Nasindak si Jane dahail sa kagulat-gulat na pagpasok ng mga lalaki, iniisip kung sila ba ay nandito para sa kanya.Agad niyang tinigil ang kaisipan na iyon!Imposible! Ang talunan na ‘yon ay walang kilala na makapangyarihan.Lumabaas si Stephen sa pangatlong kotse at naglakad papasok sa Emerald Court. Mabilis na binati siya ni Jane, ngunit hindi niya siya pinansin at dumiretso kay Charlie.“Young Master, narito ako at dala ang pera.”Pagkatapos, suminenyas si Stephen gamit ang kanyang kamay. Ang mga malalaking bodyguard ay pumasok sa tindahan, nilapag ang maleta, at binuksan ito.Ito ay puno ng pera hanggang sa ilalim!Ang lahat ay nakanganga sa sobrang gulat!Letse!Ang talunan… Hala! Totoo nga ang sinabi ng lalaki!Letse! Sino siya!Maraming tao ang nilabas ang kanilang selpon, sinubukang kumuha ng litrato o kunan ng bidyo. Ayaw nilang palampasin ang nakakagulat na eksenang ito.Agad nilinis ng mga bodyguard ni Stephen ang lugar at tinulak sila palabas ng tindahan. Ang na
Hindi agad umuwi si Charlie pagkatapos umalis sa Emerald Court.Gusto niyang bigyan ang kanyang asawa ng buong pakete ng sorpresa sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal.Ang sorpresa ay hindi limitado sa mamahaling kuwintas na gawa sa jade – gusto niyang gumawa ng isanag romantikong kasal para sa kanyang asawa.Nang maalala niya ang nakalipas, nagmadali sina Charlie at Claire na irehistro ang kanilang kasal dahil kay Lord Wilson, ang lolo ni Claire, at hindi sila nakapagdaos ng kasal.Hinangad ni Lord Wilson na pumili ng araw para sa kanilang malaking pagdaraos ng kasal, ngunit hindi matagal pagkatapos nilang magpakasal, siya ay nagkasakit nang matindi at dinala sa ospital. Kaya, ang kanilang kasal ay naantala.Hindi matagal, si Lord Wilson ay pumanaw. Si Charlie ay hindi pinansin ng pamilya Wilson, kaya ang kanilang plano para sa kasal ay hindi natuloy.Gayunpaman, iba na sa ngayon. Siya ay mayaman na, kaya, kaya niya at dapat niyang bigyan ang kanyang asawa ng kasal!
Hinalukipkip ni Sabrina ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at sinabi sa mapagmataas na tono, “Oo, kinamumuhian kita, ano naman? Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagpuna ko, talunan?”“Alam ng lahat ng tao sa kolehiyo na pinakasalan mo si Claire at naging manugang ka na nakatira sa kanilang bahay pagkatapos makatapos! Isang miserableng talunan na hindi makabili ng maayos na pagkain sa kolehiyo at naging laruang lalaki pagkatapos makatapos! Paano ka naglakas-loob na humingi ng tulong sa akin kung isa kang malaking talunan? Sino ka ba sa tingin mo?”Galit ang unti-unting nagliliyab sa loob ni Charlie.Ang isang tao ay hindi aatake maliban kung siya ang unang inatake. Sumosobra na si Sabrina!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe sa selpon mula kay Stephen. “Young Master, ang Shangri-La Hotels and Resorts ay pagmamay-ari ng pamilya Wade. Ang Shangri-La ng Aurous Hill ay isa lamang sa maraming nating Shangri-La sa buong mundo.”Ang mga mata ni Charlie ay lumiit sa
Mabilis na nagpakita ng pekeng ngiti si Sabrina at sinabi nang nambobola kay Charlie, “Class rep, maligayang pagdating sa Shangri-La. Karangalan namin na binisita mo kami at malaking kasiyahan din ito para sa akin na dati mong kaklase sa kolehiyo. Pumasok po kayo…” Akala niya na gamit ang kanyang papuri at banayad na tono ay makakalimutan ni Charlie ang bastos na ugali niya sa kanya kanina.Sa kasamaang-palad, si Charlie ay hindi kasing bait tulad ng iniisip niya.Napanganga sa sorpresa si Isaac nang marinig ang sinabi ni Sabrina at mabilis na tinanong, “Lee, kaklase ka ni Mr. Wade sa kolehiyo?”“Opo, opo!” Sinabi nang nabalisa ni Sabrina, “Si Mr. Wade ang aking class rep noong kami ay nasa kolehiyo, magkalapit kami sa isa’t isa!”Inanunsyo agad ni Isaac, “Pumunta ka sa opisina ng pangulo bukas. Ikaw ang magiging HR manager sa Shangri-La!”Sa Shangri-La, ang promosyon mula sa tagapamahala ng pangkat at HR manager ay tatlong antas na magkalayo. Hindi lamang tataas ng sampung bese
Pumunta sina Claire at ang kanyang pamilya sa Kempinski upang maghapunan habang si Wendell ay nagtatampo sa kanilang bahay.Nakita niya ang pahayag sa official page ng Emgrand Group, siya ay malungkot at matamlay.Akala niya na imposibleng makakuha ng kontrata si Claire, ngunit sa hindi inaasahan, kalahating oras lamang ang kailangan niya upang makakuha siya ng animnapung milyong dolyar na kontrata. Sa sandaling ito, tumawag si Harold upang magreklamo sa kanyang sitwasyon. Sinabi niya sa sandaling may sumagot sa tawag, “Hoy, Wendell, anong meron! Tapat akong gumawa ng pagkakataon para sa iyo upang ligawan ang aking pinsan, pero tinalikuran mo ako at tinulungan siyang kumuha ng kontrata sa Emgrand. Paano mo nagawa sa akin ‘to?”Umiling si Wendell nang mapanghamak. ‘Ano? Wala akong ginawa!’Nagtanong uli si Harold, “Wendell, maging tapat ka sa’kin. Nakipagtalik ka ba sa pinsan ko?”Sa parehong oras, masyadong mapapahiya si Wendell kung tatanggi siya na wala siyang kinalaman sa lah
“Sino ka ba sa tingin mo?”Tumingin nang may panlalait si Wendell kay Charlie habang malamig niyang sinabi, “Isa ka lamang talunan, hindi mo nga kayang bantayan ang asawa mo. Sobrang sayang si Claire sa iyo, bakit hindi mo na lang siya pakawalan para mapunta siya sa akin? Mabibigay ko lahat ng gusto niya!”Isang patong ng yelo ang lumilipad sa ilalim ng mukha ni Charlie. Nagsimula siya sa malamig at mababang boses, “Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian. Una, humingi ka ng tawad kay Claire at bawiin mo ang lahat ng sinabi mo sa harap ng mga tao o pangalawa, ibabagsak ko ang kumpanya ng pamilya mo. Magpasya ka na ngayon.”“Hahaha! Niloloko mo ba ‘ko? Sino ko ba sa tingin mo na kaya mong sirain ang pamilya ko?”Tumawa nang malakas si Wendell habang tumingin siya nang mapanlait kay Charlie. Malinaw na hindi niya sineryoso si Charlie.“Wala ka na ba sa tamang pag-iisip, gagong baliw? Nangangarap ka ba ng gising? Mayroon ka bang ideya kung gaano kalaki ang kayamanan ng aming kumpanya?
Nang tumakas si Wendell sa eksena, pumasok na si Harold kasama ang kanyang kapatid, si Wendy, at ang kanyang nobyo, si Gerald.Isang batang lalaki na may suot na smart suit ang naglalakad sa tabi ni Gerald. Mayroong kaunting pagkakahawig sa kanilang dalawa.Nang nakita ni Harold si Wendell harap-harapan, mabilis niya siyang pinuntahan at sinabi, “Hey, Wendell! Nang pumasok ako kanina, narinig ko na mayroong nangyari sa pamilya mo. Totoo ba?”Agad niya siyang tinulak papalayo habang bumubulong, “Tapos na ako, tapos na, tapos na ako…”Tinanong nang nag-aalala ni Harold, “Mr. Jones, anong problema?”Umiling si Wendell sa sindak, hindi nangahas na magsalita.Sa ngayon, walang duda na kung may sasabihin siya na hindi niya dapat sabihin, siya ay magiging bangkay kinabukasan.Kaya, tinulak niya ang mga kamay ni Harold papalayo at tumakbo palabas na parang nakasalalay ang kanyang buhay.Tumingin si Harold kung saan siya tumakbo at nagbuntong-hininga. “Tumataya ako na katapusan na talag
Mabagal na tumayo si Charlie, habang ang lahat ay napanganga sa hindi paniniwala.Sa isang saglit, ang tingin ng lahat ng tao sa handaan ay nakatuon sa kanya.“Charlie, anong ginagawa mo! Umupo ka!” Sinabi nang matining ni Elaine sa takot.Hindi ba siya tumingin kung nasaan siya ngayon! Walang sinuman sa mga nakakatakot na boss dito ang nangahas na tumayo sa sandaling ito, pero anong hangarin ng talunan na ‘to upang agawin niya ang spotlight!Sina Gerald at Kevin ay tumingin sa isa’t isa at bumulong, “Pucha, siya ba talaga ang chairman ng Emgrand Group?”Pagkatapos nito, agad silang umiling.Impossible, kung siya talaga ang chairman, bakit siya pinapagalitan ng kanyang biyenan na babae ngayon?“Talunan, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Umupo ka!” Sinigaw na may tonong naiinis ni Harold sa entablado.Malamig na tumingin sa kanya si Charlie. Pagkatapos, habang hindi pinapansin ang gulat at nalilitong tingin ng lahat, dumiretso siya kay Doris at bumulong sa kanyang tainga.Bahag
Ang mga kabataan na mahilig sa mga panlabas na gawain ay karaniwang bukas at masigla, at karamihan sa kanila ay palakaibigan at madaling pakisamahan. Bukod dito, ang mga kabataan na ito ay puno ng sigla kina Charlie at Vera, kaya mabilis na nag-usap nang masaya ang lahat.Sobrang laki na impluwensya ni Helron sa grupong ito, at malinaw na ginagalang siya ng lahat. Napansin ni Charlie na parang hindi siya masyadong matanda, kaya tinanong niya siya nang mausisa, “Heron, estudyante ka ba o nagtatrabaho ka na?”Tumango si Helron at sinabi, “Estudyante pa ako. Nag-aaral ako sa United States dati. Isa akong Oskian American, at bakasyon ngayon, kaya gusto kong bumalik sa Oskia para mag-hike nang kaunti at maranasan ang ganda ng bansa natin.”Nagpatuloy siya, “Karamihan sa amin ay mga estudyante sa unibersidad. Kami nila Jung, Louie Mant, ay nag-aaral sa United States. Sina Shermaine at Bobbi ay galing sa Queenston University. Sina Perry Hinskey at Jenell Looten ay galing sa Blastun Univers
Kaharap ang imbitasyon ng binatang ito na nagngangalang Helron, taimtim na pumayag si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Kung gano’n, hindi na kami mahihiya sa inyo!”Tumawa si Helron at sinabi, “Hindi mo kailangan maging magalang nang sobra. Magkakaibigan tayo mula sa iba’t ibang lugar, ang pag-aalaga sa isa’t isa ay ang tradisyon ng mga hiker.”Pagkasabi nito, tinanong niya si Charlie, “Tol, anong pangalan mo?”Magsasalita na sana si Charlie nang ngumiti si Vera, na nasa tabi niya, at sinabi, “Charlesly Lavor ang pangalan ng boyfriend ko. Pwede mo siyang tawaging Charles!”Nagulat si Charlie. Naintindihan niya ang layunin ni Vera. Dahil, nandito sila para hintayin si Fleur. Kahit na totoong pangalan ito ni Charlie o ni Vera, siguradong pamilyar si Fleur sa kanila, kaya mas mabuti na iwasang gamitin ang totoong pangalan nila hangga’t maaari.Pero, hindi niya inaasahan na bibigyan siya ni Vera ng alias na ‘Charlesly Lavor’ at nag-isip pa ng palayaw na ‘Charles’ para sa kanya.Ini
“Sigurado ako!” Hinila ni Vera si Charlie sa tulay na bato-bato. Sa gitna ng tulay, tinuro niya ang isang basag na asul na bato at sinabi kay Charlie, “Nasira ito dahil sa isang natakot na kabayo. Ang may-ari nito ay isang mason ng bato na pumunta para magdala ng dalawang batong rebulto sa bagong mansyon ng pinuno ng Stoneridge. Nabalisa ang kabayo, nadulas, at halos bumagsak siya, at nahirapan itong umabante na tila ba baliw ito, binaliktad ang hinihila nitong kariton. Tumama ang isa sa mga rebulto sa batong ito, at nag-iwan ito ng basag dito.”Habang nagsasalita siya, nagpatuloy si Vera, “Nagkataon, sinamahan ko ang lolo ko mula sa Digerro town sa araw na iyon para batiin ang pinuno dito. Kaya, nagkataon na nakita ko ang buong pangyayari noong gumawa ng problema ang kabayo sa tulay.”Habang nakikinig si Charlie sa paglalarawan niya, hindi niya maiwasan na isipin ang eksena na sinabi niya.Sa sandaling iyon, isang babae na nasa seven o eight years old na may suot na tradisyonal na
Tulad ng sinabi ni Vera, sa buong buhay niya, hindi niya kayang maghiganti kay Fleur gamit ang lakas niya, pero kaya niyang harapin si Fleur gamit ang matinding tapang. Marahil ay ang pinakamagandang paraan para harapin niya si Fleur ngayon ay huwag mapansin ni Fleur na malapit siya sa kanya.Kaya, medyo naimpluwensyahan din si Charlie sa kanya at sinabi, “Kung gano’n, hindi na natin kailangan kumuha ng tao para palihim na maglagay ng mga monitoring equipment. Sasamahan kita dito at hihintayin si Fleur. Gusto kong makita kung sino ba talaga ang Fleur na ito!”Tinanong ni Vera sa sorpresa, “Young Master, sasamahan mo talaga ako?”Tumango si Charlie. “Oo.”Sinabi nang seryoso ni Vera, “Parang maglalakad tayo sa isang lubid sa bangin. Nakamamatay ang isang kamalian.”Tumawa si Charlie at sinabi, “Kung hindi ka takot, bakit ako matatakot?”Ngumiti nang bahagya si Vera, at puno ng katapatan ang kanyang mga mata habang sinabi, “Kuntento ako sa mga sinabi mo, Young Master, pero hindi ak
Hindi inaasahan ni Charlie na si Vera, na mukhang mahina at walang masyadong karanasan, ay may ganitong tapang. Malinaw na alam niya na hindi nila kayang tapatan ni Fleur. Sa sandaling magkita sila, halos sigurado na mamamatay sila.Dahil, dati, sinabi ni Ruby sa kanila na nabuksan na ni Fleur ang kanyang elixir field, mahigit isang daang taon na ang nakalipas, at ang ibig sabihin ay mas malakas na siya noong isang daang taon na ang nakalipas kaysa sa kasalukuyang lakas ni Charlie.Pero kahit gano’n, handa si Vera na kunin ang panganib.“Alam mo na wala tayong pag-asa na mabuhay laban kay Fleur. Sigurado ka ba na gusto mong kunin ang panganib dito?” Tinanong nang seryoso ni Charlie.Tumango nang seryoso si Vera, nakatingin kay Charlie nang disidido habang sinabi, “Sa mahigit tatlong daang taon, iniwasan ko siya. Naging maingat ako sa punto na hindi na ako tumatapak sa kahit anong lugar na may kaugnayan sa kanya sa halos buong buhay ko. Pero ngayon, kahit alam ko na marahil ay pupun
Bukod dito, kung may mangyayari, mahihirapan siyang protektahan si Vera.Mukhang alam na ni Vera ang iniisip ni Charlie. Ngumiti siya at naunang magsalita at sinabi, “Darling, huwag kang mag-alala. Bihira lang magkaroon ng malakas na hangin sa Yorkshire Hill, at mas bihira pa dito sa taas. Bukod dito, sobrang ganda ng panahon ngayon. Isang gabi lang tayo mananatili, kaya walang kahit anong malakas na hangin. Kahit na mayroon, hindi ito abot sa atin.”Hindi inaasahan ni Charlie na may ganitong hilaw na ideya si Vera, kaya sinabi niya, “Sige, Darling, bumaba muna tayo sa bundok at pag-usapan ito sa daan.”“Okay!” Tumango nang kuntento si Vera, kinabit ang kanyang braso sa braso ni Charlie, at sinabi nang malambing, “Kung gano’n, kailangan nating magmadali. Natatakot ako na kung mahuhuli tayo, wala nang matitira na maayos na lugar!”Habang pababa ang dalawa sa bundok at nang silang dalawa na lang sa paligid, nagsalita si Charlie, “Miss Lavor, seryoso ka ba sa sinabi mo?”Sumagot nang
Hindi maiwasan ni Vera na ngumiti nang kaunti nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie, at sinabi niya, “Young Master, kahit na kayang patayin ng mga close-defense missile si Mr. Jothurn, marahil ay hindi nila mapatay si Fleur. Bukod dito, si Fleur lang ang nakakaalam kung saan nag-cultivate si Master Marcius Stark. Young Master, mangyaring magtiis ka pa nang kaunti at huwag mong tapusin ang buhay ni Fleur dito.”Tumawa nang masaya si Charlie, “Sinasabi ko lang ang mga pakiramdam ko. Kahit na may makakapagdala ng mga close-defense missile dito, hindi ko magagamit ang mga ito dito.”Tumango nang bahagya si Vera at sinabi, “Young Master, walang mga camera dito. Mangyaring hintayin mo ako saglit. Magbibigay galang ako sa mga ninuno ng mga Lavor.”Tumango sa maginoong paraan si Charlie at sinabi, “Hihintayin kita dito.”Ngumiti si Vera na parang humihingi siya ng tawad, pagkatapos ay naglakad sa malapit na gubat ng mga pine.Makalipas ang limang minuto, naglakad si Vera pa
Ngumiti si Charlie at sinabi, “Huwag kang mag-alala, hindi ako padalus-dalos na tao. Alam ko ang mga limitasyon ko.”Huminga nang maluwag si Vera, “Mabuti naman…”Pagkatapos nilang umakyat sa unang undok, inakyat nila ang bundok na parang likod ng isang pagong. Dahil ito ang ruta sa pangalawang bundok, marami pa rin ang mga tao dito tulad sa unang bundok.Ipinakilala ni Vera kay Charlie, “Parang likod ng isang pagong ang bundok na ito. Tinatawag itong Mount Turtle Back. Isa itong bihirang kayamanan na lupa dito. Noong isang lokal na pinuno ang lolo ko, nagsikap siya na piliin ang bundok na ito bilang ancestral tomb ng pamilya namin.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Ang buong bundok ba na ito ang ancestral tomb ng pamilya ng lolo mo?”Tumango si Vera at sinabi, “Tama. Maganda ang Feng Shui dito, parang isang dragon na nakapalibot sa bundok. Itinuturing ito na sobrang swerte. Ang pagpili sa lugar na para paglagyan ng ancestral tomb ay kayang biyayaan ang mga susunod na henerasyon
Nang bumalik si Vera sa Stoneridge makalipas ang mahigit tatlong daang taon, hindi na ito kagaya ng dati. Kahit na nandoon pa rin ang Ensel Bay, nabago na nang sobra ang hitsura nito dahil sa ilang siglo na pag-unlad kumpara sa nakaraang tatlong daang taon.Habang nakatayo sa malagong mga kalye ng Stoneridge, hindi tugma sa memorya ni Vera ang kasalukuyang eksena. Buti na lang, hindi malaki ang mga pagbabago sa bundok. Sa kabila ng ilang rurok na medyo minina, hindi nagbago masyado ang kabuuang tanawin.Pagkatapos itong makita ni Vera, natukoy niya na ang libingan ng kanyang ama ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng kasalukuyang bayan ng Stoneridge, sa likod ng medyo mininang rurok at ang bundok na parang isang shell pagong.Iniwan nina Charlie at Vera ang kotse sa bayan at nagsuot ng magkaparehong sapatos na maagang inihanda ni Vera. Pagkatapos ay umakyat sila papunta sa mga bundok.Habang umaalis sila, tahimik na pinagana ni Charlie ang kanyang mental cultivation method, itinago