Chapter 2
Isang linggo ko na dito sa mansyon nakakapagod, nakakatakot, at nagagalit ang amo. Nakakawalang lakas ng katawan ang palaging pagsigaw ni sir. Parang araw-araw may regla. Nakakaubos siya ng lakas at pasensya. Kaya para gumaan ang paligid nagpatugtog na lang ako ng kanta. Wala namang sinabing bawal ang magbukas ng musika sa cellphone. Para kahit papaano, gumanda ang mood ko sa paglilinis ng buong bahay na ito. Anong akala ng amo kong ito, robot siya na isa lang ang kinuhang katulong? Ang kuripot naman ng gwapong gorilla na ito. Dahil Ilocano siya, Ilocano na kanta ang pinatugtog ko. May bigay kasi si Manang na cellphone para sa akin. Kapag may kailangang bilhin, isulat na lang sa cellphone dahil wala silang notebook at pen sa mansyon. Tsee! Kaloka ang yaman ng amo namin, pati papel at pen hindi kayang bilhin. Makabili nga kapag magpalengke kami ni Manang. "Isem, isem, umisem ka man biagko," kanta ko habang naglilinis sa sala. Pinagpatuloy ko ang pagkanta at feel na feel ko ang pagsayaw na parang may kasayaw akong lalaki. "What the hell are you doing?" Napapitlag ako sa lakas ng sigaw ng amo ko. Nag-echo pa sa buong sala ang nakakatakot nitong boses. Nakita kong busangot ang mukha at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Mukhang bagong gising lang si amo. "Magandang umaga po sir," bati ko agad. Bahagya pa akong yumuko. "What the hell you listening to? Turn off the music right now!" utos niyang sigaw sa akin. "Okay. Okay sir. Ilocano na kanta ito sir. Lagi pinapatugtog sa kasal. Kapag makarinig kami ng tugtog na ganito, inaakala namin na may kainan at ikinasal na nagaganap. Tapos pupunta kami kahit hindi invited. Makikikain, at makikisayaw, at mag-uwi pa ng pagkain," kwento ko sa amo ko kahit hindi nagtatanong. Pero 'yong kaba sa dibdib ko nakakabingi sa sobrang pagkabog. "I don't care what you saying! Turn off the music now! Now!" dumagundong ang sigaw na naman ng amo ko sa sala. Kay aga-aga nagagalit na naman. Pwede naman niyang sabihin ng maayos sa akin. "Oo na sir! Kalma and relax. Heto na, I'll kill the music na," sambit ko. Nangunot ang noo ulit ng amo ko. Kahit may takot sa amo, nagawa ko pa ring biruin ito. "Ngumiti ka naman, sir, para hindi ka pumangit. Ang aga-aga, busangot agad ang mukha. Exhale, inhale, and smile, sir, para ang buhay ay masaya at pumalakpak. Ayan, nagmumukha ka ng ampalaya na kulubot ang noo," sabay ngiti ko sa kanya. "What the..." Kumaripas agad ako ng takbo nang makita kong uusok na naman ang ilong ng amo. Baka mag-ala gorilyang dragon na ito. Hingal na hingal pa ako nang makarating sa kusina. Sobrang lawak kasi ng bahay. Ang dami pang pasikot-sikot na daan para makarating lang sa kusina. Bwisit na bahay na 'to. "Oh, anong nangyari sa'yo? Tapos ka na maglinis at mukhang pagod na pagod ka? Pawisan ka pa. Kumain ka na nang makaalis na tayo," utos niya sa akin. "Aalis? Pinapaalis na ba ako ng amo natin, ha, Manang? Nagmamakaawa ako, Manang, tulungan mo akong pakiusapan si Sir. Kailangan na kailangan ko ang trabahong ito. Naggagamot ang nanay ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho, Manang! Masipag naman ako, magaling magluto, mapagpasensya at inuunawa ang mala-dragon na dinosaur na ugali ng amo natin, tapos--- aray ko," napatigil ako sa sinasabi ko nang batukan ako ni Manang. "Hindi ba't sinabi ko kanina na mamamalengke tayo? Ang dami mong kaartehan sa buhay, hala, bilisan mong kumain para makapalengke na tayo!" sermon ni Manang Thelma. Nakahinga ako ng maayos. Ang overacting ko naman. Habang kumakain kami ni Manang, nagkukwento ito tungkol sa amo namin. "Gising na po si Sir, Manang. Masama ang gising, baka kulang sa himas kaya mainit ang ulo," bungisngis ko dahil naalala ko ang sinabi ko sa amo ko. "Walang magandang gising ang amo natin. Stress sa trabaho at sa buhay niya, kaya hayaan natin siya," sabi naman ni Manang. Patapos na kaming kumain nang pumasok sa kusina si Sir. Busangot pa rin ang mukha. Pero ang cute niya pa rin, sarap niyang asarin kaso baka tuluyan na niya akong masesante kapag pinikon ko pa. "Here, Manang, ang bibilhin ninyo for my lunch later," sabay lapag sa isang papel na may mga nakasulat na ingredients na bibilhin namin mamaya. Pati penmanship, ang sosyal, ang ganda. Dinaig pa ang sulat-kamay ko na parang hinalukay ng manok sa gulo ng penmanship ko. "Sir, may pen at papel naman pala kayo. Dapat meron rin po dito sa kusina para maisulat rin namin ang bibilhin naming grocery dito sa bahay natin... este, mansyon mo, Sir," Napatigil naman si Sir sa paghakbang paalis ng kusina. "Hindi ba't may gamit ka naman na cellphone? Hindi ba sinabi sa'yo ni Manang na..." "Eh, Sir, kasi nabubura ko eh. Hindi ko pa kasi gaano alam gamitin ang touch screen ng cellphone na ito at-" "Anong karapatan mong sumabad habang nagsasalita pa ang amo mo? Kabastusan 'yang ginagawa mo, Margarita! Ako ang boss dito at 'wag na 'wag mong pinuputol ang sinasabi ko. Katulong ka lang at ako ang amo dito! Naiintindihan mo ba?!" galit na sigaw ng amo ko. "Yes, your honor, Sir," yuko ko. "Bilisan ninyo ang kumain. Hindi ko kayo binabayaran dito para magkwentuhan lang. Time is gold, at ayaw kong masayang ang bawat oras na wala kayong ginagawa dito sa pamamahay ko! Mamamalengke lang kayo at bawal ang gumala dahil hindi naman ninyo rest day!" sermon sa amin ni Sir. Pati si Manang Thelma, dinamay pa. "Sorry, Sir," mahina naming paumanhin sa amo namin. Tumalikod naman na ito at lumabas ng kusina. "Pasensya ka na, Manang, pati ikaw nadamay pa sa galit sa akin ni Sir," paumanhin ko. "Matuto ka na sana next time na 'wag sumasabad kapag nagsasalita ang amo natin. Hala, bilisan mo na diyan para makapalengke na tayo," Nagmadali naman kaming kumilos para makapagpalengke na kami ni Manang.Chapter 3Sa palengke na malapit lang sa exclusive subdivision kami namalengke. May dala kaming parang trolley para sa mga binili namin. Strikto na kasi ang lugar na ito. Bawal na ang paggamit ng maraming plastic. "Manang, may banyo ba dito?" tanong ko. Naiihi na kasi ako."Diretso lang ito, tapos kanan ka, makikita mo ang tindahan ng mga daing. Tabing-tabi lang iyon. Dalian mo dahil kailangan pa nating magluto ng ulam para sa amo natin," bilin pa nito."Sige po," nagmadali na akong nagtungo sa banyo.Pero paglabas ko sa banyo, nagkagulo ang mga tao. Dahil curious ako, sumunod naman ako sa mga nagtakbuhan. May sunog lang naman pala. Dahil chismosa ako at first time na makanood ng nasusunog na bahay, heto ako, nanonood na sa mga bombero na nakahawak sa hose na tinututok sa apoy. Pati ako, nakikisigaw na rin. Nalimutan ko na ang bumalik pa kay Manang. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kaya dali-dali kong sinagot ang tawag. Napa-facepalm ako at tumakbo na pabalik
Chapter 4"Oh, ang galing! Galing mong sumayaw, galing mong gumiling, galing mong tumuwad, galing mong tumambling. Pabibo ka talaga, la, la, la, la," kanta ko habang nagpapalit ng bedsheet ng amo ko. Wala ang amo ko, nasa gym ito nag-eensayo. Kaya ang yummy ng katawan niya, panay ensayo sa umaga ang ginagawa. Tapos, suplado na nga, masungit pa. Kaya bansag ko gorilyang dragon na dinosaur. Bagay na bagay niya ang pangalan, idagdag pa na yummy siya. Kasi bako-bako ang katawan, sobrang tigas, siguro ang mga muscle niya. Nakaka-excite siguro na panoorin siya habang nasa korte, nakikipag-debate sa kabilang kampo para lang ipagtanggol ang hawak niyang biktima. Ang hot at ang angas siguro ni sir. Baka ang pagsigaw niya sa akin ay ganoon din kapag nagtuturo siya sa university. Pero iba pa rin kapag nasa ganoon na field siya, alam kong professional ito. Dito lang sa bahay niya pinapakita ang masamang ugali."Mapisil nga minsan, yay," kinilig pa niyang sambit."Mapisil ang alin?" "Ay, tangi
Chapter 5 Napa-facepalm ako ng maalala ko na naman ang sinabi kong nag-violet si sir. Naalala ko kulay pala ang violet. Nakakahiya."Huhuhu... bwesit na 'yan. Paano kasi ang daming magkakatunog na salita sa English. Violet, Violence, Violent, Violins, and many, many more. Nagkandabali-bali na ang dila ko sa pagsalita ng English na 'yan. Nakakaintindi naman ako kaya lang, hindi nag-exercise ang dila ko sa pagsasalita ng English. Tagalog lang talaga at Ilocano ang kaya ng dila ko," maktol ko habang kausap ko ang sarili ko.Tapos na akong nagluto ng pananghalian ng amo namin. Master ang tawag ng ibang bodyguard at security guard ni sir Harrison. Pero kami ni manang Thelma, 'sir' ang tawag namin. Ano siya, tagapagmana ng mundo na master rin ang itatawag namin. Masyado naman siyang above the law. Pero napapikit ako ng maalala ko na naman ang paggulong-gulong ko sa sahig sa harapan ng amo namin. "Nakakahiya ka, self, talaga!" Kinutusan ko pa ang ulo ko. At least tumagal naman ako dito.
Chapter 6 Margarita "Margarita!" sigaw ng amo ko. "Yes, Your Honor?" sigaw ko rin dahil nasa loob ako ng banyo naglilinis. Napasimangot na lang ako kapag pumapasok ako dito sa napakaganda niyang banyo. Ang lawak at ang ganda nito. Yayamanin talaga. "Faster cleaning my bathroom. I need you to clean my gym studio," "Bakit ngayon mo lang sinabi, sir?" "Nagrereklamo ka ba?" pagsusungit na naman ng amo ko. "Nagtatanong lang po ako, sir," "Bilisan mo na diyan! Lahat na lang ng iutos ko sa'yo, may tanong ka. Wala na ba akong karapatan na utusan ka, Margarita?" pagalit na tanong ni sir Harrison. "Hindi naman po sa gano'n, Sir, gusto ko lang din magkomento. Kasi may schedule po ang paglilinis ko sa mansyon mo, sir," sagot ko. "Nagdadahilan ka pa! Kung ayaw mong mautusan, pwede ka ng umalis dito para makahanap ako ng bagong kapalit mo," galit na sabi ni sir. "Huwag naman po, sir, sorry po," maamo kong sabi. "Faster cleaning! Kailangan kalahating oras tapos mo nang linisan ang g
Chapter 7Margarita Busy kaming dalawa ni Manang sa paghahanda ng mga request ni Sir na mga ulam para sa lulutuin namin. Dahil mamayang hapon daw, may mga darating siyang bisita dito sa mansyon niya.Mabuti na lang, maaga kaming namalengke kanina para hindi kami magahol sa oras ni Manang. Naghihiwa na kami ngayon para mabilis na lang magluto mamaya.Mga kaibigan daw niya ang mga iyon. Kaya heto kami ni Manang, abala sa kusina ngayon. Maaga rin akong natapos maglinis sa buong bahay kanina dahil alas kwatro pa lang ng umaga, gising na ako para lang maglinis."Margarita?" Narinig ko na tawag sa akin ni Sir."Yes, Sir. Busy po si Inday Margarita sa kusina, naghihiwa ng lulutuin namin mamaya po. Ano pong maipaglilingkod ko sa'yo, Your Honor?" sagot ko naman habang naghihiwa ng patatas.Lumingon ako sa gawi ng amo ko dahil hindi ito sumagot. Sakto naman na nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kakaiba akong nakita sa kanyang mga mata, pero nang makita niyang
Chapter 8"Pasensya na, mga sir, late dumating ang mga pambara sa lalamunan, nauna ang pantulak," sabi ko na biro sa mga bisita ni sir Harrison.Humalakhak naman ang mga bisita ni sir sa sinabi ko. Pero si sir Harrison, killjoy, ayaw tumawa. Masamang tingin lang ang ibinigay niya sa akin."You're funny," puri ng isang bisita ni sir sa akin."Ah, hindi naman po, sir. Bawal ang magbiro sa tahanan na ito, seryoso masyado ang amo ko. Nambabato ng mga article number, act number, rules, at disciplinary action. Baka bagsak ko sa kulungan," naging seryoso ang boses ko kunwari.Natawa na naman sila sa sinabi ko. Masiyahin ang mga kaibigan ni sir, pero siya lang ang bugnutin. Hindi marunong tumawa. Gusto ko siyang i-offer ang pera para tumawa lang kaso mas mayaman pala ang amo ko sa akin. Baka ako ang ma-offeran ng pera, tumahimik lang ako sa kadadaldal o baka palalayasin na."Makakaalis ka na dito! Nakakaistorbo ka na," pa-inis na sabi ni sir."Relax, bro," awat ng kaibigan ni sir Harrison."
Chapter 9Alas-siyete ng gabi nang sabihin ni Sir Harrison na maghain na kami sa hapagkainan. Nagmadali na kaming kumilos ni Manang. Si Manang na ang nag-ayos sa mesa at ako naman ang nagdala ng mga nilutong pagkain. Nagulat pa ako nang makasalubong ko si Sir pagpasok ko sa kusina. Saan ba ito galing? Sabi ko sa sarili ko.Nagyuko ako ng ulo at mabilis na nilampasan ang amo ko. Ayoko siyang tingnan ng matagal kaya't hindi ko na lang siya pinansin. Baka pagagalitan na naman niya ako o baka magsabi na naman ng hindi maganda sa pandinig ko. Kuta na ako ngayon kaya kailangan ko munang magpakabait. Dapat talaga matuto akong lumugar. Kunti pa lang ang ipon ko at nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Si Kuya may asawa na kaya wala nang ibang aasahan kundi ako na lang. Kaya kailangan kong maging maingat dito dahil baka mainis ko na naman ang amo ko at tuluyan na niya akong paalisin.Hindi sapat na masipag lang ako. Dapat maging mabait din at piliin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para w
Chapter 10Nawala ang kaba ko at agad napatingala nang magsalita ulit ang bisita ni Sir na nagtanong kung ako ang nagluto sa pagkain nakahain sa mesa."I was just asking because I like the food you cook. I have a restaurant, and I like the taste of the food you cook. Masarap at ganitong panlasa ang hanap ko dahil local dish naman ang ilalagay ko bagong bukas kong restaurant. If you are interested, please let me know," sabay abot sa akin ng isang maliit na papel. Basta ko na lang rin iyon kinuha at binulsa. Kita ko ang pagsunod ng mata ng amo ko sa kinuha kong papel at pagbulsa ko. Parang napatiim-bagang pa na nakikinig lang sa sinasabi ng kaibigan nito sa akin."Me too, gusto ko ang pagkain na niluto mo. Nabusog ako ng sobra, nasira tuloy ang diet ko dahil sa masarap na ulam. Pwede na kitang i-hire na taga-luto sa condo ko," sabi pa ng isa. Lahat sila agree na masarap ang luto ko. May kanya-kanya silang offer sa akin. Tuwang-tuwa naman ako dahil nagustuhan nila ang luto ko. Akala ko
Chapter 71Margarita"Okay ka lang?" mahinahon na tanong sa akin ni Sir Harrison. "Opo, salamat!" mahina kong sagot na parang bumalik na naman ako sa dating mahinhin at takot sa amo. "Ihahatid na kita mamaya." "Po? Huwag na po. Salamat na lang. Sige, bye!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Sir Harrison. Nakasalubong ko si Sir Mateo sa labas ng restroom at nahiya ako bigla sa kanya. Kailangan ko na siyang kausapin. Bahala na kung pagsisisihan ko ang agarang desisyon na ito. Akala ko tahimik na ang buhay ko, pero bakit mas lalong nagulo pa yata ngayon. Hindi ko na naman mapigilan na sisihin si Sir Harrison sa nangyaring kaguluhan ngayon. Bigla rin akong nahiya nang sabihin ng pinsan ko kay Sir Harrison na mahal ko siya! Gusto kong magsisigaw sa inis, galit, hiya, at sama ng loob. Gusto kong isigaw na noon lang iyon, hindi na ngayon! "S-Sir, pasensiya na po, ahm, gusto ko sanang makausap ka kung hindi ka po busy," lakas-loob kong sabi kahit pa kinakabahan ako. "Sure," tumalikod it
Chapter 70 Margarita Sa isang linggo kong pagtatrabaho sa restaurant, parang bago lang ako kung kausapin nila. Kakausapin lang nila ako kapag kailangan o mahalaga. Hindi ko rin alam ang biglaan nilang pagbabago sa pakikitungo nila sa akin. Nasasaktan ako. Nagagalit at naiinis na naman ako sa magkasintahang iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas, bakit hindi pa rin sila makamove on? Bwesit talaga ang mga palakang ito! Naiiyak ako dahil parang itchepwera na ako sa kusina. Parang ako na lang ang nagtatrabaho dito. Tumutulong ang iba, pero hindi nila ako kinakausap. Kung mag-uusap man sila, ako ay hindi kasama sa kwentuhan. Nasasaktan talaga ako. Nakakadiri ba akong tao dahil lamang sa tsismis na hindi naman totoo? Naniwala sila sa impaktang iyon kaysa sa kwento ko. Wala naman akong kinalaman sa hiwalayan nila, eh. Anong malay ko sa buhay nila ngayong abala ako sa sarili kong buhay kasama ang mga anak ko? "Rita, may gustong kumausap sa'yo sa labas, kamag-anak mo raw," sabi ng lalaking
Chapter 69 Margarita Kinabukasan, nagtungo ako sa opisina ng boss namin. Kararating lang niya kahapon dito sa Pilipinas galing ibang bansa. Alam niya ang nangyari dito sa restaurant niya at napanood ang CCTV, ayon sa manager namin, at hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kasintahan ng kaibigan niya. Pina-ban niya sa restaurant si Tiffany at pinagbayad ng danyos sa pamamahiya at pang-eskandalo niya sa loob ng restaurant niya. "Magandang umaga po, sir. Pinapatawag niyo raw ako?" bungad ko pagkapasok ko sa loob ng opisina ni sir Mateo. "Yes. Sit down," seryosong sabi ni sir. Tumalima naman agad siya. Nahiya siya sa mapanuring tingin nito sa akin. "Magkwento ka sa paratang ni Tiffany sa'yo?" diretsang sabi ni sir. "Ho?" taka kong sambit."I just want to know kung bakit gano'n na lang ang galit sa'yo ng kasintahan ng kaibigan ko." "Sir, bawal ang chismoso dito! Ang personal kong buhay ay dapat manatiling lihim lang," seryoso kong sagot. "Paano kita maipagtatanggol kung hindi ko a
Chapter 68MargaritaMay party sa restaurant. Nirentahan raw nila ang restaurant para sa selebrasyon ng mga nag-graduate sa katabing unibersidad ng restaurant na ito. Sasabak na naman kaming lahat sa gawain namin dito sa kusina. Mga 100 katao yata ang kakain, not sure. Ayoko naman magtanong dahil ang trabaho ko lang naman dito ay magluto. Hindi ang magtanong ng kung ano-ano.Wala naman siguro dito ang lalaking iyon. Sabi kasi ni Bela araw-araw daw na dito kumakain ang lalaking iyon. Tahimik na ang buhay ko tapos guguluhin na naman niya. Lumayo na nga ako, di ba? Ano pa ba ang gusto niya? Napa-buntong hininga na lang ako. "Kulang ang waitress natin, baka lang pwede kayo?" tanong ng manager namin. Alam kasi nitong sa kusina lang kami. Pero kawawa naman ang mga kasamahan namin, kaya nag-oo na lang kami. Nagulat pa ako dahil ang dami naman pala talagang tao. Mas maganda na lang sana ang self-service dahil nakahilera naman sa labas ang mga ulam. Parang catering style. Bakit kailangan pa
Chapter 67 Margarita Isang linggo akong nag-absent at sinabi ko sa manager ko na may sakit ako. Nag-message naman agad sa akin si sir Mateo at kinukumusta ang lagay ko. Nasa ibang bansa pala ito kaya wala siya sa restaurant. Mabuti na rin na wala siya dahil sa totoo lang ayoko rin na makita niya ang mga anak ko. Hindi ako dapat magtiwala sa kanya kahit na mabait siya sa akin. Sana lang rin hindi ako ipahamak ni Bela, sana maging tapat pa rin siya sa akin bilang isang matalik na kaibigan. Kasi si Joyce, tinitira pala niya ako patalikod. Siya pala ang nagchichismis ng kung ano-ano sa barangay namin. Kaya naman pala gusto niyang umuwi ako sa amin para pagfistahan ako. "Nanay, bakit hindi po tayo lumalabas? Bawal ba tayo sa labas po?" tanong ni baby Hollis. "Gusto ko po sana ng babekeyo," napangiti ako sa pilit niyang pagbigkas sa barbecue. "Hindi naman, anak, mas safe lang tayo dito sa loob. Boring na ba ang mga anak ko at gustong lumabas?" masuyo kong lambing sa kanila. "Meyo la
Chapter 66Margarita/Harrison "Answer me! Magkano ang offer sa'yo? Malaki ba?" galit na tanong nito. Pinipigilan lang niya ang sumigaw dahil alam niyang makakaagaw sila ng atensyon ng mga tao. "Oo! Okay na ba? Pwede mo na ba akong pakawalan?" sagot ko."Do you like him?" seryoso niyang tanong. "Anong konek sa trabaho ko ang tanong mong 'yan sa amo ko, sir?" tanong ko. "Do. You. Like. Him?" Konti na lang at mabulyawan na niya ako. Ayoko pa naman ng chismis dito tungkol sa akin. "I like the work, of course, yes! I should love my work," sagot ko sa Ingles. Di ko sure yung sagot ko dahil biglang nandilim ang mukha niya. "Pinagloloko mo ba ako, huh?" singhal niya. Napadiin pa ang hawak niya sa braso ko."Sumagot ako ng tama, kaya pwede ba bitawan mo na ako! May trabaho po ako. Kailangan ko ng pera para makabayad sa mga utang ko," pilit kong inaalis ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Halos magmakaawa na ako, pero tinitigan lang niya ako ng mariin. Nailang ako kaya a
Chapter 65Margarita Habang busy ako sa kusina busy naman ang isip ko kakaisip sa dalawa kong anak. Hindi ako mapakali panaka-naka akong sumisilip sa kwarto. Tahimik lang rin silang nasa lamesa nagkukulay habang kumakain ng biscuits. May tubig akong binigay sa kanila kanina. Mamaya ko na sila bigyan ng gatas kapag gusto na nilang matulog.Sa pang-apat kong pagsilip sa loob ay hindi ko makita ang mga anak ko. Agad akong kinabahan sa takot na baka may kumuha na sa kanila. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas. Baka nagbanyo lang sila."Relax," sambit ko. Napaparanoid na naman ako. Kinakabahan ako na naluluha na sa nerbyos.Pero paglabas ko gulat na gulat ako ng makasalubong ko ang lalaking matagal ko ng tinataguan. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakayuko ito kausap niya ang anak kong lalaki. Mabilis akong nagtago sa gilid. Napahawak ako sa dibdib ko. 'Nasaan ang anak kong babae?' tanong ko pa sa isip ko. "Salamat po, sa pagsama sa akin sa banyo po. Ba-bye po," rinig ko
Chapter 64Margarita "Rita," glad your here. Bungad ng head chef sa kusina. "Po?" talaga namang papasok ako anong bago?"Kahapon may nagtatanong kung sino ang nagluto sa sinigang na hipon. Tapos 'yung adobong baboy, pakbet at igado, ikaw ang nagluto sa mga iyon di ba?" ngiti ng head chef."Tayo po ang nagluto ng mga ulam chef, hindi lang ako," sagot ko naman."Pero ikaw ang tumitikim sa mga luto natin, Rita," sagot ng isang chef pa. Bali Lima kaming lahat may assistant pa na apat. Iba pa sa mga taga hugas at waitress. Kaya may time kami mag pahinga kapag wala order na pagkain."Sana po huwag niyo po sana sasabihin ang pangalan ko Rita ay pwede na. Huwag lang po sa buong pangalan ko if ever na may magtatanong ulit," mahinahon kong sabi."Nasabi yata ng manager natin ang pangalan mo, Rita. Hayaan mo na para marecognize ang luto natin," ngiti ng head chef. Nanlumo ako sa narinig.May kutob kasi akong baka si Sir Harrison ang nagtanong. Ako lang naman ang nagluluto sa mga pagkain niya
Chapter 63 Margarita 3 Years Later Makukulit na ang dalawa kong anak. Unang beses ko silang ilabas, at sa trabaho ko pa sila isasama. Wala kasi ang bantay ng mga anak ko. Umuwi sa probinsya dahil namatay ang tatay niya. Ngayon, nahihirapan na ako kung kanino ko iiwan ang mga anak ko. Nag-message ako sa manager namin kung puwede kong isama sa trabaho ang dalawa kong anak. Mabait naman siya at nag-presenta na tatawagan ang boss namin. Pumayag naman si Sir Mateo. "Ilagay niyo na sa mga bag ninyo ang gusto ninyong ilagay, mga anak, para hindi kayo ma-bore sa paghihintay kay Nanay sa trabaho niya," bilin ko sa dalawa kong anak. Excited naman silang sumunod sa utos ko. Habang ako ay nagluluto ng kakainin nila kapag nagutom sila, handa na rin ang gatas nila at biscuits. May tubig naman doon, kaya tubig na para sa gatas na lang nila ang dinala ko. Kasama na rin ang damit at towel nila. "Nanay ko, dala ikaw po pakain namin doon, ah?" tanong ng anak kong lalaki. "Opo, baby ko," sabay pi