Nang pumasok si Charlie sa Heaven Springs, nakita niyang nakahandusay ang lahat ng waitress at security guard sa sahig.Nilapitan sila ni Charlie para imbestigahan at napagtanto niya na nawalan sila ng malay. May mga malalaking pasa sa leeg nila, tila ba may humampas nang malakas dito gamit ang kanilang mga kamay.‘Hmm, mukhang magagaling sila at makapangyarihan!’ Sumimangot si Charlie, unti-unti na niyang nalalaman ang katotohanan.Pagkatapos, ginalaw niya ang mga binti niya at pumunta sa itaas!Sa sandaling ito, malapit nang mamatay si Albert, unti-unti nang nagiging puti ang mga mata niya.Sa kabilang bahagi ng suite, tumingin sa isa’t isa sina Cain at Marcus.Naglabas si Marcus ng isang patalim sa kanyang sinturon at sinabi nang malamig habang nakatingin siya kay Jacob na nanginginig sa sulok, “Dahil si Johnny na ang bahala kay Albert, ako na ang bahala sa g*gong si Jacob na ito!”“Pa, sunggaban mo siya, gusto kong iukit ang ‘biyenan na lalaki ng mahinang ul*l’ sa ulo niya!”
Sobrang lamig ng ekspresyon ni Charlie!Kailanman ay hindi niya aakalain na mangangahas sina Cain at Marcus na magdala ng tao para patayin sina Albert at Jacob!Nagalit siya nang sobra ngayon at handa na siyang pumatay!Sa kabilang dako, sobrang saya nina Cain at Marcus nang makita siya!Sa mga nakaraang panahon, sobrang naghirap si Marcus, ininsulto siya at pinahiya nang maraming beses!Ang lahat ng ito ay dahil kay Charlie!Sa wakas, makakapaghiganti na siya ngayong gabi!Galit din si Cain kay Charlie dahil sa atake niya ngayong araw. Sa una, nagsisisi siya dahil hindi niya siya mapapatay ngayong araw, pero lumitaw siya sa harap nila! Nasorpresa siya!Mabilis na humarap si Cain kay Johnny at sumigaw, “Mr. Johnny! Si Charlie Wade ang put*ng inang ito! Patayin mo siya ngayon din!”Sumigaw din nang masaya si Marcus, “Oo, Mr. Johnny, patayin mo na ang p*ta na iyon!”Sumimangot si Charlie at sinabi niya nang kalmado at tila ba malapit nang dumating bagyo, “Pakawalan niyo si Albe
Talagang nabasag ang buto sa kaliwang balikat ni Johnny, isang patong ng balat at laman na lang ang nagkokonekta sa kanyang kaliwang braso at balikat. Ang kaliwang kamay niya ay nakasabit na lang sa gilid niya habang nakatingin siya sa sobrang gulat at sa pagkabulabog.Siya ang hari ng mga special forces na may pambihirang lakas! Wala siyang katapat sa militar!Sa lakas niya at dignidad, hindi niya man lang pag-iisipan na maging bodyguard kung hindi dahil sa napakagandang sahod ng pamilya Webb.Kailanman ay hindi pa natatalo si Johnny pagkalipas ng maraming taon. Pero, nang sumugod sa kanya si Charlie, agad naging baldado ang kaliwang braso niya! Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon si Charlie?! Hindi ito mula sa mundong ito!Ngumisi si Charlie sa takot na si Jonny at tinanong, “Bakit? Takot ka ba?”Humakbang paatras si Johnny sa pagkabulabog at tinanong, “Sino ka? Bakit sobrang lakas mo?”Sinabi ni Charlie sa payak na tono, “Sino ako? Ako ang taong hindi mo dapat ginulo!”Ki
Bahagyang baldado na si Johnny ngayon at sobrang sakit ng buong katawan niya sa punto na tuluyan nang nawala ang tapang at lakas niya sa kanyang katawan!Sumulyap siya kay Charlie sa kawalan ng pag-asa at lumitaw sa isip niya ang lahat ng biktima niya.Susundan niya rin ba ang mga yapak ng biktima niya ngayong gabi? Madudurog din ba siya at mapapatay ng isang magaling an hitman na mas malakas kaysa sa kanya?!Sobrang natakot si Johnny sa sandaling ito!Totoo, malakas siya, pero hindi ibig sabihin ay hindi siya takot mamatay.Kabaliktaran ito.Sa tuwing pumapatay siya, mas pinapahalagahan niya ang buhay niya.Gusto niyang manatiling buhay at mabuhay nang komportable!Iyon ang dahilan kung bakit siya nagtrabaho bilang hitman ng pamilya Webb.Papatayin niya ang lahat ng kaaway ng pamilya nila kung uutusan siya at ang kapalit, makakatanggap siya ng malaking pera.Pagkatapos mabuhay nang marangya at komportable sa napakaraming taon, naramdaman niya na sobrang ganda ng buhay para s
Talagang baldado na si Johnny ngayon. Nabasag na nang tuluyan ang mga buto niya sa kanyang dalawang balikat, at ang mga laman at tissue sa loob nito ay parang mga putik na, at kung pupunta siya sa hospital ngayon, ang solusyon na lang ay patulin ang mga ito. Hindi man lang niya mapupunasan ang sariling pwetan niya! Parang impyerno na ito!Hindi, ayaw niyang maging ganito sa buong buhay niya!Sa wakas ay nakita na ni Marcus ang mas malaking kakalabasan pagkatapos siyang sampalin at pagalitan ng ama niya. Walang nang saysay ngayon na ipagpatuloy niya ang mayabang na ugali niya kay Charlie. Ang isang matipuno at makapangyarihang lalaki tulad ni Johnny, na tinalo ang mga tauhan ni Don Albert na parang mga aso, ay madaling bumagsak at natalo.Kahit na bantaan niya si Charlie at tutukan niya ng kutsilyo ang leeg ni Jacob, positibo siya na kaya siyang patayin ni Charlie nang hindi nasasaktan si Jacob.Kaya, sobrang talino ng ama niya!Lumuhod siya na may malakas na tunog at umiyak, “Mast
Nakita na ni Albert ang Rejuvenating Pill sa pagdiriwang ng kaarawan ni Lord Moore at nakita niya na rin kung gaano ito kamangha-mangha.Pero, hindi siya nangahas na umasa na magkakaroon siya ng napakahalagang pagkakataon.Kaya, kahit na naramdaman niya na kinain niya ang mahiwagang pill, nagulat siya nang sobra sa sandaling iyon at hindi siya naging sigurado kung nangyari ba talaga ito.Ngumiti nang marahan si Charlie at sinabi niya habang pinatahimik niya siya gamit ang mga mata niya, “Ito na ang pagkakataon mo, magsaya ka dito.”Agad naiyak si Albert!Nalaman niya agad na binibigyan siya ni Master Wade ng isang bihirang pagkakataon an hindi niya man lang mapapanaginipan!Kailanman ay hindi niya inaasahan na mabibigyan siya ng isang bihirang pagkakataon nang muntikan na siyang mamatay kanina!Ang Rejuvenating Pill!Ang pinakabihirang pagkakataon na hindi man lang siya naglakas-loob na mapanaginipan, ay dumating nang hindi inaasahan!Sa sandaling ito, sobrang taas na talaga a
Humarap si Charlie kay Albert at tinanong nang nalilibang, “Albert, dahil isang mahinang ul*l si Marcus Lloyd, ano sa tingin mo ang dapat itawag sa ama niya?”Nag-isip nang ilang sandali si Albert at sinabi, ‘Hmm, dahil ang anak niya ay isang mahinang ul*l… ang tawag dapat sa kanya ay ‘ama ng mahinang ul*l’, tama ba?”Tumango nang kuntento si Charlie. “Oo! Tama ka, siya ang ama ng mahinang ul*l.”Pagkatapos, humarap siya kay Cain at tinanong nang nakangiti, “Cain Lloyd, ano sa tingin mo?”Tumango nang paulit-ulit si Cain at sinabi sa nambobolang tono, “Oo, tama si Albert, ako ang ama ng mahinang ul*l!”“Mabuti.” Tumango si Charlie at sinabi kay Albert, “Diba, siya na mismo ang umamin, kaya ihanda mo na ang panulat mo.”“Panulat?” Natulala si Albert at sinabi, “Anong panulat, Master Wade? May gusto ka bang ipasulat?”Tinuro ni Charlie ang nakaukit na ‘mahinang ul*l’ sa noo ni Marcus at sinabi, “Isulat mo ang mga salita sa ulo niya, nakalimutan mo na ba?”Sinampal ni Albert ang u
Umiyak si Cain sa kawalan ng pag0asa. Nang dumikit ang kutsilyo sa kanyang noo, umiyak siya sa sakit at nagpumiglas pa nang desperado.Sinampal siya ni Albert sa inis at sinabi, “Sumigaw ka ulit at puputulin ko ang ari ng anak mo!”Nang binantaan siya, nanginig si Cain pero nanatili siya. Kinagat niya ang kanyang ngipin, tumutulo ang mga luha niya habang inuukitan ni Albert ang kanyang noo.Sobrang bilis at eksakto ni Albert. Hindi matagal, nakaukit na sa noo ni Cain ang mga salitang ‘ama ng mahinang ul*l’.Sobrang madugo ng noo ni Cain at magulo, tila ba kakagaling niya lang sa isang chopping board.Nanginginig si Marcus sa sobrang takot habang pinapanood niya ang eksenang ito. Siguradong sobrang sakit at miserable ng nararamdaman ng ama niya dahil sobrang daming salita ang nakaukit sa kanyang noo.Nang matapos ang pag-uukit, umiyak si Cain at tinanong, “Master Wade, maaari mo na ba kaming paalisin ngayon?”Umiling si Charlie. “Sa tingin mo ba talaga ay iyon na ang lahat?”Pag
Sinabi ni Janus, "Hindi pa. Nagmamadali kasi ako ngayon kaya hindi ko siya nasabihan. Baka kasi hindi rin ako makahanap ng oras para makadalaw sa kanya, kaya hindi ko na sinabi."Ngumiti si Charlie at sinabi, "Kung ganoon, huwag mo na siyang tawagan. Puntahan na lang natin siya para sorpresahin.""Okay!" Agad pumayag si Janus, kitang-kita ang pananabik sa mukha niya. Hindi niya napigilang sabihin kay Charlie, "Young Master, sa totoo lang, itinuring ko nang parang tunay na anak si Angus. Matagal na rin mula nang huli ko siyang makita, kaya miss na miss ko na talaga siya."Lubos na naunawaan iyon ni Charlie.Mahirap ang naging buhay ni Janus sa United States noon. Sa mga unang taon, kahit papaano ay medyo magaan ito dahil sa pag-alalay ni Jenna na naging kaagapay niya sa mga pagsubok. Pero matapos umalis si Jenna, naiwan siyang mag-isa, pinatatakbo ang roasted goose stall habang illegal immigrant pa ang katayuan niya. Talagang naging mabigat at walang pag-asa ang buhay na iyon para s
Gabi na sa Qi Temple.Sa isang liblib na meditation room na sarado para sa publiko, nakaupo ang isang magandang babae sa isang upuang gawa sa rattan habang nakatingala sa mabituing kalangitan ng taglagas. Lumapit ang isang matandang kalbong babae at inilagay ang kumot sa mga binti ng babae, sabay sinabi nang may paggalang, “Madam, nakalipad na po ang eroplano ni Young Master.”“Umalis na siya?” tanong ng magandang babae habang lumilingon sa direksyon ng airport nang marinig iyon.Nang makita niya ang ilang kumikislap na ilaw sa malayo sa kalangitan, napabuntong-hininga siya at sinabi, “Alin kaya sa mga kumikislap na ilaw na iyon ang eroplano na sinasakyan ng anak ko?”Tinanong niya ang matandang babae, “Kasama ba ni Charlie si Janus?”Ang magandang babaeng ito ay si Ashley, ang ina ni Charlie. Ang matandang babae sa tabi niya ay si Jade Sun, ang nagkunwaring madre. Matagal nang nagsisilbi si Jade kay Ashley bilang isang tagapamahala ng bahay.Sinabi ni Jade kay Ashley, “Madam, ma
Hindi naging komportable si Jacob nang makita niyang umakyat si Charlie, at mas lalo siyang nawalan ng gana mabuhay nang makita ang ngiting panalo ni Elaine.Habang umaakyat si Charlie, hindi niya maiwasan na bumuntong hininga at isipin kung kailan matatalo ng biyenan niyang lalaki ang pag-aalinlangan at kahinaan at mabuhay talaga sa gusto niyang buhay.-Pagkatapos iimpake ang lahat, umalis si Charlie nang mag-isa sa gabi balak magmaneho papunta sa airport. Nang makababa siya sa elevator sa unang palapag, nakita niya si Jacob na may hawak na sigarilyo na tumayo sa sofa at ngumiti, sinasabi, “Mahal kong manugang, aalis ka na ba ngayon?”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi, “Oo, Pa. Pupunta na ako sa airport ngayon.”Pinagkuskos ni Jacob ang kanyang mga kamay at magsasalita na sana nang biglang bumaba si Elaine na pilay ang lakad at malakas na sinabi, “Oh, mahal kong manugang, hayaan mong ihatid kita!”Pareho sina Elaine, na nakatanggap ng isang milyong dolyar, at si Jacob,
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl