Dati, palaging malungkot at miserable si Marcus kapag pumupunta siya sa Heaven Springs para hanapin si Albert habang nakaukit ang mga salitang ‘mahinang ul*l’ sa kaniyang noo.Sa tuwing pumupunta siya dito, palaging tumitingin sa kanya ang lahat ng mga bisita at kahit ang mga waiter sa Heaven Springs at sobrang napapahiya siya talaga.Pero, iba ngayong araw.Sa wakas ay mamamatay na si Albert ngayong gabi. Pagkatapos nitong gabi, talagang mawawala na si Albert sa Aurous Holl! Sa oras na iyon, ang kanyang ama, si Cain, ay papalitan ang posisyon niya!Sa sandaling iyon, si Cain na ang magiging bagong hari ng underground sa Aurous Hill!Kapag dumating ang oras na iyon, mapupuno ng respeto ang mga tao sa kanya at tatawagin siyang Don Cain!Bukod dito, matatanggal na ni Marcus ang nakakahiyang peklat sa kanyang noo. Sa wakas ay mapapalaya na siya sa mga nakakahiyang mga salitang ‘mahinang ul*l’ na nakaukit sa kanyang noo sa mga nakaraang panahon.Sobrang sabik ni Marcus nang maisip n
Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik ang magandang babaeng manager sa Diamond Room. Sa sandaling ito, isang mahiyaing binata ang nakasunod sa likod niya at nakayuko dahil tila ba hindi siya nangahas ana tumingala.Nalito nang sobra si Jacob at ang lahat ng tao sa Calligraphy and Painting Association sa sandaling ito. Hindi nila mapigilang isipin kung bakit dinala ni Albert ang batang ito para magtanghal sa kanila.Sa totoo lang, wala namang espesyal sa binatang ito!Sa sandaling pumasok ang binata sa Diamond Room, agad siyang tumuko sa harap ni Albert nang walang sinasabi. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya sa takot at magalang na tono, “Tito Albert, nandito ako ngayon para mag-ulat sa iyo. Mangyaring suriin mo ang peklat ko.”Ang taong ito ay walang iba kundi si Marcus Lloyd.Sa araw na iyon, pagkatapos iukit ang mga salitang ‘mahinang ul*l’ sa noo ni Marcus sa Champs Elys Spa Resort, inutusan siya ni Albert na pumunta sa Heaven Springs tuwing linggo para masuri niya ang pe
Pagkatapos malait si Marcus ng mga tao, sumenyas si Albert para paalisin siya.Karaniwan, pagkatapos niyang mapahiya sa Heaven Springs, tatakpan ni Marcus ang kanyang noo at uuwi kaagad.Pero sa sandaling ito, bumalik siya sa parking lot habang may nakamamatay na ekspresyon sa kanyang mukha at pumasok siya sa kotse kung saan nakaupo sina Cain at Johnny.Matagal na siyang hinihintay ni Cain. Nang pumasok si Marcus sa kotse, tinanong niya nang mabilis, “Anak, kamusta doon?”Kinagat ni Marcus ang kanyang ngipin at sinabi, “May mga tatlumpung waiter at guwardiya sa loob pero halos lahat sila ay babae. Ang mga magaling talaga makipaglaban ay labindalawang security guard lang.”Humarap si Cain sa lalaking nakaupo sa tabi niya at tinanong sa nag-aalalang tono, “Mr. Johnny, kumpiyansa ka ba na kakayanin mo ang napakaraming tao? Matatalo ka ba kung aatake sila?”Ngumiti nang malamig si Johnny at sinabi, “Huh, kahit na may tatlumpung tao pa na security guard, parang mga langgam lang sila s
Gayunpaman, sobrang rangya talaga ng inayos na hapunan ni Don Albert at nagulantang si Jacob.Ang isang bahagi ng double-headed abalone para sa kanila ay nasa 8,880 dolyar kada tao, kung isasama pa ang mga black truffles, caviar, at ibang pagkain, madali nitong maaabot ang libo-libong dolyar kada plato.Tinantya niya na ang mga pagkain ay nasa dalawa o tatlong milyon!Hindi pa nakakakain nang ganitong mahal na pagkain si Jacob sa buong buhay niya. Nanginig siya sa tuwa at sinabi kay Albert, “Mr. Rhodes, maraming salamat sa kabaitan mo! Talagang nalulugod ako!”Ngumiti nang kaunti si Albert, kinuha ang kanyang business card sa bulsa niya, at sinabi niya habang iniabot kay Jacob, “Mr. Wilson, ito ang name card ko, mangyaring pakitago ito! Sa susunod, kung gusto mo ulit pumunta sa Heaven Spring, tawagan mo lang ako at magrereserba agad ako ng Diamond Suite para sa’yo.”Ngumisi si Jacob habang kinuha niya ang business card na parang isang batang nakatanggap ng isang lollipop.Namangh
Nabulabog ang lahat ng tao sa suite sa biglaang ingay.Tumingin sila sa pinto at nakita ang isang matipunong lalaki na pumasok sa suite na may malamig na hitsura.Sa likod niya, apat na mga mukhang mayayabang na lalaki ang sumunod at pumasok din sa suite.Ang limang lalaking ito ay mga personal na bodyguard ni Donald Webb.Sumunod si Cain at Marcus sa likod ng mga lalaking ito habang may mga masasamang ngisi sa kanilang mukha.Sumimangot si Albert sa pangamba nang makita niya ang mga Lloyd at sinumbat, “Huh, napakatapang mo huh, nagdala ka ng tao para hamunini ako sa sarili kong restaurant?!”Suminghal nang mapanghamak si Marcus. “Albert Rhodes, pwede mong panatilihin ang kayabangan mo, pero malapit ka nang mamatay! Hinding-hindi ko malilimutan ang kahihiyan at pangungutya na nakuha ko dahil sa’yo at nandito ako ngayong para patayin ka!”Napanganga ang lahat sa sandaling natapos magsalita si Marcus!Seryoso ba siya?Talaga bang may tapang siya pata patayin si Don Albert?!Tum
Nanginginig sa takot si Jacob. Pinilit niya si Morgan dahil nakita niyang nakatayo lang siya at nag-aalangan, “Morgan, umalis ka na! Kung aatakihin ka talaga nila, hindi ko alam ang sasabihin ko sa pamilya mo!”Sumigaw nang malamig si Johnny, “Kung ayaw mong umalis, manatili ka na lang.”Kinagat ni Morgan ang kanyang ngipin sa lungkot. Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod siya at lumabas sa suite.Talagang nawalan na ng pag-asa si Jacob ngayon, pero swerte siya dahil nandito si Albert kasama niya, kaya nagdasal siya na malulutas ni Albert ang mahirap na problemang ito.Pero, hindi niya alam na wala ring magawa si Albert sa sandaling ito.Kung nandito ang mga tauhan niya, sumugod na sila sa kwarto nang gumawa ng malakas na ingay ang mga taong ito sa Diamond Suite. Dahil walang pumunta, pinatunayan na nasugatan na sila nang malala tulad ng mga sinabi ng taong ito.Tumingin nang masama si Cain kay Albert sa galit at sinabi, “Albert Rhodes, ngayong araw ka mamamatay!”Pagkatapos,
Nang sumugod si Cain at ang iba sa Diamond Suite, papunta na si Charlie sa Heaven Springs, minamaneho ang BMW ni Jacob.Hindi niya balak umalis nang maaga, pero may nakakainis na tao sa bahay—si Elaine.Hindi siya mapigilang sumbatan ni Elaine. Una, sinumbat niya kung gaano maaksaya si Jacob dahil gumastos siya ng dalawampung libo para sa hapunan kaysa sa pagbili ng mga cosmetics para sa kanya at ilang round ng mahjong kasama ang mga kaibigan niya.Pagkatapos, nilipat niya ng panunumbat niya kay Charlie, hindi siya nagustuhan dahil hindi siya kumikita sa labas at nandoon lang siya sa bahay at umaasa sa kanila.Mas sumigla siya habang nanunumbat siya, pinipilit niya na ipakilala si Charlie sa isang trabaho bilang security guard sa isang parking lot na may sahod na tatlong libong dolyar kada buwan at pinipilit niya na ibigay sa kanya ang lahat ng sahod niya kapag natanggap niya ito.Alam ni Charlie na sobrang linis na ng bulsa ni Elaine pagkatapos ng scam at hindi siya makagastos na
Nang pumasok si Charlie sa Heaven Springs, nakita niyang nakahandusay ang lahat ng waitress at security guard sa sahig.Nilapitan sila ni Charlie para imbestigahan at napagtanto niya na nawalan sila ng malay. May mga malalaking pasa sa leeg nila, tila ba may humampas nang malakas dito gamit ang kanilang mga kamay.‘Hmm, mukhang magagaling sila at makapangyarihan!’ Sumimangot si Charlie, unti-unti na niyang nalalaman ang katotohanan.Pagkatapos, ginalaw niya ang mga binti niya at pumunta sa itaas!Sa sandaling ito, malapit nang mamatay si Albert, unti-unti nang nagiging puti ang mga mata niya.Sa kabilang bahagi ng suite, tumingin sa isa’t isa sina Cain at Marcus.Naglabas si Marcus ng isang patalim sa kanyang sinturon at sinabi nang malamig habang nakatingin siya kay Jacob na nanginginig sa sulok, “Dahil si Johnny na ang bahala kay Albert, ako na ang bahala sa g*gong si Jacob na ito!”“Pa, sunggaban mo siya, gusto kong iukit ang ‘biyenan na lalaki ng mahinang ul*l’ sa ulo niya!”
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl