“Ah. Alam ko na. Dito nag-aaral ang asawa mo diba? Alam mo ba, nahihiya akong pumunta dito wala kasi akong kilala Mabuti nalang Nakita kita.” Wika nito.
“Wala ka bang kasama?” tanong ni Samantha sa dalaga.
“Yung boyfriend ko. Nasa faculty of Law siya. Sabi niya sa Gym kami magkikita. Kasali kasi siya sa basketball team nang faculty nila at makakalaban nila ang faculty nang business administration ngayon.” Wika nang dalaga. “Ikaw bakit ka nag-iisa? Nasaan ang asawa mo?” tanong nito.
“Busy siya.” Wika nang dalaga. Mukhang makakalaban nang boyfriend niya ang college ni Drake. Wika nang isip nang dalaga. Hindi niya alam kung maglalaro si Drake. Ang dalagang nasa harap niya ngayon ay isang University student mula sa university niya. Hindi niya masasabing kaibigan niya ito. Pero magkaklase sila. Wala siyang masyadong kaibigan sa University nila. Close sila nang dalaga dahil pareho sila nang college at classmates din sila.
“Ganoon ba. So, Mag-isa ka din? Gusto mo tayo nalang magkasama? Mag tour tayo sa Campus. May oras pa naman tayo bago ang basketball event.” Wika nito. Tumingin ang dalaga sa kinaroroonan nina Drake at Nancy. Mukhang hindi pa makakaalis ang binata at busy sa mga fans nila.
“Sige. Gusto ko ring mag tour sa campus nila.” Wika nang dalaga.
“Alam mo balak kong mag transfer dito next semester.” Wika nito saka nagsimulang maglakad.
“Bakit naman?” Tanong nang dalaga.
“Gusto nang boyfriend ko nag magkasama kami. Balak niyang magpakasal kami after graduation. Ang sweet diba.” Wika nito. Napangiti lang si Samantha. Masaya siyang marinig ang tungkol doon. At ang swerte nang dalagang ito iyon ang nasa isip niya.
“Ikaw? Dito nag-aaral ang asawa mo diba? Balak mo rin bang lumipat nang school?” Tanong nito sa kanya.
“Hindi pwede.” Wika nang dalaga.
“Hindi pwede? Bakit naman?”
“Mas gusto ko sa University natin. Isa pa kahit naman mag-asawa kami. May sarili pa din naman kaming desisyon hindi ba?” Anang dalaga.
“Alam mo bang akala ko ikaw sa atin ang huling mag-aasawa. Kahit naman kilala ang pamilya mo. Masyado kang tahimik. Minsan nga nahihiya akong lumapit saiyo. Nagkalakas lang ako nang loob dahil ayokong mag-isa dito.” Wika nang dalaga sa kanya.
“Intimidating bang akong makasama?” tanong nang dalaga.
“Sa totoo lang para kasing ang lalim nang pagkatao mo. Saka, tuwing nakikita namin na sinusundo ka nang gwapong Binatang iyon iniisip namin masayadong mataas ang level mo at hindi kami bagay saiyo.” Wika nang dalaga. Tiyak na ang tinutukoy nang dalagang ito ay si Lee. Ito naman ang sumusundo sa kanya.
“Gaya nang iba. Isa din akong ordinaryong college student.” Wika nang dalaga.
Kasama si Crystal, nilibot nil ani Samantha ang Campus. Nakapasok din sila sa iba’t ibang clubs nang University. Masayadong busy ang mga tao doon. Ang event na iyon ay para ding Open house para sa mga high school student na balak pumasok nang college. Maraming pakulo ang bawat faculty para hikayatin ang mga ito na doon mag enrol sa kanila. Binigyan din sila nang mga flyers sakaling gusto nilang mag-enrol sa university nila.
Matapos nila mag libot sa Campus, nagpasama sila sa isang student nang university sa gym nila. Kapwa sila napahanga si Crystal nang makita ang laki nang gym nang Univeristy bukod doon punog-puno ang loob nang Gym. May kanya-kanyang banner ang mga sumusuporta sa faculty na maglalaban. May Nakita din silang mga cheering squad nang bawat faulty at may mascot din.
“Ang saya naman nang event nila. Isang exhibition game lang ito pero para kang nanood nang nang isang National Collegiate Competion.” Wika ni Crystal at tumingin sa dalaga. Sang-ayon naman si Samantha sa sinabi nang dalaga. Para siyang bumabalik sa Noong high school siya. Ang unang araw na nakita niya si Drake.
Crys.” Wika nang isang Binatang nakasuot nang jersey nang Faculty of Law at lumapit sa kanila. Kasalukuyan silang nakatayo sa entrance nang Gym. Kumakaway ito sa kanila habang papalapit.“Buti at nakarating ka. Pasensya kana hindi kita nasalubong.” Wika nito at makalapit sa kanila. Bahagya itong napatingin kay Samantha.“May kasama ka?” Tanong nang nito.“Ah, Si Samantha. Kaklase ko. Nagkita lang kami dito.” Wika nito sa kasintahan. “Samantha. Si Eric, boyfriend ko. Siya ang Number one player sa college nila at miyembro din siya nang University Varsity team.” Wika nito na may halong pagmamalaki sa boses.“Ikaw naman masyado mong pinababango ang pangalan ko. Hindi naman ako ang number one player.” Wika nito saka napangiti at napakamot sa ulo. “Nice to meet you.” Wika nito saka inilahad ang kamay sa dalaga.“Nice to meet you.” Anang dalaga at tinanggap ang pakikipagkamay nito. Sandali lang siyang nakipagkamay dito saka binitiwan ang kamay nang binata
“I might as well later.” Wika nang binata saka naupo. Napatingin naman si Juno sa kaibigan. Saka bumaling kay Samantha na nakatingin sa binata. Mukhang napako ang tingin nito sa binata. At halatang na bigla sa Nakita.“Kanino ka ba naiinis?” Tanong ni Juno sa kaibigan.“Just shut it.” Wika ni Drake. Napailing lang si Juno. Sanay na siya sa pagiging moody nito. “Mukhang lalo pa kayong naging sikat ni Nancy ngayon. Kahit alam nang lahat na hiwalay na kayo. Iniisip parin nilang couple kayo. Umaasa sila na magkakabalikan pa rin kayo.”“It’s their delusion. Alam naman nilang impossible na mangyari yun.” Wika ni Drake.“Pero aminin mo. Hanggang ngayon nasa puso at isip mo pa rin si Nancy. Mahirap kalimutan yan. Dahil simula noong high school magkasama na kayo.” Wika nang binata. Napatingin naman si Drake sa kaibigan.“Just shut your mouth. Kahit ilang minuto lang hayaan mo akong magisip bago magsimula ang laro.” Wika nang binata saka tumingin sa kaibigan
“Gawin mo ang gusto mong gawin. Kahit naman sabihin kong huwag kang pumunta dito. Matigas ang ulo mo. Pupunta ka pa din.” Wika ni Drake sa dalaga.“Pupunta ka rin naman diba?” nakangiting wika nang dalaga sa binata.“Kung hindi ako pupunta sinong kasama mo?” wika nang binata. Napangiti naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata.Bakit ka nakangiti nang ganyan. Wala naman akong espesyal na ginawa. Ang babaw nang kaligayahan mo. Wika nang isip nang binata habang nakatingin sa matamis na ngiti nang dalaga.“Bakit ka nakangiti?” tanong ni Drake sa dalaga. “Para kang sira.” Wika nang binata saka nagpatiunang maglakad sa kanila. Taka namang napatingin sina Juno, Nancy at Samantha sa binata.“Masaya lang ako. Gusto mo bang mag shopping nag susuotin para mamaya?” tanong nang dalaga saka sumunod sa binata.“Hindi na magastos.” Wika nang binata napatuloy nang lakad.“Ang galing mo kanina. Akala ko talaga hindi ka maglalaro. Ang dami
Drake!” wika ni Nancy nang makita ang Binatang dumating. Pagtayo palang nang binata sa may pinto agaw atensyon na kaagad ito lalo na sa suot nitong suit. Napatingin si Nancy sa binata. Buong akala niya hindi ito darating sa closing ceremony nang event. Marami na nga ang nagpahawag nang kanilang disappointment nang malamang hindi dadalo ngayon naman marami ang nagulat at bukod doon masaya nang makita ang Binatang nakatayo sa sa pinto. Nakatingin din sila sa dalagang kasama nito.“Akala ko hindi pupunta.” Wika ni Nancy at lumapit sa binata. “Well, good thing you did. Dahil maraming naghihintay saiyo.” Wika nito saka biglang hinawakan ang braso nang binata.“Let’s go.” Wika nito na hindi pinansin ang dalagang kasama nito. Napaawang lang ang labi nang dalaga nang makita ang ginawa ni Nancy para ba siyang hindi nag-eexist. Isa pang ikinainis nang dalaga ay hindi manlang siya nilingon nang binata. Napatingin siya kay Drake at N
Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang asawa mo? Bigla kang Nawala sa party maging si Sam Nawala din. Inihatid mo ba siya sa mansion nila? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Juno nang pumasok sa apartment ni Drake. Kalagitnaan nang kasiyahan nang mapansin niyang wala sa gym ang mag-asawa. Sinubukan niyang hanapin si Drake sa campus pero hindi niya Nakita ang binata. Isang lugar lang ang alam niya kung saan pwedeng pumunta. Hindi naman siya nabigo nang magpunta sa apartment. Nang kumatok siya agad siyang pinagbuksan nang pinto nang binata.Nang maglakad siya papasok sa silid napansin niya ang bote nang beer. Mukhang kanina pa umiinom ang binata at tatlong bote nang beer na ang nauubos nito. Kilala niya ang binata tuwing may pinagdaraanan nito o naiinis. Ang beer ang pang-alis nito nang init nang ulo.“Ano bang nangyari? Bakit ka nandito? Nasaan ang asawa mo?” tanong ni Juno saka naglakad patungo sa refrigerator saka kumuha nang isang bote nang bee
Nang dumating ang binata sa mansion. Tahimik na ang buong bahay. Hindi naman siya nagtataka. Kahit na maraming taong nakatira sa mansion usually most of them is not at home bukod sa weekend. They are busy with their own lives. Parang ginagawa lang nilang tulugan ang mansion minsan naman hindi umuuwi sa mansion ang mga ito kapag na stuck sa kani-kanilang trabaho.Habang naglalakad ang binata patungo sa silid nila ni Samantha. Napapaisip siya kung anong ginagawa nang dalaga. Madaling araw na. Natutulog na kaya ito? iyon ang nasa isip niya habang naglalakad siya patungo sa silid. Bigla siyang natigilan nang pagbukas niya nang pinto Nakita niya ang dalagang nakaupo sa kama habang nagbabasa nang aklat. Ilang sandali siyang natigilan nang makita ang dalagang gising pa. Hinintay ba siya nito? Iyon ang tanong sa isip niya. And thinking na hinintay siya nito. Tila hinaplos ang puso niya and at the same time he feels irritated thinking that she stay up whole night waiting for him.
Sam!” masayang wika nang mga bata nang bumaba si Samantha sa Van. Kasunod niyang bumama doon si Drake. Nabigla pa ang binata nang makita ang mga batang tila nag-aabang sa pagdating nang dalaga. Nakita niyang tumakbo papalapit sa dalaga ang mga bata agad na pinalibutan nang mga ito ang dalaga. Nakita niyang nakangiti ang dalaga habang masayang nakikipag-usap sa mga batang excited na makita siya.Kasunod nang mga bata ang isang Madre at isang dalaga. Nakangiti ang mga ito nang makita ang dalaga. Saka bumaling sa Binatang nasa likod nang dalaga. Simple namang tumango si Drake sa dalawa.“They really miss you.” Wika nang madre nang makalapit sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa madre at sa dalagang lumapit.“Halata nga.” Nakangiting wika nang dalaga saka napatingin sa mga batang nakapalibot sa kanya saka tumingin sa madre at ngumiti. “May mga dala akong supplies.” Wika nang dalaga saka tumingin sa dalawang truck na nasa
Sam!” Nag-aalalang wika nang dalagang assistant nang madre nang makitang tila muntik nang mabuwal si Samantha nang tumayo ito. Mabuti at nakakapit ito sa upuan. Agad namang nasapo nang dalaga ang ulo niya. Kakatapos lang nilang kumain noon. Dahil Maganda ang araw at gusto nang mga bata ang outdoor activities na isip nang Madre na sa labas na sila kumain. Na nagustuhan naman nang mga bata bukod sa aliw din sila sa pakikipagusap kay Drake na game na game naman kahit ang kukulit nang mga bata.Nang marinig ni Drake ang sinabi nang dalagang assistant napadako ang tingin niya kay Samantha. Maging ang mga bata ay nag-aalala ding napatingin sa dalaga.“Sam are you okay?” tanong nang madre at tumayo saka lumapit sa dalaga.“Sam, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nang mga bata saka bumaling sa dalaga. Nilingon naman nang dalaga ang mga bata saka pilit na ngumiti. Napadako ang tingin niya kay Drake na nakatingin lang sa kany
Naningkit lang ang mata ni Drake sa narinig mula sa lalaki. Mukhang iniisip pa nitong siya ang tama nang mga sandaling iyon at ang ginawa niya ang dapat gawin sa ganoong sitwasyon. He can only imagine kung gaano ka takot si Samantha nang mga sandaling iyon.“Wala akong pakiaalam sa sinasabi mo. Lubayan mo ako. Ako mismo ang tatapos sa tangang driver na yan.” Wika nang lalaki saka inagaw ang kamay sa binata. Pilit pa ring binubuksan nang lalaki ang pinto nang sasakyan ni Samantha. Mariing napakuyom nang kamao si Drake dahil sa labis na inis.“We should settle this sa presinto. Hindi mo kailangang maghuramintado. Hindi natin alam baka nasaktan din ang nasa loob nang kotse.” Wika ni Drake at hinawakan ang kamay nang lalaki upang pigilan ito ngunit marahas lang na itinaboy nang lalaki ang kamay nang binata. Naningkit naman ang mata ni Drak dahil sa inasal nang lalaki. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit.“Huwag ka sabing makialam, baka ikaw ang
Ang naging pag-uusap nina Simone at Samantha ang nasa isip ng dalaga dahilan kung bakit siya tila wala sa isip at siyang naging dahilan nang mangyari ang aksidente. Ilang sandaling nakatingin ang dalaga sa nabangga niya. “Oh No! What have I done? Did I kill him?” Kinakabahan na wika ni Samantha nang makabawi mula sa pagkakabigla saka napatingin sa side mirror niya upang tingnan ang lalaking tumilapon. Nang makita niyang bumangon ang lalaki agad niyang iginilid ang sasakyan upang puntahan ang lalaki at tingnan kung okay lang ito. Nakita niya mula sa side mirror nang sasakyan na nakatayo na ang lalaki. Bababa na sana siya para kausapin ito nang bigla makita ang lalaki galit at naglabas nang baril mula sa likod. Dahil sa takot agad niyang ini-lock ang pinto nang sasakyan. Hindi naman niya inaasahang may dala pala itong baril.“Lumabas ka diyan!” galit na wika nang lalaki saka sinipa ang pinto nang sasakyan niya. “Walang hiya ka! Gusto mo ba akong patayin! Marunog ka bang magmaniho. Lum
AH!” biglang wika ni Samantha saka inapakan nang bigla ang preno nang sasakyan. Nakita niya ang isang motorsiklo na sumalpok sa harap nang sasakyan niya. Nakita din niyang tumilapon ang motor at ang driver nito. Tumama pa ang likod nang driver sa isang poste habang ang motor naman nito ay muntik nang makatama nang isang naglalakad na babae mabuti na lamang at nakaiwas ito. Natigilan si Samantha sa nakita niya. Wala ba siya sa sarili niya habang nagmamaneho? Hindi ba niya nakita ang motor? Hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam niyang malayo ang tinatakbo nang isip niya habang nagmamaneho pero alam din naman niyang hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang motor. Kagagaling lang niya noon sa hospital dahil pinapunta siya ni Simone. Dahilan siguro iyon kung bakit malayo ang tinatakabo nang isip niya. “You know what this means Sam right?” ani Simone na ipinakita sa kanya ang MRI Scan. May regular checkup siya to make sure na wala nang komplikasyon mula sa dati niyang sakit ka
"Mukhang masaya ka ngayon.” Wika ni Miguel nang dalawin siya ni Drake sa kulungan. Ang tawag na natanggap niya noong nasa Ibang bansa sila ay mula kay Juno. Sinabi nitong gusto siyang makausap nang tito Miguel niya at kahit na nasa kulungan na ito hindi parin ito tumitigil sa panggugulo sa kanila. Pinadala pa nito ang anak niya sa opisina nila at sinabing magsasampa sila nang kontra demanda sa binata dahil sa ginawa nito kay Miguel. Pamilya sila pero pangalawang beses na nitong pinakukulong si Miguel. Bukod doon, mukhang ang mga kapatid ni Leandro ay hindi parin nagtitiwala kay Drake. They are digging up kung paano nagawang mapalago ni Drake ang business niya ina short span of time. May hinala si Juno na may kinalaman si Miguel sa mga ito. Ilan din sa mga investor’s nila ay nagpupull out na dahil sa koneksyon nang mga kapatid ni Leandro.“Kumusta ang bakasyon niyo nang anak mo?” sakristong tanong ni Miguel sa binata.“Hindi ako nagpunta dito para e-kwento saiyo ang tungkol sa pamilya
Bago bumalik nang bansa Sina Samantha at Drake, sinulit muna nila ang oras na magkasama sila sa kanilang bakasyon. Lalo na at enjoy na enjoy si Sky sa mga pinupuntahan nilang lugar at kasama ang kanyang Dada. Napansin ni Samantha na lalong naging mas malapit sina Drake at Sky sa naging bakasyon nilang iyon. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ni Samantha bumabawi si Drake sa tatlong taong pagkakahiwalay nila. Ganoon din naman ang gusto niya. Maraming panahon na Nawala sa kanila. Hindi na mahalaga kung wala siyang naalala sa nakaraang ang mahalaga naman ay ang ngayon at bukas. “Good Morning.” Nakangiting wika ni Drake nang pumasok sa silid nila ni Samantha. Napatingin si Samantha sa asawa niya saka napangiti nang makita itong may dalang tray na may pagkain at white roses. Nagising siyang wala sa tabi nila si Sky ang binata. Hindi naman agad siya nakaalis sa kama dahil alam niyang maghahanap si Sky sa kanila kung magigising ito at wala itong katabi. “So, this is the rea
"Are you happy little guy?” Tanong ni Simone kay Sky nang ihatid nila ni Lee sina Samantha sa Airport. Ngayon ang alis nang tatlo papunta Rome. Hindi na sila tumutol ni Lee dahil nakikita naman nilang wala na ring silbi kung pipigilan nila si Samantha at Drake. Kahit na walang maalala si Samantha sa binata hindi maitatanggi na gusto pa rin ni Samantha ang binata at mukhang nakuha na ulit ni Drake ang tiwala ni Samantha. Nakikita nilang masaya na ulit si Samantha. Lalo na si Sky na kasama ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.“Take care of them.” Wika ni Lee kay Drake.“Don’t worry ako nang bahala sa mag-ina ko.” Wika pa ni Drake.“Bye Bye.” Malambing na wika ni Sky sa dalawang binata habang karga-karga ni Drake papasok sa departures area.“My love.” Isang boses ang narinig ni Samantha dahilan kung bakit siya napabalikwas nang bangon. Napatingin siya sa paligid. Nakita niya si Drake sa tabi niya habang kalong ang natutulog na si Sky na nakahiga sa dibdib nito. Talagang komportable
"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon.“Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha.“It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nang anak. “It would have been nice if you could open your heart to me again.” Wika ni Drake saka tumingin kay Samantha. Lihim namang napakagat nang labi nang dalaga saka napahawak nang mahigpit sa hawak n
"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito.“Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi ni Master Drake. dito niyo nalang siya hintayin. Pwede kayong pumasok sa study niya may mga hinanda siyang laruan para kay Sky.” Wika nito.“Toys.” Wika nang bata na biglang bumitaw sa kamay ni Samantha
“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars.“I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuwa dahil sa pagtanggap nang binata sa regalo niya. Napakagat lang nang labi si Samantha dahil sa alam niyang hindi maiintindihan ni Sky kung sasabihin niyang hindi naman si Drake ang ama nito. Pero ayaw d