Sa pag-aakala na nagbibiro lamang si Charlie, hindi ito sineryoso ni Claire. Siya ay naglakad sa gilid at tumawag kay Doris. Hindi matagal, may sumagot na. Ang matamis at kalugod-lugod na boses ni Doris ay umalingawngaw sa kabilang linya. “Hello, Miss Wilson.” “Hi, Miss Young. May pabor po akong hihilingin sa iyo,” sinabi nang nahhiya ni Claire. “Sige, ano iyon?” Sumagot si Doris. Ininsayo muli ni Claire ang pangungusap sa kanyang isip, humingia nang malalim bago siya nagsalita nang determinado, “Maaari ko bang malaman kung may oras ang chairman bukas nang gabi? Ang aking pamilya ay magdaraos ng handaan bukas upang i-anunsyo ang kolaborasyon namin sa Emgrand Grorup. Sana ay pumayag ang chairman sa aking imbitasyon…” Mayroong katahimikan sa kabilang linya bago ulit nagsalita si Doris, “Miss Wilson, pasensya na ngunit hindi ko kayang gumawa ng desisyon para sa aking chairman. O kaya, pwede ko siyang kausapin para sa iyo, ayos lang ba iyon?” Sinabi nang magalang ni Claire, “Salamat
Ang puso ni Claire ay nanginginig pa rin sa tuwa nang lumabas siya sa opisina ni Wilson Group.Opisyal na i-aanunsyo ni Lola ang kanyang bagong posisyon bukas. Sa wakas, maaari na niyang maitaas ang kanyang ulo!Humarap siya kay Charlie at masayang sinabi, “Charlie, salamat! Kung hindi dahil sa iyong paghimok, hindi ako maglalakas-loob na tumayo at tanggapin ang hamon. "Sumagot nang nakangiti si Charlie, "Mahal, nararapat lang ito sayo."Inilayo niya ang kanyang ulo, pagkatapos ay bumalik sa kanya at sinabi, “Ay oo, napakaganda at masaya ang pangyayaring ito. Magdiwang tayo, tara? "Tumango si Claire. "Paano tayo magdiriwang?"“Malapit na ang ating ikatlong anibersaryo, sabay nating ipagdiwang ito! Ihahanda ko ang lahat, umupo ka lang at magpahinga. ”Nagulat si Claire sa sorpresa. "So-sorpresahin mo ba ako?""Oo!" Tumango si Charlie at tumawa. "Bibigyan kita ng sorpresa!"Naramdaman ni Claire ang isang alon ng init na dumaloy sa kanyang puso. "Sige, hindi na kita tatanungin
Nasindak si Jane dahail sa kagulat-gulat na pagpasok ng mga lalaki, iniisip kung sila ba ay nandito para sa kanya.Agad niyang tinigil ang kaisipan na iyon!Imposible! Ang talunan na ‘yon ay walang kilala na makapangyarihan.Lumabaas si Stephen sa pangatlong kotse at naglakad papasok sa Emerald Court. Mabilis na binati siya ni Jane, ngunit hindi niya siya pinansin at dumiretso kay Charlie.“Young Master, narito ako at dala ang pera.”Pagkatapos, suminenyas si Stephen gamit ang kanyang kamay. Ang mga malalaking bodyguard ay pumasok sa tindahan, nilapag ang maleta, at binuksan ito.Ito ay puno ng pera hanggang sa ilalim!Ang lahat ay nakanganga sa sobrang gulat!Letse!Ang talunan… Hala! Totoo nga ang sinabi ng lalaki!Letse! Sino siya!Maraming tao ang nilabas ang kanilang selpon, sinubukang kumuha ng litrato o kunan ng bidyo. Ayaw nilang palampasin ang nakakagulat na eksenang ito.Agad nilinis ng mga bodyguard ni Stephen ang lugar at tinulak sila palabas ng tindahan. Ang na
Hindi agad umuwi si Charlie pagkatapos umalis sa Emerald Court.Gusto niyang bigyan ang kanyang asawa ng buong pakete ng sorpresa sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal.Ang sorpresa ay hindi limitado sa mamahaling kuwintas na gawa sa jade – gusto niyang gumawa ng isanag romantikong kasal para sa kanyang asawa.Nang maalala niya ang nakalipas, nagmadali sina Charlie at Claire na irehistro ang kanilang kasal dahil kay Lord Wilson, ang lolo ni Claire, at hindi sila nakapagdaos ng kasal.Hinangad ni Lord Wilson na pumili ng araw para sa kanilang malaking pagdaraos ng kasal, ngunit hindi matagal pagkatapos nilang magpakasal, siya ay nagkasakit nang matindi at dinala sa ospital. Kaya, ang kanilang kasal ay naantala.Hindi matagal, si Lord Wilson ay pumanaw. Si Charlie ay hindi pinansin ng pamilya Wilson, kaya ang kanilang plano para sa kasal ay hindi natuloy.Gayunpaman, iba na sa ngayon. Siya ay mayaman na, kaya, kaya niya at dapat niyang bigyan ang kanyang asawa ng kasal!
Hinalukipkip ni Sabrina ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at sinabi sa mapagmataas na tono, “Oo, kinamumuhian kita, ano naman? Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagpuna ko, talunan?”“Alam ng lahat ng tao sa kolehiyo na pinakasalan mo si Claire at naging manugang ka na nakatira sa kanilang bahay pagkatapos makatapos! Isang miserableng talunan na hindi makabili ng maayos na pagkain sa kolehiyo at naging laruang lalaki pagkatapos makatapos! Paano ka naglakas-loob na humingi ng tulong sa akin kung isa kang malaking talunan? Sino ka ba sa tingin mo?”Galit ang unti-unting nagliliyab sa loob ni Charlie.Ang isang tao ay hindi aatake maliban kung siya ang unang inatake. Sumosobra na si Sabrina!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe sa selpon mula kay Stephen. “Young Master, ang Shangri-La Hotels and Resorts ay pagmamay-ari ng pamilya Wade. Ang Shangri-La ng Aurous Hill ay isa lamang sa maraming nating Shangri-La sa buong mundo.”Ang mga mata ni Charlie ay lumiit sa
Mabilis na nagpakita ng pekeng ngiti si Sabrina at sinabi nang nambobola kay Charlie, “Class rep, maligayang pagdating sa Shangri-La. Karangalan namin na binisita mo kami at malaking kasiyahan din ito para sa akin na dati mong kaklase sa kolehiyo. Pumasok po kayo…” Akala niya na gamit ang kanyang papuri at banayad na tono ay makakalimutan ni Charlie ang bastos na ugali niya sa kanya kanina.Sa kasamaang-palad, si Charlie ay hindi kasing bait tulad ng iniisip niya.Napanganga sa sorpresa si Isaac nang marinig ang sinabi ni Sabrina at mabilis na tinanong, “Lee, kaklase ka ni Mr. Wade sa kolehiyo?”“Opo, opo!” Sinabi nang nabalisa ni Sabrina, “Si Mr. Wade ang aking class rep noong kami ay nasa kolehiyo, magkalapit kami sa isa’t isa!”Inanunsyo agad ni Isaac, “Pumunta ka sa opisina ng pangulo bukas. Ikaw ang magiging HR manager sa Shangri-La!”Sa Shangri-La, ang promosyon mula sa tagapamahala ng pangkat at HR manager ay tatlong antas na magkalayo. Hindi lamang tataas ng sampung bese
Pumunta sina Claire at ang kanyang pamilya sa Kempinski upang maghapunan habang si Wendell ay nagtatampo sa kanilang bahay.Nakita niya ang pahayag sa official page ng Emgrand Group, siya ay malungkot at matamlay.Akala niya na imposibleng makakuha ng kontrata si Claire, ngunit sa hindi inaasahan, kalahating oras lamang ang kailangan niya upang makakuha siya ng animnapung milyong dolyar na kontrata. Sa sandaling ito, tumawag si Harold upang magreklamo sa kanyang sitwasyon. Sinabi niya sa sandaling may sumagot sa tawag, “Hoy, Wendell, anong meron! Tapat akong gumawa ng pagkakataon para sa iyo upang ligawan ang aking pinsan, pero tinalikuran mo ako at tinulungan siyang kumuha ng kontrata sa Emgrand. Paano mo nagawa sa akin ‘to?”Umiling si Wendell nang mapanghamak. ‘Ano? Wala akong ginawa!’Nagtanong uli si Harold, “Wendell, maging tapat ka sa’kin. Nakipagtalik ka ba sa pinsan ko?”Sa parehong oras, masyadong mapapahiya si Wendell kung tatanggi siya na wala siyang kinalaman sa lah
“Sino ka ba sa tingin mo?”Tumingin nang may panlalait si Wendell kay Charlie habang malamig niyang sinabi, “Isa ka lamang talunan, hindi mo nga kayang bantayan ang asawa mo. Sobrang sayang si Claire sa iyo, bakit hindi mo na lang siya pakawalan para mapunta siya sa akin? Mabibigay ko lahat ng gusto niya!”Isang patong ng yelo ang lumilipad sa ilalim ng mukha ni Charlie. Nagsimula siya sa malamig at mababang boses, “Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian. Una, humingi ka ng tawad kay Claire at bawiin mo ang lahat ng sinabi mo sa harap ng mga tao o pangalawa, ibabagsak ko ang kumpanya ng pamilya mo. Magpasya ka na ngayon.”“Hahaha! Niloloko mo ba ‘ko? Sino ko ba sa tingin mo na kaya mong sirain ang pamilya ko?”Tumawa nang malakas si Wendell habang tumingin siya nang mapanlait kay Charlie. Malinaw na hindi niya sineryoso si Charlie.“Wala ka na ba sa tamang pag-iisip, gagong baliw? Nangangarap ka ba ng gising? Mayroon ka bang ideya kung gaano kalaki ang kayamanan ng aming kumpanya?
Bukod dito, sobrang dami ng mga batong haligi at magkakahiwalay ang pagkakalagay, parang isang stone forest. Pero nang makita ni Fleur ang mga tila magulo na pinwestong batong haligi, hindi man lang siya nagulat.Sa halip, hinaplos niya ang mga ito nang medyo emosyonal at mahina niyang sinabi, “Master, Elijah, nakabalik na ako.”Pagkasabi nito, pumasok siya sa stone forest at nagsimulang gumalaw ayon sa isang tiyak na pattern.Ang stone forest na ito ay ang Nine Palace Formation na itinayo ng kanyang master na si Marcius bago siya mamatay. Ang galing ng formation na ito ay nasa katotohanang kung hindi mo alam kung paano basagin ang formation, imposibleng makahanap ng totoong exit kahit saan ka manggaling sa loob ng stone forest.Ang tanging paraan para masira ito ng isang tagalabas ay ang gibain lahat ng batong haligi hanggang wala nang matira. Pero ang formation na ito ay ginawa ni Marcius para protektahan ang kanyang lihim na tirahan. Ayon sa plano niya, kapag may pumasok nang sa
Alam ni Charlie na sa sandaling ito, hindi na si Fleur mismo ang hinahanap niya kundi kung saan siya pupunta. Noong pinakita niya ang portrait ni Marcius, biglang natahimik si Fleur pati ang Qing Eliminating Society. patunay kung gaano siya natakot.Pero habang mas takot si Fleur, mas palihim pa siyang nagpunta nang mag-isa sa Oskia at pumunta sa Mount Tason. Ibig sabihin, sobrang importante talaga nito sa kanya.Hinala ni Charlie, baka hinahanap ni Fleur ang mga sikreto na iniwan ni Marcius, at baka pati na rin ang ‘sikreto sa mahabang buhay’ na binanggit ni Mr. Chardon dati. Kaya pagkatapos umalis ni Fleur sa Mount Tason, balak niyang pumasok at hanapin ito. Kahit wala siyang makita, kahit papaano ay hindi siya malalagay sa panganib nang walang saysay.Samantala, sa Mount Tason, para siyang bida sa isang martial arts movie habang mabilis siyang gumagalaw sa makakapal na gubat sa pagitan ng mga bundok, na parang wala lang ang mga matatarik at masukal na lugar sa harap niya. Kahit m
Nag-isip sandali si Fleur, pagkatapos ay tinakpan niya ang off-road vehicle gamit ang maraming putol na sanga para maitago ito nang husto. Pagkatapos nito, inayos niya ang kanyang damit at tahimik na lumakad papunta sa kailaliman ng bundok nang hindi lumilingon pabalik.-Samantala, lahat ng surveillance videos mula sa Stoneridge ay inilipat na ng mga tauhan ni Emmett sa isang espesyal na cloud server. Pagkakuha ni Vera ng address at password ng server, pinanood nila ni Charlie ang mga surveillance video gamit ang laptop sa silid ni Vera.Kahit na walang surveillance sa Mount Turtle Back, ayon sa oras ng pagdating ni Fleur, mabilis na nahanap ni Vera ang anino niya sa footage sa may pasukan ng bundok. Mula sa camera na iyon, sinundan nila ang galaw ni Fleur pabalik sa Stoneridge Ancient Town, at nasubaybayan nila ang buong ruta ni Fleur sa loob ng sakop ng mga surveillance cameras.Dahil dito, madali nilang nakita ang off-road vehicle ni Fleur sa parking lot. Sa Oskia, kahit makaiw
Sa sandaling ito, kakaunti lang ang mga sasakyang dumaraan sa highway. Paminsan-minsan, may ilang sasakyan na dumadaan, pero walang masyadong nagbigay-pansin sa babaeng nakaparada sa emergency lane.Kahit na bawal sa teorya ang pagparada sa emergency lane, kakaunti lang ang surveillance camera sa bahaging ito ng bundok. Bukod dito, dahil sa kaunting trapiko at magandang tanawin, madalas na humihinto rito ang ilang pagod na driver para magpahinga at hangaan ang tanawin. Kaya hindi ito kakaibang bagay para sa kahit sino.Hindi nagulat si Fleur sa mga dumadaang sasakyan, pero naguluhan siya nang makita ang tulay na may isang daang metrong taas, na nag-uugnay sa dalawang bundok at dalawang tunnel. Alam niyang ito ang pinakamalapit na bahagi ng highway sa lugar kung saan dati nagme-meditate ang kanyang master.Pero, halos walang nakatira sa lugar na ito, at walang exit ang highway sa loob ng ilang dosenang kilometro sa magkabilang direksyon. Ibig sabihin, kung gusto niyang makarating aga
Pagkasabi nito, dinugtungan pa ni Charlie, “Siya nga pala, Miss Lavor, pakitawag si Mr. Sandsor. May gusto akong pag-usapan tungkol sa surveillance.”Tumayo si Vera at sinabi, “Hintayin mo lang ako sandali, Young Master. Tatawagin ko si Mr. Sandsor.”Makalipas ang ilang sandali, si Emmett, na mukhang mas bata kaysa dati, ay nagmamadaling pumunta sa courtyard sa itaas.Sa sandaling pumasok siya, magalang niyang sinabi, “Miss, Mr. Wade, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?”#Tinanong ni Vera, “May paraan ba para makuha ang lahat ng surveillance footage mula sa Yorkshire Hill nitong mga nakaraang araw nang hindi hindi inaalerto ang kahit sino?”Sumagot si Emmett, “Miss, basta’t sakop ito ng municipal surveillance, madali itong ma-access sa system. Dahil mataas ang access level ko, makukuha ko ito nang hindi nag-iiwan ng bakas. Sabihin n’yo lang kung aling surveillance ang kailangan ninyo.”Tumango si Vera, naalala niyang lumitaw si Fleur sa Mount Turtle Back ng bandang 11:00 ng um
Maayos na nakabalik sina Charlie at Vera.Eksaktong 8:30 ng umaga nang lumipad ang eroplano at dumating sila sa Aurous Hill ng bandang 11:00 ng umaga.Tanghali na nang magmadali silang bumalik sa Scarlet Pinnacle Manor. Habang nasa biyahe, mahigpit na hawak ni Vera ang batang punla ng Mother of Pu'er Tea, hindi man lang siya nagpahinga kahit saglit.Pagkarating sa Scarlet Pinnacle Manor, pinakiusapan ni Vera ang lahat sa villa na lumabas muna pansamantala at agad siyang umakyat sa courtyard kasama si Charlie upang muling itanim ang Mother of Pu'er Tea.Pagkatapos tumingin sa paligid ng courtyard, napansin ni Vera na kung hindi niya puputulin ang ibang puno roon, ang tanging pinakamainam na pwesto ay sa tabi ng hot spring pool.Itinuro niya ang bakanteng espasyo at sinabi kay Charlie, “Ayon sa normal na paglaki ng mga puno ng tsaa, sapat ang lugar na ito para sa isang puno sa loob ng walo hanggang sampung taon. Pero hindi ko alam kung gaano kabilis lalaki ang Mother of Pu'er Tea. K
Tumango si Charlie at sinabi, “Hindi mo pa naikukuwento nang detalyado ang tungkol sa pag-atake sa’yo ni Fleur sa Hong Kong Island at kung paano ka muntik nang mamatay.”Ngumiti si Vera at sinabi, “Young Master, kung gusto mong marinig ang tungkol dito, ikukuwento ko sa’yo iyon pagbalik natin.”Nag-unat si Charlie at sinabi, “Sige, oras na para pumunta tayo sa airport.”Pagkasabi nito, itinuro niya ang Mother of Pu'er Tea at sinabi, “Miss Lavor, may karanasan ka sa pagtatanim ng tea trees. Pwede mo bang hukayin ang Mother of Pu'er Tea?”Tumango si Vera at papalapit na sana para hukayin ang Mother of Pu’er Tea gamit ang kanyang mga kamay. Pero bago pa man niya mahawakan ito, bigla siyang napatigil at sinabi, “Young Master, tingnan mo! Yung mga dahon na pinitas natin kagabi, tumubo na ulit!”“Gano’n ba?” Si Charlie, na nalilito, ay tumingin nang mabuti at nalaman niya na sa dalawang parte kung saan siya pumitas kahapon, may tumubo ng bagong dahon—sariwa at may mga hamog pa.Hindi m
Wala namang dahilan si Charlie para tanggihan ang hiling ni Vera. Kahit na walang duda na mapanganib ang Mount Tason para sa isang mahina at payat na dalaga tulad niya, wala namang saysay ang mga panganib na iyon kung kasama siya. Dahil dito, pumayag siya at sinabi, “Kung gano’n, sabay tayong pupunta.”Tuwang-tuwa si Vera at agad na tumango, “Salamat, Young Master! Magsisikap ako na hindi maging pabigat sa’yo!”Bahagyang ngumiti si Charlie at umupo sa tabi ng Mother of Pu’er Tea bago nagmungkahi, “Hintayin na lang muna natin ang pagsikat ng araw. Pagdating ng madaling-araw, huhukayin natin ang punla at pupunta tayo sa airport.”Tumango si Vera at umupo rin sa tabi ng Mother of Pu’er Tea. Habang nakatingin sa tahimik na ibabaw ng Heavenly Lake, binulong niya, “Young Master, sa tingin mo, totoo ba ang bagyong nakita natin kanina o isang ilusyon lang?”Saglit na nag-isip si Charlie bago sumagot, “Siguro ilusyon lang iyon, diba? Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Vera bago sinabi,
Nang makita ni Isaac na nakapagdesisyon na si Charlie, sinabi niya agad, “Young Master, kung ganoon, kukumpirmahin ko na ang itinerary sa private jet company. May iba pa po ba kayong kailangan ipagawa sa akin?”Sumagot si Charlie, “Wala na. Pagkatapos mong ayusin ang lahat, huwag mong ipapaalam kahit kanino ang pagbabalik ko sa Aurous Hill dahil marahil ay isa o dalawang araw lang ako bumalik, tapos aalis ulit ako. Hindi rin ako makikipagkita kahit kanino pagbalik ko.”Hindi na nagtanong pa si Isaac at agad na sumagot, “Naiintindihan ko, Young Master!”Sa totoo lang, hindi planong bumalik agad ni Charlie sa Aurous Hill. Ang plano niya ay hayaan munang pumunta si Fleur sa Mount Tason habang mananatili siya kasama si Vera sa Yorkshire Hill nang ilang araw pa. Matagal nang nanirahan si Vera dito mula pagkabata, pero mahigit tatlong daang taon na siyang hindi nakakauwi. Ang pananabik niyang muling makita ang lugar na ito ay isang bagay na hindi basta mauunawaan o mararamdaman ng iba.D