Kinuskos nang bahagya ni Christopher ang kanyang noo bago niya sinabi, “Kung madidiskubre nila ito, tapos na tayo!”Habang nagsasalita sila, isang binatang naka-uniporme ang biglang pumasok sa villa na may dalang kakaibang gamit sa kanyang kamay.Ang gamit ay isang mahabang patpat na may bilog sa harap nito. Mukha itong mine detector na karaniwang nakikita sa mga pelikula.Tinanong sa sorpresa ni Christopher, “Binata, mine detector ba iyan?”Ngumiti lang ang binata at sinabi, “Hindi, pero parang gano’n na rin. Isa itong metal detector. Magbibigay ito ng babala kung may matutuklasan itong metal sa ilalim ng lupa. Dahil gawa rin sa metal ang mga mine, pwede rin namin itong magamit para makahanap ng mga mine pero magkaiba ang lakas ng dalawa.”Sa sandaling narinig ni Christopher na isa iyong metal detector, hindi niya mapigilang sabihin, “Masama na nga na pumunta kayo at sinra niya ang bahay ng iba. Bakit kailangan niyo pang magdala ng metal detector para suriin ang bahay ng iba?”S
Sa sandaling hinimatay ang matandang babae, nagmadaling umabante si Christopher para hawakan ang kwelyo ng matandang babae habang inalog niya siya nang matindi sa galit!Nagising ang matandang babae sa sandaling hinimatay siya dahil inalog siya nang matindi ni Christopher. Sa sandaling binuksan niya ang mga mata niya, pinagalitan siya agad ni Christopher, “Hindi ba’t sinabi mo na walang makakahanap sa mga antigong iyon bukod sa’yo? Ngayon, wala na ang lahat ng antigo natin! Paano na mabubuhay ang pamilya natin ngayon?”Hindi maiwasan ni Lady Wilson na magkaroon ng kirot sa kanyang puso. Hindi niya mapigilang umiyak nang malakas. Sobrang lungkot niya at patuloy siyang umiiyak habang sinabi, “Hindi ko talaga alam na magkakaganito ang lahat. Kung alam ko lang, hindi ko itatago ang lahat ng antigo ko sa bahay kahit na mamatay ako!”Habang nagsasalita siya, hindi mapigilan ng matandang babae ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga pisngi. “Tapos na. Tapos na talaga ang lahat! Tapos na ang la
Sa ibang salita, hindi lamang na sila walang matutulugan sa susunod na tatlong buwan, ngunit baka ipadala pa siya sa kulungan pagkatapos ng tatlong buwan...Umiyak si Lady Wilson hanggang sa hiningal siya at naramdaman niya na natatapos na ang kanyang buhay.Pagkatapos silang bigyan ng babala ng kinatawan ng korte, hindi na siya nagsalita at tumalikod na lang, pagkatapos ay sumakay siya sa kanyang kotse at umalis agad.Napaupo na lang nang walang magawa ang mga miyembro ng pamilya Wilson sa labas ng kanilang villa kasama ang kanilang sira-sira at lumang mga kagamitan at mga damit at gamit nila. Hindi nila mapigilan ang pagdaloy ng mga luha nila sa kanilang mga pisngi.Wala na talaga silang magawa sa sandaling ito.Sa hindi inaasahan, umambon pa sa ganitong oras.Lumapit sa kanila ang ilang security guards mula sa villa community at sinabi, “Mangyaring dalhin niyo na ang mga gamit niyo at umalis na kayo sa komunidad ng aming villa sa lalong madaling panahon. Huwag niyo sanang dumi
Sa sandaling ito, sa villa sa Thompson First, nakaupo si Elaine sa upuan sa all-glass balcony sa pangalawang palapag at abot tenga ang ngiti niya habang nakatingin siya sa kanyang cellphone.Mahigit tatlong daang likes na ang mga litrato niya ngayon at nalampasan na nito ang dating pinakamataas niya.Hindi niya mabilang ang lahat ng mga comments at pagkatapos ng ilang saglit, hindi na siya makasagot sa lahat ng comments.Ngayong araw, naintindihan na ni Elaine kung ano ang pakiramdam na siya ang gitna ng atensyon.Ang buong sirkulo ng mga kaibigan niya ay nakatingin at sinusubaybayan siya! Bukod dito, hindi sila nag-alangan na purihin siya sa mga comments. Kaya, sobrang relax at saya ni Elaine.Sa sandaling ito, nagpadala ng mensahe ang ilan sa mga pinakamalapit na kaibigan ni Elaine sa kanilang group chat: “Oh, ngayon lumipat si Sister Elaine sa villa ng Thompson First! Kailangan niya tayo ilibre sa hapunan!”“Tama!” Sumagot ang iba: “Sister Elaine, kalilipat mo lang sa isang v
Dahil kalilipat lang nila sa bahay ngayong araw, medyo natagalan silang linisin ang villa. Kaya, medyo huli ang tanghalian nila ngayong araw.Gayunpaman, sobrang ganda ng natatanggap na pakikitungo ni Charlie sa sandaling ito. May dalang magandang babae sa paligid niya, si Claire at Loreen, at tinutulungan nila siyang maghanda ng pagkain sa kusina. Kaya, hindi niya mapigilang maramdaman na naging masaya na rin ang pagluluto ngayong araw.Pagkatapos niyang maghanda ng tanghalian, nilabas niya ang mga pagkain sa hapag-kainan. Pagkatapos, bumaba na rin si Elaine mula sa pangalawang palapag gamit ang elevator.Hihingi siya ng pera kay Charlie pero nang makita niya na lumabas siya sa kusina kasama ang dalawang babae, nag-alangan siya nang kaunti.Hindi siya nahihiya na humingi ng pera kay Charie. Pero, ang pangunahing punto ay nandito rin ang kanyang asawa at anak at naramdaman niya na hindi angkop na manghingi ng pera kay Charlie sa ngayon.Sa sandaling ito, bigla niyang narinig na tu
Nang luluhod na si Lady Wilson, nagpanic si Jacob at nagmamadali siyang lumapit para pigilan siya.Determinado pa ring lumuhod ang matandang babae. Diretso siyang nahulog sa sahig habang nakabaluktot ang mga tuhod niya. Inisip niya na aaminin niya muna ang pagkatalo niya at titingnan kung magiging matigas pa rin ang ulo ni Jacob at hindi siya kaaawaan.Pero, pareho ang iniisip ni Jacob kay Elaine.Kahit na masama ang pagsasama nila ni Elaine at balak niya pang humiwalay sa kanya, sang-ayon silang dalawa na hindi nila pwedeng hayaan na tumira si Lady Wilson sa villa nila!Kaya, hinawakan ni Jacob ang braso ng matandang babae at sinabi nang malamig, “Ina, pakitigil na ang pag-arte mo sa pagkuha ng simpatya. Kahit anong sabihin mo, hindi kita hahayaang tumira sa villa na ito!”Sinumbat nang malungkot ni Lady Wilson, “Jacob Wilson, walang utang na loob na g*go ka! Ipinanganak kita, makasariling bata! Gaano ka kangahas na pigilan akong lumipat sa inyo sa isang malaking villa?!”Tumang
Tumango nang mahigpit si Charlie. Dahil gusto nilang manatiling mapangahas at matigas ang ulo, hindi niya kailangan bumigay.“Lola, dahil wala kang lugar na matitirahan, paano kung mag-ayos ako ng lugar para sa’yo? May kasama na itong pagkain at tirahan at wala itong bayad.”“Manahimik ka!” Sinumbat nang nanghahamak ni Lady Wilson, “Gusto mong tumira ako sa lumang apartment kung saan kayo dati nakatira, hindi ba? Imposible! Ayokong tumira sa pangit na lugar! Lilipat ako sa villa ng Thompson First ngayong araw!”Sinabi ni Charlie, naaliw siya, “Ah hindi, Lola, masyado mo itong pinag-iisipan. Binili namin ang lumang apartment at hindi ka namin patitirahin doon nang libre, syempre.”Agad niyang nilabas ang kanyang cellphone at nag-text kay Isaac.“Pumunta ang pamilya wilson para gumawa ng gulo sa Thompson First. Magtawag ka ng tao para ikulong ng dalawang linggo ang mga taong ito sa detention center.”Sumagot nang mabilis si Isaac, “Okay, Mr. Wade, gagawin ko na ito ngayon din.”Na
Sumingit nang nagmamadali si Elaine, “Officer, huwag kang makinig sa akanya! Matagal na niyang pinaalis at sinira ang relasyon niya sa asawa ko!”Tumingin ang officer kay Elaine, pagkatapos ay kay Lady Wilson, at tinanong nang nagdududa, “Totoo ba ang sinabi niya?”“Syempre hindi!” Sinabi ni Lady Wilson, “Sinabi ko lang ito nang hindi nag-iisip!”“Hindi nag-iisip?!” Napukaw ang galit ni Jacob. “Ma, matagal mo na akong pinalayas sa bahay mo, tinanggal mo ako at si Claire sa Wilson Group, binawasan mo ang pensiyon namin ni Elaine sa kumpanya, at sinira mo ang relasyon natin! Ngayong pabagsak ka na, biglang mo na lang sasabihin na sinabi mo ito nang hindi nag-iisip?!”Kumunot ang noo ng pulis sa pagkalito. Tinanong niya, “Kanino ang villa na ito?”Sinabi ni Charlie, “Sa akin.”Tumango ang pulis at tinanong, “Anong relasyon mo sa matandang babae?”“Nagkibit balikat nang walang pakialam si Charlie. “Hindi talaga kami magkamag-anak. Lola siya ng asawa ko.”Humarap ang pulis kay Lady
Pamilyar na si Mr. Chardon sa proseso ngayon. Binuksan niya agad ang kanyang cellphone at ipinadala ang 200 thousand US dollars kay Zachary.Pagkatapos itong gawin, tinanong niya nang naiinip, “Zachary, pwede mo na bang dalhin dito ang mga produkto?”Tinapik ni Zachary ang dibdib niya at sinabi, “Mangyaring maghintay ka saglit, tatang. Tatawagan ko siya at pipilitin ngayon din!”Ipinaalala nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Ang gusto ko lang ay ang mga bagay na galing sa parehong pinagmulan ng dalawang binili ko. Huwag mo akong subukang lokohin.”Sinabi ni Zachary nang may seryosong ekspresyon, “Tatang, makasisiguro ka na maraming taon ko na itong ginagawa dahil palagi akong umaasa sa salitang ‘katapatan’. Hindi ako gagawa ng kahit anong panloloko. Tinawagan na ako ng boss ko at sinabi niya na magpapadala pa siya ng isang produkto. Maghintay ka lang saglit!”Biglang nanabik si Mr. Chardon at sinabi, “Talaga?! Magaling!”Naghintay ang dalawa ng halos dalawampung minuto ng isang del
Pero, inisip niya lang ang mga ito, at hindi siya nangahas na kaswal na gumawa ng problema bago puksain ang mga Acker. Kaya, tumalikod na lang siya nang nag-aatubili at patuloy na naglakad sa ibang direksyon.Sa sandaling ito, wala siyang ideya na nakahanap na si Ruby ng isang upuan sa tabi ng bintana sa second floor ng tea house sa tabi ng Antique Street at pinagmamasdan siya sa malayo.Sa sandaling iyon, si Zachary, na humihikab habang kinakaladkad ang mga produkto niya, ay naglakad mula sa entrance ng Antique Street.Nakita siya ni Mr. Chardon sa isang tingin, at tumakbo siya papunta sa kanya nang malugod, at tinanong, “Zachary, saan ka galing? Kaninang umaga at tanghali pa kita hinihintay pero hindi ko man lang nakita ang anino mo!”Humikab si Zachary, tamad na tinakpan ang bibig niya gamit ang kanyang palad habang gumawa ng mga tinatamad na tunog. Pagkatapos humikab, nag-unat siya nang tamad bago sinabi, “Tatang, may stall ako, hindi ako nagtatrabaho ng 9-to-5. Pupunta ako kah
Nang nagmamadaling pumunta si Zachary sa opisina ni Isaac, magulo ang buhok niya, at ang katawan niya ay may halong amoy ng alak at pabango. May ilang makintab at nakakaakit na marka ng lipstick pa sa mukha niya.Nang makita si Charlie, nagmamadali siyang ngumiti na parang humihingi ng tawad at tinanong, “Master Wade, hinahanap mo ba ako?”Tumango si Charlie at tinanong, “Nag-enjoy ka ba sa pag-inom kagabi?”Pinunasan ni Zachary ang kanyang bibig, ngumisi, at sinabi, “Master Wade, uminom ako nang mabuti kagabi!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at sinabi, “Dahil uminom ka nang mabuti, oras na para magtrabaho ka sa hapon.”Tumayo agad nang tuwid si Zachary at tinanong nang magalang, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko? Sabihin mo lang ang mga utos mo!”Humuni si Charlie bilang sagot at tinanong, “Zachary, bumalik ka ba dala-dala ang isa pang jade ring?”Sinabi agad ni Zachary, “Oo. Nakuha ko na ito! Kagabi, nilagay ko ito sa safe sa kwarto habang hindi pa ako lasing!”Tumango
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa