Chapter 15Margarita "Anong nangyari sa labi mo? Mukhang namamaga at may sugat pa yata?" usisa ni Manang. Napatitig pa siya sa labi ko.Shooks! Nakalimutan kong itago ang mukha ko. Kailangan kong magsinungaling para mapaniwala ko agad si Manang. Nang hindi na siya mag-usisa pa."Bigla kong nakagat ang labi ko kanina, Manang, dahil sa sakit ng paa ko. Bawat hakbang ko, kinakagat ko ang labi ko para hindi po ako makalikha ng ingay. Ayoko po kasing masabihan na naman ako ni sir na nagrereklamo ako sa trabaho ko dito," sabay yuko ng ulo ko."Ay, susmaryosep, kang bata ka!" sabay palo sa braso ko. Ngumuso ako sa ginawa ni Manang. Si sir nga napigilan niyang 'wag akong kutusan, itong si Manang makahampas wagas."Manang naman!" reklamo ko pa dahil naalog ng bahagya ang ulo ko."Kulang pa yan! Pasaway ka. May masama na palang nangyari sa'yo, hindi ka man lang nagsasabi. Paano kung na-infect 'yang mga paa mo? Baka kami pa ang sisihin ng pamilya mo kapag hindi ka na makalakad!" sermon ni Mana
Chapter 16Margarita Apat na araw akong nakahiga lang sa kama. Nakakabagot at nakakahiya na kay Manang at kay Sir. Naging pabigat ako sa kanila ng apat na araw at ngayon ay magaling na ako. Pero sabi ni Manang, huwag ko na muna pwersahin ang sarili ko, baka mabinat daw ako.Ngayon, masaya akong naglilinis sa sala. Parang nakawala ako sa hawla matapos ang matagal na pagkakakulong ko."Uy, lumaban si Marga, matapang. Uy, lumaban si Marga, matapang, aw! Get, get, get, aw. Sige, sige (ooh) sige, kembot pa (aah)Kembot kembot (ooh), ihataw, igiling mo pa (uh-huh)" kanta ko habang masayang naglilinis sa sala, sinabayan ko pa ng pagsayaw at giling ng katawan."Gumaling ka na naman, heto ka na naman, nagwawala na naman dito sa mansyon ko! Hindi ka ba nakainom ng gamot mo?" nagulat ako sa boses ng amo ko. Kamuntik pa akong mabuwal sa pagkagulat. Agad akong tumingin sa kanya, pero hindi ko naman nakitaan ng galit sa mukha niya. Mukhang masaya pa na makita ako. Hula ko lang naman kasi iba ang
Chapter 17Margarita "Hala, sir bakit po gumagalaw? Ano pong nangyayari?" mahintakuting tanong ko. Bahagya pa akong nahilo kaya napakapit ako sa hawakan na nasa gilid."Sir, bakit gumagalaw? Nahihilo pa ako. Dios ko, bakit naman hindi mo ako sinabihan, sir, na ganito ang sasakyan natin patungong opisina mo? Hindi man lang ako nakapaghanda, nakakatakot. Wala bang hagdan dito at sa hagdan nalang sana ako dumaan?" kinakabahan kong sambit. Pero, bwesit, wala man lang response ang amo ko. Nakahawak lang sa cellphone nito na parang hindi niya ako naririnig. "Sir, kapag ako nahimatay dito dahil sa nerbyos, mumultuhin kita!" banta ko pa. Napatingin naman ito sa gawi ko na parang nagtataka.Hindi ba niya ako nakikita dito na parang natatae na sa nerbyos? Namumutla na rin yata ako dahil sa kaba at nerbyos, wala pa rin itong pakialam?"Akala mo ba, sir, nagbibiro lang ako? Hindi ako nagbibiro dito, ha! First time kong sumakay sa ganito at hindi ko nga alam kung anong tawag sa sinakyan nating
Chapter 18Margarita Rinig kong nagpaalam na ang lalaki, kaya agad akong lumapit sa lamesa ng amo ko para makapagbigay suporta rin sa lalaki at sa amo ko."Mag-ingat ho kayo sa daan, Uncle. Laban lang nang laban para sa kabutihan. Huwag ka pong babawi, Uncle, baka mabawian ka ng buhay. Joke lang po," sabay peace sign ko.Humalakhak naman ito sa sinabi ko. Mukhang naaliw pa ito sa akin. Humarap ito sa akin na may ngiti sa labi."Hindi mo sinasabi, bro, may kasama ka pa lang magandang dilag dito," titig nito sa akin."Dalag? Ginawa mo naman akong isda, Uncle. Mukha bang isda ang mukhang 'to?" sabay hawak ko pa sa mukha ko.Mahina naman itong tumawa. "Dilag iyon, Miss Beautiful, hindi dalag," pagtatama naman ng lalaki sabay ngiti sa akin."Ah, namali po ako ng pandinig. Kailangan ko na yatang maglinis po ng tainga, sorry po at salamat. Saka mabuti na 'yung nagtatanong ako, nakakatalino raw kasi ang nagtatanong po," ngiti ko pa."What's your name?" magiliw na tanong ng lalaki. Nawili na
Chapter 19Margarita Panaka-naka akong napapalingon sa gawi ng amo ko. Nakakahanga ang galaw habang kumakain. Galawang mayaman talaga ang amo ko. At ang tindig niya habang kumakain ay hindi nakayuko, liyad na liyad ang malapad nitong mga balikat. Busog na busog na ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya. Ang cool naman ang amo kong ito. Sige, kumain ka lang, sir, habang ang mga mata ko ay busog na nakatingin sayo. "Eat, Margarita! Stop staring at me! Kumakain tayo, respetuhin ang pagkain at ang kumakain dito!" mahina pero pagalit na sita niya sa akin. "Humahanga lang naman ang katulong sa'yo, sir. Sorry naman po. Pero sir, pwede po magtanong?" sabi ko."What it is?" "Tungkol sa politika po,""Proceed,""Ano pong masasabi mo, sir, sa mga isyu sa bansa? Naki-chismis kasi ako sa social media, sir, at ang daming iba-ibang opinyon. Ang iba tumiwalag sa tungkulin dahil lang sa isyu na nangyayari sa bansa natin, sir. Ang iba naman ay nanatali sa serbisyo, mas pinili na magtrabaho kaysa ma
Chapter 20 Margarita Kaarawan ko na at hindi ko sinabi kay Manang o kay Sir na birthday ko. Wala naman si Sir dito sa mansyon ng tatlong araw na kaya pwede naman siguro akong magpakain dito ng mga bodyguards at security guard ni Sir dahil birthday ko naman. Nagtaka pa si Manang bakit ang dami kong hinahandang lutuin eh, wala naman dito si Sir. Ngumiti lang ako. "Mamaya ka na mag-usisa, Manang. Maupo ka na lang muna. Ako na po ang bahala dito. Kayang-kaya ni Wonder Wakanda ang magluto. Uminom ako ng gayumang pampalakas ng katawan para makapagluto ako ng marami nang hindi napapagod," natatawa kong sabi. "Saan ka nakabili ng gayumang pampalakas ng katawan, hija?" curious na tanong ni Manang. Humalakhak naman ako agad. Naniwala naman agad si Manang sa sinabi ko. "Secret, Manang. Bawal kang uminom ng gano'n dahil matanda ka na," sagot ko. "Ikaw na bata ka! Makatanda ka sa'kin, akala mo naman sobrang matanda na ako!" simangot ni Manang. "Bawal po kasi kayong uminom ng gayumang pamp
Chapter 21Margarita Mabuti na lang at tinulungan nila akong naghugas ng pinagkainan namin. Hindi nila ako pinayagan na maghugas at maglinis dahil birthday ko daw ngayon dapat magrelax lang ako. Kaya umalis na ako doon at hinayaan ko na silang maglinis at magligpit ng kalat namin.Nagtira ako ng cake para sa amo namin. Baka magtampo na naman ito dahil hindi ko siya sinabihan na birthday ko. Nagmukha tuloy siyang outsider dahil hindi siya invited sa birthday ko. Bahagya akong natawa.Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Agad akong lumapit sa sala para tingnan kung sino ang bisita. Baka ang amo na namin ang dumating. Na-excite tuloy akong makita siya. Pero dahil ayoko naman na nagmumukha obvious, mabilis akong bumalik sa kwarto ko. Maghintay na lang ako kapag tatawagin na niya ako. "Gano'n dapat ang gawin mo, Margarita, huwag maglandi sa amo.''Padapa akong nahiga sa kama ko. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko sa dami ng niluto ko kanina. A
Chapter 22Margarita Ngayon, Linggo, magkikita kami ng pinsan ko slash matalik na kaibigan. Pinasok ko siya dito sa fast food restaurant sa loob ng exclusive na subdivision. Tuwang-tuwa siya nang tawagan ko siya at tanungin kung gusto niyang magtrabaho dito. Pumayag naman siya agad dahil may experience na siya sa fast food restaurant. Isang buwan na rin siya dito nagtatrabaho. Masaya ako para sa kanya. Kahit papaano, nabawasan ang pagkamiss ko sa pamilya ko dahil may kamag-anak na akong kasama dito sa Maynila nagtatrabaho.Sa mall kami namasyal na dalawa. Namiss namin ang isa't isa kaya ang ingay naming magkwentuhan. Idagdag pa na ang lalakas ng tawanan naming dalawa."Bwisit ka! Ang hilig mo manood ng TV tapos sa simpleng pag-order lang ng pagkain hindi mo pa alam,""Akala ko kasi akting lang 'yun. Hindi nangyayari sa totoong buhay. Kaloka, malakas na sigaw ang abot ko sa amo ko," nguso ko pa."True, naman kasi makakain ba ng amo mo ang number na iyon?" halakhak ng kaibigan ko."Al
Chapter 71Margarita"Okay ka lang?" mahinahon na tanong sa akin ni Sir Harrison. "Opo, salamat!" mahina kong sagot na parang bumalik na naman ako sa dating mahinhin at takot sa amo. "Ihahatid na kita mamaya." "Po? Huwag na po. Salamat na lang. Sige, bye!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Sir Harrison. Nakasalubong ko si Sir Mateo sa labas ng restroom at nahiya ako bigla sa kanya. Kailangan ko na siyang kausapin. Bahala na kung pagsisisihan ko ang agarang desisyon na ito. Akala ko tahimik na ang buhay ko, pero bakit mas lalong nagulo pa yata ngayon. Hindi ko na naman mapigilan na sisihin si Sir Harrison sa nangyaring kaguluhan ngayon. Bigla rin akong nahiya nang sabihin ng pinsan ko kay Sir Harrison na mahal ko siya! Gusto kong magsisigaw sa inis, galit, hiya, at sama ng loob. Gusto kong isigaw na noon lang iyon, hindi na ngayon! "S-Sir, pasensiya na po, ahm, gusto ko sanang makausap ka kung hindi ka po busy," lakas-loob kong sabi kahit pa kinakabahan ako. "Sure," tumalikod it
Chapter 70 Margarita Sa isang linggo kong pagtatrabaho sa restaurant, parang bago lang ako kung kausapin nila. Kakausapin lang nila ako kapag kailangan o mahalaga. Hindi ko rin alam ang biglaan nilang pagbabago sa pakikitungo nila sa akin. Nasasaktan ako. Nagagalit at naiinis na naman ako sa magkasintahang iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas, bakit hindi pa rin sila makamove on? Bwesit talaga ang mga palakang ito! Naiiyak ako dahil parang itchepwera na ako sa kusina. Parang ako na lang ang nagtatrabaho dito. Tumutulong ang iba, pero hindi nila ako kinakausap. Kung mag-uusap man sila, ako ay hindi kasama sa kwentuhan. Nasasaktan talaga ako. Nakakadiri ba akong tao dahil lamang sa tsismis na hindi naman totoo? Naniwala sila sa impaktang iyon kaysa sa kwento ko. Wala naman akong kinalaman sa hiwalayan nila, eh. Anong malay ko sa buhay nila ngayong abala ako sa sarili kong buhay kasama ang mga anak ko? "Rita, may gustong kumausap sa'yo sa labas, kamag-anak mo raw," sabi ng lalaking
Chapter 69 Margarita Kinabukasan, nagtungo ako sa opisina ng boss namin. Kararating lang niya kahapon dito sa Pilipinas galing ibang bansa. Alam niya ang nangyari dito sa restaurant niya at napanood ang CCTV, ayon sa manager namin, at hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kasintahan ng kaibigan niya. Pina-ban niya sa restaurant si Tiffany at pinagbayad ng danyos sa pamamahiya at pang-eskandalo niya sa loob ng restaurant niya. "Magandang umaga po, sir. Pinapatawag niyo raw ako?" bungad ko pagkapasok ko sa loob ng opisina ni sir Mateo. "Yes. Sit down," seryosong sabi ni sir. Tumalima naman agad siya. Nahiya siya sa mapanuring tingin nito sa akin. "Magkwento ka sa paratang ni Tiffany sa'yo?" diretsang sabi ni sir. "Ho?" taka kong sambit."I just want to know kung bakit gano'n na lang ang galit sa'yo ng kasintahan ng kaibigan ko." "Sir, bawal ang chismoso dito! Ang personal kong buhay ay dapat manatiling lihim lang," seryoso kong sagot. "Paano kita maipagtatanggol kung hindi ko a
Chapter 68MargaritaMay party sa restaurant. Nirentahan raw nila ang restaurant para sa selebrasyon ng mga nag-graduate sa katabing unibersidad ng restaurant na ito. Sasabak na naman kaming lahat sa gawain namin dito sa kusina. Mga 100 katao yata ang kakain, not sure. Ayoko naman magtanong dahil ang trabaho ko lang naman dito ay magluto. Hindi ang magtanong ng kung ano-ano.Wala naman siguro dito ang lalaking iyon. Sabi kasi ni Bela araw-araw daw na dito kumakain ang lalaking iyon. Tahimik na ang buhay ko tapos guguluhin na naman niya. Lumayo na nga ako, di ba? Ano pa ba ang gusto niya? Napa-buntong hininga na lang ako. "Kulang ang waitress natin, baka lang pwede kayo?" tanong ng manager namin. Alam kasi nitong sa kusina lang kami. Pero kawawa naman ang mga kasamahan namin, kaya nag-oo na lang kami. Nagulat pa ako dahil ang dami naman pala talagang tao. Mas maganda na lang sana ang self-service dahil nakahilera naman sa labas ang mga ulam. Parang catering style. Bakit kailangan pa
Chapter 67 Margarita Isang linggo akong nag-absent at sinabi ko sa manager ko na may sakit ako. Nag-message naman agad sa akin si sir Mateo at kinukumusta ang lagay ko. Nasa ibang bansa pala ito kaya wala siya sa restaurant. Mabuti na rin na wala siya dahil sa totoo lang ayoko rin na makita niya ang mga anak ko. Hindi ako dapat magtiwala sa kanya kahit na mabait siya sa akin. Sana lang rin hindi ako ipahamak ni Bela, sana maging tapat pa rin siya sa akin bilang isang matalik na kaibigan. Kasi si Joyce, tinitira pala niya ako patalikod. Siya pala ang nagchichismis ng kung ano-ano sa barangay namin. Kaya naman pala gusto niyang umuwi ako sa amin para pagfistahan ako. "Nanay, bakit hindi po tayo lumalabas? Bawal ba tayo sa labas po?" tanong ni baby Hollis. "Gusto ko po sana ng babekeyo," napangiti ako sa pilit niyang pagbigkas sa barbecue. "Hindi naman, anak, mas safe lang tayo dito sa loob. Boring na ba ang mga anak ko at gustong lumabas?" masuyo kong lambing sa kanila. "Meyo la
Chapter 66Margarita/Harrison "Answer me! Magkano ang offer sa'yo? Malaki ba?" galit na tanong nito. Pinipigilan lang niya ang sumigaw dahil alam niyang makakaagaw sila ng atensyon ng mga tao. "Oo! Okay na ba? Pwede mo na ba akong pakawalan?" sagot ko."Do you like him?" seryoso niyang tanong. "Anong konek sa trabaho ko ang tanong mong 'yan sa amo ko, sir?" tanong ko. "Do. You. Like. Him?" Konti na lang at mabulyawan na niya ako. Ayoko pa naman ng chismis dito tungkol sa akin. "I like the work, of course, yes! I should love my work," sagot ko sa Ingles. Di ko sure yung sagot ko dahil biglang nandilim ang mukha niya. "Pinagloloko mo ba ako, huh?" singhal niya. Napadiin pa ang hawak niya sa braso ko."Sumagot ako ng tama, kaya pwede ba bitawan mo na ako! May trabaho po ako. Kailangan ko ng pera para makabayad sa mga utang ko," pilit kong inaalis ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Halos magmakaawa na ako, pero tinitigan lang niya ako ng mariin. Nailang ako kaya a
Chapter 65Margarita Habang busy ako sa kusina busy naman ang isip ko kakaisip sa dalawa kong anak. Hindi ako mapakali panaka-naka akong sumisilip sa kwarto. Tahimik lang rin silang nasa lamesa nagkukulay habang kumakain ng biscuits. May tubig akong binigay sa kanila kanina. Mamaya ko na sila bigyan ng gatas kapag gusto na nilang matulog.Sa pang-apat kong pagsilip sa loob ay hindi ko makita ang mga anak ko. Agad akong kinabahan sa takot na baka may kumuha na sa kanila. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas. Baka nagbanyo lang sila."Relax," sambit ko. Napaparanoid na naman ako. Kinakabahan ako na naluluha na sa nerbyos.Pero paglabas ko gulat na gulat ako ng makasalubong ko ang lalaking matagal ko ng tinataguan. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakayuko ito kausap niya ang anak kong lalaki. Mabilis akong nagtago sa gilid. Napahawak ako sa dibdib ko. 'Nasaan ang anak kong babae?' tanong ko pa sa isip ko. "Salamat po, sa pagsama sa akin sa banyo po. Ba-bye po," rinig ko
Chapter 64Margarita "Rita," glad your here. Bungad ng head chef sa kusina. "Po?" talaga namang papasok ako anong bago?"Kahapon may nagtatanong kung sino ang nagluto sa sinigang na hipon. Tapos 'yung adobong baboy, pakbet at igado, ikaw ang nagluto sa mga iyon di ba?" ngiti ng head chef."Tayo po ang nagluto ng mga ulam chef, hindi lang ako," sagot ko naman."Pero ikaw ang tumitikim sa mga luto natin, Rita," sagot ng isang chef pa. Bali Lima kaming lahat may assistant pa na apat. Iba pa sa mga taga hugas at waitress. Kaya may time kami mag pahinga kapag wala order na pagkain."Sana po huwag niyo po sana sasabihin ang pangalan ko Rita ay pwede na. Huwag lang po sa buong pangalan ko if ever na may magtatanong ulit," mahinahon kong sabi."Nasabi yata ng manager natin ang pangalan mo, Rita. Hayaan mo na para marecognize ang luto natin," ngiti ng head chef. Nanlumo ako sa narinig.May kutob kasi akong baka si Sir Harrison ang nagtanong. Ako lang naman ang nagluluto sa mga pagkain niya
Chapter 63 Margarita 3 Years Later Makukulit na ang dalawa kong anak. Unang beses ko silang ilabas, at sa trabaho ko pa sila isasama. Wala kasi ang bantay ng mga anak ko. Umuwi sa probinsya dahil namatay ang tatay niya. Ngayon, nahihirapan na ako kung kanino ko iiwan ang mga anak ko. Nag-message ako sa manager namin kung puwede kong isama sa trabaho ang dalawa kong anak. Mabait naman siya at nag-presenta na tatawagan ang boss namin. Pumayag naman si Sir Mateo. "Ilagay niyo na sa mga bag ninyo ang gusto ninyong ilagay, mga anak, para hindi kayo ma-bore sa paghihintay kay Nanay sa trabaho niya," bilin ko sa dalawa kong anak. Excited naman silang sumunod sa utos ko. Habang ako ay nagluluto ng kakainin nila kapag nagutom sila, handa na rin ang gatas nila at biscuits. May tubig naman doon, kaya tubig na para sa gatas na lang nila ang dinala ko. Kasama na rin ang damit at towel nila. "Nanay ko, dala ikaw po pakain namin doon, ah?" tanong ng anak kong lalaki. "Opo, baby ko," sabay pi