Share

Chapter 4: New Beginnings

*Jean's POV

Dumating na ang araw ng pag alis ko saya at lungkot ang nararamdaman ko ngayon! Syempre kinakabahan din sa mga mangyayare

Hinatid ako nina Lola at George sa airport at present din si Ma'am Sandra at Cindy! Ngsarado talaga sila para ihatid lang ako.

"Apo mag iingat ka doon huh! Malamig doon pag naulan ng snow binaunan kita ng jacket sa maleta mo! Tatawag ka pag nalulungkot ka huh!" malungkot na ani ni Lola.

"Miss sungit susunod agad ako doon pag naayos ko na yung problema sa hacienda okay? Wag ka magpapaligaw doon! Tiyak na maraming maiinlove sa kagandahan mo!" pagbabanta ni George.

"Jean eto oh.binili ko yan kahapon! Matching bracelets isa sa akin isa sa iyo! Para lage mo ko ma aalala! Okay?" ani naman ni Cindy.

"Oh eto naman sa akin, binilhan kita ng scarf malamig kase doon kaya need mo yan ginawa ko na yang lima para may pampalit ka! Ingat ka doon huh! Mamimiss ka namin Jean! Lulungkot na yung shop!" ani naman ni Ma'am Sandra.

"Ano ba kayo! Wag niyo ko paiyakin! Grabe kayo sa mga bilin niyo huh! oo mag iingat ako doon! Kayo din dito huh! Mamimiss ko kayong lahat" naiiyak kong ani.

At isa isa ko silang niyakap at hinalikan sa mga pisngi narinig naming tinatawag na ang mga pasahero ng eroplanong sasakyan ko kaya nagpa alam na ko at pumasok sa loob. Kaya ko to! Mommy please guide me on my journey! Ikaw din lord!

Nakapasok na ko at umupo sa number seat ko sa may bintana ako nakapwesto ilang sandali pa ay nagsimula ng umandar ito naiiyak naman ako! Bye phillipines! See you when I come back again.

Medyo inaantok ako kaya nakatulog na ko ng di ko namamalayan! Nagising na lang ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko ngumiti ako dito at ganun din ito sa akin

"Heading to New York?" tanong nito sa akin.

Ang katabi ko ay matandang babae pero mukang pilipino naman.

"Yes Ma'am ! Related to work. How about you?" magiliw komg tanong.

"Oh me? Well visiting my family there! By the way I'm Sabrina and you are?" pagpapakilala at tanong na rim niya sa akin.

"Jean! Jean Salazar. Nice to meet you Ma'am!" masayang pagpapakilala ko.

"Same here Jean!" nakamgiting ani niya.

Marami pa kaming napagkwentuhan ng mga oras na yon. At naging ka aliw aliw naman ang biyahe namin dahil masaya ang aming naging kwentuhan.

Lumapag na ang eroplano sa airport! Nagsisumula na namang kumaba ang dibdib ko!

Nagsibabaan na kaming lahat.

"Oh by the way Jean here's my address if you're free sometimes you can visit me anytime!" Ani niya at may inabot sa akin na papel.

"Oh okay! Thank you Ma'am Sabrina!" ani ko at kinuha ang papel.

Naghiwalay na kami ng landas pagkababa sa airport. Naglakad na ko palabas at natanaw ko na agad si ate Edna!

"Jean! Jean! Right here Jean!" masayang sigaw ni ate Edna at lumapit na ako dito!

"Welcome to New York Jean Salazar of Batangas! ha" masayang salubong niya sa akin.

At niyakap ako nito ng mahigpit at ganoon din naman ako sa kaniya.

"Thank you ate Edna!" nakangiting sabi ko.

Nag-umpisa na kaming maglakad at sumakay sa nag iintay na sasakyan si kuya Dickson ang driver nito at nakangiting tumingin sa akin pagkapasok ko.

"Welcome to New York Jean! Your ate Edna was right you're really pretty in person huh! " pabirong ani ni kuya Dickson

"Thank you po!" nahihiyang asagot ko naman.

Nagsimula na itong magdrive at nakatanaw lang ako sa paligid ang ganda din pala dito, mukang mag eenjoy naman ako kahit papano!

*Welcome to New York! Jean Salazar of Batangas!" Bulong ko sa isip ko at napangiti ako

Sunday ngayon at maaga ako nagising katulad ng nakasanayan ko sa pilipinas nagpunta na kong banyo para maligo malamig pala talaga dito sa New York buti na lang may heater ang tubig sa apartment. May bath tub din dito kahit papano, lumusong ako dito matapos kong mapuno ang tubig hay! Ang sarap ng tubig!

Binabad ko muna ang sarili ko at nagmumuni muni madami akong balak gawin ngayong araw.

Pero gusto ko muna sanang maglibot kahit papano kalahating oras na kong nakababad at nagpasiya naman akong mag shower pagkatapos ay nagbihis na ko nag jacket ako at kinuha ko ang scarf na binigay ni Ma'am Sandra. My baon din akong boots at jacket nag black jeans na lang ako. Ready na ko mag ikot! mukang malinis naman tong apartment kaya mamaya na lang siguro ako maglilinis pagdating!

Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si Max na pasakay na ng sasakyan niya. Napansin naman ako neto at tumigil.

Nakilala ko si Max noong isang araw, mabait naman siya at mabilis makapalagayan ng loob kaya naging close kami kahit papaano ay may kilala na ako rito.

"Good morning Miss beautiful!" Bati sa akin ni Max.

"Good morning too Max! Thank you again for the pasta the other night! It was delicious!" Masayang ani ko sa kaniya.

"Oh Thank you! For the compliment! Masarap talaga yun! Ako kase nagluto eh!" maarteng tagalog niya.

"Oo nga eh masar- what?! You know how to speak tagalog Max?" gulat kong tanong sa kaniya.

"Yeah! A little bit! My mom was a filipino! And my dad was American! So I'm a fil-am! My mom thought me how to speak tagalog! So I kinda understand some words!" paliwanag ni Max.

"Ala ka! Hirap na hirap ako mag english! Nakakaintindi ka pala ng tagalog! Jusko day!

Malapit na ko mag nosebleed uy!" ani ko sa kaniya.

"Well sorry I didn't mention earlier! By the way are you going somewhere?" tanong niya.

"Oo sana eh! I want to familiarize the place!" sabi ko sa kaniya.

"If you want you can come with me! I will take you for a ride but I will be stopping by for a minute at my baked shop! But it will not take long! So are you in??" tanong niya sa akin.

"Okay sure!" masiglang sagot ko.

At sumakay na ko sa kotse nito at ganoon din siya.

Nagdrive na ito at nakatanaw lang ako sa labas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status