Home / Romance / Ang Madaldal na Sekretarya ni Mr. Sandrex / Chapter 2: Payday Celebration

Share

Chapter 2: Payday Celebration

Philippines

*Jean's POV

Sumapit ang ala singko ng hapon at nagsarado na kami ng shop, nakita ko namang nakabantay na sa labas si George.

'Ang mokong daig pa ang may sinusundo at hinahatid na jowa,' bulong ko sa sarili ko.

Lumabas na kaming tatlo ng shop at nilock na iyon ni Ma'am Sandra.

"Oh pano? See you tomorrow Jean and Cindy! Have fun tonight okay? Bagong sweldo kayong dalawa kaya i enjoy niyo yan!" ani ni Ma'am Sandra.

"Thank you po Ma'am Sandra, tiyaka sa incentives po na binigay niyo sa amin ni Cindy!" pagpapasalamat ko.

"Oo nga po Ma'am Sandra! Parang kalahati po ng sweldo namin itong incentives ah! Thank you po" nagpasalamat rin si Cindy.

"Ano ba kayo? Deserved niyo yan! Kase dahil sa inyo kaya lage tayong madaming customer sa milktea shop! Ipagpatuloy niyo lang yan!" masayang ani ni Ma'am Sandra

At biglang bumusina si George kaya natawa kami dito.

"Oh ayan na ang boyfriend mo! Este bestfriend mo pala Jean! Iniintay ka na! Oh siya lumakad na kayo at baka gabihin pa kayo pag uwe, ikaw Cindy? gusto mo bang sumabay na sa akin? Madadaanan ko din naman ang bahay niyo, para di kana mamasahe" alok ni Ma'am Sandra kay Cindy.

"O-okay po Ma'am Sandra! Oh pano Jean bukas na lang ulit! Bye!" pagpapaalam ni Cindy

"Sige Cindy and Ma'am Sandra babye po! Ingat po kayo!" Ani ko.

"Ikaw din Jean, ingat kayo ni Mr. pogi!" Kinikilig na ani ni Cindy.

At sumakay na ito ng sasakyan ni Ma'am Sandra. Bumusina pa ang mga ito bago umalis. Ako naman ay nagpunta na ng sasakyan ni George at pumasok na doon. At kinabit ko na ang seatbelt ko.

"Kamusta ang maghapon mo miss sungit?" salubong na tanong ni George

"Okay naman! Nga pala tadaaa! Payday ko ngayon!! And take note! May pa incentives pa si Ma'am Sandra! Ang bait niya no?" Masayang ani ko.

"Ang bait nga niya miss sungit! So uuwe na ba tayo?" tanong ni George

"Ahm, dahil sweldo ko today, lilibre kita!" Masayang ani ko sa kaniya.

"WOW libre! Big word! Si miss Jean Salazar ay proud na proud manlibre today!" Pabirong ani ni George

"Oh bakit ayaw mo ba? Ikaw na nga ililibre diyan eh reklamador kapa, isa pa thank you ko na din to sayo sa pagbabantay mo kay Lola pag nasa trabaho ako!" Ani ko sa kaniya.

"Hayyy, na touch naman ako doon miss sungit! So saan tayo pupunta?" Tanong ni George

"Sa ihawan ni aling Myrna! Yung kinakainan natin nung college? Tanda mo ba yun? Masarap ihaw ihaw doon eh!" Ani ko.

"What?? Akala ko pa naman sa jollibee or mcdo mo ko ililibre! Sa ihawan lang pala! Proud na proud ka pang manlibre niyan huh?" Sarcastic na ani ni George

"Eh, kase po Mr. Baldemeo! Nagtitipid talaga ko para sa pangarap kong restaurant no! Kaya sige na magdrive kana! Go! At baka maubusan tayo ng isaw at atay doon!" Jean

"Sinabi ko namang pahihiramin na lang kita ng pampagawa mo eh! Ikaw lang tong may ayaw!" ani ni George

"Eto na naman po tayo! Mr. Baldemeo ilang ulit ko bang sasabihin sayo na, ayoko! Period! With exclamation point and angry emoticon!" Natatawang ani ko sa kaniya.

"Utang naman yon at babayaran mo! Di yon bigay no! At tyaka kahit matagal mo pa bayaran kahit may apo kana sa ingrone!" Pabirong sabi ni George.

"Ang kulit mo din talaga! Alam mo ba Mr. Baldemeo kung magkakaron man ako ng restaurant gusto ko galing sa pinaghirapan ko! Ayokong galing kahit kanino lang!" Paliwanag ko sa kaniya.

Pansin ko namang natahimik si George sa sinabi ko,

"Hoy, Mr. Baldemeo bakit natahimik ka diyan? May nasabi ba kong masama?" Tanong ko sa kaniya.

"So tingin mo sa akin ibang tao ako ganoon ba Jean?" Parang nagtatampong ani niya.

Bigla ko namang narealize ang mga sinabi ko kanina.

"Huh? Hindi yun ang ibig kong sabihin no! Syempre hindi ka ibang tao sa akin! Best friend kita no! At para na kitang kapatid! Kaya wag kana magtampo diyan!" Pang aalo ko sa kaniya.

Pansin ko namang parang napabuntung hininga ito sa sinabi ko at humarap sa akin,

"Alam mo miss sungit? Matagal ko na tong gustong sabihin sayo! As in! Nag iintay lang ako ng tamang pagkakataon!" Seryusong ani niya.

"Ahm ano naman yun?" Maikling tanong ko.

"I, ahm. I think I'm hoooo! Ang hirap naman magsabi sayo kase baka magalit ka sa akin eh!" Kinakabahang ani niya.

"Ano nga kase yun! Pa suspense ka pa talaga eh! At tiyaka bakit naman ako magagalit sa sasabihin mo aber? Di ka naman magtatapat ng damdamin sa akin no? Hahaha, kase imposible yun! Hahaha, isa pa Mr. Baldemeo you're my best friend forever! Kaya kung may sasabihin ka sabihin mo na agad!" Sabi ko sa kaniya.

Kita ko namang napakamot ito sa ulo at tila ba parang lumaylay ang mga balikat nito,

"Wala yun! Gusto ko lang sabihin sayo na ang pangit mo pala sa malapitan! Ngayon ko lang narealize talaga!" tumatawang ani niya.

" So yun lang di mo pa masabi sa akin? Ang weird mo huh! Para sabihin ko sayo kung ako panget huh! Wala ng maganda sa mundo!" tatatawa tawang ani ko rin sa kaniya.

Natawa naman ito sa sinabi ko at nagsimula ng mag drive. Nakarating na kami sa pupuntahan namin at kita kong nag iihaw pa si aling Myrna. Kaya dali dali akong bumaba at pinuntahan ito.

"Aling Myrna!! May isaw pa po ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Aba? ikaw na ba yan Jean Salazar ng Batangas? Ay lalo kang gumanda! Asan na yung best friend mong daig pa ang boyfriend kung gwardyahan ka?" Masayng bungad ni aling Myrna.

"Grabe naman kayo sa akin aling Myrna!" Biglang sabat ni George sa tabi ko.

"Ay andiyan ka pala! Oh siya siya maupo na kayo doon at ipag iihaw ko na kayo! At magkwentuhan tayo huh?" Masayang sabi ni aling Myrna.

"Opo" sabay naming sagot ni George at nagtawanan na lang kami.

Natapos ang kainan at kwentuhan ay nagpaalam na kami dito dahil gabi na at wala pang kasama si Lola, pinabalutan ko na lang ito ng barbecue dahil paborito niya iyon. Sumakay na kami ng sasakyan at nagdrive pauwe.

Nakarating na kami ng bahay at bumaba na kami ulit ni George. Pagdating sa pinto ay naririnig kong may kausap si Lola Matilda at nag e-english pa ito! Sosyal!

Kumatok muna ako para di siya mabigla,

Napalingon naman ito sa amin at ngumiti, sumenyas din ito na teka lang daw at may kausap siya! Kaya pumasok na kami ni George at naupo sa upuan. Nilagay ko na din ang pasalubong na barbecue sa lamesa.

"Okay Edna I will tell Jean your offer, kararating kang niya eh, if you want you can call her later para kayong dalawa ang mag usap nitong pinsan mo huh? Oh pano, ingat ka diyan lage okay? Bye!" Pagpapaalam ni Lola Matilda sa kausap niya sa kabilang linya.

"Naks! English pa more Lola!" Biro ko sa kaniya.

"Ano ka ba! Si ate Edna mo yon, may sasabihin yata sa iyo, baka tumawag yun mamaya, ano nga pla yang dala niyo?" tanong ni Lola.

"Ah eh barbecue po! Libre ni Jean! sweldo daw po kase niya!" Ani ni George.

"Ganon ba? Oh siya kumain na ba kayo? Maghahayin ako!" tanong ni Lola.

"Wag na po Lola Matilda, aalis na din po ako, hinatid ko lang po itong apo ninyong masungit, baka po kase hinahanap na ko sa mansiyon. Bye po Lola! Bye miss sungit!" Paalam ni George.

"Bye! Mr. Baldemeo! Salamat huh!" Sabi ko sa kaniya.

"Ingat ka sa daan iho! Salamat!" ani naman ni Lola

At naiwan na kaming dalawa ni Lola Matilda sa loob at naghayin na ito para kumain na kaming dalawa, masaya kaming nagkwentuhan at pagkatapos ay naglinis na at nagbihis pantulog, at nagtungo na kami sa kani kanilang kwarto para magpahinga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status