Miss Samantha.” Wika nang isang babae na nagulat nang makita si Samantha na dumating sa factory. Araw nang Sabado ngayon kaya nasa Factory ang binata, bilang training. Nabigla si Samantha nang makita ang gulat na mukha nang babae. Para itong nakakita nang multo nang dumating siya. Hindi naman siya madalas nagpupunta doon. Pero nang araw na iyon na isip niyang dalhan nang tanghalian si Drake, alam niyang hindi ito kumain nang almusal dahil sa nandoon ang mga kapatid nang lolo niya. Hindi nag-aalamusal ang binata sa bahay nila tuwing sabado at linggo dahil kompleto ang pamilya nila, madalas maaga itong umaalis para hindi sila magpang-abot nang mga kapatid nang lolo niya.Alam naman kasi nilang, hindi pa natatanggap nang pamilya niya ang pagpapakasal niya kay Drake lalo na at hanggang ngayon sila pa rin ang sinisisi ni Drake sa nangyari sa pamilya nila. Sinasabi nang mga kapatid nang lolo niya na baka ginagamit lang sila ni Drake para maghigante, nagpapatira sila nang taong tatraydor din
Parang nabato si Samantha sa kinatatayuan niya nang makita si Drake at Nancy. Doon lang niya napagtanto ang dahilan kung bakit tila pinipigilan siya nang mga empleyado ni Drake na pumasok. Nandoon pala si Nancy sa loob. Naalala niyang sinabi niya kay Drake noong nakaraan ang tungkol sa paghihiwalay ni Nancy at nang Boyfriend nito. Hindi naman niya akalaing ang bilis magkabalikan nang dalawa.Sam, don’t overreact. Inaasahan mo na naman ito. Alam mong gusto parin nila ang isa’t-isa. Alo ni Samantha sa sarili niya. Kinukumbinsi niya ang sarili niya na hindi siya pwedeng masaktan dahil wala naman siyang Karapatan. Kung tutuusin, pinilit lang nila si Drake na magpakasal sa kanya. Kaya hindi niya pwedeng sisihin ang binata o magalit dito kung sundin man nito ang nasa loob niya. Kung ang babaeng tinitibok nang puso talaga nito ay si Nancy wala siyang magagawa.“Ma’am Samantha.” Mahinang wika nang sekretarya nang makitang nakatayo lang an
Biglang napatingin si Samantha sa binatang humawak sa kanyang kamay. Nagulat siya sa inasal nito. Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit, nang maramdaman niya ang pagkakahawak nito, ay bigla siyang napatingin sa binata nang may pagtataka. Hindi niya inaasahan ang biglaang paglapit nito at ang paghawak sa kanyang kamay."Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ng dalaga habang pilit na inaagaw ang kanyang kamay mula sa binata, ngunit imbes na bitawan ito ni Drake, lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak."Ikaw, ano ang ginagawa mo? Hindi mo magawang simpleng tumawid sa kalsada. Takot ka bang tumawid?" tanong ng binata habang humaharap sa dalaga ngunit hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Samantha."Hindi ako takot tumawid," sagot ng dalaga at bahagyang tumigil. "Kaya lang—" natigilan siya. Sasabihin ba niya kay Drake? Maiintindihan ba siya ng binata?"Kaya lang ano?" tanong ni Drake habang nakatitig sa dalaga."Kaya lang naisip ko, niluto ko ang tanghalian na dala ko para sa'yo. Bakit ako
"Oh, ano 'yang ginagawa mo? Dinadasalan mo ba 'yang pagkain?" tanong ni Lee nang makita nila si Samantha sa kusina na nakaupo sa harap ng mesa at nakatitig sa pinggan na may laman na pagkain."Baka nilalagyan ng orasyon. Kanino mo balak ipakain 'yan?" sabi naman ni Simone na kasama niyang dumating. Narinig ni Samantha ang sinabi ng dalawang binata. Napasimangot siya at tumingin sa kanila."Oh, bakit ganyan ka makatingin, may sinabi ba kaming masama?" natatawang tanong ni Lee habang lumalapit sa dalaga. "Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong niya nang makalapit at saka napatingin sa pagkain."Ang tanong, anong klaseng pagkain ba 'to?" biro ni Simone. Isang matalim na tingin ang ibinato ni Samantha sa binata."Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan na para bang gusto mo akong kainin ng lupa," natatawang sabi niya saka ginulo ang buhok ng dalaga. "Ano ba kasi ang meron sa pagkain na 'yan at pinakatitigan mo?" tanong niya pa habang tumatabi sa dalaga."Niluto ko," simpleng sagot ng dalaga."Nil
"Bakit mo ba pinakikialaman ang desisyon ko? Ako ang General Manager dito, at pamangkin ko ang anak ng may-ari ng kompanya. Anuman ang maging desisyon ko, dapat mo itong igalang. Ang salita ko ay parang salita na rin ni Drake. Hindi dahil ikaw ang acting CEO ng kompanya ay gagawin mo na ang gusto mo. Not on my watch," galit na sabi ni Miguel habang marahas na ibinato sa mesa sa harap ni Lee ang folder na naglalaman ng mga papel tungkol sa proposal ni Miguel na tinanggihan at hindi pinirmahan ni Lee. Bilang acting CEO, lahat ng proyekto ay dapat may pahintulot mula sa kanya.Siya ang nagtuturo kay Drake upang maging susunod na CEO, ngunit siya pa rin ang may huling desisyon sa mga proyektong kanilang isasagawa. Ito ang dahilan kung bakit sumugod si Miguel sa opisina niya, galit na galit at marahas na ibinato ang mga papel sa harap niya. Napatingin si Lee sa mga nagkalat na papel sa kanyang mesa at saka sa lalaking galit na pumasok sa kanyang opisina."Masyado kang nagiging mayabang dah
"Lee, may nangyari ba?" tanong ni Samantha sa assistant ng lolo niya. Napansin niyang kasunod lang itong dumating ni Drake, ngunit tila may matinding tensyon sa pagitan ng dalawa. Sabado ngayon at buong araw na nasa pabrika sina Drake at Lee. Agad na napansin ng dalaga ang tensyon nang dumating sila. Binati niya si Drake ngunit tulad ng dati, malamig na naman ang pakikitungo sa kanya ng binata, kabaligtaran ng init ng pakikitungo nito sa kanya noon."Bakit? Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo," sabi ni Simone na dumating din. Napatingin sina Lee at Samantha sa bagong dating."May problema ba?" tanong niya nang makita ang seryosong mukha ng dalawa."Parang wala sa mood si Drake," sabi ni Samantha sa bagong dating na binata."May bago ba? Lagi naman siyang ganyan. Palaging masungit na parang hindi marunong ngumiti," komento ni Simone."Doc!" saway ng dalaga sa sinabi ng binata. Bagama't alam niyang may katotohanan sa sinabi nito, iniisip din niya na baka masungit lang ang binata dahi
Drake!”Nagulat si Samantha nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid at nakita niya ang binatang nagbukas nito. Kakagaling lang niya sa pag-aaral sa study room ng kanyang lolo matapos siyang gisingin ni Lee. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya doon. Kung hindi pa dumating si Lee, baka doon na siya abutan ng umaga. Paikutin na sana niya ang seradura ng pinto nang ito'y biglang bumukas at nakita niya ang binata."Sam," mahina ang pagkakasabi ng binata nang buksan niya ang pinto para kay Samantha. Mula nang dumating siya na galit mula sa opisina, hindi na siya lumabas ng silid dahil iniisip niya kung ano ang dapat gawin sa proyekto ng kanyang Tito at kay Lee. Alam niya ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Lee ang proyekto. Ngunit ayaw niyang masaktan ang kanyang Tito at isipin na hindi niya pinapahalagahan ang kanilang pagiging magpamilya. Sa sobrang pag-iisip, hindi na niya namalayan ang oras at kung hindi pa siya tumingin sa wall clock, hindi niya malalaman na lampas na
"Let me help you.” Sinabi ni Samantha sa isang ginang sa labas ng grocery store na nakita niyang nahulog ang mga pinamili nito nang siya'y mabangga ng isang lalaking nagmamadali. Tumigil lamang ang lalaki, saglit na tumingin sa ginang, at nagpatuloy sa pagpasok. Walang sinumang tumulong sa ginang kahit na nakita nilang nahihirapan itong pulutin ang mga prutas na nagkalat."Salamat, Hija," sabi ng ginang nang humarap siya sa dalagang tumulong sa kanya sa pagpulot ng mga nagkalat na pinamili. Bigla siyang natigilan nang makita ang mukha ng dalaga. Parang nakita na niya ito sa kung saan."Hey! What do you think you're doing?!" narinig nilang sigaw ng isang dalaga. Napalingon si Samantha sa nagsalita, gayundin ang ginang na tinulungan nila. Nakita nila ang isang dalaga na hawak ang kamay ng isang lalaki habang tila nagtatalo sila. Sa likod ng lalaki ay may isang babaeng matangkad."I told you, he's not suitable for the job. Why is it so hard to understand? Hindi---" narinig nilang sabi ng
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni