Chapter 48 Margarita Iba na ang nararamdaman ko sa sarili ko. 'Yung sinasabi kong buntis ang amo ko, mukhang ako yata ang buntis. Diyos ko, wag naman sana, please God! Linggo ngayon, kaya lumabas ako. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko na lumabas ako. Ang gusto ko sana ay magtambay na lang sa park dito sa loob ng exclusive subdivision. Kaso 'yung mga dating katulong rin na nakakasama ko minsan sa park, hindi na nila ako pinapansin. Mukhang pinag-uusapan pa nila ako. Patong-patong ang problema na dumating na naman sa buhay ko. Akala ko makakaligtas ako sa tsismis dito, pero mukhang may mga kapwa ko katulong na nanghahamak rin sa pagkatao ko. Parang tama si Bela, huwag ako basta-basta magkwento sa mga kaibigan ko kahit close ko pa. Lalo na sa mga importante na nangyayari sa buhay ko. Kailangan na panatilihing lihim minsan ang ganap sa buhay.Pagdating ko sa mall. Kinain ko lahat ng gusto kong kainin bago ako nagtungo sa pharmacy para bumili ng pregnancy test. Panalangin ko na sa
Chapter 49Margarita Hindi ako mapakali kung sasabihin ko ba sa amo ko ang kalagayan ko o hindi. Kinakabahan ako at natatakot sa anumang sasabihin sa akin ng amo ko. Palakad-lakad ako na hindi malaman ang dapat gawin. Huminga ako ng malalim. Alam kong sa oras na ito ay nasa kusina si sir nagtitimpla ng kape. Hindi nga ako nagkamali, nasa kusina nga ang amo ko. "Ahm… good morning po, sir," mahina kong bati. Kinakabahan ako at hindi malaman ang dapat gawin. Nagyuko ako ng ulo ng mataman akong tinitigan ng mariin ng aking amo. Ang hirap ng ganito, nakakatakot at nakakabahala. Parang hindi ko kayang sabihin ang sitwasyon ko. "Glad you’re here!" seryosong sabi ng amo ko.Napaangat ako ng tingin sa kanya. Napapitlag ako nang magtama ang aming mga mata. "P-Po?" patanong ang tono ko. "Linisin mo ng mabuti ang isang kwarto na katabi ng kwarto ko. My fiancée is coming back to the Philippines. Kaya dapat malinis na malinis ang kwarto," seryosong sabi ng amo ko. "May kasintahan ka na pala
Chapter 50MargaritaLumuluha akong naglilinis sa kwarto na tutuluyan ng kasintahan ng amo ko. Nilalakasan ko ang loob ko para sa kaligtasan ng baby sa tiyan ko. Kahit na gusto kong ipalaglag ang pinagbubuntis ko, natatakot rin ako na baka ikakapahamak pa ng sarili ko. Natatakot rin akong ipalaglag at pumatay ng baby kahit fetus pa lang ito. Tatanggapin ko na lang ang kapalaran na ito, tatanggapin ko na lang ang pang-aalipusta nila sa akin. Buo na ang loob kong buhayin ang batang nasa sinapupunan ko. Iipunin ko na ang huling sahod ko dahil kailangan ko iyon para sa panganganak ko, sakali man. Nagpunas agad ako ng luha sa aking pisngi nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. "Bukas na bukas rin, ayokong nakikita kitang pakalat-kalat dito sa mansyon ko. Ayoko rin na kausapin mo ang fiancée ko. Kailangan mong igalang siya at sundin ang utos niya. Pero huwag kang makipagkwentuhan sa kanya!" "Opo, sir," mahina kong sagot. "Huwag na huwag mong babanggitin ang anumang nakaraan. I
Chapter 51 Margarita Ganito ba talaga ang pagiging buntis? Kada umaga ay nagsusuka ako, minsan pati sa gabi? Kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor para maresetahan ako ng gamot sa pagduduwal. "God, ano na ang gagawin ko kapag nahalata ang tiyan ko? Hindi kaya kami mapahamak ni baby ngayong ayaw ng amo ko na mag-demand ako sa kanya? Isa pa, nandito na ang fiancée niya. Ayoko namang masira sila at baka mas lalong magalit sa akin ang amo ko. Baka isumpa niya ako," kausap ko sa sarili ko. Malalim akong bumuntong-hininga.Nag-ayos na ako sa sarili ko at magtrabaho na upang hindi na naman mabulyawan ng amo ko. Pagpasok ko sa kusina, nakita ko si Manang na abala sa ginawa sa kusina. "Magandang umaga po, Manang," bati ko pagkapasok ko sa kusina. "Magandang umaga rin sa'yo, hija. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Manang. Nagkunwari kasi akong masakit ang katawan ko at may lagnat noong isang araw para makaiwas sa sermon ng amo. Baka usisuhin na naman niya kung bakit ako nakipag
Chapter 1"Sabi nila bahay ang lilinisan ko at nag-iisa lang ang magiging amo ko. Whooah! Parang palasyo naman ang laki ng bahay na ito. Baka kahit isang araw hindi ko matapos linisin ang buong bahay. Magkandaligaw-ligaw pa ako. Baka tigok ang abot ko nito," bulalas ko."Nagrereklamo ka ba?""Huh? Sino ang nagrereklamo?" tanong ko agad. "Hindi pa nga nagsisimula ang laban, susuko na ako? Para sa pamilya ko ang laban na 'to." Sabay lingon ko sa nagsalita, nagulat at napatulala pa ako."Follow me!" ma-awtoridad na sabi ng poging lalaki na ito. Siya ba ang amo ko?Naupo ito sa upuan niya. Parang opisina siguro niya ito. Ako naman ay nakatunganga lang. "Sit!" "Saan po sir?" kabado niyang tanong."Damn!" nainis na yata ang poging ito. "Mamili ka sa apat na upuan na nasa harapan ko kung saan mo gustong umupo! Don't waste my time, baka masesante kita agad!" iritadong sabi ni pogi.Nagulat ako, ito pala ang magiging boss ko. Napanganga ako, excited tuloy akong magtrabaho dito dahil araw-ara
Chapter 2Isang linggo ko na dito sa mansyon nakakapagod, nakakatakot, at nagagalit ang amo. Nakakawalang lakas ng katawan ang palaging pagsigaw ni sir. Parang araw-araw may regla. Nakakaubos siya ng lakas at pasensya. Kaya para gumaan ang paligid nagpatugtog na lang ako ng kanta. Wala namang sinabing bawal ang magbukas ng musika sa cellphone. Para kahit papaano, gumanda ang mood ko sa paglilinis ng buong bahay na ito. Anong akala ng amo kong ito, robot siya na isa lang ang kinuhang katulong? Ang kuripot naman ng gwapong gorilla na ito. Dahil Ilocano siya, Ilocano na kanta ang pinatugtog ko. May bigay kasi si Manang na cellphone para sa akin. Kapag may kailangang bilhin, isulat na lang sa cellphone dahil wala silang notebook at pen sa mansyon. Tsee! Kaloka ang yaman ng amo namin, pati papel at pen hindi kayang bilhin. Makabili nga kapag magpalengke kami ni Manang."Isem, isem, umisem ka man biagko," kanta ko habang naglilinis sa sala. Pinagpatuloy ko ang pagkanta at feel na feel ko
Chapter 3Sa palengke na malapit lang sa exclusive subdivision kami namalengke. May dala kaming parang trolley para sa mga binili namin. Strikto na kasi ang lugar na ito. Bawal na ang paggamit ng maraming plastic. "Manang, may banyo ba dito?" tanong ko. Naiihi na kasi ako."Diretso lang ito, tapos kanan ka, makikita mo ang tindahan ng mga daing. Tabing-tabi lang iyon. Dalian mo dahil kailangan pa nating magluto ng ulam para sa amo natin," bilin pa nito."Sige po," nagmadali na akong nagtungo sa banyo.Pero paglabas ko sa banyo, nagkagulo ang mga tao. Dahil curious ako, sumunod naman ako sa mga nagtakbuhan. May sunog lang naman pala. Dahil chismosa ako at first time na makanood ng nasusunog na bahay, heto ako, nanonood na sa mga bombero na nakahawak sa hose na tinututok sa apoy. Pati ako, nakikisigaw na rin. Nalimutan ko na ang bumalik pa kay Manang. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kaya dali-dali kong sinagot ang tawag. Napa-facepalm ako at tumakbo na pabalik
Chapter 4"Oh, ang galing! Galing mong sumayaw, galing mong gumiling, galing mong tumuwad, galing mong tumambling. Pabibo ka talaga, la, la, la, la," kanta ko habang nagpapalit ng bedsheet ng amo ko. Wala ang amo ko, nasa gym ito nag-eensayo. Kaya ang yummy ng katawan niya, panay ensayo sa umaga ang ginagawa. Tapos, suplado na nga, masungit pa. Kaya bansag ko gorilyang dragon na dinosaur. Bagay na bagay niya ang pangalan, idagdag pa na yummy siya. Kasi bako-bako ang katawan, sobrang tigas, siguro ang mga muscle niya. Nakaka-excite siguro na panoorin siya habang nasa korte, nakikipag-debate sa kabilang kampo para lang ipagtanggol ang hawak niyang biktima. Ang hot at ang angas siguro ni sir. Baka ang pagsigaw niya sa akin ay ganoon din kapag nagtuturo siya sa university. Pero iba pa rin kapag nasa ganoon na field siya, alam kong professional ito. Dito lang sa bahay niya pinapakita ang masamang ugali."Mapisil nga minsan, yay," kinilig pa niyang sambit."Mapisil ang alin?" "Ay, tangi
Chapter 51 Margarita Ganito ba talaga ang pagiging buntis? Kada umaga ay nagsusuka ako, minsan pati sa gabi? Kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor para maresetahan ako ng gamot sa pagduduwal. "God, ano na ang gagawin ko kapag nahalata ang tiyan ko? Hindi kaya kami mapahamak ni baby ngayong ayaw ng amo ko na mag-demand ako sa kanya? Isa pa, nandito na ang fiancée niya. Ayoko namang masira sila at baka mas lalong magalit sa akin ang amo ko. Baka isumpa niya ako," kausap ko sa sarili ko. Malalim akong bumuntong-hininga.Nag-ayos na ako sa sarili ko at magtrabaho na upang hindi na naman mabulyawan ng amo ko. Pagpasok ko sa kusina, nakita ko si Manang na abala sa ginawa sa kusina. "Magandang umaga po, Manang," bati ko pagkapasok ko sa kusina. "Magandang umaga rin sa'yo, hija. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Manang. Nagkunwari kasi akong masakit ang katawan ko at may lagnat noong isang araw para makaiwas sa sermon ng amo. Baka usisuhin na naman niya kung bakit ako nakipag
Chapter 50MargaritaLumuluha akong naglilinis sa kwarto na tutuluyan ng kasintahan ng amo ko. Nilalakasan ko ang loob ko para sa kaligtasan ng baby sa tiyan ko. Kahit na gusto kong ipalaglag ang pinagbubuntis ko, natatakot rin ako na baka ikakapahamak pa ng sarili ko. Natatakot rin akong ipalaglag at pumatay ng baby kahit fetus pa lang ito. Tatanggapin ko na lang ang kapalaran na ito, tatanggapin ko na lang ang pang-aalipusta nila sa akin. Buo na ang loob kong buhayin ang batang nasa sinapupunan ko. Iipunin ko na ang huling sahod ko dahil kailangan ko iyon para sa panganganak ko, sakali man. Nagpunas agad ako ng luha sa aking pisngi nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. "Bukas na bukas rin, ayokong nakikita kitang pakalat-kalat dito sa mansyon ko. Ayoko rin na kausapin mo ang fiancée ko. Kailangan mong igalang siya at sundin ang utos niya. Pero huwag kang makipagkwentuhan sa kanya!" "Opo, sir," mahina kong sagot. "Huwag na huwag mong babanggitin ang anumang nakaraan. I
Chapter 49Margarita Hindi ako mapakali kung sasabihin ko ba sa amo ko ang kalagayan ko o hindi. Kinakabahan ako at natatakot sa anumang sasabihin sa akin ng amo ko. Palakad-lakad ako na hindi malaman ang dapat gawin. Huminga ako ng malalim. Alam kong sa oras na ito ay nasa kusina si sir nagtitimpla ng kape. Hindi nga ako nagkamali, nasa kusina nga ang amo ko. "Ahm… good morning po, sir," mahina kong bati. Kinakabahan ako at hindi malaman ang dapat gawin. Nagyuko ako ng ulo ng mataman akong tinitigan ng mariin ng aking amo. Ang hirap ng ganito, nakakatakot at nakakabahala. Parang hindi ko kayang sabihin ang sitwasyon ko. "Glad you’re here!" seryosong sabi ng amo ko.Napaangat ako ng tingin sa kanya. Napapitlag ako nang magtama ang aming mga mata. "P-Po?" patanong ang tono ko. "Linisin mo ng mabuti ang isang kwarto na katabi ng kwarto ko. My fiancée is coming back to the Philippines. Kaya dapat malinis na malinis ang kwarto," seryosong sabi ng amo ko. "May kasintahan ka na pala
Chapter 48 Margarita Iba na ang nararamdaman ko sa sarili ko. 'Yung sinasabi kong buntis ang amo ko, mukhang ako yata ang buntis. Diyos ko, wag naman sana, please God! Linggo ngayon, kaya lumabas ako. Hindi ko na sinabi sa mga kaibigan ko na lumabas ako. Ang gusto ko sana ay magtambay na lang sa park dito sa loob ng exclusive subdivision. Kaso 'yung mga dating katulong rin na nakakasama ko minsan sa park, hindi na nila ako pinapansin. Mukhang pinag-uusapan pa nila ako. Patong-patong ang problema na dumating na naman sa buhay ko. Akala ko makakaligtas ako sa tsismis dito, pero mukhang may mga kapwa ko katulong na nanghahamak rin sa pagkatao ko. Parang tama si Bela, huwag ako basta-basta magkwento sa mga kaibigan ko kahit close ko pa. Lalo na sa mga importante na nangyayari sa buhay ko. Kailangan na panatilihing lihim minsan ang ganap sa buhay.Pagdating ko sa mall. Kinain ko lahat ng gusto kong kainin bago ako nagtungo sa pharmacy para bumili ng pregnancy test. Panalangin ko na sa
Chapter 47 Margarita Nagising siyang masama ang sikmura. Mabilis siyang tumakbo sa banyo ng makaramdam siya ng pagsusumuka. Ito na siguro ang resulta ng palaging nalilipasan ng gutom. Mas inuuna kasi niya ang mga gawaing bahay bago kumain. Nanlalambot siyang napaupo sa sahig. Nanghihina rin ang katawan niya, kaya humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo at bumalik sa higaan. Nagising siya sa lakas ng kalampag sa pintuan ng kwarto niya. Anong oras na kaya? Ayoko pa sanang gumising, kaso halos magiba na ang pintuan niya. Kaya bumangon na siya para buksan ang pinto sa kung sino ang istorbo sa labas. "Do you know what time it is now, huh?" malakas na bulyaw sa akin ng amo ko. "Masama po ang pakiramdam ko, sir," sagot ko habang nakayuko. "I don't care! Cook me fried rice now! I'm hungry!" bugnutin na naman ang amo ko. Ilang araw na itong paiba-iba ang ugali. Siya ang nahihirapan sa ugali ng amo niya. Mukhang may regla araw-araw at nag-iiba ang hormones niya. "Wala ba si Man
Chapter 46 Margarita "Ano na naman ba ang ginawa mo, Marga? Bakit galit na naman sa'yo ang amo natin? Bawal ka na ring magluto ng pagkain niya. Bawal ka na ring mag-serve sa dining room. Anong nangyari?" takang usisa ni Manang Thelma. "Wala naman po, Manang. May regla lang siguro si sir kaya ako ang palaging napag-iinitan niya. Parang bakla kung magalit sa konting bagay lang eh," simangot ko.Never akong magkuwento sa kahit sino tungkol sa nangyari sa amin ng amo ko. Mananatiling lihim lang ang lahat. Hindi ko pa nga nasabi sa kaibigan ko. Baka kung ano pang sasabihin niya tungkol sa akin. Magpa-advice na lang siguro ako, pero never ko sasabihin ang totoong nangyari. "Paanong wala? Ni ayaw ka na rin niyang makitang pakalat-kalat dito sa mansion eh," pasungit na sabi ni Manang. "Tanungin mo na lang si sir, Manang. Kahit ako nagulat rin sa mga patakaran niya eh," nguso kong pagsisinungaling kay Manang. Nalungkot rin ako sa agarang pagbabago ng amo ko."Ewan ko sa amo nating iyan! P
Chapter 45Harrison Hindi ko matanggap sa sarili ko na nagalaw ko ang katulong ko. Ang nagpa-init pa ng ulo ko ay ang mga sagot ni Marga na siyang nagpatindig ng katawan ko. Pero ang ikinagulat ko ay ang pagbigkas ko sa pangalan ng ibang babae. Gusto kong tanungin kung anong pangalan ang binigkas ko, pero nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Hindi ako makasagot sa mga sinabi niya, para pagtakpan ang ego ko, naging masama na naman ang ugali ko sa kanya. Nagpagsabihan ko siya ng mga hindi magagandang salita. Uminit na naman ang ulo ko sa natanggap kong mensahe mula sa katulong ko at uminit na naman ang alaga ko. Napamura ako agad nang sagutin ng katulong ko ang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Nag-iinit agad ang ulo ko at ulo ng alaga ko kapag nakikita ko ang katulong ko. Nakita ko siyang abala sa kusina. Napatitig ako sa katawan niya. Hindi naman talaga pangit ang katawan niya. She has the curves, the sexiest breasts, and the sexiest moan. "Fvck!" bigla k
Chapter 44Margarita Pabagsak akong nahiga sa sahig pagdating ko sa kwarto ko. Ang sakit ng buong katawan ko, idagdag pa ang sakit ng ulo ko't pussycat doll. Parang pinalo-palo nila ako ng dos por dos ng paulit-ulit sa katawan ko. "Ang sakit ng pussycat doll ko. Sorry, nawasak ka na yata, hindi ka na yata mapakinabangan pa. Paano na ako iihi niyan? Kawawa ka naman, hindi man lang nag-ingat ang ampalaya ni sir, basta na lang pumasok ng hindi man lang kumakatok. Napunit na yata ang pussycat doll ko. Ang sakit sobra," daing ko pa. Hindi na muna ako gumalaw at hinayaan ko na lang ang sarili ko na mahiga dito sa sahig. Wala namang makakakita sa katawan kong hubad. Pumikit na ako para matulog, bahala na ang amo ko kung magalit sa akin. Kasalanan naman niya eh.Maggagabi na ng magising ako. Alas sais medya na. Ganun ako katagal na nakatulog sa sahig? Tanong ko pa sa sarili ko.Nagmamadali na akong bumangon upang makaligo na. Ang baho ko na, amoy panis na laway ni sir. "Eww!" sambit ko. P
Chapter 43 Margarita Nagulat ako sa lakas ng sigaw ng amo ko kinabukasan. Napabalikwas ako ng bangon, pero biglang sumakit ang ulo ko at pati na rin ang buo kong katawan. "Anong ginawa mo sa akin kagabi? Bakit pareho tayong hubad? Sinong may sabing matulog ka dito sa kwarto ko at tumabi sa akin?" malakas na tanong ng amo ko. Galit na galit ang mukha niya na parang hindi niya gusto ang nangyayari. "Wala po akong kasalanan, sir," mahina kong sagot. "Wala?! So bakit nandito ka sa kwarto ko? Ginahasa mo ba ako?" akusa niya agad. Nasaktan ako sa paratang ng amo ko. "Ginahasa? Ikaw ang nagpumilit, sir, hindi mo ako pinakawalan! Kung sana hinayaan mo akong makaalis sa kwarto mo matapos kitang maipasok dito, wala sana ako sa sitwasyong ito ngayon, sir," masama ang loob kong sambit. "Ako pa ngayon ang sinisisi mo? Ikaw ang may mas matinong pag-iisip sa ating dalawa kagabi. Tapos ako ang may kasalanan, gano'n ba, huh?" galit na sigaw niya. "Wala po akong sinisisi, hindi ko ginusto ang n