Share

AYW - 41

Drake!”

Nagulat si Samantha nang biglang bumukas ang pinto ng kanilang silid at nakita niya ang binatang nagbukas nito. Kakagaling lang niya sa pag-aaral sa study room ng kanyang lolo matapos siyang gisingin ni Lee. Hindi niya namalayang nakatulog pala siya doon. Kung hindi pa dumating si Lee, baka doon na siya abutan ng umaga. Paikutin na sana niya ang seradura ng pinto nang ito'y biglang bumukas at nakita niya ang binata.

"Sam," mahina ang pagkakasabi ng binata nang buksan niya ang pinto para kay Samantha. Mula nang dumating siya na galit mula sa opisina, hindi na siya lumabas ng silid dahil iniisip niya kung ano ang dapat gawin sa proyekto ng kanyang Tito at kay Lee. Alam niya ang dahilan kung bakit tinanggihan ni Lee ang proyekto. Ngunit ayaw niyang masaktan ang kanyang Tito at isipin na hindi niya pinapahalagahan ang kanilang pagiging magpamilya. Sa sobrang pag-iisip, hindi na niya namalayan ang oras at kung hindi pa siya tumingin sa wall clock, hindi niya malalaman na lampas na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status