Teka, paano nga ulit umuwi sa apartment ni Drake?" Biglang wika nang dalaga saka tumigil sa paglalakad. Simula nang bumalik sila mula sa honeymoon kono nila nag insist si Drake na doon sila manatili sa apartment na tinutuluyan nito kahit pa sinabi nang lolo ni Samantha na mas gusto nitong nasa mansion ang dalawa. Pumayag naman ang lolo niya dahil sa pakiusap niya dito.
Alam niyang nag-aalala lang naman ito sa kanya kaya ayaw nitong pumayag pero sinabi niyang mas mabuting doon siya sa apartment ni Drake tumira dahil baka maawkward si Drake sa mansion nila lalo na at nasa mansion na lahat nang kapatid nang lolo niya at anak at apo nang mga ito. Dahil sa biglaan nilang pagpapakasal kaya naman naisip nang mga ito na sa mansion na tumira.
Habang papauwi siya sa apartment ni Drake may isang lalaking na coat siyang nakasalubong. bigla siyang nagulat at natigilan. Nang napatingin siya dito napansin niyang ang coat lang na suot nito na hanggang tuhod ang nakatabon sa katawan nito. Wala itong pantalon. Bigla siyang kinabahan at natakot. Normal naman kung titingnan ang lalaki pero hindi parin siya dapat makampante.
"Miss halika ka may ipapakita ako saiyo." wika nito kinawayan siya papalapit dito. Habang nakatingin si Samantha sa lalaki nakikita niya tila hindi naman ito masamang tao. Pero hindi siya dapat magtiwala wala siyang kilala sa lugar na iyon at ilang araw palang silang nakatira doon.
"H-Hindi na ho, nagmamadali ako." wika nang dalaga at tumalikod saka akmang lalayo pero hindi paman siya nakakahakbang nang biglang tumakbo ang lalaki papunta sa harap niya.
"Bakit ka naman nagmamadali. Gusto ko lang makipaglaro saiyo. Ngayon lang kita nakita dito." wika nito saka napahawak sa belt na nakapalibot sa bewang na siyang nagsasara sa coat na suot nito. Kung hindi siguro nito suot ang belt baka makita na ang kahubdan nang lalaki.
"T-Teka anong ginagawa mo?" biglang wika nang dalaga nang mapansina ng gustong gawin nang lalaki.
"Diba sabi ko saiyo may ipapakita ako? Gustong-gusto nang mga babae ito." ngumising wika nang lalaki.
"Hindi ko gustong makita." wika nang dalaga saka akmang aalis pero bigla ulit siyang hinarang nang lalaki.
"Hindi ka pwedeng umalis nang hindi mo ito nakikita." wika nito.
"Sa-sa iba niyo nalang ipakita." anang dalaga.
"Hindi pwede. Gusto kita kaya saiyo ko ito ipapakita." wika nang lalaki. "Heto na. Isa--" wika nito at tuluyang tinanggal ang belt saka dahan-dahang binuksan ang coat niya. Hindi naman alam ni Samantha kung anong gagawin.
"Dalawa... Tat-lo!" wika nito saka buong lakas na binuksan ang coat niya. Gustong sumigaw ni Samantha kaya lang hindi niya nagawa dahil sa biglang may kamay na tumakip sa mata niya kasabay ang pagkabig nang bisig nito sa kanya patalikod sa lalaki. Nang makaharap siya sa kumabig sa kanya bigla siyang nag-angat nang tingin at nakita si Drake na siyang tumulong sa kanya. Nakatingin ito sa mukha niya kahit na malamig ang titig nito sa kanya. Hindi parin maiwasan ang pagkabog nang dibdib niya dahil sa simpleng gesture na iyon nang binata.
"Ano sa palagay mo ang ginawa mo!" asik ni Drake sa lalaking nakaunat ang kamay habang ipinapakita ang kahubdan sa dalaga. Tila na bigla naman ang lalaki dahil sa nakatingin sa kanya ang binata.
“Hindi ka ba aalis? O baka gusto mong tumawag ako nang pulis.” Asik nang binata sa lalaki. Nang mapansin nito ang binatang nakatitig sa kanya agad nitong tinakpan ang katawan saka tumukbo. Hindi nito inaasahan na may darating para sa dalaga.
"Ikaw. Anong ginagawa mo dito? Hindi naman ito ang direksyon pauwi sa apartment." wika nang binata saka bumaling kay Samantha nang makalayo ang lalaki. Isang oras na niyang hinihintay ang dalaga sa apartment. Ito ang pangalawang araw nila doon. Akala niya magagawa nang umuwi ni Samantha mag-isa. Hindi na sana niya hahanapin ang dalaga pero naalala niyang may mga ini-rereport na pambabastos sa mga dalaga sa lugar nila kaya naman naisip niyang hanapin na ito.
“Tell me. Mahina ka bas a direksyon. Ipinakita ko na saiyo noong nakaraang araw ang daan pabalik sa apartment at ngayon heto ka at naligaw. Huling-huli mo talaga ang inis ko.” Anang binata.
“Not that I did that on purpose. Alam mong bago ako sa lugar na ito.” anang dalaga at napabuntong hininga. “Thank you for saving me.” Anang dalaga.
“Wait.” Nang dalaga. “Nag-alala ka ba sa akin kaya ka nandito?” Tanong nang dalaga.
“What?” Gulat na wika nang binata.
“C’mon. Hindi mo kailangang mahiya sa akin. Sabihin mo nalang na nag-alala ka hindi naman ako magagalit.” Anang dalaga at itinuro ang dibdib nang binata.
“Look.” Iritang wika nang binata saka hinawakan ang kamay nang dalaga. “Stop being so full of yourself. Hindi ako nag-aalala saiyo. May mga balita tungkol sa pambabastos sa lugar na ito. Inisip ko lang---”
“So nag-aalala ka nga sa kin.” Ngumiting wika nang dalaga. Napaawang ang labi nang binata. His defense just cracked becaused of that smile.
“Whatever.” Napabuntong hiningang wika nang binata at tumalikod saka inakay ang dalaga papalayo.
“Saan Tayo pupunta?” tanong nang dalaga habang naglalakad kasunod ang dalaga.
“Uuwi, where else.” Inis na wika nang binata. Napangiti naman si Samantha habang nakatingin sa kamay niyang hawak nang binata habang naglalakad sila.
“Hey. Nasa area naman tayo nang apartment mo bakit kailangan nating mag taxi?” Tanong nang dalaga nang sumakay sila nang taxi ni Drake.
“Just shut up.” Anang binata matapos ipakita sa taxi driver kung saan sila dadalhin. Napalabi naman ang dalaga saka napasandal.
“I’ll sleep for a bit.” Anang dalaga saka inihilig ang ulo sa balikat nang binata.
“Sleep? Why----” anang binata at natingin sa dalaga may sasabihin pa sana siya ngunit nang makita niya ang maamong mukha nang dalaga na natutulog wala nang salitang lumabas sa bibig niya.
"Anong ginagawa natin dito? Hindi ba tayo uuwi sa apartment mo?" tanong ni Samantha kay Drake nang makita niyang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Bumaba sila sa taxi at ganoon na lamang ang gulat niya nang nasa harap sila nang gate nang mansion nila. Matapos ang nangyari kanina sinabi nang binata na uuwi na sila akala naman niya sa apartment na ang tuloy nila. "Uuwi ka pa din doon matapos ang nangyari kanina?" Tanong nang binata saka tumingin sa dalaga. "Pero doon ang bahay natin hindi ba?" tanong nang dalaga. "Bahay ko lang. Dito ka nakatira." mariing wika nang binata. Napakagat nang labi naman ang dalaga. She was hurt with those words. Ibig bang sabihin noon hindi talaga siya itinuring na pamilya nang binata? Alam naman niyang napilitan lang ito. But hearing him say it kahit alam na niya nasasaktan pa rin siya. "Ibig mong sabihin----" Putol na wika nang dalaga nang biglang bumukas ang gate. Para bang inaasahan na nang mga tao sa mansion ang pagdating nila. "Let's go.
WOW!" manghang wika ni Samantha nang pumasok sila sa silid niya. binago na ang desinyon nang silid niya at bukod doon ang isa sa mga guest room na katabi nang silid niya ginawang closet nang lolo niya. Laman noon ang iba't ibang klase nang damit para kay Drake maging mga accessories. Katabi din noon ang closet para sa kanya. Silid at closet palang nilang dalawa parang isang buong bahay na."Nagustuhan mo ba?" tanong nang matanda kay Samantha. Masayang tumango ang dalaga. Hindi niya akalaing gagastos ang lolo niya para ipaayos ang silid na iyon. Para bang inaasahan nitong uuwi sila sa mansion."Drake. Okay na ito saiyo? Dahil sa papasok kana sa kompanya niyo kailangan mo nang mga damit. Hindi ko alam kong anong gusto mo sa mga damit kaya---" putol na wika nang lolo niya."This is more than enough." wika nang binata. Hindi niya alam kung anong gustong gawin nang matanda pero hindi naman nito kailangang bigyan din siya nang sarili niyang closet. Para namang mananat
There's Mrs. Anderson." nakangiting wika nang kaibigan ni Drake nang makita nila ang dalagang nasa labas nang kotse sa labas nang gate nang University nila. Mukhang may hinihintay ito at alam nilang isang tao lang naman ang pwede nitong hintayin sa Labas nang University at iyon ay si Drake."Mukhang bantay sarado ka sa asawa mo." Biro pa nang isang kaibigan ni Drake."Shut up!" anang nang binata saka napatingin sa dalaga. Napakuyom ang kamao niya. hindi niya gustong nagpupunta sa University nila ang dalaga. Kahit naman Kasal sila. Pero mukhang walang plano ang maglolo na lubayan siya at bigyan siya nang katahimikan. Hindi nga siya kinulit nang mga ito na lumipat nang university pero bakit naman ito pa ang susundo sa kanya ngayon. Alam naman niya kung papaano umuwi. Hindi siya gumamit nang kotse dahil hindi siya komportable at dahil na din sa titig nang mga pinsan at ibang miyembro nang pamilya. Hindi sila makapaniwala na binigyan siya nang magarang sasakyan. Haba
Dumating na pala kayo.” Wika ni Assistant Lee na nagaabang sa labas nang building nang Factory nang Kompanya nina Drake. Matapos sunduin ni Samantha ang binata sa Factory sila dumiretso. Nang makababa sila nang kotse Nakita nilang nag-aabang sa labas ang Binatang assistant nang lolo niya.“Assistant Lee.” Masayang wika nang dalaga nang makita ang binata saka ngumiti nang malapad. Napatiim nang bagang ang Binatang si Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga sa harap nang assistant.“Masigla ka yata ngayon.” Wika nito na seryoso ang mukha saka inilagay ang kamay sa ulo nangd dalaga. “Okay lang ba na pumunta ka dito?” Tanong nang binata.“Oo. Nag-usap na kami ni Lolo.” Wika nang dalaga at ngumiti.“Tatayo nalang ba tayo dito?” Tanong nang binata na tila naiinis.“Nasa loob si Chairman.” Wika nito saka nagpatiuna.“Ganyan ka ba sa lahat?” ta
Tama pala ang nadinig ko. Talagang naging inlaws mo na nga ang pamilyang pumatay sa ama mo.” Wika nang Tito Miguel ni Drake nang dumating ito sa conference room nang Factory kung saan naghihintay sina Drake at ang matandang si Leandro at ang assistant nitong si Lee.“Nakita ko ang mga dating empleyado na tinanggal na nakabalik na sa kani-kanilang pwesto. Ibig bang sabihin nito kapalit nang pagpapakasal mo sa apo niya----”“That’s our agreement. Maging ang pagkakablik mo sa trabaho mo ay parte din nang kasunduan. Kung ako lang hindi ako papayag na makabalik sa kompanyang ito ang isang tulad mo.” Wika nang matanda. Napatingin naman si Drake sa matanda. Bakit maman ang init nang dugo nito sa Tito Miguel niya. Ang Tito Miguel niya ang pinagkakatiwalaan nang papa niya. Noong hindi niya alam kung saan pupunta dahil sa sunod-sunod na nangyari sa pamilya nila. Binigyan siya nito nang pera para makakuha siya nang isang silid na lilipatan niya. Binibigyan din siya nito nang pera
Doctor Simone!" masiglang wika ni Samantha nang makita ang doctor niya na dumating sa mansion nila. Bigla namang napaawang ang labi ni Drake nang makita ang malapad na ngiti nang dalaga nang makita ang binatang doctor na dumating. Sinabi sa kanya nang lolo niya na magpapacheck-up siya matapos ang nangyari sa factory pero hindi niya inaasahan na darating sa mansion ang Binatang Doctor. Sa pagkakaalam niya wala ito sa bansa."Energetic yata ang paborito kong pasyente." wika nito saka inilagay ang kamay sa ulo nang dalaga. Nang huminto ang dalaga sa harap nito. Para itong isang batang nakatingala sa kuya niya na naghihintay na purihin nito. Nakita naman ni Drake ang naging pagsalubong nang dalaga sa lalaking dumating. Hindi niya alam kung bakit pero naiinis siya sa ngiti nang dalaga. Tuwing magkasama sila hindi naman ito ngumingiti nang ganoon. Naisip din niya kanina sa Factory nila. Ni hindi ito lumabas sa Opisina ni Lee. Nandoon lang ito buong araw hanggang sa makauwi sila. II
Ang isipin iyon isang bagay na impossible. Bakit naman magseselos ang binata. Kung nakatingin man ito kay Simone hindi naman siguro ibig sabihin noon nagseselos na siya.“Aha, pinamumulahan ka. Masamang senyalis yan.” Wika nito at itinuro ang mukha nang dalaga habang may malapad na ngiti sa labi nito.“Big bully.” Wika nang dalaga at itinulak ang binata saka padabog nag umakyat nang haghan.“Hey! Masyado ka namang pikon. I was just kidding.” Natatawang habol nito sa dalaga. Nang mahabol nito ang dalaga agad niya itong inabakyan.“Isipin mo. Kapag nagseselos siya ibig sabihin may gusto siya saiyo. Ayaw mo ba noon? Ang first love mo magkakaroon nan ang katuparan.” Wika nito.“Malabo yun. Parati siyang nakasimangot sa akin at parati siyang nagsusugit.” Anang dalaga.“Gusto mo bang kausapin ko siya? Hindi pwedeng hindi niya pinapansin ang pinakamamahal kong pasyente.”“Ano naman sasabihin mo sa kanya ang sitwasyon ko?” tanong nang dalaga.
Aalis ka kaagad?” Tanong ni Leandro nang dumating kasama si Lee. Nakasalubong nila si Simone at Samantha na naglalakad papunta sa gate. “Kadarating mo lang, aaalis ka kaagad. Why don’t you stay for dinner. Bakit aligaga kang umalis?” wika nang matanda.“Yan nga din po ang sinabi ko sa kanya. Eh, kaso hindi daw siya komportable sa bahay.” Nakangusong wika ni Samantha. Napangiti naman si Simone dahil sa sinabi nang dalaga saka inakbayani to.“Ito naman nagtatampo kaagad. I think I can stay.” Wika nito saka bumaling kay Leandro.“Hmm.” Wika nang dalaga saka itinulak ang binata. “Ngayong si Lolo ang nagsabi you can stay? Kaninag ako nagyaya. Ayaw mo dahil maraming tao sa bahay.” Wika ni Samantha.“You will take a whole night calming her down.” Wika ni Lee saka umiling.“Yeah, this sulking baby is really had to please.” Wika nito saka muling inakbayan ang dalaga. Pero inirapan lang siya nang dalaga at nagcross nang kamay. Lalo namang napangiti si
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni