Nagpasya na lang si Jacob na umamin habang sinubukan niyang ipaliwanag ang sarili niya, “Claire, nakikipag-usap lang ako sa ina mo tungkol sa nangyari dati. Wala akong sinabi sa iyo na kahit ano. Hindi ko kailanman sinabi na ayaw ko sa’yo.”Hindi alam ni Claire ang nangyari sa pagitan ng mga magulang niya dati. Hindi niya mapigilang mayamot nang kaunti sa sandaling ito. Kaya, sinabi niya na lang, “Pa, wala akong pakialam sa nakaraan niyo ni mama. Hindi ko alam kung may kabit ba sa pagitan niyo. Ang alam ko lang ay dalawampung taon ka nang kasal kay mama ngayon. Ikaw rin ang pumayag na pakasalan si mama sa una pa lang. Kaya, dapat mong respetuhin ang kasal niyo!”“Kung pinalitan mo ang password mo at ginamot mo ang kaarawan ng unang mahal mo, isa itong pagtataksil sa kasal niyo! Kung hindi mo na mahal ang mama ko at kung talagang kinamumuhian mo ang ina ko, hiwalayan mo muna si mama at pagkatapos ay pwede mo nang habulin ang kasiyahan mo. Pero, sa tingin ko ay hindi tama na gawin mo i
Pagkatapos ng away, walang nakinabang kina Jacob o Elaine.Ang gusto lang ni Elaine ay pera, pero wala man lang siya nakuha sa huli. Kaya, hindi niya maiwasang malungkot nang kaunti sa buong araw na iyon.Pagkatapos umuwi ng apat mula sa villa, nag-impaki na sila. Hindi rin nakalimutan ni Claire na ipaalam kay Loreen na lilipat na sila sa villa bukas. Sinabihan niya si Loreen na mag-check out sa hotel at lumipat sa villa kasama nila.Sobrang saya ni Loreen nang marinig niya ang balita.Simula pa noong nahulog siya kay Charlie, palagi siyang naghahanap ng pagkakataon na makilala nang mas mabuti si Charlie. Pero, sobrang abala siya sa trabaho niya at kailangan niya ring isaalang-alang ang pakiramdam ni Claire. Kaya, wala siyang pagkakataon na makasama si Charlie.Kung makakalipat siya sa villa at makakatira kasama nina Charlie at Claire, natural na magkakaroon siya ng mas maraming pagkakataon na makasama si Charlie.Kaya, hindi siya nag-atubiling pumayag na lumipat sa villa kasama
Suminghal nang malamig si Lady Wilson at sinabi, “Kung hindi ko babayaran ang bangko, kukunin nila ako at ikukulong! Huwag mong kalimutan ako pa rin ang legal na kinatawan ng Wilson Group! Ako rin ang magiging responsable sa lahat ng utang ng kumpanya!”Sinabi nang nagmamadali ni Christopher, “Kung gano’n, dapat mag-iwan ka pa ring ng isa o dalawang daang libong dolyar para sa pamilya para masutentuhan pa rin natin ang pamilya natin nang maikling panahon! Hindi man lang ako makabili ng sigarilyo na may halagang limampung dolyar ngayon!”“Gusto mo pa ring magsigarilyo?” Sumagot nang matalas si Lady Wilson, “Maganda na nga kung may makakain tayo at iniisip mo pa rin na magsigarilyo?”Pinigilan ni Christopher ang kanyang galit at nagbuntong hininga na lang siya habang sinabi, “Ma, sobrang tanda ko na kaya matitiis ko pa ito. Pero, bata pa sina Harold at Wendy! Hindi pa sila naghihirap nang sobra dati kaya hindi natin dapat pahirapan sila ngayon!”Suminghal nang malamig si Lady Wilson,
Pagkatapos magsagutan nina Lady Wilson at Christopher, nagkaroon na ng hindi maaayos na bitak sa mga puso nila.Sa huli ay nagpasya ang matandang babae na magtabi lang ng limampung libong dolyar bilang gastusin ng pamilya. Pagkatapos, ibinayad niya ang lahat ng pera sa dalawang bangko.Pagkatapos matanggap ang parte ng bayad, binigyan din ng respeto ng tagapamahala ng debt collection department si Lady Wilson. Nagpasya siya na pagpahingahin ang pamilya Wilson at pinahaba niya ang panahon ng pagbabayad ng pamilya Wilson para makapag-ipon sila ng pera at mabayaran nila ang mga utang nila.Sa wakas ay nakahinga na nang maluwag si Lady Wilson.Umaasa pa rin siya na mababaliktad pa ito ng Wilson Group at muli itong mabubuhay. Naramdaman niya na siguradong magkakaroon siya ng pagkakataon na baliktarin ang lahat hangga’t maaantala niya ang bankruptcy ng Wilson Group.Marahil ay mahihintay niyang pumunta ang susunod na Kenneth Wilson?Sa sandaling ito, marami talagang kaharap na problema
Lumabas nang nagmamadali si Charlie sa kwarto at nakita niya si Loreen na may suot magandang damit ngayong araw.Talagang sobrang ganda ng sinuto ni Loreen ngayong araw. May suot siyang beige windbreaker na may itim na base sweater sa loob at sobrang tangkad niya at babaeng-babae ang dating. Para naman sa ibabang bahagi, may suot siyang maikling palda na gawa sa lana at kapares nito ang mga leggings na nagpapaganda ng kanyang mahaba at balingkinitan na mga binti. Kaakit-akit talaga ito!Sa sandaling nakita ni Loreen si Charlie, namula siya agad. Iwinagayway niya nang bahagya ang kanyang kamay sa kanya at sinabi nang kinakabahan, “Hello, Charlie! Kailangan kong umasa sa’yo na alagaan ako nang mabuti sa hinaharap!”Bahagyang ngumiti si Charlie bago siya tumango at sinabi, “Maligayang pagdating. Maligayang pagdating.”Sa totoo lang ay medyo walang magawa si Charlie.Alam niya na mahal siya ni Loreen.Ayos lang sa kanya kung nagtapat lang siya ng pagmamahal. Pwede niyang tanggihan si
Pagkatapos i-edit at i-post ang ilang litrato, sinadya ni Elaine na magdagdag ng ilang litrato ng sarili niya na may nahihiyang ekspresyon sa kanyang mukha. Bukod dito, naka-tag din ang lokasyon ng villa ng Thompson First sa mga litrato niya.Sa sandaling pinost niya ang mga litrato, maraming tao agad ang nag-like at nag-comment sa mga litrato niya.Nag-iwan pa sila ng iba’t ibang mensahe ng paghanga at papura para sumipsip kay Elaine sa sandaling ito. Hindi mapigilang mamangha ng mga kaibigan ni Elaine nang makita nila kung gaano karangya at kaganda ang villa niya.Dahil, walang nag-aakala na makaktira si Elaine sa isang napakagandang villa na may halagang isang daang milyong dolyar. Talagang hindi ito maintindihan ng mga taong kakilala niya.Sa sandaling ito, sobrang miserable din ng mga miyembro ng pamilya Wilson habang kumakain sila ng pato na may kaunting pinakuluang repolyo.Ang matandang babae ang namamahala ng pera ng pamilya at labis na hindi siya masaya kay Christopher a
Inipon ni Christopher ang kanyang tapang para sabihin, “Ma, kahit na ipadala ka sa kulungan balang araw, kami nila Harold, at Wendy, ay pwedeng mabuhay nang simple at matibay kung may pera kami. Pero, kung hindi ka papayag na ilabas ang mga antigong tinatago mo, siguradong mamamatay kaming tatlo sa gutom kung makukulong ka!”“Mamamatay sa gutom?” Sumagot nang malamig si Lady Wilson, “May mga paa’t kamay kayong tatlo. Hindi kayo mamamatay sa gutom kung lalabas kayo sa kalye at magtatrabaho bilang manggagawa! Christopher, may sasabihin ako sa’yo; ang mga antigong iniwan ng ama mo ay para sa retirement fund ko! Hindi ka dapat magkaroon ng loko-lokong ideya tungkol dito!”Hindi na napigilan ni Christopher ang kanyang galit at tumayo siya habang sinabi nang malamig, “Ang mga bagay na iniwan ng ama ko ay para rin sa kanyang anak at mga apo! Sinong nagbigay sa’yo ng karapatan na angkinin ang lahat ng ito?”Sumagot nang malamig si Lady Wilson, “Ano naman? Magrerebelde ka na ba sa’kin ngayon
Nagbago ang ekspresyon ni Lady Wilson sa sandaling narinig niya ang sinabi ng kabila!Hindi niya mapigilan ang panginginig niya at bumagsak ang tungkod niya sa sahig.Sa una ay akala niya na may sapat na oras siya para makahanap ng taong makakatulong sa kanya na baliktarin ang sitwasyon ng Wilson Group. Pero, hindi niya inaasahan na magiging ganito agad ang sitwasyon niya!Namulta si Christopher at ang mga anak niya sa sandaling narinig nila ang sinabi ng kabila!“Ma, anong nangyayari dito? Isasara ba nila ang vila ngayon? Hindi ba’t nagbayad ka na ng mahigit isang milyong dolyar sa bangko?”Ayon sa kasalukuyang kondisyon ng ekonomiya ng pamilya Wilson, wala silang lugar na matitirahan kung isasara ang villa nila. Bukod dito, walang may kakayahan o abilidad sa kanila. Masamang kapalaran ang mararanasan nila kung gano’n!Hindi lang si Christopher at ang mga anak niya ang lalabas para maghanap ng part-time job. Sa sandaling iyon, marahil ay kailangan din magtrabaho ni Lady Wilson,
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl