Share

Kabanata 8

Penulis: Lord Leaf
Kinabukasan, dinala ni Claire ang dokumento na puno ng panukala na hinanda niya buong gabi at pumunta sa opisina ng Emgrand kasama si Charlie.

Habang nakatayo sa harap ng 100 na palapag na gusali, biglang naramdaman ni Claire na ang kanyang puso ay malalim at walang laman.

Paano makikipagtulungan ang isang kamangha-manghang kumpanya tulad ng Emgrand sa pamilya Wilson? Hindi pa sinasabi na naghahangad sila ng tatlumpung milyong dolyar na kontrata.

Ito ay parang isang pulubi na lumapit sa isang mayaman na lalaki upang manghingi ng tatlumpung milyong dolyar na barya. Talagang katawa-tawa.

Gayunpaman, nangako siya sa kanyang lola at tinanggap ang hamon sa harap ng lahat, kaya dapat niya itong gawin kahit anong mangyari…

Nang maramdaman ang kanyang pagkabalisa, hinaplos nang malmabing ni Charlie ang kanyang ulo at sinabi, “Mahal, huwag kang mag-alala, magpatuloy k lang, kaya mo yan. Magtiwala ka sa akin.”

Nalulungkot na nagbuntong-hininga si Claire at binulong, “Sige, sana nga! Hintayin mo ako dito.”

Huminha siya nang malalim at pumasok sa pinto.

Habang pinapanood siyang pumasok, tinawagan ni Charlie si Doris.

“Doris, paakyat na ang aking asawa upang kausapin ka. Alam mo na dapat ang gagawin!”

“Opo, Mr. Wade. Huwag kang mag-alala, pagbibigyan ko ang lahat ng hiling ng iyong asawa.”

“Siya nga pala, narinig ko na mayroong malapit na koneksyon ang Emgrand Group at ang pamilya Jones. Totoo ba ito?”

“Opo, marami nga tayong ginawang proyekto kasama sila, mga tapos at nagpapatuloy. Gusto nila muli na makipagtulungan sa atin para sa bagong malaking proyekto at nagpasa na sila ng mga panukala at mga materyales upang masuri ko. Gayunpaman, nasa iyo ang pagpapasya, Mr. Wade.

Malamig na sinabi ni Charlie, “Hindi ko gustong maging parte ang pamilya Jones sa mga bagong proyekto o kahit anong proyekto sa hinaharap.”

“Opo, sigurado. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang inutos niyo!”

***

Samantala, naglakad si Claire sa opisina ng Emgrand Group at naghintay ng kanyang paghirang. Hindi niya alam kung si Doris Young, ang vice-chairman ng kumpanya ay gusto siyang makita.

Hindi matagal, isang kaaya-aya na babaeng kawani ang lumapit sa kanya at nagsimula, “Hi, ikaw po ba si Miss Claire Wilson? Hinihintay ka na ni Miss Young sa kanyang opisina, pakisundan po ako.”

Tumango nang walang imik si Claire. Naghihintay siya sa linya upang gumawa ng paghirang, paano nalaman ni Miss Young na nandito na siya at tinawag na agad siya?

Maaari bang alam ni Doris Young na siya ay darating?

Wala naman itong katuturan… paano siya nakilala ng isang kilalang indibidwal tulad ni Doris Young?

Kahit na hindi niya ito malaman, mas ayos na kunin niya ang pambihirang pagkakataon na binigay sa kanya. Mabilis niyang sinundan ang kawani at direktong hinatid sa opisina ni Doris.

Tumayo si Doris sa kanyang upuan at magalang na binati si Claire. “Hi, Miss Wilson, ako si Doris Young, ang vice-chairman ng Emgrand Group, nalulugod akong makilala ka.”

Kaunting kinabahan si Claire nang makilala ang pinakasikat na negosyanteng babae sa Aurous Hill. Siya ay nagsalita, ang kanyang boses ay nanginig na may pagkabalisa pero mahinahon pa rin, “Hello, Miss Young, salamat po at binigyan mo ako ng oras. Nandito po ako upang kausapin ka tungkol sa proyekto sa hotel. Kahit na ang Wilson Group ay hindi kasing lakas at kasing sikat ng ibang kumpanya, masisiguro ko na nagsusumikap kami at nagtatag ng isang napaka-positibong reputasyon sa panloob na disenyo at dekorasyon sa industriya!”

Binigay niya ang dokumento at nagpatuloy, “Miss Young, ito ang portpolyo ng Wilson Group, pakitignan po.”

Ngumiti nang marahan si Doris at kinuha ang dokumento sa kanya. Pagkatapos ng isang maikling sulyap, agad niyang sinabi, “Miss Wilson,

“Talaga? Totoo po ba?” Natunganga si Claire sa gulat. Bakit sobrang bilis at maayos nito? Parang napakadali naman, hindi ba?

Sinabi nang nakangiti ni Doris, “Syempre. Inaamin ko na hindi nga tugma ang pangangailangan at kwalipikasyon namin sa Wilson Group, ngunit mataas ang tingin ng chairman namin sa iyo at handa ka niyang pagbigyan.”

“Ang iyong chairman?” Sinabi ni Claire sa nagulat na tono, at tinanong, “Maaari ko bang malaman kung sino ang iyong chairman?”

Ngumiti nang kaunti si Doris. “Ang aming chairman ay si Mr. Wade mula sa Eastcliff.”

“Mr. Wade?”

Nagkunot ang noo ni Claire sa lito. “Sa tingin ko ay wala akong kilala na may apelyidong Wade bukod sa aking asawa.”

Tumango nang marahan si Doris. Sinabi ni Charlie na hindi dapat ibunyag ang kanyang pagkakakilanlan, kaya iyon lang ang kanyang masasabi.

Bukod kay Charlie Wade, walang kilala si Claire na may apelyidong Wade, ngunit hindi niya maiisip na ang kanyang walang kwentang asawa, na ampon, ay ang Mr. Wade na tinutukoy ni Doris.

Pagkatapos ay dinagdag ni Doris, “Miss Wilson, nakita ko sa iyong panukala na ang kasunduan ay tatlumpung milyong dolyar?”

Tumango nang may pagkabalisa si Claire at tinanong nang nahihiya, “Masyado po bang malaki?”

Ngumiti si Doris at sinagot, “Ah hindi, mas kaunti nga ito sa ginugol namin.”

Nagtanong nang nagtataka si Claire. “Ano po ang ibig mong sabihin?”

“Sinabi ng aming chairman na taasan ang badyet sa animnapung milyong dolyar.”

Sa gitna ng pag-uusap, kinuha ni Doris ang kontrata at binigay kay Claire. “Tignan mo, plinano namin nang maaga ang kontrata na animnapung milyong dolyar. Kung wala kang problema dito, pwede na nating pirmahan ang kontrata.”

“Huh? Ito…”

Nakatunganga si Claire at nakatulala.

Hindi niya inaasahan na ang Emgrand Group, na parang hindi maabot sa paningin ng Wilson Group, ay maghahanda na kaagad ng kontrata!

Bukod dito, ang halaga ay dumoble!

Ang layunin ni lola sa proyekto ay 30 milyong dolyar, ngunit nakasulat sa kontrata na 60 milyong dolyar ang nakatala!

Bigla niyang naalala ang seryoso at tapat na mukha ng kanyang asawa noong pinilit siya na tanggapin ang gawain sa pagpupulong ng pamilya noong nakaraang gabi.

Bakit siya kumpiyansa?

Noong sila ay nasa harap ng Emgrand Group, siya ay nagdududa at pisimista, ngunit mukha siyang positibo at malakas ang loob.

Maaari bang alam niya talaga ang kakalabasan?

Sino siya…
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Lorena Teric
bakit naman ganito bigla lang n wala ang I storey n ito malapit konang m tapos laki n ng gastos ko nito tapos balik n nman ako s ompisa kakainis nman...
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 9

    Sa isang saglit, isang biglaan at kakaibang ideya ang pumasok sa isipan ni Claire. Ang Mr. Wade na sinabi ni Doris, maaari bang siya talaga ang kanyang asawa, si Charlie Wade? Nang pinag-isipan niya ulit ito, talagang masyado itong salungat sa katwiran. Paano naging ganito! Si Charlie ay isang ulila na lumaki sa welfare home! Gayunpaman, sino pa sa mundong ito ang tatratuhin siya nang mabuti bukod kay Charlie? Tatlumpung milyong dolyar ay malaki na, ngunit binigyan siya ng animnapung milyon… Hindi niya maiwasang tanunin nang nagtataka, “Miss Young, maaari ko bang malaman kung ang iyong chairman ay si Charlie Wade?” Ang tibok ng puso ni Doris ay lumakas. Hiniling ng kanyang amo na ilihim ang kanyang pagkakakilanlan, ipaalam lamang sa publiko ang kanyang apelyido. Masisisi siya kung mahuhulaan ito ng kanyang asawa! Ginalaw niya nang natataranta ang kanyang mga kamay at sinabi, “Miss Wilson, sana hindi mo na ito alamin. Ang aming chairman ay nagmula sa angkan ng makapangyarihan n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 10

    Nagulat ang lahat sa biglaang ingat.Agad nilang nilabas ang kanilang mga selpon at hinanap ang opisyal na media account ng Emgrand Group! Tunay nga! Ang sertipikadong official account ng Emgrand Group ay naglabas ng pinakabagong pahayag! Isang alulong ang kumalat sa kwarto ng pagpupulong sa sandaling na-anunsyo ang pahayag. Talagang nakakuha si Claire ng kontrata! Na doble sa hinahangad na halaga! Kalahating oras lang ang tinagal nito! Paano ito posible? Paano ito naging madali? Hindi ito makatwiran! Nakaramdam ng gulat at panghihinayang si Harold. Bago ngayong araw, si Claire Wilson ay hindi maikukumpara pagdating sa katayuan o pagkakakilanlan. Kung tinanggap niya lang ang tungkulin kahapon, hindi niya hahayaang sumikat si Claire kahit ano man ang maging resulta! Gayunpaman, tinanggihan niya ito dahil natakot siyang mabibigo siya! Tinanggihan niya ang tungkulin, pero ang mas mahalaga ay nagtagumpay si Claire! Ito ay parang malaking sampal sa kanyang mukha! Agad dinampot

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 11

    Pagkatapos ng tatlong yuko, naiipon na ang luha sa mga mata ni Harold pero hindi siya nangahas na gumawa ng masama ngayon.Alam niya na sobrang nabigo at nabalisa sa kanya ang kanyang lola, kaya kahit ano pa man, hindi niya dapat siya galitin pa. Nagbuntong-hininga dahil sa kaginhawaan si Lady Wilson pagkatapos yumuko at umamin ng pagkatalo si Harold. Hindi niya gusto na yumuko ang kanyang mahal na apo sa talunan na si Charlie, pero sila ay nagsugal na kasangkot siya. Siya ay tapat na tagasunod na budista. Kung hindi tutuparin ni Harold ang kanyang pangako, siya ay talagang matatakot sa ganti at karma na pupunta sa kanya sa punto na hindi siya makakain at makakatulog nang maayos. Kaya, tinignan niya si Harold at sinabi nang walang ekspresyon, “Harold, ituring mo ang tatlong yuko na to bilang aral. Sa susunod, huwag kang tataya sa bagay na hindi ka sigurado. Kahit na gusto mong tumaya, huwag mong idamay ang iyong pamilya!” Habang nakasimangot ang mukha, sinabi ni Harold, “Opo, lola

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 12

    Sa pag-aakala na nagbibiro lamang si Charlie, hindi ito sineryoso ni Claire. Siya ay naglakad sa gilid at tumawag kay Doris. Hindi matagal, may sumagot na. Ang matamis at kalugod-lugod na boses ni Doris ay umalingawngaw sa kabilang linya. “Hello, Miss Wilson.” “Hi, Miss Young. May pabor po akong hihilingin sa iyo,” sinabi nang nahhiya ni Claire. “Sige, ano iyon?” Sumagot si Doris. Ininsayo muli ni Claire ang pangungusap sa kanyang isip, humingia nang malalim bago siya nagsalita nang determinado, “Maaari ko bang malaman kung may oras ang chairman bukas nang gabi? Ang aking pamilya ay magdaraos ng handaan bukas upang i-anunsyo ang kolaborasyon namin sa Emgrand Grorup. Sana ay pumayag ang chairman sa aking imbitasyon…” Mayroong katahimikan sa kabilang linya bago ulit nagsalita si Doris, “Miss Wilson, pasensya na ngunit hindi ko kayang gumawa ng desisyon para sa aking chairman. O kaya, pwede ko siyang kausapin para sa iyo, ayos lang ba iyon?” Sinabi nang magalang ni Claire, “Salamat

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 13

    Ang puso ni Claire ay nanginginig pa rin sa tuwa nang lumabas siya sa opisina ni Wilson Group.Opisyal na i-aanunsyo ni Lola ang kanyang bagong posisyon bukas. Sa wakas, maaari na niyang maitaas ang kanyang ulo!Humarap siya kay Charlie at masayang sinabi, “Charlie, salamat! Kung hindi dahil sa iyong paghimok, hindi ako maglalakas-loob na tumayo at tanggapin ang hamon. "Sumagot nang nakangiti si Charlie, "Mahal, nararapat lang ito sayo."Inilayo niya ang kanyang ulo, pagkatapos ay bumalik sa kanya at sinabi, “Ay oo, napakaganda at masaya ang pangyayaring ito. Magdiwang tayo, tara? "Tumango si Claire. "Paano tayo magdiriwang?"“Malapit na ang ating ikatlong anibersaryo, sabay nating ipagdiwang ito! Ihahanda ko ang lahat, umupo ka lang at magpahinga. ”Nagulat si Claire sa sorpresa. "So-sorpresahin mo ba ako?""Oo!" Tumango si Charlie at tumawa. "Bibigyan kita ng sorpresa!"Naramdaman ni Claire ang isang alon ng init na dumaloy sa kanyang puso. "Sige, hindi na kita tatanungin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 14

    Nasindak si Jane dahail sa kagulat-gulat na pagpasok ng mga lalaki, iniisip kung sila ba ay nandito para sa kanya.Agad niyang tinigil ang kaisipan na iyon!Imposible! Ang talunan na ‘yon ay walang kilala na makapangyarihan.Lumabaas si Stephen sa pangatlong kotse at naglakad papasok sa Emerald Court. Mabilis na binati siya ni Jane, ngunit hindi niya siya pinansin at dumiretso kay Charlie.“Young Master, narito ako at dala ang pera.”Pagkatapos, suminenyas si Stephen gamit ang kanyang kamay. Ang mga malalaking bodyguard ay pumasok sa tindahan, nilapag ang maleta, at binuksan ito.Ito ay puno ng pera hanggang sa ilalim!Ang lahat ay nakanganga sa sobrang gulat!Letse!Ang talunan… Hala! Totoo nga ang sinabi ng lalaki!Letse! Sino siya!Maraming tao ang nilabas ang kanilang selpon, sinubukang kumuha ng litrato o kunan ng bidyo. Ayaw nilang palampasin ang nakakagulat na eksenang ito.Agad nilinis ng mga bodyguard ni Stephen ang lugar at tinulak sila palabas ng tindahan. Ang na

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 15

    Hindi agad umuwi si Charlie pagkatapos umalis sa Emerald Court.Gusto niyang bigyan ang kanyang asawa ng buong pakete ng sorpresa sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal.Ang sorpresa ay hindi limitado sa mamahaling kuwintas na gawa sa jade – gusto niyang gumawa ng isanag romantikong kasal para sa kanyang asawa.Nang maalala niya ang nakalipas, nagmadali sina Charlie at Claire na irehistro ang kanilang kasal dahil kay Lord Wilson, ang lolo ni Claire, at hindi sila nakapagdaos ng kasal.Hinangad ni Lord Wilson na pumili ng araw para sa kanilang malaking pagdaraos ng kasal, ngunit hindi matagal pagkatapos nilang magpakasal, siya ay nagkasakit nang matindi at dinala sa ospital. Kaya, ang kanilang kasal ay naantala.Hindi matagal, si Lord Wilson ay pumanaw. Si Charlie ay hindi pinansin ng pamilya Wilson, kaya ang kanilang plano para sa kasal ay hindi natuloy.Gayunpaman, iba na sa ngayon. Siya ay mayaman na, kaya, kaya niya at dapat niyang bigyan ang kanyang asawa ng kasal!

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 16

    Hinalukipkip ni Sabrina ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at sinabi sa mapagmataas na tono, “Oo, kinamumuhian kita, ano naman? Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagpuna ko, talunan?”“Alam ng lahat ng tao sa kolehiyo na pinakasalan mo si Claire at naging manugang ka na nakatira sa kanilang bahay pagkatapos makatapos! Isang miserableng talunan na hindi makabili ng maayos na pagkain sa kolehiyo at naging laruang lalaki pagkatapos makatapos! Paano ka naglakas-loob na humingi ng tulong sa akin kung isa kang malaking talunan? Sino ka ba sa tingin mo?”Galit ang unti-unting nagliliyab sa loob ni Charlie.Ang isang tao ay hindi aatake maliban kung siya ang unang inatake. Sumosobra na si Sabrina!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe sa selpon mula kay Stephen. “Young Master, ang Shangri-La Hotels and Resorts ay pagmamay-ari ng pamilya Wade. Ang Shangri-La ng Aurous Hill ay isa lamang sa maraming nating Shangri-La sa buong mundo.”Ang mga mata ni Charlie ay lumiit sa

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5840

    Nang makita ni Charlie ang takot sa mukha ni Vera at ang bihira niyang pagkabalisa habang nagsasalita, agad niyang tinanong, "Miss Lavor, ano sa tingin mo ito?!"Hindi agad sumagot si Vera. Nakatitig lang siya sa mabilis na kumakapal na madidilim na ulap sa langit. Binulong niya, "Ang mga ulap na ito ay mukhang magulo, pero may bahagyang komplikadong pattern dito. Para bang... Para bang ang Hexagram of Thunder mula sa Book of Changes at Eight Diagrams...""Hexagram of Thunder?" nagulat si Charlie at sinabi, "Talaga bang kinakatawan ng mga ulap na ito ang isang hexagram?"Tumango si Vera, binulong, "Ang Hexagram of Thunder ay palaging masalimuot. Ang mga sinaunang tao ay may kasabihan na ‘Dumarating ang kulog na may panginginig at halakhak; ginugulat ang paligid nang hindi nawawala ang diwa nito.’ Kapag lumitaw ang hexagram na ito, nangangahulugan ito na may isang hindi inaasahang pangyayari na magaganap, at ito ay tiyak na isang makapangyarihan na kaganapan!"Lalong nagulat si Char

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5839

    Tumango si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, iparada na lang natin ang sasakyan sa labas ng nayon at maglakad na lang pababa.""Sige!" Agad na nanabik si Vera. Matapos gumala sa loob ng mahigit tatlong daang taon, ito pa rin ang paborito niyang lugar, at ito rin ang pinaka-namimiss niya.Sinunod ni Charlie ang direksyon ni Vera at ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada, ilang daang metro mula sa pasukan ng nayon. Kinuha niya ang camping gear at magkasama silang bumaba sa gilid ng Heavenly Lake.Naglakad si Vera ng halos dalawang milya sa tabi ng Heavenly Lake sa ilalim ng liwanag ng buwan at mga bituin hanggang sa nahanap niya ang eksaktong lugar kung saan lumaki ang Mother of Pu’er Tea.Itinuro niya ang bahagyang nakaangat na bahagi ng lupang kulay dilaw sa dalampasigan at sinabi, "Dito siguro lumago ang Mother of Pu’er Tea."Pagkatapos tumingin sa paligid, napansin ni Charlie na sa ilalim ng liwanag ng buwan, punong-puno ng damo at puno ang paligid, maliban sa bahaging ito ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5838

    Si Charlie, na nasa tabi, ay nagsalita, "Sige, Mr. Windsor, iniiwan na namin sa iyo ang lahat dito. May iba pa kaming dapat asikasuhin, kaya aalis na kami."Nagtaka si Jeevan at nagtanong, "Madilim na sa na ngayon, kaya hindi niyo kailangan magmadaling umalis. Naghanda ako ng masasarap na pagkain at alak sa dining hall. Bakit hindi muna kayo kumain? Ako na rin ang bahala sa inyong tutuluyan ngayong gabi!"Ngumiti si Charlie at sinabi, "Hindi na kailangan. Maraming salamat sa iyong alok, Mr. Windsor, pero kailangan na talaga naming umalis. Hindi na namin dapat patagalin pa ang aming pananatili rito."Nang makita ni Jeevan na disidido na silang umalis, tumango na lang siya at sinabi, "Kung ganoon, hindi ko na kayo pipigilan."Kinamayan ni Charlie si Jeevan at inalalayan si Vera papunta sa sasakyan. Sa dilim ng gabi, mabilis silang umalis sa pabrika ng Violet Group at tumungo papuntang Banna.Hindi mahirap hanapin ang Heavenly Lake kung saan nanirahan noon si Vera. Mayroon lamang isa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5837

    Noon pa man ay naguguluhan na si Vera kung bakit bigla na lang naging mabait sa kanya si Charlie mula noong dinala siya ng singsing sa top floor ng Scarlet Pinnacle Manor.Hindi lang niya binigyan si Vera ng parte sa lahat ng mga pill niya, ngunit nangako rin siya ng mas mahabang buhay para kay Mr. Raven at sa iba pa. Iniwan pa ni Charlie ang lahat ng kanyang gawain para samahan siya sa Yorkshire Hill.Ang gusto lang naman ni Vera ay mabisita ang libingan ng kanyang mga magulang sa Mount Twint, pero hindi niya inakala na bibilhin mismo ni Charlie ang Violet Group na may-ari ng Mount Twint. Balak pa ni Charlie na magsagawa ng malawakang renovation dito para mapadali ang kanyang mga pagbisita sa puntod ng kanyang mga magulang.Napakayaman din ni Vera, pero para sa kanya, hindi kayang sukatin ng pera ang ginawa ni Charlie. Talagang pinapahalagahan siya ni Charlie para bigyan siya ng ganitong klaseng atensyon at pag-aalaga.Hindi mali si Vera sa kanyang hinala. Talagang pinapahalagahan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5836

    "Bukod pa doon, noon, hindi ganito kaganda ang kondisyon ng pagtubo ng mga dahon ng tsaa. Ngayon, bawat dahon ay sobrang lusog at may napakagandang kulay. Ang mas kahanga-hanga pa, kaya nang kontrolin nang mabuti ang mga peste, kaya mataas din ang ani ng huling produkto. Mas maraming tumutubo at mas kaunti ang nasisira, kaya mas mataas ang kabuuang output kumpara sa sinaunang panahon.""Sa mga nagdaang taon, ganito na ang naging breeding strategy para sa dahon ng tsaa: mas mataas ang ani, mas maganda; mas perpekto ang hitsura, mas mainam; at mas matibay laban sa mga peste, mas kapaki-pakinabang. Dahil sinabayan ito ng paggamit ng fertilizers at pesticides, natural lang na tumaas nang husto ang efficiency ng output sa bawat ektarya."Dito idinagdag ni Vera, "Pero kahit na tumaas ang ani at dami nito, dahil sa patuloy na pagbuo ng bagong varieties, bumababa naman ang kalidad ng lasa ng mga dahon ng tsaa. Kung magkakaroon tayo ng pagkakataon sa hinaharap, pwede nating subukan na palagui

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5835

    Sa mga mata ni Jeevan, sina Charlie at Vera ay katumbas ng Diyos ng Kayamanan, kaya kung gusto nilang umakyat sa bundok, natural na kailangan niyang makipagtulungan nang buo.Kaya, sinabi niya agad sa kanila, “Mangyaring maghintay kayo saglit, mga marangal na bisita. Kukuha ako ng ilang tao at magdadala ng mas maraming ilaw para samahan kayong umakyat!”Kinaway ni Charlie ang kanyang kamay, “Hindi na. Nasa yugto pa rin kami ng palihim na inspeksyon. Ayaw naming lumabas ang kahit anong balita, kaya hindi mo kailangan itong ayusin nang sadya. Hayaan mo na tapusin ng iba ang trabaho nila at magpahinga. Pabalikin mo ang lahat ng staff at security guard mula sa Mount Violet. Bukod dito, ipapatay mo sa mga security guard ang lahat ng surveillance camera sa Mount Violet. Aakyat lang kami para tumingin.”Dati, hinding-hindi papayag si Jeevan sa ganitong hiling. Kahit na ang Mother of Pu’er Tea sa Mount Twint ay hindi ang pinakamagandang puno ng Pu’er tea, sikat pa rin ito sa Yorkshire Hill.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5834

    Sa sandaling ito, pumunta ang security guard sa gitna ng kalsada at pinigilan ang kotse ni Charlie, sinasabi, “Iho, bakit ka bumalik ulit? Hindi ba’t sinabi ko na sayo kanina na kailangan mo munang gumawa ng appointment sa group?”Nasorpresa si Jeevan nang makita niya na nilapitan ng security guard ang mga bisita at sinabi na pumunta na sila dito kanina.Mabilis siyang lumapit sa security guard at hinila siya sa tabi, pagkatapos ay tinanong si Charlie, “Hello, Sir, ikaw ba ang eksperto na pinadala ng Schulz Group?”Tinuro ni Charlie si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi nang nakangiti, “Hindi ako ang eksperto. Ang babaeng ito ang totoong eksperto.”Mukhang nalito ang security guard at sinabi, “Iho, kailan kayo naging eksperto?”Sinabi nang nagmamadali ni Jeevan, “Mr. Dmitri, bakit mo kinakausap nang ganito ang mga bisita? Ang mga marangal na bisita na ito ay nandito para gabayan at suriin ang trabaho natin. Hindi ka dapat makialam. Bilis, buksan mo ang gate!”Kahit na nasorpresa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5833

    Kahit na walang masyadong alam si Charlie sa mga dahon ng tsaa, nararamdaman niya pa rin ang espesyal na pagpapahalaga ni Vera sa Mother of Pu’er Tea. Para sa kanya, ang Mother of Pu’er Tea ay isang uri ng ispiritwal na alalay para aky Vera, na umabot ng tatlong siglo.Dahil dito, naiintindihan niya kung bakit gusto ni Vera na gayahin ang lasa ng Mother of Pu’er Tea balang araw.Kaya, sinabi niya kay Vera, “Sa sandaling nakumpleto ang paglilipat ng may-ari ng Mount Twin, pwede mong ituring ang lugar na ito bilang taniman mo. Magagamit mo ang karanasan mo at makikita kung makakagawa ka ng mas masarap na tsaa.”Tumango si Vera at sinabi, “Komplikadong bagay ang pagtatanim at pagsasaka ng tsaa. Hindi ko talaga naiintindihan ang siyentipikong paraan, pero gamit ang tradisyonal na paraan, marahil ay abutin ng sampung taon o higit pa para makakita ng mga resulta.”Sinigurado siya ni Charlie, “Ayos lang ito. Kung magagawa mo ito, isang biyaya ito para sa lahat ng tao na mahilig sa tsaa, p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5832

    Kaya, kahit na kapapasok pa lang niya sa sasakyan at naghahanda nang umuwi mula sa trabaho, ibinaba niya ang tawag ni Gideon at agad na pumunta sa main gate ng base para maghintay.Sa parehong oras, nakatanggap din si Charlie ng tawag mula kay Sophie. Pagkasagot niya, magalang na sinabi ni Sophie, “Mr. Wade, natanggap na ng Violet Group ang deposito ko, at natapos na ang acquisition. Ang huling presyo ay 700 million dollars. Nasabihan ko na rin ang taong namamahala sa base at sinabi ko sa kanya ang plate number ng iyong sasakyan. Maaari ka nang dumiretso doon. Naghihintay na siya sa gate at susundin niya ang lahat ng utos mo.”Nagulat si Charlie sa bilis ng kilos ni Sophie. Sa tingin niya, bihira sa isang babae na gawin ang mga bagay-bagay nang napakabilis.Dahil dito, sinabi niya kay Sophie, “Salamat sa pagsisikap mo, Miss Schulz. Ituring mo ang pera na ito na utang ako sa iyo. Pero dahil espesyal ang sitwasyon ngayon, hindi ko muna ito maipapadala sa iyo. Kapag natapos ko na ang m

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status