Takang napatingin ang binata sa dalaga nang maramdaman niyang bilang nitong inagaw ang kamay sa kanya. Muli, Nakita niya ang tila hungkag na ekrespyon nang mukha nang dalaga. Para itong nabatang nalilugaw. Aligagang napapatingin sa paligid. Napansin din niya nang bigla itong umiwas sa mga nagdaraang tao. Nakakapagtaka ang kinikilos nito.“Let’s go home.” Wika nang binata saka tinangkang hawakan ang kamay nang dalaga pero bigla siyang nagulat nang biglang iniiwas nang dalaga ang kamay sa binata. She is staring at him na para bang hindi sila magkakilala. Ang takot sa mukha nito. Hindi maintindihan ni Drake kung anong nangyayari.“Ano bang nangyayari saiyo? Nagagalit ka pa rin ba dahil sa nangyari?” tanong ni Drake sa dalaga. “Okay, Look. Inaamin kong naging mabugso-bugso ako sa mga sinabi ko. I didn’t mean to hurt ------” biglang natigilan ang binata sa iba pa niyang sasabihin nang mapansing hindi naman nakikinig sa kanya a
Napatingin naman si Drake sa bagong dating. Nakasuot ito nang puting lab gown habang papalapit sa kanila. Noon lang niya Nakita ang binata sa ganoong kasuotan. Noon lang din niya lubusang napagtanto na isa pala itong doctor.“Ano bang nangyari sa kanya? Bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay?” tanong ni Drake sa binata nang makalapit ito sa kanila. Napatingin naman si Drake sa binata. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala sa nakikita niya. Nag-aalala ba ang binata kay Samantha?“Gaya nang sabi ko, nagpapahinga lang siya.” Wika nang binata.“Nagpapahinga? Wala naman siyang sakit, bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Or, there is something that you are keeping from me.” Ani Drake at sinundan nang tingin ang doctor. Natigilan si Simone, akma niyang bubuksan ang pinto nang silid ni Samantha nang marinig ang sinabi nang binata. Bigla siyang huminto at tumingin dito.“Ano ang gusto mong sabihi
"Lolo! Lee!” tawag ni Samantha habang nagmamadaling bumaba. Napatingin naman sa kanya ang mga kapatid nang lolo niya na nasa living room at kausap ang lolo niya. Maging si Lee ay napatingin din sa dalagang tumatakbo pababa nang hagdan.“Samantha, bakit ka ba tumatakbo. Hindi Gawain nang babae yan.” Wika nang lola Leanne habang nakatingin sa kanya.“Pasensya na po.” sambit ni Samantha nang makalapit sa kanila saa naglakad patungo sa kinaroroonan nang lolo niya. “Lolo napanood-----” anang dalaga saka patingin sa malaking TV sa living room kung saan ipinapakita ang isang balita. Natigilan ang dalaga.“Ito ba ang dahilan kung bakit ka nagmamadali?” tanong nang Lolo Lyndon niya.“Kakaiba din itong napangasawa mo. Pareho sila nang papa niya.” Komento nang lola Leanne niya habang pinapanood ang balita tungkol kay Drake. Nasa balita ang tungkol sa Fraud case na isinampa nang ilan sa mga distributor na kinontrata nila para mag distribute nang bagong manufacture na laruan nang kompanya nila. It
"Bakit ka nandito?” Tanong ni Drake sa dalaga. Sinabi nang isang pulis sa kanya na may dalaw siya. Iniisip niyang ang tito Miguel niya ang dadalaw sa kanya. Marami siyang tanong sa tito niya at kung bakit nagkaganoon ang project nila. Malaki ang tiwala niya sa Tito niya dahil sinabi nitong magiging matagumpay ang project na iyon. Kaya lang, simula nang mahuli siya hindi pa nagpapakita sa kanya ang tito niya. Kahit noong araw na may mga pulis na nagpunta sa factory nila hindi rin ito nagpakita. Sa dami nang tanong na isip niya para siyang mababaliw. Ganito din ba ang naramdaman nang papa niya nang mangyari dito ang pambibitintang tungkol sa kasong Fraud? Gusto niya ng kasagutan sa mga tanong niya. Kaya lang sino ang magbibigay sa kanya nang sagot? Ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan niya ay wala doon.“Drake. Okay ka lang?” Sambit ni Samantha na tumayo nang makita ang binata nang lakad papalapit sa kanya. Buong magdamag na itong nanatili sa presinto. Hind
"Mag-asawa kayo?” Tanong nang isang pulis kay Samantha nang tanungin nito kung bakit hindi pa umuuwi ang dalaga at kung nandoon pa ito sa presinto at gumagabi na. Sinabi niya sa pulis na hindi siya pwedeng umalis dahil gusto niyang Samahan si Drake. Sinabi din nito sa pulis na mag-asawa sila dahilan para magulat ang mga pulis nandoon. Maging si Drake na nasa loob nang selda ay napatingin sa dalaga. Akala niya, matapos niyang pagbigyan ang dalaga na Samahan siyang kumain aalis na ito pero matigas ang ulo nang dalaga hindi pa rin ito umuwi. Sinabi nitong sasamahan siya nito. Hindi niya alam kung dahil ba sa niyakap niya ito kanina kaya ang tigas nang ulo nito ngayon? O talagang nag-aalala lang ito sa kanya.Kung nagkataon pangalawang gabi na niya ito sa kukulungan pero hindi parin dumarating ang tito niya. Impossible namang walang itong alam sa nangyari. Nasa balita na ang tungkol sa kaso laban sa factory nila.“Nakakagulat ba?” Tanong ni Samantha sa pulis.“Oo.” Sabay-sabay na wika nang
"Were you able to solve the riddle that I gave you?” Tanong ni Lee kay Drake nang salubungin niya ang binata na lumabas sa presinto. Matapos ang dalawang gabing pananatili nito sa loob nang detention center pinalabas nang mga pulis ang binata matapos e-submit ni Lee ang mga katibayan na walang kinalaman si Drake sa Fraud case.“Nice way to greet me. Ni hindi ka manlang nagdala nang makakain.” Wika nang binata kay Lee. Napatingin naman si Lee sa binata. Iniisip niya kung sa pananatili ba nito sa loob nang kulungan nagawa nitong timbangin ang mga nangyari at kung sino ang nasa likod nang mga nangyari o kung hanggang ngayon, pinipili pa rin nitong maging bulag sa mga nangyayari.“Why are you looking at me like that?” tanong ni Drake nang mapansin ang tingin ni Lee sa kanya.“Nothing. Tayo na. Hinihintay kana na Sam.” Wika ni Lee saka tumalikod at naglakad patungo sa Sasakyan.“Mauna ka nang umuwi. May pupuntahan pa ako.” Wika nang binata. Bigla namang natigilan si Lee saka napatingin sa
“Sinasabi mo bang, trinaydor ko kayo nang papa mo? Ako nakapatid niya at tito mo? Ako ang pamilya mo Drake. ikinasal ka lang sa-----”“I told you they had nothing to do with this. I am giving you this chance to confess and tell me the truth. Huwag na -----”“Pinagbibintangan mo ang taong tumulong saiyo nang tinalikuran kayo nang lahat? Itinuring kitang anak ko. I can’t believe I am hearing this.” Di makapaniwalang wika ni Miguel sa binata. “Anong ginawa ko para pagbinatangan moa ko nang ganito. Alam mong wala akong ibang ginusto kundi ang ikabubuti nang kompanya. Kahit noong nabubuhay pa ang ama mo. Alam niya kung gaano ko pinahahalagahang ang kompanyang ito. Hindi ako gagawa nang bagay na ikasasama nang kompanya.” Wika pa ni Miguel.“Hindi ako makapaniwalang sa bibig mo pa mismo maririnig kong pinagdududahan moa ko dahil lang hindi ako pumunta sa presinto para dalawin ka. Alam mong nagkakagulo dito dah
“Wh----” naputol ang sasabihin nang binata nang bigla siyang yakapan ni Samantha nang hindi man lang nag dalawang isip sa ginawa.“What are you doing? Nasa labas tayo nang factory.” Halos babulong na wika nang binata sa asawa.“I know. I thought you needed a hug.” Wika nang dalaga habang yakap ang binata. “I am glad you’re out. Nagpunta ako sa presinto para dalhan ka nang pagkain. Pagdating ko doon sabi nang mga pulis lumabas kana. Bakit hindi ka tumawag. Mabuti nalang naisip kong pumunta dito.” Wika pa nang dalaga.“Why did you come here?” tanong ni Drake. Hindi niya alam kung anong iisipin sa nagiging reaksyon ni Samantha. Is she really worried about him?“I was worried. Hindi naman masamang mag-alala ako saiyo hindi ba?” Anang dalaga na nakayakap pa rin sa binata. Hindi alam ni Drake kung anong iisipin. Tama bang paniwalaan niya ngayon ang sinsasabi nang dalaga? Gaya din nang tito niya pinapasakay lang siya nito. At ano mang oras pwede siya nitong iwanan, just like what his uncle d
Naningkit lang ang mata ni Drake sa narinig mula sa lalaki. Mukhang iniisip pa nitong siya ang tama nang mga sandaling iyon at ang ginawa niya ang dapat gawin sa ganoong sitwasyon. He can only imagine kung gaano ka takot si Samantha nang mga sandaling iyon.“Wala akong pakiaalam sa sinasabi mo. Lubayan mo ako. Ako mismo ang tatapos sa tangang driver na yan.” Wika nang lalaki saka inagaw ang kamay sa binata. Pilit pa ring binubuksan nang lalaki ang pinto nang sasakyan ni Samantha. Mariing napakuyom nang kamao si Drake dahil sa labis na inis.“We should settle this sa presinto. Hindi mo kailangang maghuramintado. Hindi natin alam baka nasaktan din ang nasa loob nang kotse.” Wika ni Drake at hinawakan ang kamay nang lalaki upang pigilan ito ngunit marahas lang na itinaboy nang lalaki ang kamay nang binata. Naningkit naman ang mata ni Drak dahil sa inasal nang lalaki. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit.“Huwag ka sabing makialam, baka ikaw ang
Ang naging pag-uusap nina Simone at Samantha ang nasa isip ng dalaga dahilan kung bakit siya tila wala sa isip at siyang naging dahilan nang mangyari ang aksidente. Ilang sandaling nakatingin ang dalaga sa nabangga niya. “Oh No! What have I done? Did I kill him?” Kinakabahan na wika ni Samantha nang makabawi mula sa pagkakabigla saka napatingin sa side mirror niya upang tingnan ang lalaking tumilapon. Nang makita niyang bumangon ang lalaki agad niyang iginilid ang sasakyan upang puntahan ang lalaki at tingnan kung okay lang ito. Nakita niya mula sa side mirror nang sasakyan na nakatayo na ang lalaki. Bababa na sana siya para kausapin ito nang bigla makita ang lalaki galit at naglabas nang baril mula sa likod. Dahil sa takot agad niyang ini-lock ang pinto nang sasakyan. Hindi naman niya inaasahang may dala pala itong baril.“Lumabas ka diyan!” galit na wika nang lalaki saka sinipa ang pinto nang sasakyan niya. “Walang hiya ka! Gusto mo ba akong patayin! Marunog ka bang magmaniho. Lum
AH!” biglang wika ni Samantha saka inapakan nang bigla ang preno nang sasakyan. Nakita niya ang isang motorsiklo na sumalpok sa harap nang sasakyan niya. Nakita din niyang tumilapon ang motor at ang driver nito. Tumama pa ang likod nang driver sa isang poste habang ang motor naman nito ay muntik nang makatama nang isang naglalakad na babae mabuti na lamang at nakaiwas ito. Natigilan si Samantha sa nakita niya. Wala ba siya sa sarili niya habang nagmamaneho? Hindi ba niya nakita ang motor? Hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam niyang malayo ang tinatakbo nang isip niya habang nagmamaneho pero alam din naman niyang hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang motor. Kagagaling lang niya noon sa hospital dahil pinapunta siya ni Simone. Dahilan siguro iyon kung bakit malayo ang tinatakabo nang isip niya. “You know what this means Sam right?” ani Simone na ipinakita sa kanya ang MRI Scan. May regular checkup siya to make sure na wala nang komplikasyon mula sa dati niyang sakit ka
"Mukhang masaya ka ngayon.” Wika ni Miguel nang dalawin siya ni Drake sa kulungan. Ang tawag na natanggap niya noong nasa Ibang bansa sila ay mula kay Juno. Sinabi nitong gusto siyang makausap nang tito Miguel niya at kahit na nasa kulungan na ito hindi parin ito tumitigil sa panggugulo sa kanila. Pinadala pa nito ang anak niya sa opisina nila at sinabing magsasampa sila nang kontra demanda sa binata dahil sa ginawa nito kay Miguel. Pamilya sila pero pangalawang beses na nitong pinakukulong si Miguel. Bukod doon, mukhang ang mga kapatid ni Leandro ay hindi parin nagtitiwala kay Drake. They are digging up kung paano nagawang mapalago ni Drake ang business niya ina short span of time. May hinala si Juno na may kinalaman si Miguel sa mga ito. Ilan din sa mga investor’s nila ay nagpupull out na dahil sa koneksyon nang mga kapatid ni Leandro.“Kumusta ang bakasyon niyo nang anak mo?” sakristong tanong ni Miguel sa binata.“Hindi ako nagpunta dito para e-kwento saiyo ang tungkol sa pamilya
Bago bumalik nang bansa Sina Samantha at Drake, sinulit muna nila ang oras na magkasama sila sa kanilang bakasyon. Lalo na at enjoy na enjoy si Sky sa mga pinupuntahan nilang lugar at kasama ang kanyang Dada. Napansin ni Samantha na lalong naging mas malapit sina Drake at Sky sa naging bakasyon nilang iyon. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ni Samantha bumabawi si Drake sa tatlong taong pagkakahiwalay nila. Ganoon din naman ang gusto niya. Maraming panahon na Nawala sa kanila. Hindi na mahalaga kung wala siyang naalala sa nakaraang ang mahalaga naman ay ang ngayon at bukas. “Good Morning.” Nakangiting wika ni Drake nang pumasok sa silid nila ni Samantha. Napatingin si Samantha sa asawa niya saka napangiti nang makita itong may dalang tray na may pagkain at white roses. Nagising siyang wala sa tabi nila si Sky ang binata. Hindi naman agad siya nakaalis sa kama dahil alam niyang maghahanap si Sky sa kanila kung magigising ito at wala itong katabi. “So, this is the rea
"Are you happy little guy?” Tanong ni Simone kay Sky nang ihatid nila ni Lee sina Samantha sa Airport. Ngayon ang alis nang tatlo papunta Rome. Hindi na sila tumutol ni Lee dahil nakikita naman nilang wala na ring silbi kung pipigilan nila si Samantha at Drake. Kahit na walang maalala si Samantha sa binata hindi maitatanggi na gusto pa rin ni Samantha ang binata at mukhang nakuha na ulit ni Drake ang tiwala ni Samantha. Nakikita nilang masaya na ulit si Samantha. Lalo na si Sky na kasama ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.“Take care of them.” Wika ni Lee kay Drake.“Don’t worry ako nang bahala sa mag-ina ko.” Wika pa ni Drake.“Bye Bye.” Malambing na wika ni Sky sa dalawang binata habang karga-karga ni Drake papasok sa departures area.“My love.” Isang boses ang narinig ni Samantha dahilan kung bakit siya napabalikwas nang bangon. Napatingin siya sa paligid. Nakita niya si Drake sa tabi niya habang kalong ang natutulog na si Sky na nakahiga sa dibdib nito. Talagang komportable
"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon.“Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha.“It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nang anak. “It would have been nice if you could open your heart to me again.” Wika ni Drake saka tumingin kay Samantha. Lihim namang napakagat nang labi nang dalaga saka napahawak nang mahigpit sa hawak n
"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito.“Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi ni Master Drake. dito niyo nalang siya hintayin. Pwede kayong pumasok sa study niya may mga hinanda siyang laruan para kay Sky.” Wika nito.“Toys.” Wika nang bata na biglang bumitaw sa kamay ni Samantha
“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars.“I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuwa dahil sa pagtanggap nang binata sa regalo niya. Napakagat lang nang labi si Samantha dahil sa alam niyang hindi maiintindihan ni Sky kung sasabihin niyang hindi naman si Drake ang ama nito. Pero ayaw d