suot nitong suit. Napatingin si Nancy sa binata. Buong akala niya hindi ito darating sa closing ceremony nang event. Marami na nga ang nagpahawag nang kanilang disappointment nang malamang hindi dadalo ngayon naman marami ang nagulat at bukod doon masaya nang makita ang Binatang nakatayo sa sa pinto. Nakatingin din sila sa dalagang kasama nito.“Akala ko hindi pupunta.” Wika ni Nancy at lumapit sa binata. “Well, good thing you did. Dahil maraming naghihintay saiyo.” Wika nito saka biglang hinawakan ang braso nang binata.“Let’s go.” Wika nito na hindi pinansin ang dalagang kasama nito. Napaawang lang ang labi nang dalaga nang makita ang ginawa ni Nancy para ba siyang hindi nag-eexist. Isa pang ikinainis nang dalaga ay hindi manlang siya nilingon nang binata. Napatingin siya kay Drake at N
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni