"Let's just talk later," sabi ng binata sa dalaga bago niya lapitan ang ginang na tinulungan ni Samantha. Umalis na ang lalaki at ang babaeng modelo, kaya naman nilapitan na ni Drake ang ginang. Tinitigan lang ni Samantha ang binata. Nakita niya kung paano niya kamustahin ang ginang at tinanong kung siya ba ay nasaktan. Sa tingin ni Samantha, parang magkakilala ang dalawa.
"I'm more afraid of him than of that jerk.," komento ng dalagang katabi ni Samantha.
"Ha?" Nagtatakang lumingon si Samantha sa dalaga. Ngumiti naman ito sa kanya.
"Salamat sa tulong mo. Pero hindi mo naman talaga kailangang gawin iyon. Nawala pa ang sapatos mo," sabi nito sabay turo sa paa ni Samantha na nakatapak sa lupa. Nang mapansin ni Samantha ang tinuturo ng dalaga, agad niyang inangat ang paa niyang walang sapatos.
"Ano ba naman ang isang sapatos kung nakatulong naman ako sa iba," sabi ng dalaga sabay ngiti.
"You have a point," s
Si Samantha ay nakatayo pa rin sa gilid ng kalsada, nag-aatubiling tumawid. Sa tuwing susubok siya, bigla siyang aatras, hindi maalis sa isip ang imahe ng isang aksidente na nagdudulot sa kanya ng pag-aalinlangan. Napansin niyang nasa ilalim ng mga sasakyan ang kanyang sapatos, at dahil ilang ulit na itong nasagasaan, ito'y napapalayo. Sumasakit na ang kanyang paa sa init ng semento. Hindi siya makauwi dahil wala siyang dalang pera, sinamahan niya si Drake sa kompanya nito at nakalimutan niyang dalhin ang bag niya, naisip lang naman niyang lumabas dahil inaantok siya sa loob, wala naman siyang ginagawa sa factory hindi rin niya maistorbo si Lee at Drake dahil masyadong busy ang dalawa. Hindi naman niya inaasahan na mapapasubo siya sa isang gulo dahil sa pakikialam niya. Tuloy ngayon nakatayo siya sa harap nang kalsada nang isa palang ang sapatos sa paa.Sa lahat nang nang pwedeng ibato sa kanya bakit sapatos mo pa, Minsan hindi ka rin nag-iisp. Away ni Samantha sa sa
May nangyari ba?” tanong ni Lee kay Simone na nakauposa isang upuan sa harap ni Samantha. Dumating siya sa restaurant kung sinabi ni Simone na manananghalian sila. Nang dumating siya agad niyang napansin ang dalagang halos hindi man lang kumakain. Parang wala ito sa sarili at nilalaro-laro lang ng hawak nang tinidor ang pagkain niya habang nakatingin sa malayo.“Anong nangyari?” Muling tanong ni Lee kay Simone bago maupo sa bakanteng upuan.“Well, kanina pa siyang ganyan. Dahil siguro sa asawa niyang mas piniling sumama sa Ex nito sa mananghalian.” Wika ni Simone.“Oh, Nagseselos ba?”“Looks like it.” Natatawang wika ni Simone saka bumaling sa dalaga.“Hindi ako nagseselos.” Wika nang dalaga saka binitawan ang hawak na tinidor. “Of course, he will choose na sumama sa ex niya. Opportunity na nila iyon. Lalo na ngayon at-------”“Hindi siya nagseselos.” Nakangiting wika ni Lee saka tumingin kay Simone.“Hindi sabi!” medyo nagtaas nang boses na wika ni Samantha saka tumingin sa binata. N
"Did you approve this?” tanong ni Lee kay Drake at pumasok sa loob nang opisina nang binata saka inilapag ang papeles tungkol sa proposal ni Miguel sa bagong project nang Toy company nina Drake. This is the same project na ni -reject na dati nang binata. Sinabi niyang hindi pa handa ang kompanya sa ganoong project dahil sa ngayon palang unti-unting bumabangon ang kompanya nila. Napatingin naman si Drake sa inilapag na papeles ni Lee sa mesa niya.“Ano naman ngayon if her approve that? He is the owner of this company.” Wika ni Miguel na biglang pumasok sa opisina.“Let me be clear. He is still in training. And My client Mr. Montefuego is still the owner of this company.” Sakristong wika ni Lee sa lalaki. “Hindi pa natatapos ang kontrato mo sa kanya. So, technically wala ----” dagdag pa ni Lee saka tumingin sa binata pero na putol ang iba pang sasabihin nang binata nang biglang magsalita si Miguel.“Baka nakakalimutan mong acting CEO kalang. Empleyado ka lang din ni Leandro. Drake is the
Anong ginagawa mo dito?” gulat na wika ni Drake nang maabutan sa loob nang silid nang mama niya si Samantha. Nang pumasok siya sa silid nang mama niya naabutan niya ang dalaga na naka-upo sa isang upuan sa harap nang kama nang mama niya habang kinakauap nito. At gaya nang dati, napaupo lang ang mama niya sa Hospital bed at nakatingin sa kawalan.Simula nang mamatay ang papa niya naging ganito na ang mama niya. Nagkanervous breakdown ito dahil sa labis na stress at depression lalo nan ang biglang magpakamatay ang ama niya, tapos hindi paman sila nakakapagluksa sa pagpanaw nang papa niya, biglang Nawala na sa kanila ang lahat sa isang kisapmata lang. Nasa hospital pa rin ang mama niya at nasa isang state of shock, Ayaw magsalita at hindi niya alam kung nakikinig bai to sa kanya tuwing kinakausap niya. Nakatitig lang ito sa kawalan.“Drake.” Mahinang sambit nang dalaga saka tumayo sa kinauupuan nang makita ang Binatang pumasok. Napatingin siya sa dala nitong basket nang prutas at bulakla
Takang napatingin ang binata sa dalaga nang maramdaman niyang bilang nitong inagaw ang kamay sa kanya. Muli, Nakita niya ang tila hungkag na ekrespyon nang mukha nang dalaga. Para itong nabatang nalilugaw. Aligagang napapatingin sa paligid. Napansin din niya nang bigla itong umiwas sa mga nagdaraang tao. Nakakapagtaka ang kinikilos nito.“Let’s go home.” Wika nang binata saka tinangkang hawakan ang kamay nang dalaga pero bigla siyang nagulat nang biglang iniiwas nang dalaga ang kamay sa binata. She is staring at him na para bang hindi sila magkakilala. Ang takot sa mukha nito. Hindi maintindihan ni Drake kung anong nangyayari.“Ano bang nangyayari saiyo? Nagagalit ka pa rin ba dahil sa nangyari?” tanong ni Drake sa dalaga. “Okay, Look. Inaamin kong naging mabugso-bugso ako sa mga sinabi ko. I didn’t mean to hurt ------” biglang natigilan ang binata sa iba pa niyang sasabihin nang mapansing hindi naman nakikinig sa kanya a
Napatingin naman si Drake sa bagong dating. Nakasuot ito nang puting lab gown habang papalapit sa kanila. Noon lang niya Nakita ang binata sa ganoong kasuotan. Noon lang din niya lubusang napagtanto na isa pala itong doctor.“Ano bang nangyari sa kanya? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay?” tanong ni Drake sa binata nang makalapit ito sa kanila. Napatingin naman si Drake sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa nakikita niya. Nag-aalala ba ang binata kay Samantha?“Gaya nang sabi ko, nagpapahinga lang siya.” Wika nang binata.“Nagpapahinga? Wala naman siyang sakit, bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Or, there is something that you are keeping from me.” Ani Drake at sinundan nang tingin ang doctor. Natigilan si Simone, akma niyang bubuksan ang pinto nang silid ni Samantha nang marinig ang sinabi nang binata. Bigla siyang huminto at tumingin dito.“Ano ang gusto mong sabihi
"Lolo! Lee!” tawag ni Samantha habang nagmamadaling bumaba. Napatingin naman sa kanya ang mga kapatid nang lolo niya na nasa living room at kausap ang lolo niya. Maging si Lee ay napatingin din sa dalagang tumatakbo pababa nang hagdan.“Samantha, bakit ka ba tumatakbo. Hindi Gawain nang babae yan.” Wika nang lola Leanne habang nakatingin sa kanya.“Pasensya na po.” sambit ni Samantha nang makalapit sa kanila saa naglakad patungo sa kinaroroonan nang lolo niya. “Lolo napanood-----” anang dalaga saka patingin sa malaking TV sa living room kung saan ipinapakita ang isang balita. Natigilan ang dalaga.“Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagmamadali?” tanong nang Lolo Lyndon niya.“Kakaiba din itong napangasawa mo. Pareho sila nang papa niya.” Komento nang lola Leanne niya habang pinapanood ang balita tungkol kay Drake. Nasa balita ang tungkol sa Fraud case na isinampa nang ilan sa mga distributor na kinontrata nila para mag distribute nang bagong manufacture na laruan nang kompanya nila. It
"Bakit ka nandito?” Tanong ni Drake sa dalaga. Sinabi nang isang pulis sa kanya na may dalaw siya. Iniisip niyang ang tito Miguel niya ang dadalaw sa kanya. Marami siyang tanong sa tito niya at kung bakit nagkaganoon ang project nila. Malaki ang tiwala niya sa Tito niya dahil sinabi nitong magiging matagumpay ang project na iyon. Kaya lang, simula nang mahuli siya hindi pa nagpapakita sa kanya ang tito niya. Kahit noong araw na may mga pulis na nagpunta sa factory nila hindi rin ito nagpakita. Sa dami nang tanong na isip niya para siyang mababaliw. Ganito din ba ang naramdaman nang papa niya nang mangyari dito ang pambibitintang tungkol sa kasong Fraud? Gusto niya ng kasagutan sa mga tanong niya. Kaya lang sino ang magbibigay sa kanya nang sagot? Ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan niya ay wala doon.“Drake. Okay ka lang?” Sambit ni Samantha na tumayo nang makita ang binata nang lakad papalapit sa kanya. Buong magdamag na itong nanatili sa presinto. Hind