Chapter 52 Margarita Hindi ko na kaya ang bigat na nararamdaman ko. Tumawag ako sa kaibigan ko at nagkuwento tungkol sa problema ko. Pero hindi ko kailanman sasabihin ang tungkol sa pinagbubuntis ko. *Tawagan* "Friend, ano ang dapat kong gawin?" simula ko. "Bakit, sinaktan ka na ba ng amo mo?" ito agad ang tanong niya na parang gusto niyang saktan ako ng amo ko. "Hindi naman. Nahihirapan na kasi ako sa trato niya sa akin. Lahat ng sahig sa mansion nito pinapa-brush niya sa akin. Pati sa garage ng sasakyan niya. Hindi na kaya ng katawan ko," reklamo ko sa kaibigan ko. "Alam mo na dapat ang sagot diyan sa hinaing mo sa akin, Marga! Ayaw mo lang siguro malayo sa amo mo dahil mahal mo siya? Nako, sinasabi ko na sa'yo, gulo ang ginagawa mo!" mariin niyang sabi. "Ayaw ko kasing umuwi sa lugar natin. Kung aalis ako dito, saan ako pupunta? Saan ako maghahanap ng ibang trabaho? Ngayon, wala naman akong kakilala dito sa Manila," malungkot kong sabi. "Mas mainam na umuwi ka na lang sa p
Chapter 53 Margarita Maaga pa rin akong nagising kinabukasan dahil itutuloy kong kumain ng noodles na hindi ko nakain kaninang hatinggabi. Dahil sa dalawang giant na langgam na naglalandian! Mas nauna pa pala akong nagising kaysa kay manang. Kaya ang una kong ginawa ay ang kumain ng noodles. Excited na excited akong kinain ang noodles na niluto ko. Naghuhugas na ako ng pinagkainan ko nang pumasok sa kusina ang kasintahan ng amo ko. Nakasuot lang ito ng bathrobe na sa pangmayaman ko lang nakikita sa TV na suot-suot nila kapag nagigising sa umaga. Lumingon ako sa kanya ng pagalit niyang tawagin ang pangalan ko. Nagulat naman ako sa inasta niya dahil kay bait naman ang pinapakita niya sa akin noong mga nakaraang araw. Mabilis itong lumapit sa akin. "Walanghiyang babae ka, malandi ka!" sigaw nito at malakas niya akong sinampal sa pisngi! Hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako. Hawak ko ang nasaktang pisngi ko at napatingin sa galit na galit na babae. Halos mahilo ako
Chapter 54 Margarita "Margarita, hija," rinig kong katok ni Manang Thelma sa pintuan ko. Tamad akong bumangon, pero pinilit ko pa rin ang sarili kong bumangon kahit ayaw ko. Baka mahalaga ang sasabihin ni Manang. Baka may bilin na naman ang among kong anak ni hudas."Bakit po, Manang?" tanong ko agad. "Pinamimigay ni Sir. Ewan ko kung ano 'yan. Kunin mo na, hija, huwag mo na siyang tanggihan," malumanay na sabi ni Manang. Naawa pa yata siya sa itsura ko dahil alam kong namaga ang pisngi ko mula sa pagsampal ng magkasintahan sa akin."Nagamot mo na ba kahapon 'yang pasa sa pisngi mo, ha?" may pag-aalalang tanong ni Manang habang nakatingin siya sa pisngi ko. Tumango lang ako. "Salamat po sa pagtatanggol sa akin," mahina kong pasasalamat dahil hindi ako nakapagpasalamat sa kanya kahapon. "Natural, hija, na ipagtanggol kita, sobra na siya sa pagpapahirap sa'yo ni Sir Harrison. Ayos lang naman kung sesantihin niya ako dahil sa ginawa ko. Hindi naman ako ang mawawalan kundi siya. Is
Chapter 55Margarita "Marga," sabay hila sa akin ni Manang. "Dali, magtago ka sa kwarto mo. Huwag na huwag mong bubuksan ang pintuan mo kahit anong mangyari!" mariin na bilin ni Manang. Kahit nagtataka ako, sinunod ko ang bilin niya. Para na rin sa kaligtasan naming dalawa ni baby. "Bakit po, Manang?" tanong ko. "Mamaya ka na magtanong, pasok na sa loob," tulak pa niya sa akin papasok sa loob ng kwarto ko. Natataranta rin ito na hindi ko mawari.Mamayang gabi, magpapatulong na ako kay Manang na umalis na dito. Kahit hindi na ibigay ang sahod ko, may saktong ipon naman ako sa bangko. Ayoko ng magpaalam pa, ang gusto ko ay tumakas na lang dito. Masyado na akong stressed dito, baka mapahamak pa ang pinagbubuntis ko.Uuwi na muna ako sa lugar namin pansamantala. Para na rin sa ikakabuti naming mag-ina. Sana hindi magagalit si Tatay at Nanay kapag nalaman nilang buntis ako.Tumatawag ang ina ni Kathleen yung batang may kaso ng pangmomolestiya, kumusta na kaya ang hearing. Hanggang ngay
Chapter 56 Third POV Narinig niyang nagsasagutan ang magkasintahan. Nagseselos yata ang babae dahil mas pinuri pa ng bata si Marga na maganda kaysa sa kanya. Iyon ang ikinagagalit na naman ng babae kay Marga. "Humanda sa akin ang babaeng iyan. Walang karapatan ang batang iyon na ikumpara ako sa hampaslupang malanding babae na mukhang ahas!" sigaw ni Ma'am Tiffany. Maka-ahas naman siya, akala mo siya ang diyosa."Wala siyang kasalanan sa'yo, Tiffany, para sa kanya ka magalit. Bata lang iyon, hindi naman niya sinabing pangit ka!" mahinahon na sabi ni sir."Pero pinagkumpara niya kaming dalawa. Paanong mas maganda ang bruhang iyon kaysa sa akin, huh? Pati ba ikaw, nagagandahan sa bruhang iyon, huh?" naghistirekal na ang babae. Kita ko ang pagyakap ni sir sa girlfriend niya para aluin ito. Halos magwala na kasi hindi matanggap na may mas maganda pa sa kanya. "Sana talaga, natalo na lang sa kaso ang batang iyon. I'm so offended, you know! Ako na galing sa elite circle, maikumpara lan
Chapter 57 Harrison Nagtaka ako dahil wala akong Marga na naabutan sa terrace na dapat ay naglilinis na siya sa oras na ito. Nagtungo ako sa pool area, pero wala rin siya doon na naglilinis sa pool at nagwawalis sa paligid. Sa washing area, wala rin siya. Hindi na ako nakatiis na magtanong kay Manang Thelma. Hindi ko rin kasi makita si Manang Thelma na kumakain sa kusina. Dalawang araw ko nang napapansin itong malungkot at nag-iisa. "Manang?" tawag ko sa kanya. Nagulat ito ng bahagya. "Yes, sir," maagap niyang sagot. "Where's Marga?" tanong ko agad. Nalungkot ito bigla, na pinagtaka ko. Kakaiba rin ang pakiramdam ko na baka may masamang nangyari na sa kanya. Masyado ko na yatang pinapahirapan siya. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil masaya pa akong nakikita siyang nahihirapan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. 'Damn!' Pangako na magiging mabait na ako sa kanya sa araw na ito. Gusto ko siyang makita, hindi ko rin alam
Chapter 58 Margarita Gulat na gulat ang mga magulang ko nang makita nila akong pagbaba sa tricycle. Hindi ba sila masaya na umuwi na ako? Dapat nga masaya sila, di ba? Normal lang naman na magulat sila dahil wala akong pasabi na uuwi ako ngayon. Biglaan kasi ang pag-uwi ko."Tay, Nay," bati ko sa kanila."Hindi ka nagpasabi na uuwi ka ngayon, anak?" tanong ni Nanay. "Wala po kasing battery ang cellphone ko, Nanay, kaya di ako nakatawag," mahina kong sagot. Nagmano na muna ako sa kanila bago ako pumasok sa loob. Wala yata silang balak na papasukin ako eh. Nagtungo na ako sa kwarto namin ng kapatid kong babae. Tulog pa ito kaya nagdahan-dahan akong naglakad palapit sa kama. Mukhang wala pa ring pinagbago ang bahay namin. Akala ko pa naman pakunti-kunti na nilang pinapaayos ang bahay. Naglatag na ako ng makapal na blanket sa sahig para makatulog man lang ako saglit. Siniksik ko sa ilalim ng kama ang dala kong bag dahil mga gamit ko lang naman iyon. Hapon na nang magising ako dahi
Chapter 59 Margarita Humagulhol ako sa sama ng loob sa kanila. Kaya hindi ko maiwasan na sigawan ang aking ina. Sampal na naman ang abot ko. Kahit pagsasampalin pa niya ako ng paulit-ulit, hindi pa rin nila maitatanggi na nilustay nila sa maling paraan ang pera na pinapadala ko sa kanila. "Niloko at inabuso ninyo ang kabaitan ko sa inyong lahat!" sigaw ko. "Wala kang karapatan na sigawan ako sa harapan ng ibang tao, Rita!" sigaw ng nanay ko. "May karapatan ako dahil ipinapahiya na ninyo ako sa mga kapitbahay nating mga chismosa! Naniniwala kayo sa chismis, pero ang mga sinasabi ko, hindi kayo naniniwala?!" ganting sigaw ko. Napabaling na naman ang mukha ko sa sampal ng aking ina. "Anak lang kita, kaya wala kang karapatan na bastusin ako, na ina mo," galit na sumbat ng nanay ko. "Anak mo ako na nagpapakahirap para mabigyan ko lang kayo ng magandang buhay na dapat kayo ang gumagawa no'n! Hindi niyo alam ang hirap ko sa pagtatrabaho para may maipadala lang sa inyo dito.
Chapter 68MargaritaMay party sa restaurant. Nirentahan raw nila ang restaurant para sa selebrasyon ng mga nag-graduate sa katabing unibersidad ng restaurant na ito. Sasabak na naman kaming lahat sa gawain namin dito sa kusina. Mga 100 katao yata ang kakain, not sure. Ayoko naman magtanong dahil ang trabaho ko lang naman dito ay magluto. Hindi ang magtanong ng kung ano-ano.Wala naman siguro dito ang lalaking iyon. Sabi kasi ni Bela araw-araw daw na dito kumakain ang lalaking iyon. Tahimik na ang buhay ko tapos guguluhin na naman niya. Lumayo na nga ako, di ba? Ano pa ba ang gusto niya? Napa-buntong hininga na lang ako. "Kulang ang waitress natin, baka lang pwede kayo?" tanong ng manager namin. Alam kasi nitong sa kusina lang kami. Pero kawawa naman ang mga kasamahan namin, kaya nag-oo na lang kami. Nagulat pa ako dahil ang dami naman pala talagang tao. Mas maganda na lang sana ang self-service dahil nakahilera naman sa labas ang mga ulam. Parang catering style. Bakit kailangan pa
Chapter 67 Margarita Isang linggo akong nag-absent at sinabi ko sa manager ko na may sakit ako. Nag-message naman agad sa akin si sir Mateo at kinukumusta ang lagay ko. Nasa ibang bansa pala ito kaya wala siya sa restaurant. Mabuti na rin na wala siya dahil sa totoo lang ayoko rin na makita niya ang mga anak ko. Hindi ako dapat magtiwala sa kanya kahit na mabait siya sa akin. Sana lang rin hindi ako ipahamak ni Bela, sana maging tapat pa rin siya sa akin bilang isang matalik na kaibigan. Kasi si Joyce, tinitira pala niya ako patalikod. Siya pala ang nagchichismis ng kung ano-ano sa barangay namin. Kaya naman pala gusto niyang umuwi ako sa amin para pagfistahan ako. "Nanay, bakit hindi po tayo lumalabas? Bawal ba tayo sa labas po?" tanong ni baby Hollis. "Gusto ko po sana ng babekeyo," napangiti ako sa pilit niyang pagbigkas sa barbecue. "Hindi naman, anak, mas safe lang tayo dito sa loob. Boring na ba ang mga anak ko at gustong lumabas?" masuyo kong lambing sa kanila. "Meyo la
Chapter 66Margarita/Harrison "Answer me! Magkano ang offer sa'yo? Malaki ba?" galit na tanong nito. Pinipigilan lang niya ang sumigaw dahil alam niyang makakaagaw sila ng atensyon ng mga tao. "Oo! Okay na ba? Pwede mo na ba akong pakawalan?" sagot ko."Do you like him?" seryoso niyang tanong. "Anong konek sa trabaho ko ang tanong mong 'yan sa amo ko, sir?" tanong ko. "Do. You. Like. Him?" Konti na lang at mabulyawan na niya ako. Ayoko pa naman ng chismis dito tungkol sa akin. "I like the work, of course, yes! I should love my work," sagot ko sa Ingles. Di ko sure yung sagot ko dahil biglang nandilim ang mukha niya. "Pinagloloko mo ba ako, huh?" singhal niya. Napadiin pa ang hawak niya sa braso ko."Sumagot ako ng tama, kaya pwede ba bitawan mo na ako! May trabaho po ako. Kailangan ko ng pera para makabayad sa mga utang ko," pilit kong inaalis ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Halos magmakaawa na ako, pero tinitigan lang niya ako ng mariin. Nailang ako kaya a
Chapter 65Margarita Habang busy ako sa kusina busy naman ang isip ko kakaisip sa dalawa kong anak. Hindi ako mapakali panaka-naka akong sumisilip sa kwarto. Tahimik lang rin silang nasa lamesa nagkukulay habang kumakain ng biscuits. May tubig akong binigay sa kanila kanina. Mamaya ko na sila bigyan ng gatas kapag gusto na nilang matulog.Sa pang-apat kong pagsilip sa loob ay hindi ko makita ang mga anak ko. Agad akong kinabahan sa takot na baka may kumuha na sa kanila. Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa labas. Baka nagbanyo lang sila."Relax," sambit ko. Napaparanoid na naman ako. Kinakabahan ako na naluluha na sa nerbyos.Pero paglabas ko gulat na gulat ako ng makasalubong ko ang lalaking matagal ko ng tinataguan. Hindi pa niya ako nakikita dahil nakayuko ito kausap niya ang anak kong lalaki. Mabilis akong nagtago sa gilid. Napahawak ako sa dibdib ko. 'Nasaan ang anak kong babae?' tanong ko pa sa isip ko. "Salamat po, sa pagsama sa akin sa banyo po. Ba-bye po," rinig ko
Chapter 64Margarita "Rita," glad your here. Bungad ng head chef sa kusina. "Po?" talaga namang papasok ako anong bago?"Kahapon may nagtatanong kung sino ang nagluto sa sinigang na hipon. Tapos 'yung adobong baboy, pakbet at igado, ikaw ang nagluto sa mga iyon di ba?" ngiti ng head chef."Tayo po ang nagluto ng mga ulam chef, hindi lang ako," sagot ko naman."Pero ikaw ang tumitikim sa mga luto natin, Rita," sagot ng isang chef pa. Bali Lima kaming lahat may assistant pa na apat. Iba pa sa mga taga hugas at waitress. Kaya may time kami mag pahinga kapag wala order na pagkain."Sana po huwag niyo po sana sasabihin ang pangalan ko Rita ay pwede na. Huwag lang po sa buong pangalan ko if ever na may magtatanong ulit," mahinahon kong sabi."Nasabi yata ng manager natin ang pangalan mo, Rita. Hayaan mo na para marecognize ang luto natin," ngiti ng head chef. Nanlumo ako sa narinig.May kutob kasi akong baka si Sir Harrison ang nagtanong. Ako lang naman ang nagluluto sa mga pagkain niya
Chapter 63 Margarita 3 Years Later Makukulit na ang dalawa kong anak. Unang beses ko silang ilabas, at sa trabaho ko pa sila isasama. Wala kasi ang bantay ng mga anak ko. Umuwi sa probinsya dahil namatay ang tatay niya. Ngayon, nahihirapan na ako kung kanino ko iiwan ang mga anak ko. Nag-message ako sa manager namin kung puwede kong isama sa trabaho ang dalawa kong anak. Mabait naman siya at nag-presenta na tatawagan ang boss namin. Pumayag naman si Sir Mateo. "Ilagay niyo na sa mga bag ninyo ang gusto ninyong ilagay, mga anak, para hindi kayo ma-bore sa paghihintay kay Nanay sa trabaho niya," bilin ko sa dalawa kong anak. Excited naman silang sumunod sa utos ko. Habang ako ay nagluluto ng kakainin nila kapag nagutom sila, handa na rin ang gatas nila at biscuits. May tubig naman doon, kaya tubig na para sa gatas na lang nila ang dinala ko. Kasama na rin ang damit at towel nila. "Nanay ko, dala ikaw po pakain namin doon, ah?" tanong ng anak kong lalaki. "Opo, baby ko," sabay pi
Chapter 62 Margarita "K-Kambal ang anak ko?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! Magiging magandang Ninang ako sa kanilang dalawa. Excited na akong makalaro sila," hagikhik nito. "Hindi ba pwedeng mabait na Ninang na lang? Ako lang dapat ang maganda sa paningin ng mga anak ko," taas-kilay ko pa. Tumawa naman ito, dahilan para magulat ang dalawang baby sabay na umiyak. "Hala, sorry baby, sorry baby ko. Anong gagawin ko? Tatawag ba ako ng nurse? Sorry babies ko. Paano ko ba bubuhatin, ang dede nila, nasaan? Saan ko nailagay? Waaaaahhh! Umiiyak na sila," pinapanood ko lang itong natataranta na parang baliw. Tumingin ito sa akin, pero sinimangutan ko lang siya. "Hilain mo dito palapit ang crib nila, Ninang pangit," saad ko. "What? Pa..." "Hilain mo na ang cribs nila. Kapag ma-dehydrate ang mga baby ko, ilulublob kita sa eredoro, Ninang pangit!" sigaw ko. Tuloy-tuloy ang simangot nito dahil sa pagtawag ko sa kanya ng Ninang pangit. Gusto kong tumawa, kaya lang pinigilan
Chapter 61 Margarita Masaya ako dahil kahit sinabi ko ang kalagayan ko, tinanggap pa rin ako ni Sir Mateo na maging isa sa mga chef cook niya sa kabubukas lang na restaurant niya. Bagong branch daw ito at malapit lang sa university. Isang sakay lang rin ito pauwi ng apartment ko. Tamang-tama dahil kulang pa sila sa waitress, kaya si Bela ang ni-recommend ko. Kinuha naman agad siya ni Sir Mateo, pero kailangan pa raw niya munang mag-training. Kabuuan ko na at nag-leave na ako sa trabaho. Kumuha siya ng 3 months leave para maalagaan ang baby ko. Nakakabahala na iisipin kung sino ang magbabantay sa baby ko. "Bela, manganganak na yata ako?" sabi ko kasi sunod-sunod na ang tadyak ng baby sa tiyan ko. Nagtitipid ako kaya hindi ko na pina-ultrasound ang tiyan ko para malaman ang gender ni baby. Unisex ang binili kong mga gamit ni baby. Normal delivery ang pinili ko dahil kaya ko naman siguro. "Ha?" taranta na ito agad. Dito kasi siya natulog para daw may kasama ako. "See, ang lakas m
Chapter 60 Margarita Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa isang maliit na kabinet, naagaw ng pansin ko ang isang paper bag. Kinuha ko ito mula sa malaking bag na dala ko. Naalala ko, ito yung binigay ni Manang Thelma sa akin na pinamimigay raw yata ni Sir. Na-curious ako kaya inilabas ko ito mula sa malaking bag ko. Ang una kong kinuha ay isang papel. Curioso ako kung ano ang nakasulat. Nangunot ang noo ko, "Sorry?" basa ko sa nakasulat. Tinignan ko ang iba pang laman ng paper bag. Dalawang sobre iyon na kinuha ko at tinignan ang laman. Nagulat ako dahil pera ang laman ng dalawang sobre. "Baby ko, binayaran yata ng Tatay mo ang pananakit niya sa atin. Ayaw ko sanang kunin, pero kailangan natin ito. Para sa'yo ito, baby ko. Salamat at kumapit ka, hindi mo ako iniwan," haplos ko sa tiyan ko. "Pero baby ko, hindi ko matatanggap ang sorry ng Tatay mo. Kahit mahal ko siya, kailangan kong kalimutan na siya. Sana hindi na natin siya makikita pa kahit kailan," kausap ko sa tiyan ko.