Hinalukipkip ni Sabrina ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at sinabi sa mapagmataas na tono, “Oo, kinamumuhian kita, ano naman? Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagpuna ko, talunan?”“Alam ng lahat ng tao sa kolehiyo na pinakasalan mo si Claire at naging manugang ka na nakatira sa kanilang bahay pagkatapos makatapos! Isang miserableng talunan na hindi makabili ng maayos na pagkain sa kolehiyo at naging laruang lalaki pagkatapos makatapos! Paano ka naglakas-loob na humingi ng tulong sa akin kung isa kang malaking talunan? Sino ka ba sa tingin mo?”Galit ang unti-unting nagliliyab sa loob ni Charlie.Ang isang tao ay hindi aatake maliban kung siya ang unang inatake. Sumosobra na si Sabrina!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe sa selpon mula kay Stephen. “Young Master, ang Shangri-La Hotels and Resorts ay pagmamay-ari ng pamilya Wade. Ang Shangri-La ng Aurous Hill ay isa lamang sa maraming nating Shangri-La sa buong mundo.”Ang mga mata ni Charlie ay lumiit sa
Mabilis na nagpakita ng pekeng ngiti si Sabrina at sinabi nang nambobola kay Charlie, “Class rep, maligayang pagdating sa Shangri-La. Karangalan namin na binisita mo kami at malaking kasiyahan din ito para sa akin na dati mong kaklase sa kolehiyo. Pumasok po kayo…” Akala niya na gamit ang kanyang papuri at banayad na tono ay makakalimutan ni Charlie ang bastos na ugali niya sa kanya kanina.Sa kasamaang-palad, si Charlie ay hindi kasing bait tulad ng iniisip niya.Napanganga sa sorpresa si Isaac nang marinig ang sinabi ni Sabrina at mabilis na tinanong, “Lee, kaklase ka ni Mr. Wade sa kolehiyo?”“Opo, opo!” Sinabi nang nabalisa ni Sabrina, “Si Mr. Wade ang aking class rep noong kami ay nasa kolehiyo, magkalapit kami sa isa’t isa!”Inanunsyo agad ni Isaac, “Pumunta ka sa opisina ng pangulo bukas. Ikaw ang magiging HR manager sa Shangri-La!”Sa Shangri-La, ang promosyon mula sa tagapamahala ng pangkat at HR manager ay tatlong antas na magkalayo. Hindi lamang tataas ng sampung bese
Pumunta sina Claire at ang kanyang pamilya sa Kempinski upang maghapunan habang si Wendell ay nagtatampo sa kanilang bahay.Nakita niya ang pahayag sa official page ng Emgrand Group, siya ay malungkot at matamlay.Akala niya na imposibleng makakuha ng kontrata si Claire, ngunit sa hindi inaasahan, kalahating oras lamang ang kailangan niya upang makakuha siya ng animnapung milyong dolyar na kontrata. Sa sandaling ito, tumawag si Harold upang magreklamo sa kanyang sitwasyon. Sinabi niya sa sandaling may sumagot sa tawag, “Hoy, Wendell, anong meron! Tapat akong gumawa ng pagkakataon para sa iyo upang ligawan ang aking pinsan, pero tinalikuran mo ako at tinulungan siyang kumuha ng kontrata sa Emgrand. Paano mo nagawa sa akin ‘to?”Umiling si Wendell nang mapanghamak. ‘Ano? Wala akong ginawa!’Nagtanong uli si Harold, “Wendell, maging tapat ka sa’kin. Nakipagtalik ka ba sa pinsan ko?”Sa parehong oras, masyadong mapapahiya si Wendell kung tatanggi siya na wala siyang kinalaman sa lah
“Sino ka ba sa tingin mo?”Tumingin nang may panlalait si Wendell kay Charlie habang malamig niyang sinabi, “Isa ka lamang talunan, hindi mo nga kayang bantayan ang asawa mo. Sobrang sayang si Claire sa iyo, bakit hindi mo na lang siya pakawalan para mapunta siya sa akin? Mabibigay ko lahat ng gusto niya!”Isang patong ng yelo ang lumilipad sa ilalim ng mukha ni Charlie. Nagsimula siya sa malamig at mababang boses, “Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian. Una, humingi ka ng tawad kay Claire at bawiin mo ang lahat ng sinabi mo sa harap ng mga tao o pangalawa, ibabagsak ko ang kumpanya ng pamilya mo. Magpasya ka na ngayon.”“Hahaha! Niloloko mo ba ‘ko? Sino ko ba sa tingin mo na kaya mong sirain ang pamilya ko?”Tumawa nang malakas si Wendell habang tumingin siya nang mapanlait kay Charlie. Malinaw na hindi niya sineryoso si Charlie.“Wala ka na ba sa tamang pag-iisip, gagong baliw? Nangangarap ka ba ng gising? Mayroon ka bang ideya kung gaano kalaki ang kayamanan ng aming kumpanya?
Nang tumakas si Wendell sa eksena, pumasok na si Harold kasama ang kanyang kapatid, si Wendy, at ang kanyang nobyo, si Gerald.Isang batang lalaki na may suot na smart suit ang naglalakad sa tabi ni Gerald. Mayroong kaunting pagkakahawig sa kanilang dalawa.Nang nakita ni Harold si Wendell harap-harapan, mabilis niya siyang pinuntahan at sinabi, “Hey, Wendell! Nang pumasok ako kanina, narinig ko na mayroong nangyari sa pamilya mo. Totoo ba?”Agad niya siyang tinulak papalayo habang bumubulong, “Tapos na ako, tapos na, tapos na ako…”Tinanong nang nag-aalala ni Harold, “Mr. Jones, anong problema?”Umiling si Wendell sa sindak, hindi nangahas na magsalita.Sa ngayon, walang duda na kung may sasabihin siya na hindi niya dapat sabihin, siya ay magiging bangkay kinabukasan.Kaya, tinulak niya ang mga kamay ni Harold papalayo at tumakbo palabas na parang nakasalalay ang kanyang buhay.Tumingin si Harold kung saan siya tumakbo at nagbuntong-hininga. “Tumataya ako na katapusan na talag
Mabagal na tumayo si Charlie, habang ang lahat ay napanganga sa hindi paniniwala.Sa isang saglit, ang tingin ng lahat ng tao sa handaan ay nakatuon sa kanya.“Charlie, anong ginagawa mo! Umupo ka!” Sinabi nang matining ni Elaine sa takot.Hindi ba siya tumingin kung nasaan siya ngayon! Walang sinuman sa mga nakakatakot na boss dito ang nangahas na tumayo sa sandaling ito, pero anong hangarin ng talunan na ‘to upang agawin niya ang spotlight!Sina Gerald at Kevin ay tumingin sa isa’t isa at bumulong, “Pucha, siya ba talaga ang chairman ng Emgrand Group?”Pagkatapos nito, agad silang umiling.Impossible, kung siya talaga ang chairman, bakit siya pinapagalitan ng kanyang biyenan na babae ngayon?“Talunan, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Umupo ka!” Sinigaw na may tonong naiinis ni Harold sa entablado.Malamig na tumingin sa kanya si Charlie. Pagkatapos, habang hindi pinapansin ang gulat at nalilitong tingin ng lahat, dumiretso siya kay Doris at bumulong sa kanyang tainga.Bahag
Pagkatapos lumabas ni Charlie sa pinto, nakita niya na hindi pumunta nang malayo si Claire. Siya ay nakaupo sa sulok ng isang poste, umiiyak sa lungkot. Mabagal niya siyang pinuntahan, hinubad ang kanyang coat, at pinatong ito kay Claire, at sinabi, “Mahal, huwag kang malungkot. Hindi naman gano’n kataas ang posisyon ng direktor sa Wilson Group, mas mahusay ka doon...”“Hindi, hindi mo naiintindihan. Kung ako ang naging direktor, makakalakad ulit nang taas-noo ang mga magulan ko sa pamilya. Paano nagawa ni lola na hindi tuparin ang pangako…” malungkot at nalulumbay na sinabi ni Claire.Nagpatuloy si Charlie, “Sinong nakakaalam? Siguro magmamakaawa sila para gawin kang direktor. Tingnan mo ang sarili mong hitsura na umiiyak, hindi ka magiging maganda kapag pupunta ka na sa entablado mamaya...”“Wala na, impossible. Inanunsyo na ni lola, hindi na niya babawiin. Pumunta ka na, bumalik ka sa loob. Hayaan mong mag-isa ako…”Sa sandaling ito, tumakbo rin palabas sina Lady Wilson at Har
Bumalik ang lahat sa kanilang mga upuan habang naglakad si Lady Wilson sa entablado hawak ang kamay ni Claire.Nagpakita siya ng banayad at matamis na ngiti habang sinabi, “Pasensya na talaga sa nangyari kanina, nagkamali ako. Sa totoo lang, so Claire ay isang magaling na supling ng aming pamilya Wilson. Nang dahil sa kanya, nakakuha kami ng isang malaking kontrata sa Emgrand Group. Malaki ang pagsisikap na ginawa niya upang makamit ang kamangha-manghang tagumpay.”Habang nakatayo sa tabi nila, nakatingin nang mapanghamak si Doris sa matandang babae. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay, sumenyas upang itigil niya ang kanyang pagsasalita, at sinabi, “Hayaan mong itama ko ang mga bagay. Hindi lamang malaki ang ginawang pagsisikap ni Miss Claire para sa proyektong ito ngunit nakamit niya rin ito nang mag-isa. Walang kinalaman ang sinuman dito.”Ang boses niya ay bastos at walang pakundangan, pero sanay na ang lahat dito. Sa katayuan ng Emgrand Group sa siyudad, kahit pa sampalin ni Doris
Tumango si Mr. Chardon, bumuntong hininga, at sinabi, “156 years old na ako ngayong taon.”“156 years old?” Sinabi ni Samadius habang may mapaghangad na tingin sa kanyang mukha, “Hindi ka man lang mukhang 156 years old…”Sinabi nang kalmado ni Mr. Chardon, “Ito ang mga benepisyo pagkatapos ma-master ang Reiki. Tatlong siglo na akong nabubuhay; ang 19th, 20th, at 21st century. Hindi na ako magkakaroon ng pagsisisi sa buhay kung aabot ako ng 22nd century.”Nabigla si Samadius. Lumuhod ulit siya at yumuko sa harap ni Mr. Chardon habang nagmakaawa, “Master Coldie, pakiusap at ituro mo sana sa ako ang paraan ng pagpapahaba ng buhay! Kung papayag ka, handa akong sundan ka sa buong buhay ko para magamit mo! Susundin ko ang lahat ng hiling mo nang walang pag-aatubili!”Mahigit pitumpung taon na simula noong pumasok si Samadius sa Taoist Sect, at sa sandaling ito, nasa parehong estado siya ni Mr. Chardon noong unang umalis siya sa Cohmer Temple.Buong araw siyang nag-eensayo ng Taoism at g
Sa mga nagdaang taon, bumalik siya nang ilang beses sa Oskia gamit ang iba’t ibang pagkakakilanlan, pero kahit kailan ay hindi siya bumalik sa Cohmer Temple.Ito ay dahil ayaw niyang malaman ng mga disipulo niya sa Cohmer Temple na nadiskubre na niya ang paraan ng mahabang buhay.Sa opinyon niya, dumaan siya sa lahat ng uri ng paghihirap bago siya sa wakas nakapasok sa landas ng Taoism, kaya hindi dapat malaman ng kahit sinong nakakakilala sa kanya ang sikreto na ito, kasama na ang mga tao sa Cohmer Temple.Pinili niyang pumunta sa Cohmer Temple ngayong araw dahil wala siyang mahanap na kahit anong bakas tungkol sa kinaroroonan ni Vera pagkatapos ng mahabang panahon.Patuloy siyang inuudyok ng British Lord na pumunta sa Aurous Hill. Kaya niyang antalain ito ng tatlo hanggang limang araw pero hindi tatlo hanggang limang buwan. Ayon sa ugali ng British Lord, siguradong bibigyan niya siya ng dalawa o tatlong araw na lang, kaya walang nagawa si Mr. Chardon kundi humanap ng mga katulong
Sinundan ni Mr. Chardon ang binatang Taoist priest sa reception hall sa middle yard ng Cohmer Temple. Ito ang reception room sa Cohmer Temple na ginagamit para aliwin ang mga abbot at overseer mula sa ibang Taoist temple o peregrino na may malaking ambag sa Taoist temple.Pagkatapos sabihan si Mr. Chardon na maghintay dito, nagmamadaling tumakbo ang binatang Taoist priest para i-report ito sa kanyang master.Sa Cohmer Temple, karamihan ng tao na nananatili sa front yard nang matagal ay ang mga junior Taoist priest na may medyo mababang kwalipikasyon, kaya naatasan sila na panatilihin ang kaayusan ng mga turista at mga mananampalataya sa yard habang naglilinis, inaayos ang mga istatwa ng templo, at inaayos ang mga alay.Kaya, kung gustong i-report ng binatang Taoist priest ang balita sa overseer, kailangan patong-patong ang daan ng mensahe, at ang dami ng antas ng paglilipat ay higit sa inaasahan ng binatang Taoist priest.Makalipas ang dalawampung minuto, isang matandang lalaki na
Kahit na may parehong titulo ang Taoist at Buddhist abbot, may sobrang magkaibang gampanin sila. Ang Buddhist abbot ang may pinakamataas na posisyon at kapangyarihan sa templto at siya ang namamahala sa mga gawain ng templo, habang ang pangunahing responsibilidad ng Taoist abbot ay ipangaral ang mga banal na kasulatan. Ang Taoist abbot ay parang isang senior professor sa Taoist temple, pero ang taong may pinakamataas na kapangyarihan sa pamamahala ay ang overseer.Si Mr. Chardon, na may suot na Taoist robe, ay tumingala sa gate ng Cohmer Temple nang ilang sandali, pagkatapos ay pumasok sa gate.Ang buong Cohmer Temple ay nahahati sa tatlong courtyard, na tinatawag na front, middle, at back. Bukas lang ang front yard sa mga mananampalataya at peregrino. May ilang hall dito, lalo na ang Trinity Hall, na inilaan para sa Three Supreme Gods ng Taoism.Ang middle at back yard ay ang mga panloob na lugar ng Cohmer Temple kung saan nakatira at nag-aaral ng Taoism ang mga abbot at ang mga di
Sinabi nang seryoso ni Jacob, “Zachary, ayokong magtunog magaspang, pero dapat mahalin mo ang kahit anong trabaho na kukunin mo. Kung gusto mo ang antique business, dapat ay may etika ka ng isang propesyonal.”Tumango si Zachary at sinabi, “Hindi ba’t ito ay dahil gusto ko munang kumita ng ilang pera? Hindi pa huli para sa akin na paunlarin ang etika ko ng isang propesyonal pagkatapos kong kumita ng ilang pera. Dahil, hindi ba’t may kasabihan na dapat bumili ang isang tao ng ticket pagkatapos sumakay sa bus?”Kumulot ang mga labi ni Jacob sa panghahamak, tumingin sa stall ni Zachary, umiling, at sinabi, “Oh, mas lalo kang paatras kapag nagtatrabaho ka. Nakikita ko na peke ang bawat bagay sa stall mo.”“Oo, tama ka.” Sinabi nang masigasig ni Zachary, “Mr. Jacob, matalas talaga ang paningin mo para sa mga produkto. Hindi makakatakas sa mga mata mo ang mga magagandang bagay, at gano’n din para sa mga peke.”Ngumiti si Jacob, pinulot ang Thunderstrike wood sa gitna ng stall, tiningnan
Hindi niya mapigilang isipin, ‘Mukhang hindi ko kayang itapon ang antique business na ito. Kalahati ng kasiyahan ko ay galing sa lugar na ito… Pwede akong pumunta dito at magsaya paminsan-minsan kung hindi ako abala sa trabaho ko kay Don Albert sa hinaharap.’Masayang gumagawa ng plano si Zachary sa kanyang isipan nang isang pamilyar at malugod na boses na may halong bakas ng sorpresa ang narinig niya, “Oh, Zachary, kailan ka bumalik para magtayo ulit ng isang stall?”Tumingin si Zachary at sinabi nang may magalang na ekspresyon, “Oh, Mr. Jacob! Medyo matagal na kitang hindi nakikita!”Ang taong nagsalita ay walang iba kundi ang biyenan na lalaki ni Charlie, si Jacob.Kahit na si Jacob na ang vice president ng Calligraphy and Painting Association, ang pagmamahal niya para sa mga antique ay gano’n pa rin tulad ng dati.Kailan lang, hindi maayos ang pakiramdam niya pagkatapos niyang matalo sa pag-ibig, kaya medyo matagal siyang hindi pumunta dito.Bumalik nang kaunti ang kalooban n
Kahit na mahigpit ang hiling ni Zachary, sumang-ayon nang sabay ang dalawang lalaki nang maisip nila ang malaking kita.Direkta si Zachary at nagpadala ng 30 thousand dollars sa kanilang dalawa gamit ang QR pay habang sinabi, “Tratuhin niyo ang pera na ito bilang maagang bayad ko para sa sampung araw na labor fee niyo. Kung maglalakas-loob kayong maging tamad sa sampung araw na iyon, huwag niyo akong sisihin sa pagiging walang awa!”Tinapik ni Landon ang kanyang dibdib nang walang pag-aatubili at nangako, “Huwag kang mag-alala, Mr. Zachary. Magsusuot pa ako ng adult diaper para bantayan nang mga paparating na tao para sayo dahil direkta ka! Mas gugustuhin kong maihi sa pantalon ko kaysa umalis sa puwesto ko!”Ipinahayag din agad ni Terry ang posisyon niya habang sinabi, “Makasisiguro ka, Mr. Zachary. Hinding-hindi kita bibiguin kahit na hindi ako kumain o uminom ng buong araw!”“Okay.” Tumango si Zachary, pagkatapos ay nilabas ang dalawang jade ring mula sa kanyang bulsa at binigay
Si Landon, na nasa gilid, ay sinabi rin nang nagmamadali, “Mr. Zachary, kunin mo rin ako! Wala akong ibang kalamangan bukod sa pagiging masunurin! Siguradong susundin ko ang mga utos mo at gagawin ko ang kahit anong ipagawa mo basta’t maisasamo mo ako!”Ipinahayag din ng ibang tao ang katapatan nila kay Zachary. Sa opinyon nila, dahil handa si Zachary na isuko ang posisyon niya bilang katiwala ni Don Albert, pinapatunayan nito na siguradong nakahanap siya ng mas magandang paraan para kumita ng pera. Binanggit din ni Zachary na ang bagong daan na ito para kumita ng pera ay may mga kinalaman sa antique, kaya hindi lang magaling si Zachary dito, ngunit pamilyar din ang lahat dito. Kaya, gustong makihati ng lahat kay Zachary.Sinabi nang kalmado ni Zachary sa sandaling ito, “Kayong lahat, kababalik ko lang sa Antique Street at hindi ko pa naaayos nang ganap ang bagong negosyo. Hindi ako makakagamit ng maraming tao sa unang yugto nito, kaya kukunin ko muna sina Landon at Terry para simula
“Tama. Zachary, hindi ba’t mas mabuti para sayo na magtrabaho at sundan si Don Albert para mag-enjoy sa buhay kaysa paglaruan ang mga bagay-bagay sa Antique Street?”Isang babae na nagbebenta ng pekeng tansong barya ay sinabi nang nakangiti, “Zachary, maaari bang nagkamali ka nang ilang beses at pinaalis ka ni Don Albert?”Kinaway ni Zachary ang kanyang kamay at sinabi nang kaswal, “Huwag mo nang banggitin ang mga bagay na ito. Balak kong bumalik dito at itayo ulit ang stall ko.”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa lalaki na naunang bumati sa kanya at sinabi, “Landon Diggor, pinahiram ko sayo ang orihinal na stall ko nang libre pagkatapos kong umalis dati. Dahil bumalik na ako ngayon, dapat mong ibalik ang posisyon na iyon sa akin.”Kinaway agad ng lalaking nagngangalang Landon ang kanyang kamay at sinabi, “Hindi, hindi, hindi ko iyon magagawa. Zachary, pagkatapos mong umalis, sinabi mo na hindi ka na babalik sa Antique Street, kaya binigay mo ang stall na iyon sa akin. Dapa