"Bakit mo ba pinakikialaman ang desisyon ko? Ako ang General Manager dito, at pamangkin ko ang anak ng may-ari ng kompanya. Anuman ang maging desisyon ko, dapat mo itong igalang. Ang salita ko ay parang salita na rin ni Drake. Hindi dahil ikaw ang acting CEO ng kompanya ay gagawin mo na ang gusto mo. Not on my watch," galit na sabi ni Miguel habang marahas na ibinato sa mesa sa harap ni Lee ang folder na naglalaman ng mga papel tungkol sa proposal ni Miguel na tinanggihan at hindi pinirmahan ni Lee. Bilang acting CEO, lahat ng proyekto ay dapat may pahintulot mula sa kanya.Siya ang nagtuturo kay Drake upang maging susunod na CEO, ngunit siya pa rin ang may huling desisyon sa mga proyektong kanilang isasagawa. Ito ang dahilan kung bakit sumugod si Miguel sa opisina niya, galit na galit at marahas na ibinato ang mga papel sa harap niya. Napatingin si Lee sa mga nagkalat na papel sa kanyang mesa at saka sa lalaking galit na pumasok sa kanyang opisina."Masyado kang nagiging mayabang dah
"Lee, may nangyari ba?" tanong ni Samantha sa assistant ng lolo niya. Napansin niyang kasunod lang itong dumating ni Drake, ngunit tila may matinding tensyon sa pagitan ng dalawa. Sabado ngayon at buong araw na nasa pabrika sina Drake at Lee. Agad na napansin ng dalaga ang tensyon nang dumating sila. Binati niya si Drake ngunit tulad ng dati, malamig na naman ang pakikitungo sa kanya ng binata, kabaligtaran ng init ng pakikitungo nito sa kanya noon."Bakit? Mukhang seryoso ang pinag-uusapan niyo," sabi ni Simone na dumating din. Napatingin sina Lee at Samantha sa bagong dating."May problema ba?" tanong niya nang makita ang seryosong mukha ng dalawa."Parang wala sa mood si Drake," sabi ni Samantha sa bagong dating na binata."May bago ba? Lagi naman siyang ganyan. Palaging masungit na parang hindi marunong ngumiti," komento ni Simone."Doc!" saway ng dalaga sa sinabi ng binata. Bagama't alam niyang may katotohanan sa sinabi nito, iniisip din niya na baka masungit lang ang binata dahi
Drake!”Nagulat si Samantha nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid at nakita niya ang binatang nagbukas nito. Kakagaling lang niya sa pag-aaral sa study room ng kanyang lolo matapos siyang gisingin ni Lee. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya doon. Kung hindi pa dumating si Lee, baka doon na siya abutan ng umaga. Paikutin na sana niya ang seradura ng pinto nang ito'y biglang bumukas at nakita niya ang binata."Sam," mahina ang pagkakasabi ng binata nang buksan niya ang pinto para kay Samantha. Mula nang dumating siya na galit mula sa opisina, hindi na siya lumabas ng silid dahil iniisip niya kung ano ang dapat gawin sa proyekto ng kanyang Tito at kay Lee. Alam niya ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Lee ang proyekto. Ngunit ayaw niyang masaktan ang kanyang Tito at isipin na hindi niya pinapahalagahan ang kanilang pagiging magpamilya. Sa sobrang pag-iisip, hindi na niya namalayan ang oras at kung hindi pa siya tumingin sa wall clock, hindi niya malalaman na lampas na
"Let me help you.” Sinabi ni Samantha sa isang ginang sa labas ng grocery store na nakita niyang nahulog ang mga pinamili nito nang siya'y mabangga ng isang lalaking nagmamadali. Tumigil lamang ang lalaki, saglit na tumingin sa ginang, at nagpatuloy sa pagpasok. Walang sinumang tumulong sa ginang kahit na nakita nilang nahihirapan itong pulutin ang mga prutas na nagkalat."Salamat, Hija," sabi ng ginang nang humarap siya sa dalagang tumulong sa kanya sa pagpulot ng mga nagkalat na pinamili. Bigla siyang natigilan nang makita ang mukha ng dalaga. Parang nakita na niya ito sa kung saan."Hey! What do you think you're doing?!" narinig nilang sigaw ng isang dalaga. Napalingon si Samantha sa nagsalita, gayundin ang ginang na tinulungan nila. Nakita nila ang isang dalaga na hawak ang kamay ng isang lalaki habang tila nagtatalo sila. Sa likod ng lalaki ay may isang babaeng matangkad."I told you, he's not suitable for the job. Why is it so hard to understand? Hindi---" narinig nilang sabi ng
"Let's just talk later," sabi ng binata sa dalaga bago niya lapitan ang ginang na tinulungan ni Samantha. Umalis na ang lalaki at ang babaeng modelo, kaya naman nilapitan na ni Drake ang ginang. Tinitigan lang ni Samantha ang binata. Nakita niya kung paano niya kamustahin ang ginang at tinanong kung siya ba ay nasaktan. Sa tingin ni Samantha, parang magkakilala ang dalawa."I'm more afraid of him than of that jerk.," komento ng dalagang katabi ni Samantha."Ha?" Nagtatakang lumingon si Samantha sa dalaga. Ngumiti naman ito sa kanya."Salamat sa tulong mo. Pero hindi mo naman talaga kailangang gawin iyon. Nawala pa ang sapatos mo," sabi nito sabay turo sa paa ni Samantha na nakatapak sa lupa. Nang mapansin ni Samantha ang tinuturo ng dalaga, agad niyang inangat ang paa niyang walang sapatos."Ano ba naman ang isang sapatos kung nakatulong naman ako sa iba," sabi ng dalaga sabay ngiti."You have a point," s
Si Samantha ay nakatayo pa rin sa gilid ng kalsada, nag-aatubiling tumawid. Sa tuwing susubok siya, bigla siyang aatras, hindi maalis sa isip ang imahe ng isang aksidente na nagdudulot sa kanya ng pag-aalinlangan. Napansin niyang nasa ilalim ng mga sasakyan ang kanyang sapatos, at dahil ilang ulit na itong nasagasaan, ito'y napapalayo. Sumasakit na ang kanyang paa sa init ng semento. Hindi siya makauwi dahil wala siyang dalang pera, sinamahan niya si Drake sa kompanya nito at nakalimutan niyang dalhin ang bag niya, naisip lang naman niyang lumabas dahil inaantok siya sa loob, wala naman siyang ginagawa sa factory hindi rin niya maistorbo si Lee at Drake dahil masyadong busy ang dalawa. Hindi naman niya inaasahan na mapapasubo siya sa isang gulo dahil sa pakikialam niya. Tuloy ngayon nakatayo siya sa harap nang kalsada nang isa palang ang sapatos sa paa.Sa lahat nang nang pwedeng ibato sa kanya bakit sapatos mo pa, Minsan hindi ka rin nag-iisp. Away ni Samantha sa sa
May nangyari ba?” tanong ni Lee kay Simone na nakauposa isang upuan sa harap ni Samantha. Dumating siya sa restaurant kung sinabi ni Simone na manananghalian sila. Nang dumating siya agad niyang napansin ang dalagang halos hindi man lang kumakain. Parang wala ito sa sarili at nilalaro-laro lang ng hawak nang tinidor ang pagkain niya habang nakatingin sa malayo.“Anong nangyari?” Muling tanong ni Lee kay Simone bago maupo sa bakanteng upuan.“Well, kanina pa siyang ganyan. Dahil siguro sa asawa niyang mas piniling sumama sa Ex nito sa mananghalian.” Wika ni Simone.“Oh, Nagseselos ba?”“Looks like it.” Natatawang wika ni Simone saka bumaling sa dalaga.“Hindi ako nagseselos.” Wika nang dalaga saka binitawan ang hawak na tinidor. “Of course, he will choose na sumama sa ex niya. Opportunity na nila iyon. Lalo na ngayon at-------”“Hindi siya nagseselos.” Nakangiting wika ni Lee saka tumingin kay Simone.“Hindi sabi!” medyo nagtaas nang boses na wika ni Samantha saka tumingin sa binata. N
"Did you approve this?” tanong ni Lee kay Drake at pumasok sa loob nang opisina nang binata saka inilapag ang papeles tungkol sa proposal ni Miguel sa bagong project nang Toy company nina Drake. This is the same project na ni -reject na dati nang binata. Sinabi niyang hindi pa handa ang kompanya sa ganoong project dahil sa ngayon palang unti-unting bumabangon ang kompanya nila. Napatingin naman si Drake sa inilapag na papeles ni Lee sa mesa niya.“Ano naman ngayon if her approve that? He is the owner of this company.” Wika ni Miguel na biglang pumasok sa opisina.“Let me be clear. He is still in training. And My client Mr. Montefuego is still the owner of this company.” Sakristong wika ni Lee sa lalaki. “Hindi pa natatapos ang kontrato mo sa kanya. So, technically wala ----” dagdag pa ni Lee saka tumingin sa binata pero na putol ang iba pang sasabihin nang binata nang biglang magsalita si Miguel.“Baka nakakalimutan mong acting CEO kalang. Empleyado ka lang din ni Leandro. Drake is the