Share

AYW - 37

Biglang napatingin si Samantha sa binatang humawak sa kanyang kamay. Nagulat siya sa inasal nito. Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit, nang maramdaman niya ang pagkakahawak nito, ay bigla siyang napatingin sa binata nang may pagtataka. Hindi niya inaasahan ang biglaang paglapit nito at ang paghawak sa kanyang kamay.

"Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ng dalaga habang pilit na inaagaw ang kanyang kamay mula sa binata, ngunit imbes na bitawan ito ni Drake, lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak.

"Ikaw, ano ang ginagawa mo? Hindi mo magawang simpleng tumawid sa kalsada. Takot ka bang tumawid?" tanong ng binata habang humaharap sa dalaga ngunit hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Samantha.

"Hindi ako takot tumawid," sagot ng dalaga at bahagyang tumigil. "Kaya lang—" natigilan siya. Sasabihin ba niya kay Drake? Maiintindihan ba siya ng binata?

"Kaya lang ano?" tanong ni Drake habang nakatitig sa dalaga.

"Kaya lang naisip ko, niluto ko ang tanghalian na dala ko para sa'yo. Bakit ako
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status