Drake!” wika ni Nancy nang makita ang Binatang dumating. Pagtayo palang nang binata sa may pinto agaw atensyon na kaagad ito lalo na sa suot nitong suit. Napatingin si Nancy sa binata. Buong akala niya hindi ito darating sa closing ceremony nang event. Marami na nga ang nagpahawag nang kanilang disappointment nang malamang hindi dadalo ngayon naman marami ang nagulat at bukod doon masaya nang makita ang Binatang nakatayo sa sa pinto. Nakatingin din sila sa dalagang kasama nito.
“Akala ko hindi pupunta.” Wika ni Nancy at lumapit sa binata. “Well, good thing you did. Dahil maraming naghihintay saiyo.” Wika nito saka biglang hinawakan ang braso nang binata.
“Let’s go.” Wika nito na hindi pinansin ang dalagang kasama nito. Napaawang lang ang labi nang dalaga nang makita ang ginawa ni Nancy para ba siyang hindi nag-eexist. Isa pang ikinainis nang dalaga ay hindi manlang siya nilingon nang binata. Napatingin siya kay Drake at N
Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang asawa mo? Bigla kang Nawala sa party maging si Sam Nawala din. Inihatid mo ba siya sa mansion nila? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Juno nang pumasok sa apartment ni Drake. Kalagitnaan nang kasiyahan nang mapansin niyang wala sa gym ang mag-asawa. Sinubukan niyang hanapin si Drake sa campus pero hindi niya Nakita ang binata. Isang lugar lang ang alam niya kung saan pwedeng pumunta. Hindi naman siya nabigo nang magpunta sa apartment. Nang kumatok siya agad siyang pinagbuksan nang pinto nang binata.Nang maglakad siya papasok sa silid napansin niya ang bote nang beer. Mukhang kanina pa umiinom ang binata at tatlong bote nang beer na ang nauubos nito. Kilala niya ang binata tuwing may pinagdaraanan nito o naiinis. Ang beer ang pang-alis nito nang init nang ulo.“Ano bang nangyari? Bakit ka nandito? Nasaan ang asawa mo?” tanong ni Juno saka naglakad patungo sa refrigerator saka kumuha nang isang bote nang bee
Nang dumating ang binata sa mansion. Tahimik na ang buong bahay. Hindi naman siya nagtataka. Kahit na maraming taong nakatira sa mansion usually most of them is not at home bukod sa weekend. They are busy with their own lives. Parang ginagawa lang nilang tulugan ang mansion minsan naman hindi umuuwi sa mansion ang mga ito kapag na stuck sa kani-kanilang trabaho.Habang naglalakad ang binata patungo sa silid nila ni Samantha. Napapaisip siya kung anong ginagawa nang dalaga. Madaling araw na. Natutulog na kaya ito? iyon ang nasa isip niya habang naglalakad siya patungo sa silid. Bigla siyang natigilan nang pagbukas niya nang pinto Nakita niya ang dalagang nakaupo sa kama habang nagbabasa nang aklat. Ilang sandali siyang natigilan nang makita ang dalagang gising pa. Hinintay ba siya nito? Iyon ang tanong sa isip niya. And thinking na hinintay siya nito. Tila hinaplos ang puso niya and at the same time he feels irritated thinking that she stay up whole night waiting for him.
Sam!” masayang wika nang mga bata nang bumaba si Samantha sa Van. Kasunod niyang bumama doon si Drake. Nabigla pa ang binata nang makita ang mga batang tila nag-aabang sa pagdating nang dalaga. Nakita niyang tumakbo papalapit sa dalaga ang mga bata agad na pinalibutan nang mga ito ang dalaga. Nakita niyang nakangiti ang dalaga habang masayang nakikipag-usap sa mga batang excited na makita siya.Kasunod nang mga bata ang isang Madre at isang dalaga. Nakangiti ang mga ito nang makita ang dalaga. Saka bumaling sa Binatang nasa likod nang dalaga. Simple namang tumango si Drake sa dalawa.“They really miss you.” Wika nang madre nang makalapit sa dalaga. Napatingin naman ang dalaga sa madre at sa dalagang lumapit.“Halata nga.” Nakangiting wika nang dalaga saka napatingin sa mga batang nakapalibot sa kanya saka tumingin sa madre at ngumiti. “May mga dala akong supplies.” Wika nang dalaga saka tumingin sa dalawang truck na nasa
Sam!” Nag-aalalang wika nang dalagang assistant nang madre nang makitang tila muntik nang mabuwal si Samantha nang tumayo ito. Mabuti at nakakapit ito sa upuan. Agad namang nasapo nang dalaga ang ulo niya. Kakatapos lang nilang kumain noon. Dahil Maganda ang araw at gusto nang mga bata ang outdoor activities na isip nang Madre na sa labas na sila kumain. Na nagustuhan naman nang mga bata bukod sa aliw din sila sa pakikipagusap kay Drake na game na game naman kahit ang kukulit nang mga bata.Nang marinig ni Drake ang sinabi nang dalagang assistant napadako ang tingin niya kay Samantha. Maging ang mga bata ay nag-aalala ding napatingin sa dalaga.“Sam are you okay?” tanong nang madre at tumayo saka lumapit sa dalaga.“Sam, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong nang mga bata saka bumaling sa dalaga. Nilingon naman nang dalaga ang mga bata saka pilit na ngumiti. Napadako ang tingin niya kay Drake na nakatingin lang sa kany
"Okay ka na ba?” Tanong ni Drake nang pumasok sa loob at makita ang dalagang nakaupo sa sofa. Nang marinig ni Samantha ang tanong ang binata agad naman siyang napatingin dito saka napangiti.“Bakit ka ngumingiti, para kang sira.” Wika nang binata.“Nag-aalala ka bas sa akin?” Tanong nang dalaga habang nakatingin sa binata. Natigilan naman ang binata saka napatingin sa dalaga. Siya mag-aalala? Bakit naman? Wala naman siyang dahilan para mag-alala kay Samantha. Gusto lang niyang malaman kung okay na ang pakiramdam nito. Kaya siya pumasok at kinumusta ito pero hindi siya nag-aalala.“Huwag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Natural lang na tanungin ko kung kumusta ka. Ako ang kasama mo dito. Ano nalang ang sasabihin nang lolo mo, baka isipin noon pinababayaan kita.” Wika nang binata saka naupo sa tabi nang dalaga.“Alam ko namang hindi ka mag-aalala sa ‘kin. Pero hindi mo naman kailangan ipangalandakan. Pwede ka namang mag sinungaling paminsan-minsan.” Wika nang dalaga at napal
Miss Samantha.” Wika nang isang babae na nagulat nang makita si Samantha na dumating sa factory. Araw nang Sabado ngayon kaya nasa Factory ang binata, bilang training. Nabigla si Samantha nang makita ang gulat na mukha nang babae. Para itong nakakita nang multo nang dumating siya. Hindi naman siya madalas nagpupunta doon. Pero nang araw na iyon na isip niyang dalhan nang tanghalian si Drake, alam niyang hindi ito kumain nang almusal dahil sa nandoon ang mga kapatid nang lolo niya. Hindi nag-aalamusal ang binata sa bahay nila tuwing sabado at linggo dahil kompleto ang pamilya nila, madalas maaga itong umaalis para hindi sila magpang-abot nang mga kapatid nang lolo niya.Alam naman kasi nilang, hindi pa natatanggap nang pamilya niya ang pagpapakasal niya kay Drake lalo na at hanggang ngayon sila pa rin ang sinisisi ni Drake sa nangyari sa pamilya nila. Sinasabi nang mga kapatid nang lolo niya na baka ginagamit lang sila ni Drake para maghigante, nagpapatira sila nang taong tatraydor din
Parang nabato si Samantha sa kinatatayuan niya nang makita si Drake at Nancy. Doon lang niya napagtanto ang dahilan kung bakit tila pinipigilan siya nang mga empleyado ni Drake na pumasok. Nandoon pala si Nancy sa loob. Naalala niyang sinabi niya kay Drake noong nakaraan ang tungkol sa paghihiwalay ni Nancy at nang Boyfriend nito. Hindi naman niya akalaing ang bilis magkabalikan nang dalawa.Sam, don’t overreact. Inaasahan mo na naman ito. Alam mong gusto parin nila ang isa’t-isa. Alo ni Samantha sa sarili niya. Kinukumbinsi niya ang sarili niya na hindi siya pwedeng masaktan dahil wala naman siyang Karapatan. Kung tutuusin, pinilit lang nila si Drake na magpakasal sa kanya. Kaya hindi niya pwedeng sisihin ang binata o magalit dito kung sundin man nito ang nasa loob niya. Kung ang babaeng tinitibok nang puso talaga nito ay si Nancy wala siyang magagawa.“Ma’am Samantha.” Mahinang wika nang sekretarya nang makitang nakatayo lang an
Biglang napatingin si Samantha sa binatang humawak sa kanyang kamay. Nagulat siya sa inasal nito. Ngunit hindi niya maunawaan kung bakit, nang maramdaman niya ang pagkakahawak nito, ay bigla siyang napatingin sa binata nang may pagtataka. Hindi niya inaasahan ang biglaang paglapit nito at ang paghawak sa kanyang kamay."Ano ba ang ginagawa mo?" tanong ng dalaga habang pilit na inaagaw ang kanyang kamay mula sa binata, ngunit imbes na bitawan ito ni Drake, lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak."Ikaw, ano ang ginagawa mo? Hindi mo magawang simpleng tumawid sa kalsada. Takot ka bang tumawid?" tanong ng binata habang humaharap sa dalaga ngunit hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Samantha."Hindi ako takot tumawid," sagot ng dalaga at bahagyang tumigil. "Kaya lang—" natigilan siya. Sasabihin ba niya kay Drake? Maiintindihan ba siya ng binata?"Kaya lang ano?" tanong ni Drake habang nakatitig sa dalaga."Kaya lang naisip ko, niluto ko ang tanghalian na dala ko para sa'yo. Bakit ako