Share

Kabanata 14

Author: Lord Leaf
Nasindak si Jane dahail sa kagulat-gulat na pagpasok ng mga lalaki, iniisip kung sila ba ay nandito para sa kanya.

Agad niyang tinigil ang kaisipan na iyon!

Imposible! Ang talunan na ‘yon ay walang kilala na makapangyarihan.

Lumabaas si Stephen sa pangatlong kotse at naglakad papasok sa Emerald Court. Mabilis na binati siya ni Jane, ngunit hindi niya siya pinansin at dumiretso kay Charlie.

“Young Master, narito ako at dala ang pera.”

Pagkatapos, suminenyas si Stephen gamit ang kanyang kamay. Ang mga malalaking bodyguard ay pumasok sa tindahan, nilapag ang maleta, at binuksan ito.

Ito ay puno ng pera hanggang sa ilalim!

Ang lahat ay nakanganga sa sobrang gulat!

Letse!

Ang talunan… Hala! Totoo nga ang sinabi ng lalaki!

Letse! Sino siya!

Maraming tao ang nilabas ang kanilang selpon, sinubukang kumuha ng litrato o kunan ng bidyo. Ayaw nilang palampasin ang nakakagulat na eksenang ito.

Agad nilinis ng mga bodyguard ni Stephen ang lugar at tinulak sila palabas ng tindahan. Ang nakunan lamang nila ng litrato ay ang likod ng ulo ni Charlie.

Tinuro ni Charlie ang pera at sinabi kay Jane, “Diba sinabi mo na hindi ka pa nakakakita ng ganito karaming pera? Tignan mo ito nang mabuti ngayon.”

Habang gulat at tulala, binulong ni Jane habng tumatango nang masigla, “Oo, nakita ko, nakikita ko na…”

Sinabi ni Charlie kay Stephen, “Gusto kong makita ang tagapamahala ng tindahan na ito.”

Tumango si Stephen, kinuha ang kanyang selpon, naghanap sa kanyang listahan ng tatawagan, at tumawag.

Sa sandaling may sumagot sa kanyang tawag, siya ay sumigaw, “Bastardo. Ako si Stephen Thompson! Nandito ako ngayon sa Emerald Court. Bibigyan kita ng isang minuto para pumunta dito, o susunugin ko ang tindahan at pagkatapos ay babaliin ko ang mga binti mo!”

Dumaloy ang dugo sa mukha ni Jane, ang kanyang mga mata ay puno ng takot nang tumingin siya kay Stephen.

Sino ang lalaking ito? Gano’n ba siya kalakas?

Ang kanyang amo ay isang mataas na lalaki sa Aurous Hill at siya rin ay konektado sa ‘organized’ na grupo. Lahat ay nirerespeto at ginagalang siya! Hindi siya makapaniwala na mayroong tao na kakausap sa kanya nang gano’n!

Hindi pa lumilipas ang isang minuto nang dumating ang isang mataba at di gaano katandang lalaki mula sa kanyang opisina sa likod ng tindahan. Siya ay mabilis na tumakbo sa sandaling nakita niya si Stephen at sinabi, “Mr. Thompson, talagang isang malaking karangalan na pumunta ka sa aking tindahan. Bakit hindi mo sa akin pinaalam nang mas maaga, ako na sana ang babati sa iyo.”

Binato ni Stephen ang kanyang kamay sa mukha ng lalaki, sinampal siya, at sinabi nang galit, “Hindi ba masyado kang mayabang? Nangahas pa ang iyong tauhan na abusuhin ang aming young master nang ganito. Pagod ka na bang huminga?”

Alam ni Stephen na naging malungkot ang buhay ng kanilang young master sa nakaraang dekada, kaya siya ay sobrang nabalisa nang siya ay minaltrato ng isang mababang tauhan.

Ang bilog na lalaki ay kaunting naagrabyado nang siya ay sinampal sa mukha, ngunit nang marinig ang sinabi ni Stephen, siya ay napaatras sa gulat.

Ang young master ni Stephen Thompson? Grabe, kung ang katayuan ni Stephen ay parang isang dragon sa mundo ng mga mortal, ang kanyang young master ay isang diyos sa langit!

Ang kanyang katawan ay nanginig sa takot. Siya ay tumingin kay Charlie na nakatayo sa tabi ni Stephen. Ang batang lalaki ay parang isang ordinaryong mamamayan, ngunit siya ang young master ni Stephen Thompson!

Ang matabang lalaki ay gumapang sa kanyang mga tuhod at sinabi, “Young… Youong Master, patawad talaga, mangyaring tanggapin mo ang aking paghingi ng tawad.”

Pagkatapos ay tumingins siya nang galit sa kanyang mga tauhan at sumigaw, “Sinong ignoranteng bastardo ang nagagalit sa young master? Magpakita ka!”

Ang lahat ng mga tauhan ay agad na lumipat nang tingin kay Jane.

Gustong umatras ni Jane ngunit tumalon sa kanya ang matabang lalaki, sinunggaban ang kanyang kwelyo, at sinampal siya habang nagmumura, “Ikaw ignorante na asong babae, gaano ka kangahas upang galitin ang ating young master! Isa kang bulag at bobo!”

Yumukyok si Jane sa sahig pagkatapos siyang sampalin at umiyak, “Boss, patawad. Opo, opo, ako ay isang bulag at bobo, patawarin mo po ako, pakiusap!”

“Patawarin ka?” Sinunggaban ng matabang lalaki ang kanyang buhok, hinila ang kanyang mukha, at sinuntok siya sa kanyang mukha gamit ang kanyang malaking kamao.

Sa sunod-sunod na suntok, dugo ang dumaloy sa kanyang mukha.

“Letse ka asong babae! Gusto mo akong kaladkarin sa impyerno, hindi ba? Bago mo ako patayin, papatayin muna kita!”

Iang ngipin ang natanggal sa bibig ni Jane, ang kanyang ilong na ginastusan niya nang malaki para sa plastic surgery ay nasira, at ang kanyang mukha ay literal na natabunan ng dugo.

Siya ay nagpumiglas at nakawala sa matabang lalaki. Siya ay gumapang papunta kay Charlie, hinawakan ang kanyang binti, at umiyak, “Young Master, patawarin mo po ako. Hindi ko na ito uulitin, hindi na ako manghuhusga ng mga tao tulad nang ginawa ko. Pakiusap, pakiusap at patawarin mo po ako.”

Tumingin nang malamig sa kanya si Charlie at sinabi, “Buti nga sa’yo!”

Ang matabang lalaki ay nagulantang nang makita siyang hinawakan ang binti ni Charlie. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanya at tinadyakan ang kanyang ulo, at sumigaw, “Gaano ka kangahas na hawakan ang binti ng young master! Papatayin kita!”

Sa isang tadyak, si Jane ay hinimatay at nawalan ng malay.

Tinawag ng lalaki ang mga guwardiya sa pintuan, “Itapon niyo ang asong babae na ito sa tambakan ng mga basura sa eskinita!”

“Sige, boss!” Agad na dinampot ng mga guwardiya ang duguan na si Jane at inilabas siya sa tindahan.

Tumingin nang blangko si Charlie sa matabang lalaki at sinabi, “Gusto ng asawa ko ang kuwintas na gawa sa jade na ito. Balutin niyo na.”

Tumango nang masigla ang matabang lalaki at sinabi, “Sige po, gagawin ko na kaagad!”

Kinuha ni Charlie ang black card at sinabi, “Gamitin mo ang card na ito.” Pagkatapos, tumingin siya kay Stephen at sinabi, “Pwede mo nang kunin ang mga pera.”

Mabilis na sumingit ang matabang lalaki, “Young Master, dahil gusto mo ang kuwintas na gawa sa jade, kunin mo nalang, ako na ang bahala!”

Sinabi ni Charlie, “Hindi ko kailangan na ibigay mo sa akin ito nang libre.”

Sinabi nang nahihiya ng matabang lalaki, “Young Master, pakiusap at tanggapin mo ito bilang tanda ng pasasalamat mula sa akin!”

Sinabi ni Stephen kay Charlie, “Sir, dahil sa kagustuhan niyang magsisi para sa kanyang pagkakamali, pakiusap at tanggapin mo ito. Kung hindi, sa tingin ko ay hindi siya makakatulog ngayong gabi.”

Pagkatapos mag-alangan nang isang saglit, tumango nang marahan si Charlie. “Sige, salamat sa mapagbigay na regalo.”

Nagbuntong-hininga sa kaluwagan ang matabang lalaki nang tinanggap ni Charlie ang kuwintas. Kung hindi niya ito tinanggap, siya ay talagang natatakot na hindi siya pakakawalan ni Stephen. Gamit ang kanyang impluwensya at abilidad, ang pagpapawala sa kanya sa mapa ay kasing dali nang pagpitik sa kanyang daliri.

Pagkatapos, nagtanong si Stephen, “Sir, kailangan mo ba ng maghahatid?”

“Hindi na, salamat” Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay at sinabi, “Nasaan ang pinto niyo sa likuran? Pupunta ako mag-isa.”

Ang mga manonood ay tila ba sila ay pumasok sa isang panibagong mundo!

Ilang Rolls-Royce ang pumunta upang dalhin ang labintatlong milyong dolyar na pera upang bilhin ang isang piraso ng jade.

Ang nangyari ay binigay ito nang libre sa kanya ng may-ari ng Emerald Court!

Sino ang lalaking mukhang ordinaryo at hindi kapansin-pansin? Saan siya nagmula?

Maraming tao ang nag-post ng bidyo ng pangyayari sa internet at mabilis itong naging usapin.

Ang mga netizen ay tinawag ang misteryosong lalaki na ‘ang sobrang yamang lalaki’, ‘Ang mapanlinlang na amo’, ‘misteryosong mayaman’, at iba pa. Mayroon pang aktibidad na tinawag na ‘ang paghahanap sa misteryosong mayaman na lalaki’ na mayroong maraming tao ang nakilahok.

Sa kabutihang-palad, nang kinukuha nila ang bidyo, sila ay tinulak papalabas ng tindahan ng mga bodyguard, kaya ang imahe ni Charlie sa kanilang mga bidyo ay sobrang malabo at hindi ito magagamit na sanggunian para sa paghahanap.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6613

    Talagang nagulat si Matilda sa mga pagmamakaawa ni Jimmy, at pati si Paul ay nahirapan panoorin ang eksena.Humarap siya kay Charlie at sinabi, "Pakiusap, Mr. Wade—maaaring kasuklam-suklam ang tito ko, pero kapatid pa rin siya ng ama ko. Pakiusap, bigyan mo siya ng pagkakataong magbago, lalo na’t tapat naman siyang nagsisisi."Habang kausap ni Paul si Charlie, litong-lito pa rin si Jimmy at nagtataka kung bakit kay Charlie siya nakikiusap imbes na kay Julien.Kung may dapat lapitan si Paul, si Yolden iyon dahil kaibigan siya ni Julien.Kaya bakit sa isang batang lalaki siya humihingi ng tulong imbes na kay Yolden?Doon nagtanong si Charlie na may halong pagtataka, "Gusto mo siyang pagbigyan? Matapos niyang subukang agawin ang legasiya ng mga magulang mo?"Napangiti si Paul nang nahihiya. "Ibig kong sabihin, kilala ko siya. Nagpunta pa siya rito para lang gumawa ng gulo dahil wala naman siyang kahit anong legal na basehan para angkinin ang Smith Group Corporate Law mula sa amin. K

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6612

    Nang matapos si Julien, napansin niyang may mali at bigla siyang lumingon kay Charlie.Hinarap siya ni Charlie, ang ekspresyon niya ay may halong pagtatanong at aliw.Nilinis ni Julien ang kanyang lalamunan. "Tingnan mo, may mga tao na pwede akong utusan, pero iginagalang ko sila ng lubos. Pero ikaw, isang third-rate na abogado? Sino ka ba sa tingin mo?"Doon tumawag ang butler ni Julien, at nag-ulat nang magalang sa sandaling sinagot ang tawag, "Sir, nakipag-usap na po ako kay Nate Ellis, ang may-ari ng Ares LLC. Pumayag na siyang tanggalin si Jimmy Smith agad at i-disbar siya sa buong bansa."Tinanong ni Julien, "Magaling. May iba pa ba?""Ah, naghatid din po si Mr. Ellis ng ilang dokumento na pwedeng gamitin bilang ebidensya laban kay Jimmy Smith, at sinasabi niyang sapat na iyon para sa habambuhay na sentensya. Kung kailangan mo, pwede natin itong ipadala sa FBI.""Oo, gawin natin iyon!" sagot ni Julien, halatang nakuntento. "At sabihan ang direktor na asikasuhin ito mismo—gu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6611

    Nagpawis nang sobra si Jimmy sa takot, pero hindi niya namamalayan na nakikipagtalo na siya, "Imposible iyan! Kalokohan ang lahat ng sinasabi mo! Iniisip lang ni Gaiman na may patas siyang tsansa at ayaw niyang bayaran ng ganun kalaki ang Ares, at wala akong ideya kung sino ang kanyáng partner, at tiyak na hindi ako kasangkot. Huwag mo akong siraan!"Tumawa si Nate. "Ano ba, Jimmy. Lahat tayo ay matanda na, kaya may mga bagay na hindi mo kailangan sabihin nang diretso. Paulit-ulit na nagkita si Mills Gaiman at ang dating kaklase mo nang pribado, hindi pa kasama ang mga lihim na conference ninyong tatlo, pinag-uusapan ang kabuuang strategy at mga importanteng punto. Para alam mo, ni-record ni Gaiman ang bawat usapan, at hawak ko ang mga tape."Tumibok nang malakas ang puso ni Jimmy habang sinabi, "K-Kalokohan! Imposible iyan!""Tumanda ka na, Jimmy," tumawa si Mr. Goodman. "Lahat ng partner sa bawat law firm ay nagsusumikap umangat, kaya kailangan ko ang lahat ng kalamangan na makuku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6610

    Kahit pareho lang ang ringtone at vibration frequency na palagi niyang ginagamit, may kakaibang bigat ang tawag na ito, dahilan para makaramdam si Jimmy ng matinding kaba.Nang bigla itong tumigil at mag-iwan ng missed call sa log niya, agad namang nagpadala ng mensahe si Nate Ellis: [Sagutin mo agad ang cellphone mo ngayon din!]Sa simpleng pagbasa pa lang ng mensahe, parang nanuyo na ang lalamunan ni Jimmy, at nang lumunok siya, pakiramdam niya ay parang napunit ang kanyang lalamunan sa sakit.Gayunpaman, wala na siyang pakialam nang tumawag muli ang boss niya.Matapos makita ang mensahe, hindi na nag-atubili si Jimmy at agad sinagot ang tawag, nakatingin sa mapagmataas na mukha ni Julien habang nanginginig niyang sinabi, "O-Opo, boss…?"Agad siyang sinigawan ni Nate na parang baliw, "Ano bang ginawa mo?! Bakit tumawag ang mga Rothschild para magreklamo tungkol sayo?! At ang nagreklamo pa mismo ay ang tagapagmana nila! Ilang taon akong nagpakahirap para sa kanila at palaging sum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6609

    Galit na sumagot si Jimmy kay Julien, "Kung nagpupumilit ka talaga sa larong ito, tatawagan ko ang boss ko, at ikaw mismo ang makipag-usap sa kanya!"Tumawa si Julien. "Hindi na kailangan. Hindi ko pa siya nakikilala. Hindi niya talaga makikilala ang boses ko."Natawa si Jimmy at tumango kahit nairita. "Ang galing—kayang-kaya mo mag-isip ng kahit ano! Wala kang numero niya dahil mas mababa siya sa iyo, ayaw mong tumawag dahil mas mababa siya sa iyo, at nang sabihin kong tatawag ako para sayo, sinabi mo na hindi niya makikilala ang boses mo. Eh paano natin aayusin ito? Patunayan mo man lang na Rothschild ka, kasi kahit sino ay pwede lang magsabi na ganoon sila—"Itinaas ni Julien ang kamay niya para pigilan siya. "Eh, paano kung ganito? Sasabihin ko sa butler ko na kausapin ang boss mo."Tumawa nang mas malakas si Jimmy na para bang ito na ang pinakanakakatawang biro. "Hahaha!!! Butler, sabi mo?! Marunong ka talagang magpatawa! Sige, maghihintay ako at titingnan kung ano ang kayang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6608

    Natural lang na wala talagang pakialam si Jimmy sa mungkahi ni Julien. Tiningnan pa niya ito mula ulo hanggang paa habang mapanlait na ngumingisi. "Ano, sa tingin mo susunod ako sa kahit sinong baliw dahil lang sinasabi niyang siya ang tagapagmana ng mga Rothschild?"Tumango si Julien habang nakangiti pa rin. "May punto ka, pero huwag kang mag-alala—pareho lang kung ikaw ang tatawag sa kanya o siya ang tatawag sa iyo."Natawa si Jimmy. "Binibigyan na kita ng pagkakataong umatras, pero gusto mo pang subukin ang swerte mo? Dahil ayaw mong tumigil, tingnan natin kung paano mo tatapusin ito."Pagkatapos, nagkibit-balikat siya habang itinuturo si Yolden. "Mukhang perpektong pagkakataon ito para masukat ang magiging asawa ni Matilda."Batay sa nakita niya kay Yolden, imposible para kay Jimmy na paniwalaan ang mga sinasabi ni Julien, kaya itinuring niya na agad itong isang impostor sa isip niya.Isang karaniwang lecturer sa Aurous Hill na kaibigan ang tagapagmana ng mga Rothschild? Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status