Pagkatapos ng tatlong yuko, naiipon na ang luha sa mga mata ni Harold pero hindi siya nangahas na gumawa ng masama ngayon.Alam niya na sobrang nabigo at nabalisa sa kanya ang kanyang lola, kaya kahit ano pa man, hindi niya dapat siya galitin pa. Nagbuntong-hininga dahil sa kaginhawaan si Lady Wilson pagkatapos yumuko at umamin ng pagkatalo si Harold. Hindi niya gusto na yumuko ang kanyang mahal na apo sa talunan na si Charlie, pero sila ay nagsugal na kasangkot siya. Siya ay tapat na tagasunod na budista. Kung hindi tutuparin ni Harold ang kanyang pangako, siya ay talagang matatakot sa ganti at karma na pupunta sa kanya sa punto na hindi siya makakain at makakatulog nang maayos. Kaya, tinignan niya si Harold at sinabi nang walang ekspresyon, “Harold, ituring mo ang tatlong yuko na to bilang aral. Sa susunod, huwag kang tataya sa bagay na hindi ka sigurado. Kahit na gusto mong tumaya, huwag mong idamay ang iyong pamilya!” Habang nakasimangot ang mukha, sinabi ni Harold, “Opo, lola
Sa pag-aakala na nagbibiro lamang si Charlie, hindi ito sineryoso ni Claire. Siya ay naglakad sa gilid at tumawag kay Doris. Hindi matagal, may sumagot na. Ang matamis at kalugod-lugod na boses ni Doris ay umalingawngaw sa kabilang linya. “Hello, Miss Wilson.” “Hi, Miss Young. May pabor po akong hihilingin sa iyo,” sinabi nang nahhiya ni Claire. “Sige, ano iyon?” Sumagot si Doris. Ininsayo muli ni Claire ang pangungusap sa kanyang isip, humingia nang malalim bago siya nagsalita nang determinado, “Maaari ko bang malaman kung may oras ang chairman bukas nang gabi? Ang aking pamilya ay magdaraos ng handaan bukas upang i-anunsyo ang kolaborasyon namin sa Emgrand Grorup. Sana ay pumayag ang chairman sa aking imbitasyon…” Mayroong katahimikan sa kabilang linya bago ulit nagsalita si Doris, “Miss Wilson, pasensya na ngunit hindi ko kayang gumawa ng desisyon para sa aking chairman. O kaya, pwede ko siyang kausapin para sa iyo, ayos lang ba iyon?” Sinabi nang magalang ni Claire, “Salamat
Ang puso ni Claire ay nanginginig pa rin sa tuwa nang lumabas siya sa opisina ni Wilson Group.Opisyal na i-aanunsyo ni Lola ang kanyang bagong posisyon bukas. Sa wakas, maaari na niyang maitaas ang kanyang ulo!Humarap siya kay Charlie at masayang sinabi, “Charlie, salamat! Kung hindi dahil sa iyong paghimok, hindi ako maglalakas-loob na tumayo at tanggapin ang hamon. "Sumagot nang nakangiti si Charlie, "Mahal, nararapat lang ito sayo."Inilayo niya ang kanyang ulo, pagkatapos ay bumalik sa kanya at sinabi, “Ay oo, napakaganda at masaya ang pangyayaring ito. Magdiwang tayo, tara? "Tumango si Claire. "Paano tayo magdiriwang?"“Malapit na ang ating ikatlong anibersaryo, sabay nating ipagdiwang ito! Ihahanda ko ang lahat, umupo ka lang at magpahinga. ”Nagulat si Claire sa sorpresa. "So-sorpresahin mo ba ako?""Oo!" Tumango si Charlie at tumawa. "Bibigyan kita ng sorpresa!"Naramdaman ni Claire ang isang alon ng init na dumaloy sa kanyang puso. "Sige, hindi na kita tatanungin
Nasindak si Jane dahail sa kagulat-gulat na pagpasok ng mga lalaki, iniisip kung sila ba ay nandito para sa kanya.Agad niyang tinigil ang kaisipan na iyon!Imposible! Ang talunan na ‘yon ay walang kilala na makapangyarihan.Lumabaas si Stephen sa pangatlong kotse at naglakad papasok sa Emerald Court. Mabilis na binati siya ni Jane, ngunit hindi niya siya pinansin at dumiretso kay Charlie.“Young Master, narito ako at dala ang pera.”Pagkatapos, suminenyas si Stephen gamit ang kanyang kamay. Ang mga malalaking bodyguard ay pumasok sa tindahan, nilapag ang maleta, at binuksan ito.Ito ay puno ng pera hanggang sa ilalim!Ang lahat ay nakanganga sa sobrang gulat!Letse!Ang talunan… Hala! Totoo nga ang sinabi ng lalaki!Letse! Sino siya!Maraming tao ang nilabas ang kanilang selpon, sinubukang kumuha ng litrato o kunan ng bidyo. Ayaw nilang palampasin ang nakakagulat na eksenang ito.Agad nilinis ng mga bodyguard ni Stephen ang lugar at tinulak sila palabas ng tindahan. Ang na
Hindi agad umuwi si Charlie pagkatapos umalis sa Emerald Court.Gusto niyang bigyan ang kanyang asawa ng buong pakete ng sorpresa sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal.Ang sorpresa ay hindi limitado sa mamahaling kuwintas na gawa sa jade – gusto niyang gumawa ng isanag romantikong kasal para sa kanyang asawa.Nang maalala niya ang nakalipas, nagmadali sina Charlie at Claire na irehistro ang kanilang kasal dahil kay Lord Wilson, ang lolo ni Claire, at hindi sila nakapagdaos ng kasal.Hinangad ni Lord Wilson na pumili ng araw para sa kanilang malaking pagdaraos ng kasal, ngunit hindi matagal pagkatapos nilang magpakasal, siya ay nagkasakit nang matindi at dinala sa ospital. Kaya, ang kanilang kasal ay naantala.Hindi matagal, si Lord Wilson ay pumanaw. Si Charlie ay hindi pinansin ng pamilya Wilson, kaya ang kanilang plano para sa kasal ay hindi natuloy.Gayunpaman, iba na sa ngayon. Siya ay mayaman na, kaya, kaya niya at dapat niyang bigyan ang kanyang asawa ng kasal!
Hinalukipkip ni Sabrina ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at sinabi sa mapagmataas na tono, “Oo, kinamumuhian kita, ano naman? Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagpuna ko, talunan?”“Alam ng lahat ng tao sa kolehiyo na pinakasalan mo si Claire at naging manugang ka na nakatira sa kanilang bahay pagkatapos makatapos! Isang miserableng talunan na hindi makabili ng maayos na pagkain sa kolehiyo at naging laruang lalaki pagkatapos makatapos! Paano ka naglakas-loob na humingi ng tulong sa akin kung isa kang malaking talunan? Sino ka ba sa tingin mo?”Galit ang unti-unting nagliliyab sa loob ni Charlie.Ang isang tao ay hindi aatake maliban kung siya ang unang inatake. Sumosobra na si Sabrina!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe sa selpon mula kay Stephen. “Young Master, ang Shangri-La Hotels and Resorts ay pagmamay-ari ng pamilya Wade. Ang Shangri-La ng Aurous Hill ay isa lamang sa maraming nating Shangri-La sa buong mundo.”Ang mga mata ni Charlie ay lumiit sa
Mabilis na nagpakita ng pekeng ngiti si Sabrina at sinabi nang nambobola kay Charlie, “Class rep, maligayang pagdating sa Shangri-La. Karangalan namin na binisita mo kami at malaking kasiyahan din ito para sa akin na dati mong kaklase sa kolehiyo. Pumasok po kayo…” Akala niya na gamit ang kanyang papuri at banayad na tono ay makakalimutan ni Charlie ang bastos na ugali niya sa kanya kanina.Sa kasamaang-palad, si Charlie ay hindi kasing bait tulad ng iniisip niya.Napanganga sa sorpresa si Isaac nang marinig ang sinabi ni Sabrina at mabilis na tinanong, “Lee, kaklase ka ni Mr. Wade sa kolehiyo?”“Opo, opo!” Sinabi nang nabalisa ni Sabrina, “Si Mr. Wade ang aking class rep noong kami ay nasa kolehiyo, magkalapit kami sa isa’t isa!”Inanunsyo agad ni Isaac, “Pumunta ka sa opisina ng pangulo bukas. Ikaw ang magiging HR manager sa Shangri-La!”Sa Shangri-La, ang promosyon mula sa tagapamahala ng pangkat at HR manager ay tatlong antas na magkalayo. Hindi lamang tataas ng sampung bese
Pumunta sina Claire at ang kanyang pamilya sa Kempinski upang maghapunan habang si Wendell ay nagtatampo sa kanilang bahay.Nakita niya ang pahayag sa official page ng Emgrand Group, siya ay malungkot at matamlay.Akala niya na imposibleng makakuha ng kontrata si Claire, ngunit sa hindi inaasahan, kalahating oras lamang ang kailangan niya upang makakuha siya ng animnapung milyong dolyar na kontrata. Sa sandaling ito, tumawag si Harold upang magreklamo sa kanyang sitwasyon. Sinabi niya sa sandaling may sumagot sa tawag, “Hoy, Wendell, anong meron! Tapat akong gumawa ng pagkakataon para sa iyo upang ligawan ang aking pinsan, pero tinalikuran mo ako at tinulungan siyang kumuha ng kontrata sa Emgrand. Paano mo nagawa sa akin ‘to?”Umiling si Wendell nang mapanghamak. ‘Ano? Wala akong ginawa!’Nagtanong uli si Harold, “Wendell, maging tapat ka sa’kin. Nakipagtalik ka ba sa pinsan ko?”Sa parehong oras, masyadong mapapahiya si Wendell kung tatanggi siya na wala siyang kinalaman sa lah
Matagal nang alam ng mga Acker na gustong pumunta ni Lady Acker sa Aurous Hill. Bukod dito, inaprubahan na ng buong pamilya ang desisyon niya.Pagkatapos maranasan ang sakuna na halos umubos sa pamilya nila, nawalan ng interes ang mga Acker sa career, pera, at katayuan, at umaasa sila na gawin ang lahat ng makakaya nila para makabawi sa mga pagkukulang nila sa buhay nila sa hinaharap.Ang pinakamalaking pagsisisi para sa mga Acker ay ang pagkamatay ni Ashley, at kasunod nito ay ang kinaroroonan ni Charlie.Hindi na maaayos ang pagkamatay ni Ashley, at ang tanging bagay kung saan sila makakabawi ngayon ay ang mahanap si Charlie.Lalo na at mas nagiging seryoso ang Alzheimer’s disease ni Lord Acker. Ayaw ng mga Acker na mahanap si Charlie sa hinaharap kung saan tuluyan nang nakalimutan ni Lord Acker si Charlie.Bilang taong namamahala sa mga panloob na gawain ng pamilya Acker, nagpadala si Christian ng mga tauhan para bumili ng mga villa sa Willow Manor sa Aurous Hill. Sa parehong o
Pinaalalahanan siya ni Isaac, “Sinabi ni Master Howton na tandaan natin na huwag lampasan ang antas ng pag-eensayo pagdating sa martial arts, at dapat unti-unti at matatag tayong mag-ensayo. Nasa pag-aaral ng teorya pa lang tayo bago matutong magmaneho. Kailangan muna natin matutunan ang teorya at pagkatapos ay pumasok sa kotse para mag-ensayo. Medyo maganda talaga ito dahil natututo tayo sa bawat hakbang.”Humagikgik si Albert at sinabim, “Gusto kong magkaroon ng tagumpay sa lakas ko sa lalong madaling panahon. Pagdating ng oras, ipapakita ko ang mga kakayahan ko sa mga tauhan ko at ipapaalam ko sa kanila na bata pa rin ako!”Umabante si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Mukhang may mas maayos na pang-unawa si Mr. Cameron kaysa kay Albert.”Nang mapansin ng dalawang lalaki na papalapit si Charlie, sinabi nila nang mabilis at magalang, “Master Wade! Young Master!”Tumango nang bahagya si Charlie sa kanilang dalawa at sinabi, “Matagal ang paglalakbay sa martial arts, kaya partikula
Nang makita ni Caden na alas otso na, humingi siya ng paumanhin mula kina Charlie at Porter at pagkatapos ay naglakad sa harap ng lahat, kaharap sila.Itinaas ni Caden ang kanyang kamay at hinawakan ang mahabang balbas niya bago sinabi nang malakas, “Kayong lahat, maligayang pagdating sa unang martial arts conference na inorganisa ni Master Wade! Ako si Caden Howton, ang tatlumpu’t siyam na leader ng Taoist Sect, at swerte akong matanggap ang pagpapahalaga ni Master Wade, kaya nandito ako para magturo ng martial arts sa inyong lahat. Sa mga daraan na panahon, ituturo ko ang natutunan ko sa buong buhay ko nang walang pag-aatubili, at sana ay magkaroon ako ng progreso kasama kayo!”Pumalakpak nang malakas ang mga estudyante na nakatayo sa harap niya sa sandaling natapos siya magsalita.Hinintay ni Caden na tumigil ang palakpakan bago siya nagpatuloy, “Sa leksyon na ito, ituturo ko ang lahat ng laman ng unang chapter ng Taoist Sect Hanbloom Method nang walang tinatago. Dahil sobrang de
Kahit ano pa ang karaniwang lakas ni Caden, pagkatapos sanayin ang Taoism ng maraming taon, nakatipon na si Caden ng pambihirang tindig at kilos. Bukod dito, parang nasa kalahating-indibidwal na estado siya ng maraming taon bilang isang Taoist. Kulang sa sustansya ng katawan niya sa punto na kasing payat na niya ang isang panggatong, at nagmukhang sobrang lakas ng payat na katawan niya dahil sa tuloy-tuloy na pag-eensayo niya ng martial arts, binibigyan nito ang mga tao ng pakiramdam ng pagiging misteryoso. Mas lalo pang naging mataas ang pakiramdam ng pagiging maharlika niya dahil sa mahaba at puting balbas niya.Pambihira ang temperamento niya sa larangan ng metaphysics at kahit sa larangan ng sining.Halimbawa, iisipin ng lahat na medyo nakakabagot kung wala man lang siyang balbas sa larangan ng isang direktor, pintor, o kahit manghuhula. Kung may malaking balbas siya, maghihiyawan ang mga tao kahit na nagpinta lang siya ng ilang guhit sa kanvas gamit ang isang paintbrush.Si Cad
Hanamg nag-uusap sila, maraming tao sa likod nila ang bumabati kay Charlie. Lumingon silang tatlo at nakita na naglalakad nang magkasama sina Charlie at Porter. Yumuyuko nang magalang ang mga sundalo ng Ten Thousand Armies at mga miyembro ng Harker kay Charlie.Tumango si Charlie sa lahat bilang sagot. Mabilis na kumaway si Aurora kay Charlie at sinabi nang masaya, “Hello, Master Wade!”Ngumiti si Charlie sa kanya. Hindi niya napansin si Sonia, na nasa kabila. Sa halip, dumiretso siya sa kanilang tatlo at tinanong nang nakangiti, “Ano ang pakiramdam niyo tungkol sa lugar na ito? Sanay na ba kayong tumira dito?”Ngumiti si Aurora at sinabi, “Medyo maganda ito! Maayos ang kwarto at masarap ang pagkain!”Pagkatapos nito, ngumiti siya agad habang sinabi kay Charlie, “Master Wade, pinag-uusapan namin ang martial arts kanina. Sinabi sa amin ni Rosalie na mas mabilis kaming makakapasok sa landas ng martial arts dahil ininom namin ang pill na binigay mo sa amin. Totoo ba ito?”Tumango si
Agad naintindihan nina Nanako at Aurora ang sikreto at simula ng martial arts dahil sa mga sinabi ni Rosalie. Nakikita at nararamdaman ng mga tao ang mundo sa paligid nila, pero hindi nila maramdaman ang panloob na sarili nila.Ayon kay Rosalie, basta’t masisira nila ang mga kadena ng panlabas na pananaw ng isang ordinaryong tao at talagang magiging dalubhasa sa endoscopic ability, mararamdaman nila ang mga meridian at elixir field.Sa sandaling iyon, kasama na ang mga kumpletong martial arts mental cultivation method, matututunan nila kung paano gamitin ang elixir field nila at buksan ang mga meridian.Nang maisip ito nina Nanako at Aurora, tumaas nang sobra ang kumpiyansa nila. Hinihintay na lang nila na opisyal na magsimula ang klase para maintindihan talaga ang mga misteryo ng martial arts sa ilalim ng gabay ni Caden.Puno ng kumpiyansa si Aurora sa sandaling ito habang kinuyom niya ang kamao niya at sinabi nang matatag, “Kailangan kong maging isang tunay na martial artist para
Sa una ay isa itong conference hall na ginagamit ng Champs Elys Resort para magsagawa ng mga pagpupulong para sa mga kliyente. Kasya dito ang daang-daang tao, pero wala na itong laman ngayon at ito na ngayon ang main training hall para sa martial arts training na ito.Ang orihinal na platform na mahigit isang daang metro kwadrado sa training hall ay giniba at kasalukuyang pinalitan ng isang napakalaking arena na may parehong sukat.Ito ang magiging pangunahing lugar para sa mga estudyante kung saan matututo sila sa isa’t isa at matututunan ang mga martial arts sa teacher nila.May training ground na gawa sa mga solidong kahoy sa harap ng arena. May mahigit isang daang futon na nakalagay doon. Ang mga estudyante ay uupo sa futon na naka-krus ang paa kapag nakikinig sa klase.Sabik na sabik sina Nanako at Aurora sa punto na hindi sila nakatulog buong gabi.Mahal nilang dalawa ang martial arts, pero wala silang pagkakataon na matutunan ang martial arts.Ang lahat ng nagsanay ng innf
Sobrang lakas ng bisa ng Rejuvenating Pill kapag ginamit sa mga ordinaryong tao. Kahit na isang Rejuvenating Pill ang gamitin para sa buong pamilya ng lola niya, sapat na ito para iparamdam sa kanila na umuunlad nang sobra ang pisikal na kalusugan nila.Bukod dito, gumamit din si Charlie ng ilang Reiki nang itinayo ang formation. Sa tulong ng kapangyarihan ng Reiki para tulungan ang lakas ng Rejuvenating Pill, magiging mas malakas ang kabuuang epekto kaysa sa Rejuvenating Pill lang.Pero, ayaw ni Charlie na may mapansin na kakaiba ang lola niya at ang mga Acker. Kaya, sadya niyang ginamit ang formation na ito para tulungan ang Reiki sa unti-unting paglalabas ng Rejuvenating Pill.Sa ganitong paraan, matatanggap ng mga taong ito ang kaunting nutrisyon mula sa Reiki at ang mga epekto ng Rejuvenating Pill araw-araw. Basta’t magpapatuloy ito ng ilang araw, bibigyan nito ang mga tao ng mas relax na pakiramdam. Kung mananatili sila nang magkakasama, maraming mahirap at kumplikadong sakit
Ang mga taong pumunta sa Aurous Hill ngayon ay ang butler at mahigit dalawampung tao na nagtatrabaho para sa mga Acker. Ang trabaho nila ay humanap ng isang angkop na bahay, bilhin ito, at i-renovate ito.Pagkatapos kumpirmahin na walang direktang miyembro ng mga Acker sa eksena, nagpadala si Caden ng isang text message kay Charlie para ipaalam sa kanya ang sitwasyon. Sumagot din nang mabilis si Charlie, sinasabi na papunta na siya doon.Pagkatapos ay sinabi ni Caden sa butler, “Ah, siya nga pala, may disipulo ako na maraming alam sa mga sikreto ng Feng Shui. Papupuntahin ko siya para tumingin mamaya. Pwede namin mapunan ang mga pagkukulang ng isa’t isa, kaya mas magkakaroon kami ng mas komprehensibnong tingin sa Feng Shui.”Sinabi nang walang pag-aatubili ng butler, “Maganda talaga iyon! Salamat sa pagsisikap mo, Master Howton!”Ngumiti nang bahagya si Caden, kinaway ang kanyang kamay, at sinabi, “Ito ang dapat kong gawin.”Mabilis na nagmaneho si Charlie sa main entrance ng Will