Chapter 5
Napa-facepalm ako ng maalala ko na naman ang sinabi kong nag-violet si sir. Naalala ko kulay pala ang violet. Nakakahiya. "Huhuhu... bwesit na 'yan. Paano kasi ang daming magkakatunog na salita sa English. Violet, Violence, Violent, Violins, and many, many more. Nagkandabali-bali na ang dila ko sa pagsalita ng English na 'yan. Nakakaintindi naman ako kaya lang, hindi nag-exercise ang dila ko sa pagsasalita ng English. Tagalog lang talaga at Ilocano ang kaya ng dila ko," maktol ko habang kausap ko ang sarili ko. Tapos na akong nagluto ng pananghalian ng amo namin. Master ang tawag ng ibang bodyguard at security guard ni sir Harrison. Pero kami ni manang Thelma, 'sir' ang tawag namin. Ano siya, tagapagmana ng mundo na master rin ang itatawag namin. Masyado naman siyang above the law. Pero napapikit ako ng maalala ko na naman ang paggulong-gulong ko sa sahig sa harapan ng amo namin. "Nakakahiya ka, self, talaga!" Kinutusan ko pa ang ulo ko. At least tumagal naman ako dito. Naka-apat na buwan na nga ako, e. Pero ang amo ko hindi pa rin nagbabago. Mukhang stressed pa rin sa trabaho. Alam ko na sobrang busy nito bilang isang professor-lawyer, tapos may mga hinahawakan pang mga kaso. Iyon ang kwento ni manang sa akin noong bago pa lang ako dito. Nagmadali na akong naghain ng pagkain ng amo ko dahil mamayang hapon ay may lakad raw ito. Naglalagay pa lang ako ng mga pagkain niya sa dining room ay nakita ko nang paupo na sa hapag-kainan. Hindi ko pa nga tapos maghain. Simple lang naman ang mga paborito na ulam ng amo namin. Hindi rin maarte, basta masarap ang pagkakaluto ng ulam. Kaya plus one sa langit ang amo ko. Hindi maarte. Pero minus one thousand sa langit dahil suplado na nga, masungit pa. "Heto na ang huli na ulam, sir, kumain po ng mabuti. Smile before sandok sa kanin," sabi ko pa. Masamang tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa. Ako naman, na hindi mahiyain, tumayo pa ako na parang Miss Universe ang tindig. Sabay chin-up ko sa mukha ko. "Mukha kang basahan sa harapan ko. Kung mag-serve ka man lang ng pagkain, sana naman ayusin mo ang itsura mo para ganahan akong kumain dito," sikmat ni sir Harrison. "Ay, grabe ka naman sir. Hindi ko alam na marunong rin pala manlait ang isang abogado," simangot ko. "Observation ko lang, hindi iyon panlalait. Look at yourself in the mirror, saka mo ako sabihan na nanlalait," seryoso nitong sambit. Kakain na sana ito ng masamang tingin ang ipinukol niya sa akin. Alam kasi niya na ayaw niyang may mga tao sa paligid niya habang kumakain. "Opo, your honor, aalis na po ako. Ngumiti po habang kumakain para maganahan ang pagkain sa iyo. Magiging masarap ang ulam kapag maganda ang awra ng mukha mo, sir. Smile while ngumunguya, smile kapag sumubo ng kanin at ulam... Smile, sir... sige sir, enjoy sa pagkain." Kumaway pa ako sabay takbo. "Damn!" rinig kong sambit ng amo ko. "Okay na rin iyon kasi hindi siya nagmura sa hapagkainan," mahina kong bulong. Natatawa akong nagtungo sa kusina. Nagluto pa ako ng ibang ulam para sa ibang mga trabahador dito. Sa dirty kitchen sila kumakain, pero kami ni Manang ay dito na mismo sa kusina kumakain. Hindi naman iyon bawal kay Sir Harrison. Patapos na ako nang dumating na si Manang Thelma at Manong Bobbit. Tinulungan ko na sila sa pagbuhat ng mga pinamili nila. "Dapat talaga, Manang, isinama ninyo ako, e. Ayan tuloy, napagod ka ng sobra," pangungunsensya ko pa. "Baka gabihin na tayo kapag ikaw ang kasama namin. Hindi ka pa naman masabihan ng maayos," sabi naman ni Manong Bobbit. "Grabe naman kayo, excited rin kaya akong makapasok sa mall dito. Sana isinama ninyo ako para sa sunod na labas ko hindi na lang dito sa subdivision ako gumagala. Gusto ko rin 'yung medyo malayo at sa mall iyon. Gusto ko gumala at mamasyal sa mall rin," mahaba kong litanya. "Tulungan mo na muna ako dito, tama na ang maraming daldal, Marga," utos ni Manang Thelma. "Sige po," simangot ko. "Manong, nakaluto na pala ako ng pananghalian. Baka nagugutom na sila Kuya sa labas," "Salamat, Eneng," "Marga po, Manong," "Hindi pangit ang salitang Eneng, kaya 'wag ka na magreklamo pa, Margarita," sagot naman ni Manong. "Oo na po, Manong Bobot," "Bobbit, Eneng," "Ewan ko sa inyong dalawa. Ang lala ng ng trust issue ninyo sa mga pagtawag sa mga pangalan niyo. Ang aarte ninyo, nagutom tuloy ako sa inyo," pagtataray ni Manang Thelma. "Kain na tayo, Manang, nagugutom na rin ako. Pero mauna ka muna, Manang. Hindi pa kasi tapos kumain si Sir," sabi ko. Tinulungan ko na siyang bigyan ng plato at kutsara. Nagsandok na rin ako ng ulam at kanin para sa kay Manang. Nagmadali ako nang makarinig ako ng tawag sa intercom. Kaya agad akong pumasok sa dining room. "Kilig, siguro sinunod mo ang utos ko 'no, Sir?" matamis na ngiti kong tanong. "Ang hinihingi ko, ang atupagin mo!" pasuplado nitong sagot sa akin. Nakairap pa talaga. Ang gwapo pa rin naman niya. Sarap mo sanang gayumahin, Sir Harrison, kaso idaan ko na lang sa mano-manong paglalandi. 'Slow motion but slowly?' Tama ba ito? Tanong ko pa sa isipan ko. May gano'n na quotes eh. Basta gano'n iyon. Dahan-dahan lang. Hinay-hinay gano'n. Idaan sa kwelang paraan. 'Fighting self. Para sayo ang laban na 'to. Laban lang kahit gaano pa kasungit ang amo, 'wag magpasindak sa takot. Kailangan na palaban ka self, kahit gaano kahirap ang trabaho at pagod, kakayanin para sa pangarap at pamilya.'Chapter 6 Margarita "Margarita!" sigaw ng amo ko. "Yes, Your Honor?" sigaw ko rin dahil nasa loob ako ng banyo naglilinis. Napasimangot na lang ako kapag pumapasok ako dito sa napakaganda niyang banyo. Ang lawak at ang ganda nito. Yayamanin talaga. "Faster cleaning my bathroom. I need you to clean my gym studio," "Bakit ngayon mo lang sinabi, sir?" "Nagrereklamo ka ba?" pagsusungit na naman ng amo ko. "Nagtatanong lang po ako, sir," "Bilisan mo na diyan! Lahat na lang ng iutos ko sa'yo, may tanong ka. Wala na ba akong karapatan na utusan ka, Margarita?" pagalit na tanong ni sir Harrison. "Hindi naman po sa gano'n, Sir, gusto ko lang din magkomento. Kasi may schedule po ang paglilinis ko sa mansyon mo, sir," sagot ko. "Nagdadahilan ka pa! Kung ayaw mong mautusan, pwede ka ng umalis dito para makahanap ako ng bagong kapalit mo," galit na sabi ni sir. "Huwag naman po, sir, sorry po," maamo kong sabi. "Faster cleaning! Kailangan kalahating oras tapos mo nang linisan ang g
Chapter 7Margarita Busy kaming dalawa ni Manang sa paghahanda ng mga request ni Sir na mga ulam para sa lulutuin namin. Dahil mamayang hapon daw, may mga darating siyang bisita dito sa mansyon niya.Mabuti na lang, maaga kaming namalengke kanina para hindi kami magahol sa oras ni Manang. Naghihiwa na kami ngayon para mabilis na lang magluto mamaya.Mga kaibigan daw niya ang mga iyon. Kaya heto kami ni Manang, abala sa kusina ngayon. Maaga rin akong natapos maglinis sa buong bahay kanina dahil alas kwatro pa lang ng umaga, gising na ako para lang maglinis."Margarita?" Narinig ko na tawag sa akin ni Sir."Yes, Sir. Busy po si Inday Margarita sa kusina, naghihiwa ng lulutuin namin mamaya po. Ano pong maipaglilingkod ko sa'yo, Your Honor?" sagot ko naman habang naghihiwa ng patatas.Lumingon ako sa gawi ng amo ko dahil hindi ito sumagot. Sakto naman na nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. May kakaiba akong nakita sa kanyang mga mata, pero nang makita niyang
Chapter 8"Pasensya na, mga sir, late dumating ang mga pambara sa lalamunan, nauna ang pantulak," sabi ko na biro sa mga bisita ni sir Harrison.Humalakhak naman ang mga bisita ni sir sa sinabi ko. Pero si sir Harrison, killjoy, ayaw tumawa. Masamang tingin lang ang ibinigay niya sa akin."You're funny," puri ng isang bisita ni sir sa akin."Ah, hindi naman po, sir. Bawal ang magbiro sa tahanan na ito, seryoso masyado ang amo ko. Nambabato ng mga article number, act number, rules, at disciplinary action. Baka bagsak ko sa kulungan," naging seryoso ang boses ko kunwari.Natawa na naman sila sa sinabi ko. Masiyahin ang mga kaibigan ni sir, pero siya lang ang bugnutin. Hindi marunong tumawa. Gusto ko siyang i-offer ang pera para tumawa lang kaso mas mayaman pala ang amo ko sa akin. Baka ako ang ma-offeran ng pera, tumahimik lang ako sa kadadaldal o baka palalayasin na."Makakaalis ka na dito! Nakakaistorbo ka na," pa-inis na sabi ni sir."Relax, bro," awat ng kaibigan ni sir Harrison."
Chapter 9Alas-siyete ng gabi nang sabihin ni Sir Harrison na maghain na kami sa hapagkainan. Nagmadali na kaming kumilos ni Manang. Si Manang na ang nag-ayos sa mesa at ako naman ang nagdala ng mga nilutong pagkain. Nagulat pa ako nang makasalubong ko si Sir pagpasok ko sa kusina. Saan ba ito galing? Sabi ko sa sarili ko.Nagyuko ako ng ulo at mabilis na nilampasan ang amo ko. Ayoko siyang tingnan ng matagal kaya't hindi ko na lang siya pinansin. Baka pagagalitan na naman niya ako o baka magsabi na naman ng hindi maganda sa pandinig ko. Kuta na ako ngayon kaya kailangan ko munang magpakabait. Dapat talaga matuto akong lumugar. Kunti pa lang ang ipon ko at nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Si Kuya may asawa na kaya wala nang ibang aasahan kundi ako na lang. Kaya kailangan kong maging maingat dito dahil baka mainis ko na naman ang amo ko at tuluyan na niya akong paalisin.Hindi sapat na masipag lang ako. Dapat maging mabait din at piliin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para w
Chapter 10Nawala ang kaba ko at agad napatingala nang magsalita ulit ang bisita ni Sir na nagtanong kung ako ang nagluto sa pagkain nakahain sa mesa."I was just asking because I like the food you cook. I have a restaurant, and I like the taste of the food you cook. Masarap at ganitong panlasa ang hanap ko dahil local dish naman ang ilalagay ko bagong bukas kong restaurant. If you are interested, please let me know," sabay abot sa akin ng isang maliit na papel. Basta ko na lang rin iyon kinuha at binulsa. Kita ko ang pagsunod ng mata ng amo ko sa kinuha kong papel at pagbulsa ko. Parang napatiim-bagang pa na nakikinig lang sa sinasabi ng kaibigan nito sa akin."Me too, gusto ko ang pagkain na niluto mo. Nabusog ako ng sobra, nasira tuloy ang diet ko dahil sa masarap na ulam. Pwede na kitang i-hire na taga-luto sa condo ko," sabi pa ng isa. Lahat sila agree na masarap ang luto ko. May kanya-kanya silang offer sa akin. Tuwang-tuwa naman ako dahil nagustuhan nila ang luto ko. Akala ko
Chapter 11Harrison Nais niyang manatili sa kanyang mansyon dahil sa makulit at madaldal niyang kasambahay. Napakakulit at sobrang lakas ng loob na sumagot-sagot sa akin. May mga pagkakataong gusto kong tumawa sa kalokohan ng babaeng ito.Ako, na seryoso sa buhay, nakatuon lamang sa trabaho at sa sarili kong negosyo, ay napukaw niya ang tahimik kong buhay. Nakakapawi siya ng pagod. Para na akong tanga, nakangiti mag-isa.Kahit ang mga magulang ko, hindi ko na rin nakukumusta dahil sa sobrang busy ko. Pero simula noong nag-hire ako ng makakasama ni Manang dito na kasambahay, nagulo ang buhay ko.Walang araw na hindi ko siya masigawan dahil sa mga kwela niyang banat sa akin. Aminado akong suplado, pero hindi naman ako talaga nakasigaw palagi. Kay Margarita ko pa lang nagawa ang sumigaw araw-araw dahil sa inis. Pasaway masyado.Wala si Margarita sa mansyon ngayong rest day nito. Nagpaalam sa akin kahapon na gusto niyang mamasyal sa mall. Malapit lang naman dito, isang sakayan lang ng j
Chapter 12Margarita Bwesit sila! Anong akala nila sa akin, lampa! Mabuti na lang bago nila ako na-hold up, nakatakbo na ako. Pero ang tanga ko pa rin dahil wala akong itinabing pera para sa akin. Di sana nakauwi ako ng matiwasay, at hindi ako nakita ng mga gagong lalaking ito.Balak ko pa naman bumili ng bago kong damit at sandals. Kaya lang, napagtanto kong wala na pala akong natirang pera. Tanga talaga ako.Nauna kasi akong naghulog sa savings ko bago ako nagpadala sa pamilya ko. Pero kamalas-malas lang dahil wala pala akong natira para sa akin. Kaya imbes na sumakay ako ng jeep, naglakad na lang ako pauwi. Pero ang dalawang lalaki na gustong nakawan ako ay nakita ko na naman. Akala ko nakatakas na ako, hindi pa pala. Hinabol nila ako, akala ko pera ang gusto nilang kunin sa akin. Ako pala ang gusto nilang kunin para pagkakitaan ng boss nila.Hindi lang pala sila holdaper sa pera, kundi kidnapper pa. Naisip ko tuloy ang sabi ni Papa na maraming naglipana na masasamang nilalang di
Chapter 13Margarita Nandito ako ngayon sa terrace ng amo ko. Kita kasi dito ang car wash area, dito ko madalas nakikita si Carlo na naglilinis sa sasakyan ng amo namin. Suplado rin ito at hindi marunong pumansin, kaya hanggang tingin na lang ako sa malayo. Nahawaan na yata siya ng amo namin.Imbes na magwalis ang gawin ko dito, mas pinili kong panoorin ang driver ni sir kesa ang maglinis. Wala naman si sir, nasa gym sa ganitong oras. Tapos na ako sa paglilinis sa loob, kaya keri pa ang tumunganga dito. "Ang ganda rin ng katawan niya, tapos moreno at malakas rin ang karisma niya. Ang swerte naman ng Emily na 'yan. Akala ko talaga single pa siya. Hayyy... sayang!" simangot ko pa habang nakatitig kay Carlo na busy sa pagpapaligo sa mga sasakyan."Pero syempre, mas gwapo at mas malakas pa rin ang karisma ng amo kong suplado na pinanganak na may lahing dragon. Pero bawal ko siyang purihin at bawal ko siyang i-crush dahil pagsasabihan na naman niya ako ng kung ano-ano. Dapat nga matuwa s
Chapter 36 Margarita Ang kaso ay diringgin sa RTC (Regional Trial Court), partikular sa Family Court, dahil menor de edad ang biktima. Nagtungo na kaming lahat doon, at nahuli kami ng secretary ni Sir Harrison na si Sir Danilo. Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Sir Harrison sa bata at sa nanay ng bata."Lord, sana huwag kabahan ang bata. Gabayan mo po siya para makuha na niya ang hustisya na nararapat para sa kanya. Palakasin mo po sana ang loob niya at maging matapang sa pagsagot. Ikaw na po ang bahala sa bata, Lord," taimtim kong panalangin. Naupo kami ng secretary ni Sir Harrison sa likod. May mga kasama naman si sir na ibang abogado. Tapos, ang ilan sa pamilya ng biktima ay dumalo. Sa kabilang panig naman ay medyo mas marami sila kumpara sa side ni Sir Harrison. Nagkatitigan si Sir Harrison at ang lalaking nasa mahigit limampung taon gulang na. Nakangisi ito na mukhang nanghahamon pa. "Iyan ang lalaking gumawa ng kabastusan sa bata," bulong sa akin ni sir Danilo, ang secretar
Chapter 35 Margarita Itong building na ito rin pala ang pupuntahan namin. "Ang Dela Berde Law Firm Building." Hindi kami sa opisina nito nagtungo kundi sa lobby lang, at may isang pasilyo kaming dinaanan bago makarating sa isang kwarto. Pumasok rin ako agad nang pumasok na ang amo ko. May bata akong nakita na nakaupo lamang at mukhang tulala. Kaya ngumiti agad ako nang lumingon ito sa gawi namin ni sir. "Hello, anong pangalan mo?" magiliw kong tanong. Mukhang nahiya pa ito sa pagbati ko, kaya hindi niya ako sinagot, nagyuko lang siya ng ulo. "Pagpasensyahan mo na siya, Miss. Mahiyain at medyo takot ang anak ko. Na-trauma yata sa pagiging palakaibigan niya," paghingi ng pasensya ng ginang sa akin. "Ayos lang po iyon, Madam. Naiintindihan ko po. Sana makuha na po natin ang hustisya para sa anak niyo, Madam," nakakaunawa kong sabi. Kita ko ang takot at pag-aatubili sa kanyang mga mata. Huwag naman sana nilang iurong ang kaso dahil lang sa takot sila sa anumang banta o pananakot m
Chapter 34 MargaritaExcited akong nagbihis dahil mamaya lang ay aalis na kami ng amo ko para sa pangalawang hearing sa kasong hawak niya. Ang bata pa pala ang minolestiya ng alkalde. Parang walang anak at asawa ang gago! Sisiguraduhin kong makukulong ang matandang gurang na iyon. "Buwesit siya!" gigil kong sambit. Kahit sino naman ay magagalit sa walang silbing alkalde na iyon. Manyak ang puta! Sa bata pa talaga inabutan ng libog. Siraulo! Lumabas na ako sa kwarto ko. Sa sala ko na lang siya hintayin, baka iwan niya ako nang bigla. Mas maganda nang maaga akong nakabihis kaysa sa paghintayin ko ang amo ko. Simpleng pants at white shirt lang naman ang suot ko. Lip gloss at pulbo lang rin ang nilagay ko sa mukha ko. Nagulat pa siya nang maabutan ang amo sa sala. Nakadekuwatro ito habang nakaupo, at nakatutok ang paningin sa cellphone. Seryoso ang mukha at mukhang galit dahil naggalaw ang panga niya. Madilim rin ang aura ng kanyang mukha. Parang may kaaway sa cellphone, baka buway
Chapter 33 Margarita Sampung minuto na at hindi pa rin bumababa ang amo ko. Baka nakatulog ito, akyatin ko na kaya siya? Lumamig na kasi ang niluto ko, hindi na masarap kapag lumamig ang pagkain. Parang sa pag-ibig rin habang tumatagal, lumalamig ang pagmamahalan, hindi na masarap, hindi na masaya, kaya basta na lang itinatapon sa tabi. Ang masama pa, siniraan ka na nga, nilait ka pa. "Buwisit 'yan! Napahugot tuloy ako," sambit ko habang nanginginig ang ulo. Kakain na sana ako, kaya lang ayoko namang mas mauna akong kumain kaysa sa amo ko. Kaya akyatin ko na nga ang pa-importanteng amo. Papasok pa lang ako sa dining room nang makasalubong ko ang amo ko. Pupungas-pungas na naglalakad patungong kusina. "Anong nangyari, bakit ka sumisigaw?" mukhang kagigising lang ang amo ko. Pero imbes na sumagot, napatulala ako sa harapan niya. Paano nakahubad ang lalaking ito na papasok sa kusina. Boxer shorts lang ang suot at susme, bakat na bakat ang ampalaya niya. Ang umbok at ang... bigla s
Chapter 32 Busy na ako sa paglalagay ng mga gulay na nakuha namin sa gulayan, sa gulay storage. Ang iba ay inilagay ko sa loob ng fridge para hindi madaling masira. Naghugas ako ng isang kamatis at agad ko itong kinagat matapos ko itong mahugasan. "Hmm, sarap! Ang tamis naman ng kamatis na ito. Bakit 'yung ibang kamatis na tanim ni Tatay ko maasim at matabang?" kausap ko pa sa sarili ko. "Beefsteak tomato ang tawag sa malaking kamatis na 'yan," boses agad ni sir ang narinig ko. "Ay puta!" gulat kong sigaw. Pero hindi ako pinansin ng amo ko. Nagpatuloy lang ito sa sinasabi niya. "Madalas itong gamitin sa salad, sandwich, at kahit toping para sa burgers. May iba't ibang uri ng mga kamatis, at ang naitatanim siguro ng Tatay mo ay 'yung klase ng kamatis na madalas nabibili sa palengke na very common na sa Pilipinas. Yung mga tanim ni Nanay Diday ay imported na galing pa sa ibang bansa. Kaya masarap ang mga tanim nila," walang pakialam kung nagulat niya ako. "Kamuntik na akong ma-he
Chapter 31 Margarita Tapos na kaming nag-harvest, nagtungo na muna kami sa kubo na gawa ni Tatay Osting. Pahingaan raw nila sa tanghali dahil presko ang hangin. Dala ko ang pagkain na pinabili ni Sir, buti na lang medyo dinamihan ko yung binili kong chicken fried. Kakain na raw muna kami habang nagpapahinga bago umuwi. "Nay, Tay, kumakain ba kayo ng pritong manok? Hindi kasi ito mabuti sa kalusugan ninyo lalo na't matatanda na kayong dalawa," sabi ko pa. "Ayaw mo ba silang bigyan sa binili mong fried chicken, Marga? Bakit nagtatanong ka pa kung gusto nila o hindi?" singit ni Sir. "Hindi naman sa ayaw ko mag-share ng pagkain, Sir. Concern lang naman po ang dalaga dito. Mas maganda kasi kapag healthy palagi ang kinakain para humaba ang buhay nila sa mundong ito," mahinahon ko namang sagot sa amo ko. "Kanina lang concern ka sa mukha ko kunwari. Pero face-shaming ka lang pala, makalait ka sa mukha ko wagas. Ngayon health concern naman pero ayaw mag-share ng pagkain. Kunwari ka pang
Chapter 30 Margarita Sa unahan ay mga bagong tanim pa lang, tapos dito banda ay marami nang mga bunga at namamatay na rin ang iba dahil sa hinog na ang mga bunga ng mga gulay."Wow, ang dami naman gulay dito. Saan n'yo po binibenta, Nanay, ang mga gulay na ito?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa kapaligiran. Ang lawak naman ng lupa ng amo ko. Karugtong na yata ang lupang ito sa mansyon niya. Parang isang barangay na sa lawak ng lupa. Ang amo ko lang rin yata ang may ganitong kalawak na lupa dahil may maliit pa siyang bundok dito."Pinapaangkat namin sa palengke para ibenta at 'yung iba pinamimigay ni Sir sa mga kamag-anak niya. Meron rin para sa pamilya ng mga trabahador niya dito sa mansion. Kapag kunti ang ani namin, kunti lang rin ang paghahatian ng lahat," kwento ni Nanay Diday.Ang bait at mapagbigay rin pala ang amo ko. Lahat ay may matatanggap kapag anihan pala ng mga gulay at prutas. Siguro yung pagbenta ng gulay at prutas iyon ang pambili nila ng abono at fertiliz
Chapter 29 Margarita Tumigil kami sa simpleng bahay. Ang ganda rin dito, ang daming mga tanim at naka-organize pa. Agad akong bumaba sa golf cart. "Wow, sir, ang dami namang mga gulay dito. Kompleto na yata ang gulay na nasa kanta na 'Bahay Ko,' ah" sabi ko pa at lumapit sa mga gulay. "May mga nakalagay pang pangalan, ang sipag naman ng mga nagtatanim dito, sir. Nilagyan pa nila ng mga pangalan, hindi naman siguro sila maliligaw o magkakapalit-palit ng bunga, hano?" daldal ko sabay tawa."Never ending na pagtatanong na naman iyan, Marga," suway sa akin ni sir. Nagsawa na yata siya sa kadadaldal ko.Hindi ko na lang siya pinansin. Binasa ko ang mga pangalan ng gulay. Kumanta na lang ako bigla ng 'Bahay Kubo.' Yung pagkanta ko, parang nasa choir sa simbahan. Nagpaikot-ikot pa ako sa gulayan. Tinuturo ko ang mga gulay habang binibigkas ang mga pangalan nila. Kaya lang napatigil ako dahil kulang sila, walang singkamas, labanos, wala ring bawang at linga. "Ay sayang! Itigil na ang pagk
Chapter 28 Margarita ANOOO?" sigaw ko! "Pangit ako?" malakas kong tanong. Humalakhak lang ang amo ko. Naisahan yata ako ng amo ko ah. Gumaganti ba siya? Huwag kang magpapatalo, Marga, pangche-cheer ko pa sa sarili ko. "Wala akong sinabing pangit ka! Ang sabi ko lang ay magkasing-edad na kayo ni Manang Thelma," natatawang pangtutuwid ng amo ko."Parang gano'n na rin 'yon, sir! Ang sama mo, nandamay ka pa ng kapwa. Ang masama pa, sa matanda mo pa ako inihambing, kung pwede naman sa artista sana!" maktol ko. Tumawa lang ang amo ko."Parang sinabi mo na rin na pangit si Manang Thelma, ah?" saad ni sir. Nag-enjoy na yata siya na makipagsabayan ng asaran sa akin."Parang gano'n na nga, sir. Ay, sorry naman, hindi naman pangit si Manang Thelma, kasi may boyfriend daw siya. Ang ibig ko lang sabihin, mukha na ba akong matanda, ha, sir? 21 years old pa lang ako eh! Matanda na ba ang mukha ko?" parang nadisappoint pa ako sa sinabi ni sir. Pero narealize ko na ako pala ang naunang nang asar