Share

Kabanata 714

Author: Lord Leaf
Humarap si Charlie kay Albert at tinanong nang nalilibang, “Albert, dahil isang mahinang ul*l si Marcus Lloyd, ano sa tingin mo ang dapat itawag sa ama niya?”

Nag-isip nang ilang sandali si Albert at sinabi, ‘Hmm, dahil ang anak niya ay isang mahinang ul*l… ang tawag dapat sa kanya ay ‘ama ng mahinang ul*l’, tama ba?”

Tumango nang kuntento si Charlie. “Oo! Tama ka, siya ang ama ng mahinang ul*l.”

Pagkatapos, humarap siya kay Cain at tinanong nang nakangiti, “Cain Lloyd, ano sa tingin mo?”

Tumango nang paulit-ulit si Cain at sinabi sa nambobolang tono, “Oo, tama si Albert, ako ang ama ng mahinang ul*l!”

“Mabuti.” Tumango si Charlie at sinabi kay Albert, “Diba, siya na mismo ang umamin, kaya ihanda mo na ang panulat mo.”

“Panulat?” Natulala si Albert at sinabi, “Anong panulat, Master Wade? May gusto ka bang ipasulat?”

Tinuro ni Charlie ang nakaukit na ‘mahinang ul*l’ sa noo ni Marcus at sinabi, “Isulat mo ang mga salita sa ulo niya, nakalimutan mo na ba?”

Sinampal ni Albert ang u
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 715

    Umiyak si Cain sa kawalan ng pag0asa. Nang dumikit ang kutsilyo sa kanyang noo, umiyak siya sa sakit at nagpumiglas pa nang desperado.Sinampal siya ni Albert sa inis at sinabi, “Sumigaw ka ulit at puputulin ko ang ari ng anak mo!”Nang binantaan siya, nanginig si Cain pero nanatili siya. Kinagat niya ang kanyang ngipin, tumutulo ang mga luha niya habang inuukitan ni Albert ang kanyang noo.Sobrang bilis at eksakto ni Albert. Hindi matagal, nakaukit na sa noo ni Cain ang mga salitang ‘ama ng mahinang ul*l’.Sobrang madugo ng noo ni Cain at magulo, tila ba kakagaling niya lang sa isang chopping board.Nanginginig si Marcus sa sobrang takot habang pinapanood niya ang eksenang ito. Siguradong sobrang sakit at miserable ng nararamdaman ng ama niya dahil sobrang daming salita ang nakaukit sa kanyang noo.Nang matapos ang pag-uukit, umiyak si Cain at tinanong, “Master Wade, maaari mo na ba kaming paalisin ngayon?”Umiling si Charlie. “Sa tingin mo ba talaga ay iyon na ang lahat?”Pag

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 716

    Ngumisi si Charlie at tumango sa kuntento at sinabi, “Bilisan mo, magsimula na tayo.”Pagkatapos, tinutok niya ang cellphone kina Cain at Marcus.Tumayo nang magkatabi ang mag-ama. Pinunasan ni Marcus ang luha niya at naglabas ng ngiti at sinabi, “Hello, ako si Marcus Lloyd, ang mahinang ul*l.”Sinabi rin nang nagmamadali ni Cain, “Hi, ako si Cain Lloyd, ang ama ng mahinang ul*l.”Pagkatapos, sinabi nila nang sabay, “Magpe-perform kami ng stand-up comedy ngayong araw!”Sinabi ni Marcus, “Marahil nakita niyo na ang mga nakaukit na salita sa noo ko. Bakit, gusto niyo bang itanong? Dahil sobrang yabang ko palagi at ang mga salitang ito ay pinapaalala sa akin na kayong lahat ay mga mahihinang ul*l.”Nagpatuloy si Cain, “Tulad nga ng sabi nila, ‘like father, like son’, pero sa kaso ko, para bang ‘like son, like father’. Dahil may nakaukit na ‘mahinang ul*l’ sa noo ng anak ko, hindi pwede na siya lang ang magsasaya nang mag-isa, kaya sumama ako at inukit ko rin ang mga salitang ‘ama ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 717

    Mabilis na sumagot si Marcus sa sinabi ni Cain, “Kaya, kung pupunta ako sa pamilya Webb, kukunin kaya akong sugar daddy ng matandang sintu-sinto nila?”Pinatunog ni Cain ang mga daliri niya, “Aha! Mukha nga, malamang mangyari ito!”Sinabi nang mabilis ni Marcus, “Pero, Pa, hindi ito okay! Kung tatawagin tayong papa ng matandang sintu-sinto na iyon, paano naman ang pagkakaiba natin sa henerasyon?”Nag-isip nang ilang sandali si Cain at sumagot, “Oo, tama ang sinabi mo. Magiging sugar grandpa na lang niya ako, ayos lang ba ito?”Ngumisi nang tuso ni Marcus. “Okay lang sa akin!”Sinabi ni Cain, “Sa totoo lang, may iba-ibang fetish ang lahat ng tao sa pamilya Webb. Mahilig kumain ng tae si Kian, mahilig mangolekta ng sugar daddy ang matandang sintu-sinto nila, kahit si Donald ay may fetish din.”“Talaga?” Tinanong ni Marcus, “Ano ito? Mahilig din ba siyang kumain nang gano’n?”“Hindi,” sumagot si Cain, “Narinig ko na cuckold siya noong bata pa siya.”“Cuckold? Anong ibig sabihin ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 718

    Sa sandaling ito, huminto nang ilang sandali si Cain at tumingin siya sa paligid niya nang hindi mapalagay, pagkatapos huminga siya nang malalim at sinabi, “Sa totoo lang, sobrang ganda talaga ng asawa ni Donald. Kilala siya bilang ang pinakamagandang babae sa South Region!”Tinanong nang nagmamadali ni Marcus, “Ang ibig mo bang sabihin ay ang asawa ni Donald na gusto niyang makipagtalik sa 10,000 lalaki?”“Oo, siya!” Sinabi ni Cain na may naaaliw na hitsura, “Pinangarap ko pa dati na makipagtalik sa kanya! Isipin mong nakikipagtalik sa akin ang asawa ni Donal Webb, gaano ito kaastig?!”Sinabi nang nabalisa ni Marcus, “Pa, narinig ko na ayos lang siya sa lahat ng lalaki, maaari ko ba kayong samahan?”Tumawa si Cain at sinabi, “Syempre, anak! Tara na, okay? Hindi pa 9 pm. Kung magmamaneho na tayo ngayon, makakarating tayo sa Sudbury mamayang hatinggabi at iyon na ang oras para alagaan tayo ng asawa ni Donald!”“Wow, ang galing!” Ngumisi nang sabik si Marcus. “Pumunta na tayo ngayon

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 719

    Naglaho na sa paningin nila sina Cain at Marcus Lloyd. Biglang napagtanto ni Albert na nakakaaliw ang parusa ni Master Wade. Buong buhay na matatakot ang dalawang lalaki na ito nang hindi nadudumihan ang kamay niya. Ito ang pinakamagandang parusa para sa kanila.Sa sandaling ito, nakahandusay pa rin ang limang bodgyguard sa sahig ng Diamond Room.Tinanong ni Albert, “Master Wade, anong gusto mong gawin sa mga lalaking ito? Gusto mo ba silang patayin, o…”Nilagitik ni Charlie ang kanyang dila at tinanong ,”Hmm, nag-iisip ako. May magandang ideya ka ba?”Tumingin nang masama at puno ng galit at poot si Albert kay Johnny.Kailanman ay hindi niya inaakala na talagang papatayin siya ng pamilya Webb.Salamat kay Master Wade, nabuhay siya. Kung hindi, namatay na siya sa mga kamay ni Johnny!Kaya, agad kinamuhian nang sobra ni Albert ang pamilya Webb.Gusto niya na pumunta na lang at pagpira-pirasuhin si Johnny sa isang milyong piraso sa sandaling ito!Humarap siya kay Charlie at sina

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 720

    Apat na salita para sa unang lalaki;Limang salita para sa pangalawa;Anim na salita para sa tatlo;Pitong salita sa pang-apat.Dahil siya ang pang-lima, ang ibig sabihin ba ay walong salita ang iuukit sa noo niya?Hindi sapat ang lugar sa noo niya para sa gano’ng karaming salita!Napaiyak si Johnny at nagmakaawa habang pinupunasan ang kanyang mga luha at sipon, “Master Wade, patawarin mo sana ako. Magiging tapat ako sa’yo, magiging aso mo ako, susundin ko ang lahat ng utos mo…”Sumagot nang payak si Charlie, “Wala kang karapatan para maging aso ko, pero kung patuloy kang magsasabi ng mga kalokohan, ipapakain kita sa mga aso ni Albert! Ginagawa ko lagi ang sinasabi ko, subukan mo ako!”Agad tinikom ni Johnny ang kanyang bibig.Talagang natatakot siya kay Charlie!Hindi na siya nangahas na magsalita pagkatapos siyang bantaan ni Charlie dahil natatakot siya na papatayin talaga siya ni Charlie!Sa sandaling ito, pinulot ni Albert ang kutsilyo sa sahig, lumapit sa unang lalaki,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 721

    Pagkatapos manahimik ni Johnny, kinaladkad ni Albert ang pangatlong lalaki at tinanong, “Master Wade, paano naman ang taong ito?”“Mandarambong ng pwet si Sean Webb.”Tumango si Albert. Nirelax niya ang kanyang kamay at inukit ang anim na salita sa mukha ng lalaki.Pagkatapos, ang pang-apat na lalaki na.“Master Wade, pitong salita na ito.”“Hmm… ‘Sobrang hina sa kama si Donald Webb.’”Hindi mapigilang humagikgik ni Albert at sinabi niya, “Master Wade, bakit hindi tayo maging direkto? Sabihin na lang natin na impotent siya o may erectile dysfunction.”Iwinagayway ni Charlie ang kanyang kamay. “Sobrang sensitibo nito, hindi natin ito pwedeng sabihin nang direkta, mamumula ang mga mukha ng babae kapag nakita nila ito.”Mabilis na inukit ito ni Albert.Ang huling natira ay si Johnny.Tumingin nang takot si Johnny sa mga kasama niya at sa mga madugong mukha nila.Sobrang mapagmataaas siya at mayabang. Dahil sa hindi kapani-paniwalang lakas at kapangyarihan niya, inisip niya na s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 722

    Pero sinong nakakaalam kung nagsasabi ba sila ng totoo o nagsisinungaling?Nainis na nang kaunti si Albert ngayon. Sinampal niya si Johnny sa inis at sumigaw, “Manahimik na lang, okay? Kung may maririnig pa akong isang ungol, iuukit ko ang isang play ni William Shakespeare sa buong katawan mo!”Sa sobrang lakas ng sampal, naging blanko ang paningin ni Johnny nang ilang sandali. Hindi na siya nangahas na magsalita ngayon, kaya umiyak na lang siya habang tinitiis ang matalas na patalim na sumasayaw sa kanyang mukha.Nararamdaman niya ang paghiwa ng patalim sa balat ng kanyang noo. Halos himatayin na siya sa sobrang sakit at patuloy na tumutulo ang dugo sa kanyang noo kaya hindi niya mabuksan ang kanyang mga mata.Pinagsisisihan niya ang lahat ng ginawa niya ngayong araw. Kung alam niya lang kung anong klaseng miserableng sitwasyon ang kahihinatnan niya, hinding-hindi siya papayag na patayin si Albert kahit gaano pa kalaki ang ibayad sa kanya ni Donald...Sa kasamaang palad, walang r

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5921

    Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5920

    Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5919

    Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status