Chapter 9Alas-siyete ng gabi nang sabihin ni Sir Harrison na maghain na kami sa hapagkainan. Nagmadali na kaming kumilos ni Manang. Si Manang na ang nag-ayos sa mesa at ako naman ang nagdala ng mga nilutong pagkain. Nagulat pa ako nang makasalubong ko si Sir pagpasok ko sa kusina. Saan ba ito galing? Sabi ko sa sarili ko.Nagyuko ako ng ulo at mabilis na nilampasan ang amo ko. Ayoko siyang tingnan ng matagal kaya't hindi ko na lang siya pinansin. Baka pagagalitan na naman niya ako o baka magsabi na naman ng hindi maganda sa pandinig ko. Kuta na ako ngayon kaya kailangan ko munang magpakabait. Dapat talaga matuto akong lumugar. Kunti pa lang ang ipon ko at nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Si Kuya may asawa na kaya wala nang ibang aasahan kundi ako na lang. Kaya kailangan kong maging maingat dito dahil baka mainis ko na naman ang amo ko at tuluyan na niya akong paalisin.Hindi sapat na masipag lang ako. Dapat maging mabait din at piliin ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Para w
Chapter 10Nawala ang kaba ko at agad napatingala nang magsalita ulit ang bisita ni Sir na nagtanong kung ako ang nagluto sa pagkain nakahain sa mesa."I was just asking because I like the food you cook. I have a restaurant, and I like the taste of the food you cook. Masarap at ganitong panlasa ang hanap ko dahil local dish naman ang ilalagay ko bagong bukas kong restaurant. If you are interested, please let me know," sabay abot sa akin ng isang maliit na papel. Basta ko na lang rin iyon kinuha at binulsa. Kita ko ang pagsunod ng mata ng amo ko sa kinuha kong papel at pagbulsa ko. Parang napatiim-bagang pa na nakikinig lang sa sinasabi ng kaibigan nito sa akin."Me too, gusto ko ang pagkain na niluto mo. Nabusog ako ng sobra, nasira tuloy ang diet ko dahil sa masarap na ulam. Pwede na kitang i-hire na taga-luto sa condo ko," sabi pa ng isa. Lahat sila agree na masarap ang luto ko. May kanya-kanya silang offer sa akin. Tuwang-tuwa naman ako dahil nagustuhan nila ang luto ko. Akala ko
Chapter 11Harrison Nais niyang manatili sa kanyang mansyon dahil sa makulit at madaldal niyang kasambahay. Napakakulit at sobrang lakas ng loob na sumagot-sagot sa akin. May mga pagkakataong gusto kong tumawa sa kalokohan ng babaeng ito.Ako, na seryoso sa buhay, nakatuon lamang sa trabaho at sa sarili kong negosyo, ay napukaw niya ang tahimik kong buhay. Nakakapawi siya ng pagod. Para na akong tanga, nakangiti mag-isa.Kahit ang mga magulang ko, hindi ko na rin nakukumusta dahil sa sobrang busy ko. Pero simula noong nag-hire ako ng makakasama ni Manang dito na kasambahay, nagulo ang buhay ko.Walang araw na hindi ko siya masigawan dahil sa mga kwela niyang banat sa akin. Aminado akong suplado, pero hindi naman ako talaga nakasigaw palagi. Kay Margarita ko pa lang nagawa ang sumigaw araw-araw dahil sa inis. Pasaway masyado.Wala si Margarita sa mansyon ngayong rest day nito. Nagpaalam sa akin kahapon na gusto niyang mamasyal sa mall. Malapit lang naman dito, isang sakayan lang ng j
Chapter 12Margarita Bwesit sila! Anong akala nila sa akin, lampa! Mabuti na lang bago nila ako na-hold up, nakatakbo na ako. Pero ang tanga ko pa rin dahil wala akong itinabing pera para sa akin. Di sana nakauwi ako ng matiwasay, at hindi ako nakita ng mga gagong lalaking ito.Balak ko pa naman bumili ng bago kong damit at sandals. Kaya lang, napagtanto kong wala na pala akong natirang pera. Tanga talaga ako.Nauna kasi akong naghulog sa savings ko bago ako nagpadala sa pamilya ko. Pero kamalas-malas lang dahil wala pala akong natira para sa akin. Kaya imbes na sumakay ako ng jeep, naglakad na lang ako pauwi. Pero ang dalawang lalaki na gustong nakawan ako ay nakita ko na naman. Akala ko nakatakas na ako, hindi pa pala. Hinabol nila ako, akala ko pera ang gusto nilang kunin sa akin. Ako pala ang gusto nilang kunin para pagkakitaan ng boss nila.Hindi lang pala sila holdaper sa pera, kundi kidnapper pa. Naisip ko tuloy ang sabi ni Papa na maraming naglipana na masasamang nilalang di
Chapter 13Margarita Nandito ako ngayon sa terrace ng amo ko. Kita kasi dito ang car wash area, dito ko madalas nakikita si Carlo na naglilinis sa sasakyan ng amo namin. Suplado rin ito at hindi marunong pumansin, kaya hanggang tingin na lang ako sa malayo. Nahawaan na yata siya ng amo namin.Imbes na magwalis ang gawin ko dito, mas pinili kong panoorin ang driver ni sir kesa ang maglinis. Wala naman si sir, nasa gym sa ganitong oras. Tapos na ako sa paglilinis sa loob, kaya keri pa ang tumunganga dito. "Ang ganda rin ng katawan niya, tapos moreno at malakas rin ang karisma niya. Ang swerte naman ng Emily na 'yan. Akala ko talaga single pa siya. Hayyy... sayang!" simangot ko pa habang nakatitig kay Carlo na busy sa pagpapaligo sa mga sasakyan."Pero syempre, mas gwapo at mas malakas pa rin ang karisma ng amo kong suplado na pinanganak na may lahing dragon. Pero bawal ko siyang purihin at bawal ko siyang i-crush dahil pagsasabihan na naman niya ako ng kung ano-ano. Dapat nga matuwa s
Chapter 14Margarita Hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Sinabi ko na lang kay Manang na masama ang pakiramdam ko. Mahilig at paborito pa naman ng amo namin ang pumasok sa kusina. Ayokong makita siya sa ngayon. Mahilig kumain at mag-snack, laging pumapasok sa kusina, pwede naman niya akong tawagin sa intercom para mag-utos imbes na pumasok na lang sa loob ng kusina at biglang magsalita. Nakakagulat siya. Parang jumbo na kabute."Manang, pasensiya na, medyo masama po ang pakiramdam ko," pag-iinarte ko nang pumasok si Manang sa kwarto ko."Tinatawag ka pa naman ni Sir Harrison. Mukhang galit na naman ang mukha. Magpahinga ka na muna, ako na ang bahala sa amo natin," nakakaunawang sabi naman ni Manang.Hmp! Ano na naman ba ang sasabihin niya matapos niya akong nakawan ng halik sa labi? Hindi pa nakontento, hinigop at kinain pa ang labi ko sabay kagat. "Salamat po, Manang. At saka masakit pa po ang mga paa ko. Nagkunwari lang akong hindi masakit dahil marami akong trabaho sa mansyon na i
Chapter 15Margarita "Anong nangyari sa labi mo? Mukhang namamaga at may sugat pa yata?" usisa ni Manang. Napatitig pa siya sa labi ko.Shooks! Nakalimutan kong itago ang mukha ko. Kailangan kong magsinungaling para mapaniwala ko agad si Manang. Nang hindi na siya mag-usisa pa."Bigla kong nakagat ang labi ko kanina, Manang, dahil sa sakit ng paa ko. Bawat hakbang ko, kinakagat ko ang labi ko para hindi po ako makalikha ng ingay. Ayoko po kasing masabihan na naman ako ni sir na nagrereklamo ako sa trabaho ko dito," sabay yuko ng ulo ko."Ay, susmaryosep, kang bata ka!" sabay palo sa braso ko. Ngumuso ako sa ginawa ni Manang. Si sir nga napigilan niyang 'wag akong kutusan, itong si Manang makahampas wagas."Manang naman!" reklamo ko pa dahil naalog ng bahagya ang ulo ko."Kulang pa yan! Pasaway ka. May masama na palang nangyari sa'yo, hindi ka man lang nagsasabi. Paano kung na-infect 'yang mga paa mo? Baka kami pa ang sisihin ng pamilya mo kapag hindi ka na makalakad!" sermon ni Mana
Chapter 16Margarita Apat na araw akong nakahiga lang sa kama. Nakakabagot at nakakahiya na kay Manang at kay Sir. Naging pabigat ako sa kanila ng apat na araw at ngayon ay magaling na ako. Pero sabi ni Manang, huwag ko na muna pwersahin ang sarili ko, baka mabinat daw ako.Ngayon, masaya akong naglilinis sa sala. Parang nakawala ako sa hawla matapos ang matagal na pagkakakulong ko."Uy, lumaban si Marga, matapang. Uy, lumaban si Marga, matapang, aw! Get, get, get, aw. Sige, sige (ooh) sige, kembot pa (aah)Kembot kembot (ooh), ihataw, igiling mo pa (uh-huh)" kanta ko habang masayang naglilinis sa sala, sinabayan ko pa ng pagsayaw at giling ng katawan."Gumaling ka na naman, heto ka na naman, nagwawala na naman dito sa mansyon ko! Hindi ka ba nakainom ng gamot mo?" nagulat ako sa boses ng amo ko. Kamuntik pa akong mabuwal sa pagkagulat. Agad akong tumingin sa kanya, pero hindi ko naman nakitaan ng galit sa mukha niya. Mukhang masaya pa na makita ako. Hula ko lang naman kasi iba ang
Chapter 71Margarita"Okay ka lang?" mahinahon na tanong sa akin ni Sir Harrison. "Opo, salamat!" mahina kong sagot na parang bumalik na naman ako sa dating mahinhin at takot sa amo. "Ihahatid na kita mamaya." "Po? Huwag na po. Salamat na lang. Sige, bye!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Sir Harrison. Nakasalubong ko si Sir Mateo sa labas ng restroom at nahiya ako bigla sa kanya. Kailangan ko na siyang kausapin. Bahala na kung pagsisisihan ko ang agarang desisyon na ito. Akala ko tahimik na ang buhay ko, pero bakit mas lalong nagulo pa yata ngayon. Hindi ko na naman mapigilan na sisihin si Sir Harrison sa nangyaring kaguluhan ngayon. Bigla rin akong nahiya nang sabihin ng pinsan ko kay Sir Harrison na mahal ko siya! Gusto kong magsisigaw sa inis, galit, hiya, at sama ng loob. Gusto kong isigaw na noon lang iyon, hindi na ngayon! "S-Sir, pasensiya na po, ahm, gusto ko sanang makausap ka kung hindi ka po busy," lakas-loob kong sabi kahit pa kinakabahan ako. "Sure," tumalikod it
Chapter 70 Margarita Sa isang linggo kong pagtatrabaho sa restaurant, parang bago lang ako kung kausapin nila. Kakausapin lang nila ako kapag kailangan o mahalaga. Hindi ko rin alam ang biglaan nilang pagbabago sa pakikitungo nila sa akin. Nasasaktan ako. Nagagalit at naiinis na naman ako sa magkasintahang iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas, bakit hindi pa rin sila makamove on? Bwesit talaga ang mga palakang ito! Naiiyak ako dahil parang itchepwera na ako sa kusina. Parang ako na lang ang nagtatrabaho dito. Tumutulong ang iba, pero hindi nila ako kinakausap. Kung mag-uusap man sila, ako ay hindi kasama sa kwentuhan. Nasasaktan talaga ako. Nakakadiri ba akong tao dahil lamang sa tsismis na hindi naman totoo? Naniwala sila sa impaktang iyon kaysa sa kwento ko. Wala naman akong kinalaman sa hiwalayan nila, eh. Anong malay ko sa buhay nila ngayong abala ako sa sarili kong buhay kasama ang mga anak ko? "Rita, may gustong kumausap sa'yo sa labas, kamag-anak mo raw," sabi ng lalaking
Chapter 69 Margarita Kinabukasan, nagtungo ako sa opisina ng boss namin. Kararating lang niya kahapon dito sa Pilipinas galing ibang bansa. Alam niya ang nangyari dito sa restaurant niya at napanood ang CCTV, ayon sa manager namin, at hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kasintahan ng kaibigan niya. Pina-ban niya sa restaurant si Tiffany at pinagbayad ng danyos sa pamamahiya at pang-eskandalo niya sa loob ng restaurant niya. "Magandang umaga po, sir. Pinapatawag niyo raw ako?" bungad ko pagkapasok ko sa loob ng opisina ni sir Mateo. "Yes. Sit down," seryosong sabi ni sir. Tumalima naman agad siya. Nahiya siya sa mapanuring tingin nito sa akin. "Magkwento ka sa paratang ni Tiffany sa'yo?" diretsang sabi ni sir. "Ho?" taka kong sambit."I just want to know kung bakit gano'n na lang ang galit sa'yo ng kasintahan ng kaibigan ko." "Sir, bawal ang chismoso dito! Ang personal kong buhay ay dapat manatiling lihim lang," seryoso kong sagot. "Paano kita maipagtatanggol kung hindi ko a
Chapter 68MargaritaMay party sa restaurant. Nirentahan raw nila ang restaurant para sa selebrasyon ng mga nag-graduate sa katabing unibersidad ng restaurant na ito. Sasabak na naman kaming lahat sa gawain namin dito sa kusina. Mga 100 katao yata ang kakain, not sure. Ayoko naman magtanong dahil ang trabaho ko lang naman dito ay magluto. Hindi ang magtanong ng kung ano-ano.Wala naman siguro dito ang lalaking iyon. Sabi kasi ni Bela araw-araw daw na dito kumakain ang lalaking iyon. Tahimik na ang buhay ko tapos guguluhin na naman niya. Lumayo na nga ako, di ba? Ano pa ba ang gusto niya? Napa-buntong hininga na lang ako. "Kulang ang waitress natin, baka lang pwede kayo?" tanong ng manager namin. Alam kasi nitong sa kusina lang kami. Pero kawawa naman ang mga kasamahan namin, kaya nag-oo na lang kami. Nagulat pa ako dahil ang dami naman pala talagang tao. Mas maganda na lang sana ang self-service dahil nakahilera naman sa labas ang mga ulam. Parang catering style. Bakit kailangan pa
Chapter 67 Margarita Isang linggo akong nag-absent at sinabi ko sa manager ko na may sakit ako. Nag-message naman agad sa akin si sir Mateo at kinukumusta ang lagay ko. Nasa ibang bansa pala ito kaya wala siya sa restaurant. Mabuti na rin na wala siya dahil sa totoo lang ayoko rin na makita niya ang mga anak ko. Hindi ako dapat magtiwala sa kanya kahit na mabait siya sa akin. Sana lang rin hindi ako ipahamak ni Bela, sana maging tapat pa rin siya sa akin bilang isang matalik na kaibigan. Kasi si Joyce, tinitira pala niya ako patalikod. Siya pala ang nagchichismis ng kung ano-ano sa barangay namin. Kaya naman pala gusto niyang umuwi ako sa amin para pagfistahan ako. "Nanay, bakit hindi po tayo lumalabas? Bawal ba tayo sa labas po?" tanong ni baby Hollis. "Gusto ko po sana ng babekeyo," napangiti ako sa pilit niyang pagbigkas sa barbecue. "Hindi naman, anak, mas safe lang tayo dito sa loob. Boring na ba ang mga anak ko at gustong lumabas?" masuyo kong lambing sa kanila. "Meyo la
Chapter 66Margarita/Harrison "Answer me! Magkano ang offer sa'yo? Malaki ba?" galit na tanong nito. Pinipigilan lang niya ang sumigaw dahil alam niyang makakaagaw sila ng atensyon ng mga tao. "Oo! Okay na ba? Pwede mo na ba akong pakawalan?" sagot ko."Do you like him?" seryoso niyang tanong. "Anong konek sa trabaho ko ang tanong mong 'yan sa amo ko, sir?" tanong ko. "Do. You. Like. Him?" Konti na lang at mabulyawan na niya ako. Ayoko pa naman ng chismis dito tungkol sa akin. "I like the work, of course, yes! I should love my work," sagot ko sa Ingles. Di ko sure yung sagot ko dahil biglang nandilim ang mukha niya. "Pinagloloko mo ba ako, huh?" singhal niya. Napadiin pa ang hawak niya sa braso ko."Sumagot ako ng tama, kaya pwede ba bitawan mo na ako! May trabaho po ako. Kailangan ko ng pera para makabayad sa mga utang ko," pilit kong inaalis ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Halos magmakaawa na ako, pero tinitigan lang niya ako ng mariin. Nailang ako kaya a
Chapter 65Margarita Habang busy ako sa kusina busy naman ang isip ko kakaisip sa dalawa kong anak. Hindi ako mapakali panaka-naka akong sumisilip sa kwarto. Tahimik lang rin silang nasa lamesa nagkukulay habang kumakain ng biscuits. May tubig akong binigay sa kanila kanina. Mamaya ko na sila bigyan ng gatas kapag gusto na nilang matulog.Sa pang-apat kong pagsilip sa loob ay hindi ko makita ang mga anak ko. Agad akong kinabahan sa takot na baka may kumuha na sa kanila. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas. Baka nagbanyo lang sila."Relax," sambit ko. Napaparanoid na naman ako. Kinakabahan ako na naluluha na sa nerbyos.Pero paglabas ko gulat na gulat ako ng makasalubong ko ang lalaking matagal ko ng tinataguan. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakayuko ito kausap niya ang anak kong lalaki. Mabilis akong nagtago sa gilid. Napahawak ako sa dibdib ko. 'Nasaan ang anak kong babae?' tanong ko pa sa isip ko. "Salamat po, sa pagsama sa akin sa banyo po. Ba-bye po," rinig ko
Chapter 64Margarita "Rita," glad your here. Bungad ng head chef sa kusina. "Po?" talaga namang papasok ako anong bago?"Kahapon may nagtatanong kung sino ang nagluto sa sinigang na hipon. Tapos 'yung adobong baboy, pakbet at igado, ikaw ang nagluto sa mga iyon di ba?" ngiti ng head chef."Tayo po ang nagluto ng mga ulam chef, hindi lang ako," sagot ko naman."Pero ikaw ang tumitikim sa mga luto natin, Rita," sagot ng isang chef pa. Bali Lima kaming lahat may assistant pa na apat. Iba pa sa mga taga hugas at waitress. Kaya may time kami mag pahinga kapag wala order na pagkain."Sana po huwag niyo po sana sasabihin ang pangalan ko Rita ay pwede na. Huwag lang po sa buong pangalan ko if ever na may magtatanong ulit," mahinahon kong sabi."Nasabi yata ng manager natin ang pangalan mo, Rita. Hayaan mo na para marecognize ang luto natin," ngiti ng head chef. Nanlumo ako sa narinig.May kutob kasi akong baka si Sir Harrison ang nagtanong. Ako lang naman ang nagluluto sa mga pagkain niya
Chapter 63 Margarita 3 Years Later Makukulit na ang dalawa kong anak. Unang beses ko silang ilabas, at sa trabaho ko pa sila isasama. Wala kasi ang bantay ng mga anak ko. Umuwi sa probinsya dahil namatay ang tatay niya. Ngayon, nahihirapan na ako kung kanino ko iiwan ang mga anak ko. Nag-message ako sa manager namin kung puwede kong isama sa trabaho ang dalawa kong anak. Mabait naman siya at nag-presenta na tatawagan ang boss namin. Pumayag naman si Sir Mateo. "Ilagay niyo na sa mga bag ninyo ang gusto ninyong ilagay, mga anak, para hindi kayo ma-bore sa paghihintay kay Nanay sa trabaho niya," bilin ko sa dalawa kong anak. Excited naman silang sumunod sa utos ko. Habang ako ay nagluluto ng kakainin nila kapag nagutom sila, handa na rin ang gatas nila at biscuits. May tubig naman doon, kaya tubig na para sa gatas na lang nila ang dinala ko. Kasama na rin ang damit at towel nila. "Nanay ko, dala ikaw po pakain namin doon, ah?" tanong ng anak kong lalaki. "Opo, baby ko," sabay pi