“Gawin mo ang gusto mong gawin. Kahit naman sabihin kong huwag kang pumunta dito. Matigas ang ulo mo. Pupunta ka pa din.” Wika ni Drake sa dalaga.
“Pupunta ka rin naman diba?” nakangiting wika nang dalaga sa binata.
“Kung hindi ako pupunta sinong kasama mo?” wika nang binata. Napangiti naman ang dalaga dahil sa sinabi nang binata.
Bakit ka nakangiti nang ganyan. Wala naman akong espesyal na ginawa. Ang babaw nang kaligayahan mo. Wika nang isip nang binata habang nakatingin sa matamis na ngiti nang dalaga.
“Bakit ka nakangiti?” tanong ni Drake sa dalaga. “Para kang sira.” Wika nang binata saka nagpatiunang maglakad sa kanila. Taka namang napatingin sina Juno, Nancy at Samantha sa binata.
“Masaya lang ako. Gusto mo bang mag shopping nag susuotin para mamaya?” tanong nang dalaga saka sumunod sa binata.
“Hindi na magastos.” Wika nang binata napatuloy nang lakad.
“Ang galing mo kanina. Akala ko talaga hindi ka maglalaro. Ang dami mo ding mga tagahanga. Nakakabingi ang mga hiyawan nila.” Wika nang dalaga habang nakasunod sa binata.
“Ah.” Daing nang dalaga nang biglang tumama ang mukha niya sa likod nang binata nang bigla itong tumigil sa paglalakad. “Aw.” Daing nang dalaga sabay hawak sa noo niya at napatingin sa binata.
“Bakit ka ba biglang huminto sa paglalakad?” tanong nang dalaga saka napatingala sa binata.
“Bakit ang ingay mo?” tanong nang binata.
“Ha?” gulat na wika nang dalaga.
“Anong ha. Ang ingay mo. Ganito ka ba kadaldal?” tanong nang binata.
“Masaya lang ako dahil sa Pumayag kang pumunta ako sa grandball niyo mamaya.”
“Yun lang masaya ka na?” tanong ni Drake. “Ang babaw mo.”
“Hindi ko alam kung kelan ulit ako magkakaroon nang pagkakataon na makasama ka sa ganitong event. Masaya siguro kung Makakapagsayaw din tayo.” Wika nang dalaga.
“Hindi ako sasayaw. Huwag mo nang pangarapin yun.” Wika nang binata.
“Kung ayaw mo, sige kay Juno nalang ako----” biglang natigilan ang dalaga nang biglang hawakan nang binata ang kamay niya taka naman siyang napatingin dito.
“Kung gusto mong isayaw kita. Kailangan mo akong turuan, parehong kaliwa ang paa ko. May oras pa tayong magpraktis.” Wika ni Drake saka hinila ang dalaga papalayo. Napangiti lang si Samantha habang hinahayaan ang binata na hilahin siya papalayo sa gym. Taka lang na nakatingin sina Juno at Nancy sa kanilang dalawa.
“Mukhang magkasundo naman ang dalawang yun. Parang hindi mo iisiping isang arrange marriage ang nangyari sa kanila.” Wika ni Juno.
“Kilala mo ba kung anong klaseng babae ang napangasawa ni Drake?” Tanong nang dalaga kay Juno.
“Hindi ko pa siya masyadong kilala wala ding ikinukwento si Drake tungkol sa kanya. Mukha wala din siyang balak mag kwento. Akala ko nga hindi niya gusto si Samantha. Pero sa nakikita ko naman, Mukhang Maganda ang pagsasama nang dalawa.” Wika ni Juno.
“Ang bilis niyang magbago.” Wika ni Nancy.
“Sinong nagbago? Si Drake ba?” tanong ni Juno. “Huwag mo siyang sisisihin kung nagbago siya. Hindi siya pwedeng manatiling nakatali sa nakaraan niyo. Sino ba sa inyong dalawa ang unang bumitaw? Hindi ba ikaw?” wika ni Juno.
“Anong sabi mo?” gulat na wika nang dalaga.
“Aminin mo sa sarili mo ikaw ang unang bumitaw kay Drake. Hindi mo siya sinamahan sa panahon na kailangan niya nang taong masasandalan. Ngayon may ibang tao na sa buhay niya. Nag-aalala ka ba? Bakit gusto mo bang bumalik sa kanya?” tanong ni Juno.
“Ano?” Hindi makapaniwalang wika ni Nancy na napaawang ang labi.
“Huwag ka ring magtaka kung mahuhulog sa iba si Drake. Dahil kung ako ang tatanungin hindi mahirap mahalin si Samantha. Manhid si Drake kung hindi siya maiinlove sa asawa niyang iyon.” Wika ni Juno saka napailing at naglakad papalayo sa dalaga. Napatingin lang si Nancy sa binata saka napakuyom nang kamao. Habang napakagat nang labi.
Drake!” wika ni Nancy nang makita ang Binatang dumating. Pagtayo palang nang binata sa may pinto agaw atensyon na kaagad ito lalo na sa suot nitong suit. Napatingin si Nancy sa binata. Buong akala niya hindi ito darating sa closing ceremony nang event. Marami na nga ang nagpahawag nang kanilang disappointment nang malamang hindi dadalo ngayon naman marami ang nagulat at bukod doon masaya nang makita ang Binatang nakatayo sa sa pinto. Nakatingin din sila sa dalagang kasama nito.“Akala ko hindi pupunta.” Wika ni Nancy at lumapit sa binata. “Well, good thing you did. Dahil maraming naghihintay saiyo.” Wika nito saka biglang hinawakan ang braso nang binata.“Let’s go.” Wika nito na hindi pinansin ang dalagang kasama nito. Napaawang lang ang labi nang dalaga nang makita ang ginawa ni Nancy para ba siyang hindi nag-eexist. Isa pang ikinainis nang dalaga ay hindi manlang siya nilingon nang binata. Napatingin siya kay Drake at N
Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang asawa mo? Bigla kang Nawala sa party maging si Sam Nawala din. Inihatid mo ba siya sa mansion nila? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Juno nang pumasok sa apartment ni Drake. Kalagitnaan nang kasiyahan nang mapansin niyang wala sa gym ang mag-asawa. Sinubukan niyang hanapin si Drake sa campus pero hindi niya Nakita ang binata. Isang lugar lang ang alam niya kung saan pwedeng pumunta. Hindi naman siya nabigo nang magpunta sa apartment. Nang kumatok siya agad siyang pinagbuksan nang pinto nang binata.Nang maglakad siya papasok sa silid napansin niya ang bote nang beer. Mukhang kanina pa umiinom ang binata at tatlong bote nang beer na ang nauubos nito. Kilala niya ang binata tuwing may pinagdaraanan nito o naiinis. Ang beer ang pang-alis nito nang init nang ulo.“Ano bang nangyari? Bakit ka nandito? Nasaan ang asawa mo?” tanong ni Juno saka naglakad patungo sa refrigerator saka kumuha nang isang bote nang bee
Nang dumating ang binata sa mansion. Tahimik na ang buong bahay. Hindi naman siya nagtataka. Kahit na maraming taong nakatira sa mansion usually most of them is not at home bukod sa weekend. They are busy with their own lives. Parang ginagawa lang nilang tulugan ang mansion minsan naman hindi umuuwi sa mansion ang mga ito kapag na stuck sa kani-kanilang trabaho.Habang naglalakad ang binata patungo sa silid nila ni Samantha. Napapaisip siya kung anong ginagawa nang dalaga. Madaling araw na. Natutulog na kaya ito? iyon ang nasa isip niya habang naglalakad siya patungo sa silid. Bigla siyang natigilan nang pagbukas niya nang pinto Nakita niya ang dalagang nakaupo sa kama habang nagbabasa nang aklat. Ilang sandali siyang natigilan nang makita ang dalagang gising pa. Hinintay ba siya nito? Iyon ang tanong sa isip niya. And thinking na hinintay siya nito. Tila hinaplos ang puso niya and at the same time he feels irritated thinking that she stay up whole night waiting for him.
Sam!” masayang wika nang mga bata nang bumaba si Samantha sa Van. Kasunod niyang bumama doon si Drake. Nabigla pa ang binata nang makita ang mga batang tila nag-aabang sa pagdating nang dalaga. Nakita niyang tumakbo papalapit sa dalaga ang mga bata agad na pinalibutan nang mga ito ang dalaga. Nakita niyang nakangiti ang dalaga habang masayang nakikipag-usap sa mga batang excited na makita siya.Kasunod nang mga bata ang isang Madre at isang dalaga. Nakangiti ang mga ito nang makita ang dalaga. Saka bumaling sa Binatang nasa likod nang dalaga. Simple namang tumango si Drake sa dalawa.“They really miss you.” Wika nang madre nang makalapit sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa madre at sa dalagang lumapit.“Halata nga.” Nakangiting wika nang dalaga saka napatingin sa mga batang nakapalibot sa kanya saka tumingin sa madre at ngumiti. “May mga dala akong supplies.” Wika nang dalaga saka tumingin sa dalawang truck na nasa
Sam!” Nag-aalalang wika nang dalagang assistant nang madre nang makitang tila muntik nang mabuwal si Samantha nang tumayo ito. Mabuti at nakakapit ito sa upuan. Agad namang nasapo nang dalaga ang ulo niya. Kakatapos lang nilang kumain noon. Dahil Maganda ang araw at gusto nang mga bata ang outdoor activities na isip nang Madre na sa labas na sila kumain. Na nagustuhan naman nang mga bata bukod sa aliw din sila sa pakikipagusap kay Drake na game na game naman kahit ang kukulit nang mga bata.Nang marinig ni Drake ang sinabi nang dalagang assistant napadako ang tingin niya kay Samantha. Maging ang mga bata ay nag-aalala ding napatingin sa dalaga.“Sam are you okay?” tanong nang madre at tumayo saka lumapit sa dalaga.“Sam, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nang mga bata saka bumaling sa dalaga. Nilingon naman nang dalaga ang mga bata saka pilit na ngumiti. Napadako ang tingin niya kay Drake na nakatingin lang sa kany
"Okay ka na ba?” Tanong ni Drake nang pumasok sa loob at makita ang dalagang nakaupo sa sofa. Nang marinig ni Samantha ang tanong ang binata agad naman siyang napatingin dito saka napangiti.“Bakit ka ngumingiti, para kang sira.” Wika nang binata.“Nag-aalala ka bas sa akin?” Tanong nang dalaga habang nakatingin sa binata. Natigilan naman ang binata saka napatingin sa dalaga. Siya mag-aalala? Bakit naman? Wala naman siyang dahilan para mag-alala kay Samantha. Gusto lang niyang malaman kung okay na ang pakiramdam nito. Kaya siya pumasok at kinumusta ito pero hindi siya nag-aalala.“Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Natural lang na tanungin ko kung kumusta ka. Ako ang kasama mo dito. Ano nalang ang sasabihin nang lolo mo, baka isipin noon pinababayaan kita.” Wika nang binata saka naupo sa tabi nang dalaga.“Alam ko namang hindi ka mag-aalala sa ‘kin. Pero hindi mo naman kailangan ipangalandakan. Pwede ka namang mag sinungaling paminsan-minsan.” Wika nang dalaga at napal
Miss Samantha.” Wika nang isang babae na nagulat nang makita si Samantha na dumating sa factory. Araw nang Sabado ngayon kaya nasa Factory ang binata, bilang training. Nabigla si Samantha nang makita ang gulat na mukha nang babae. Para itong nakakita nang multo nang dumating siya. Hindi naman siya madalas nagpupunta doon. Pero nang araw na iyon na isip niyang dalhan nang tanghalian si Drake, alam niyang hindi ito kumain nang almusal dahil sa nandoon ang mga kapatid nang lolo niya. Hindi nag-aalamusal ang binata sa bahay nila tuwing sabado at linggo dahil kompleto ang pamilya nila, madalas maaga itong umaalis para hindi sila magpang-abot nang mga kapatid nang lolo niya.Alam naman kasi nilang, hindi pa natatanggap nang pamilya niya ang pagpapakasal niya kay Drake lalo na at hanggang ngayon sila pa rin ang sinisisi ni Drake sa nangyari sa pamilya nila. Sinasabi nang mga kapatid nang lolo niya na baka ginagamit lang sila ni Drake para maghigante, nagpapatira sila nang taong tatraydor din
Parang nabato si Samantha sa kinatatayuan niya nang makita si Drake at Nancy. Doon lang niya napagtanto ang dahilan kung bakit tila pinipigilan siya nang mga empleyado ni Drake na pumasok. Nandoon pala si Nancy sa loob. Naalala niyang sinabi niya kay Drake noong nakaraan ang tungkol sa paghihiwalay ni Nancy at nang Boyfriend nito. Hindi naman niya akalaing ang bilis magkabalikan nang dalawa.Sam, don’t overreact. Inaasahan mo na naman ito. Alam mong gusto parin nila ang isa’t-isa. Alo ni Samantha sa sarili niya. Kinukumbinsi niya ang sarili niya na hindi siya pwedeng masaktan dahil wala naman siyang Karapatan. Kung tutuusin, pinilit lang nila si Drake na magpakasal sa kanya. Kaya hindi niya pwedeng sisihin ang binata o magalit dito kung sundin man nito ang nasa loob niya. Kung ang babaeng tinitibok nang puso talaga nito ay si Nancy wala siyang magagawa.“Ma’am Samantha.” Mahinang wika nang sekretarya nang makitang nakatayo lang an
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni