Share

Kabanata 710

Author: Lord Leaf
Talagang nabasag ang buto sa kaliwang balikat ni Johnny, isang patong ng balat at laman na lang ang nagkokonekta sa kanyang kaliwang braso at balikat. Ang kaliwang kamay niya ay nakasabit na lang sa gilid niya habang nakatingin siya sa sobrang gulat at sa pagkabulabog.

Siya ang hari ng mga special forces na may pambihirang lakas! Wala siyang katapat sa militar!

Sa lakas niya at dignidad, hindi niya man lang pag-iisipan na maging bodyguard kung hindi dahil sa napakagandang sahod ng pamilya Webb.

Kailanman ay hindi pa natatalo si Johnny pagkalipas ng maraming taon. Pero, nang sumugod sa kanya si Charlie, agad naging baldado ang kaliwang braso niya! Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon si Charlie?! Hindi ito mula sa mundong ito!

Ngumisi si Charlie sa takot na si Jonny at tinanong, “Bakit? Takot ka ba?”

Humakbang paatras si Johnny sa pagkabulabog at tinanong, “Sino ka? Bakit sobrang lakas mo?”

Sinabi ni Charlie sa payak na tono, “Sino ako? Ako ang taong hindi mo dapat ginulo!”

Ki
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6615

    Pero, biglang pumalakpak si Julien at sabik na sinigaw, "Oo, tama! Dapat dalhin na rin natin ang asawa at anak niya para sa isang masayang reunion!"Huminto siya saglit at mabilis na itinama ang sarili, "Teka, hindi! Ang ibig kong sabihin, dapat ang bawat isa ay nasa sariling hawla na may isang bakanteng hawla sa pagitan nila. Maaari silang mag-usap at makita ang isa't isa, pero walang pisikal na hawakan. Paano niya nagawang magyabang sa akin—kailangan ko siyang turuan ng leksyon na hindi niya malilimutan!"Bumagsak si Jimmy nang walang lakas sa kanyang puwitan, at sumenyas si Matilda kay Paul na tulungan siyang tumayo habang humarap kay Julien at kinagat ang kanyang mga labi. "Pakiusap, Mr. Rothschild… Kahit hindi mo tanggapin ang paghingi niya ng tawad, huwag mong idamay ang kanyang pamilya. Salungat ito sa tradisyon ng Oskia—mai-insulto mo ang pangalan ng pamilya mo!"Nagkibit balikat si Julien, sumagot nang walang pag-aalinlangan, "Anong kinalaman ng tradisyon ninyo sa akin? Kun

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6614

    Itinaas ni Julien ang hinlalaki kay Charlie at masiglang sinabi, "Tama ka, kaibigan! Mas nakakapanabik pa iyon kaysa ipakulong siya!"Nang marinig na ipapadala siya sa kennel, alam ni Jimmy na hindi ito maganda—kahit hindi niya alam ang detalye, halata naman na sobrang saya ni Julien sa ideyang iyon!Habang kinakabahang humarap kay Charlie, umiyak siya at nagtanong, "Mr. Wade…? Ano itong tungkol sa kennel…?"Tumawa si Julien nang malamig bago pa man magsalita si Charlie. "Ang kennel ay ang lugar kung saan nilalagay ang mga aso, siyempre. Pero may literal na aso at may metaporikal na aso, at ikaw ay kabilang sa pangalawa.”"Huwag kang mag-alala. Maganda ang lugar, may sariling hawla ka, at papakainin ka araw-araw. Hindi mo na kailangan magtrabaho, kaya umupo ka na lang at patuloy na kumain hanggang sa mamatay ka."Parang lumabas ang kaluluwa ni Jimmy sa katawan niya sa sandaling iyon.Ikukulong siya sa hawla?! Mas masahol pa iyon kaysa makulong sa bilangguan! Nasaan ang pagiging m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6613

    Talagang nagulat si Matilda sa mga pagmamakaawa ni Jimmy, at pati si Paul ay nahirapan panoorin ang eksena.Humarap siya kay Charlie at sinabi, "Pakiusap, Mr. Wade—maaaring kasuklam-suklam ang tito ko, pero kapatid pa rin siya ng ama ko. Pakiusap, bigyan mo siya ng pagkakataong magbago, lalo na’t tapat naman siyang nagsisisi."Habang kausap ni Paul si Charlie, litong-lito pa rin si Jimmy at nagtataka kung bakit kay Charlie siya nakikiusap imbes na kay Julien.Kung may dapat lapitan si Paul, si Yolden iyon dahil kaibigan siya ni Julien.Kaya bakit sa isang batang lalaki siya humihingi ng tulong imbes na kay Yolden?Doon nagtanong si Charlie na may halong pagtataka, "Gusto mo siyang pagbigyan? Matapos niyang subukang agawin ang legasiya ng mga magulang mo?"Napangiti si Paul nang nahihiya. "Ibig kong sabihin, kilala ko siya. Nagpunta pa siya rito para lang gumawa ng gulo dahil wala naman siyang kahit anong legal na basehan para angkinin ang Smith Group Corporate Law mula sa amin. K

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6612

    Nang matapos si Julien, napansin niyang may mali at bigla siyang lumingon kay Charlie.Hinarap siya ni Charlie, ang ekspresyon niya ay may halong pagtatanong at aliw.Nilinis ni Julien ang kanyang lalamunan. "Tingnan mo, may mga tao na pwede akong utusan, pero iginagalang ko sila ng lubos. Pero ikaw, isang third-rate na abogado? Sino ka ba sa tingin mo?"Doon tumawag ang butler ni Julien, at nag-ulat nang magalang sa sandaling sinagot ang tawag, "Sir, nakipag-usap na po ako kay Nate Ellis, ang may-ari ng Ares LLC. Pumayag na siyang tanggalin si Jimmy Smith agad at i-disbar siya sa buong bansa."Tinanong ni Julien, "Magaling. May iba pa ba?""Ah, naghatid din po si Mr. Ellis ng ilang dokumento na pwedeng gamitin bilang ebidensya laban kay Jimmy Smith, at sinasabi niyang sapat na iyon para sa habambuhay na sentensya. Kung kailangan mo, pwede natin itong ipadala sa FBI.""Oo, gawin natin iyon!" sagot ni Julien, halatang nakuntento. "At sabihan ang direktor na asikasuhin ito mismo—gu

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6611

    Nagpawis nang sobra si Jimmy sa takot, pero hindi niya namamalayan na nakikipagtalo na siya, "Imposible iyan! Kalokohan ang lahat ng sinasabi mo! Iniisip lang ni Gaiman na may patas siyang tsansa at ayaw niyang bayaran ng ganun kalaki ang Ares, at wala akong ideya kung sino ang kanyáng partner, at tiyak na hindi ako kasangkot. Huwag mo akong siraan!"Tumawa si Nate. "Ano ba, Jimmy. Lahat tayo ay matanda na, kaya may mga bagay na hindi mo kailangan sabihin nang diretso. Paulit-ulit na nagkita si Mills Gaiman at ang dating kaklase mo nang pribado, hindi pa kasama ang mga lihim na conference ninyong tatlo, pinag-uusapan ang kabuuang strategy at mga importanteng punto. Para alam mo, ni-record ni Gaiman ang bawat usapan, at hawak ko ang mga tape."Tumibok nang malakas ang puso ni Jimmy habang sinabi, "K-Kalokohan! Imposible iyan!""Tumanda ka na, Jimmy," tumawa si Mr. Goodman. "Lahat ng partner sa bawat law firm ay nagsusumikap umangat, kaya kailangan ko ang lahat ng kalamangan na makuku

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6610

    Kahit pareho lang ang ringtone at vibration frequency na palagi niyang ginagamit, may kakaibang bigat ang tawag na ito, dahilan para makaramdam si Jimmy ng matinding kaba.Nang bigla itong tumigil at mag-iwan ng missed call sa log niya, agad namang nagpadala ng mensahe si Nate Ellis: [Sagutin mo agad ang cellphone mo ngayon din!]Sa simpleng pagbasa pa lang ng mensahe, parang nanuyo na ang lalamunan ni Jimmy, at nang lumunok siya, pakiramdam niya ay parang napunit ang kanyang lalamunan sa sakit.Gayunpaman, wala na siyang pakialam nang tumawag muli ang boss niya.Matapos makita ang mensahe, hindi na nag-atubili si Jimmy at agad sinagot ang tawag, nakatingin sa mapagmataas na mukha ni Julien habang nanginginig niyang sinabi, "O-Opo, boss…?"Agad siyang sinigawan ni Nate na parang baliw, "Ano bang ginawa mo?! Bakit tumawag ang mga Rothschild para magreklamo tungkol sayo?! At ang nagreklamo pa mismo ay ang tagapagmana nila! Ilang taon akong nagpakahirap para sa kanila at palaging sum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status