Nabulabog ang lahat ng tao sa suite sa biglaang ingay.Tumingin sila sa pinto at nakita ang isang matipunong lalaki na pumasok sa suite na may malamig na hitsura.Sa likod niya, apat na mga mukhang mayayabang na lalaki ang sumunod at pumasok din sa suite.Ang limang lalaking ito ay mga personal na bodyguard ni Donald Webb.Sumunod si Cain at Marcus sa likod ng mga lalaking ito habang may mga masasamang ngisi sa kanilang mukha.Sumimangot si Albert sa pangamba nang makita niya ang mga Lloyd at sinumbat, “Huh, napakatapang mo huh, nagdala ka ng tao para hamunini ako sa sarili kong restaurant?!”Suminghal nang mapanghamak si Marcus. “Albert Rhodes, pwede mong panatilihin ang kayabangan mo, pero malapit ka nang mamatay! Hinding-hindi ko malilimutan ang kahihiyan at pangungutya na nakuha ko dahil sa’yo at nandito ako ngayong para patayin ka!”Napanganga ang lahat sa sandaling natapos magsalita si Marcus!Seryoso ba siya?Talaga bang may tapang siya pata patayin si Don Albert?!Tum
Nanginginig sa takot si Jacob. Pinilit niya si Morgan dahil nakita niyang nakatayo lang siya at nag-aalangan, “Morgan, umalis ka na! Kung aatakihin ka talaga nila, hindi ko alam ang sasabihin ko sa pamilya mo!”Sumigaw nang malamig si Johnny, “Kung ayaw mong umalis, manatili ka na lang.”Kinagat ni Morgan ang kanyang ngipin sa lungkot. Pagkatapos ng ilang sandali, tumalikod siya at lumabas sa suite.Talagang nawalan na ng pag-asa si Jacob ngayon, pero swerte siya dahil nandito si Albert kasama niya, kaya nagdasal siya na malulutas ni Albert ang mahirap na problemang ito.Pero, hindi niya alam na wala ring magawa si Albert sa sandaling ito.Kung nandito ang mga tauhan niya, sumugod na sila sa kwarto nang gumawa ng malakas na ingay ang mga taong ito sa Diamond Suite. Dahil walang pumunta, pinatunayan na nasugatan na sila nang malala tulad ng mga sinabi ng taong ito.Tumingin nang masama si Cain kay Albert sa galit at sinabi, “Albert Rhodes, ngayong araw ka mamamatay!”Pagkatapos,
Nang sumugod si Cain at ang iba sa Diamond Suite, papunta na si Charlie sa Heaven Springs, minamaneho ang BMW ni Jacob.Hindi niya balak umalis nang maaga, pero may nakakainis na tao sa bahay—si Elaine.Hindi siya mapigilang sumbatan ni Elaine. Una, sinumbat niya kung gaano maaksaya si Jacob dahil gumastos siya ng dalawampung libo para sa hapunan kaysa sa pagbili ng mga cosmetics para sa kanya at ilang round ng mahjong kasama ang mga kaibigan niya.Pagkatapos, nilipat niya ng panunumbat niya kay Charlie, hindi siya nagustuhan dahil hindi siya kumikita sa labas at nandoon lang siya sa bahay at umaasa sa kanila.Mas sumigla siya habang nanunumbat siya, pinipilit niya na ipakilala si Charlie sa isang trabaho bilang security guard sa isang parking lot na may sahod na tatlong libong dolyar kada buwan at pinipilit niya na ibigay sa kanya ang lahat ng sahod niya kapag natanggap niya ito.Alam ni Charlie na sobrang linis na ng bulsa ni Elaine pagkatapos ng scam at hindi siya makagastos na
Nang pumasok si Charlie sa Heaven Springs, nakita niyang nakahandusay ang lahat ng waitress at security guard sa sahig.Nilapitan sila ni Charlie para imbestigahan at napagtanto niya na nawalan sila ng malay. May mga malalaking pasa sa leeg nila, tila ba may humampas nang malakas dito gamit ang kanilang mga kamay.‘Hmm, mukhang magagaling sila at makapangyarihan!’ Sumimangot si Charlie, unti-unti na niyang nalalaman ang katotohanan.Pagkatapos, ginalaw niya ang mga binti niya at pumunta sa itaas!Sa sandaling ito, malapit nang mamatay si Albert, unti-unti nang nagiging puti ang mga mata niya.Sa kabilang bahagi ng suite, tumingin sa isa’t isa sina Cain at Marcus.Naglabas si Marcus ng isang patalim sa kanyang sinturon at sinabi nang malamig habang nakatingin siya kay Jacob na nanginginig sa sulok, “Dahil si Johnny na ang bahala kay Albert, ako na ang bahala sa g*gong si Jacob na ito!”“Pa, sunggaban mo siya, gusto kong iukit ang ‘biyenan na lalaki ng mahinang ul*l’ sa ulo niya!”
Sobrang lamig ng ekspresyon ni Charlie!Kailanman ay hindi niya aakalain na mangangahas sina Cain at Marcus na magdala ng tao para patayin sina Albert at Jacob!Nagalit siya nang sobra ngayon at handa na siyang pumatay!Sa kabilang dako, sobrang saya nina Cain at Marcus nang makita siya!Sa mga nakaraang panahon, sobrang naghirap si Marcus, ininsulto siya at pinahiya nang maraming beses!Ang lahat ng ito ay dahil kay Charlie!Sa wakas, makakapaghiganti na siya ngayong gabi!Galit din si Cain kay Charlie dahil sa atake niya ngayong araw. Sa una, nagsisisi siya dahil hindi niya siya mapapatay ngayong araw, pero lumitaw siya sa harap nila! Nasorpresa siya!Mabilis na humarap si Cain kay Johnny at sumigaw, “Mr. Johnny! Si Charlie Wade ang put*ng inang ito! Patayin mo siya ngayon din!”Sumigaw din nang masaya si Marcus, “Oo, Mr. Johnny, patayin mo na ang p*ta na iyon!”Sumimangot si Charlie at sinabi niya nang kalmado at tila ba malapit nang dumating bagyo, “Pakawalan niyo si Albe
Talagang nabasag ang buto sa kaliwang balikat ni Johnny, isang patong ng balat at laman na lang ang nagkokonekta sa kanyang kaliwang braso at balikat. Ang kaliwang kamay niya ay nakasabit na lang sa gilid niya habang nakatingin siya sa sobrang gulat at sa pagkabulabog.Siya ang hari ng mga special forces na may pambihirang lakas! Wala siyang katapat sa militar!Sa lakas niya at dignidad, hindi niya man lang pag-iisipan na maging bodyguard kung hindi dahil sa napakagandang sahod ng pamilya Webb.Kailanman ay hindi pa natatalo si Johnny pagkalipas ng maraming taon. Pero, nang sumugod sa kanya si Charlie, agad naging baldado ang kaliwang braso niya! Anong klaseng kapangyarihan ang mayroon si Charlie?! Hindi ito mula sa mundong ito!Ngumisi si Charlie sa takot na si Jonny at tinanong, “Bakit? Takot ka ba?”Humakbang paatras si Johnny sa pagkabulabog at tinanong, “Sino ka? Bakit sobrang lakas mo?”Sinabi ni Charlie sa payak na tono, “Sino ako? Ako ang taong hindi mo dapat ginulo!”Ki
Bahagyang baldado na si Johnny ngayon at sobrang sakit ng buong katawan niya sa punto na tuluyan nang nawala ang tapang at lakas niya sa kanyang katawan!Sumulyap siya kay Charlie sa kawalan ng pag-asa at lumitaw sa isip niya ang lahat ng biktima niya.Susundan niya rin ba ang mga yapak ng biktima niya ngayong gabi? Madudurog din ba siya at mapapatay ng isang magaling an hitman na mas malakas kaysa sa kanya?!Sobrang natakot si Johnny sa sandaling ito!Totoo, malakas siya, pero hindi ibig sabihin ay hindi siya takot mamatay.Kabaliktaran ito.Sa tuwing pumapatay siya, mas pinapahalagahan niya ang buhay niya.Gusto niyang manatiling buhay at mabuhay nang komportable!Iyon ang dahilan kung bakit siya nagtrabaho bilang hitman ng pamilya Webb.Papatayin niya ang lahat ng kaaway ng pamilya nila kung uutusan siya at ang kapalit, makakatanggap siya ng malaking pera.Pagkatapos mabuhay nang marangya at komportable sa napakaraming taon, naramdaman niya na sobrang ganda ng buhay para s
Talagang baldado na si Johnny ngayon. Nabasag na nang tuluyan ang mga buto niya sa kanyang dalawang balikat, at ang mga laman at tissue sa loob nito ay parang mga putik na, at kung pupunta siya sa hospital ngayon, ang solusyon na lang ay patulin ang mga ito. Hindi man lang niya mapupunasan ang sariling pwetan niya! Parang impyerno na ito!Hindi, ayaw niyang maging ganito sa buong buhay niya!Sa wakas ay nakita na ni Marcus ang mas malaking kakalabasan pagkatapos siyang sampalin at pagalitan ng ama niya. Walang nang saysay ngayon na ipagpatuloy niya ang mayabang na ugali niya kay Charlie. Ang isang matipuno at makapangyarihang lalaki tulad ni Johnny, na tinalo ang mga tauhan ni Don Albert na parang mga aso, ay madaling bumagsak at natalo.Kahit na bantaan niya si Charlie at tutukan niya ng kutsilyo ang leeg ni Jacob, positibo siya na kaya siyang patayin ni Charlie nang hindi nasasaktan si Jacob.Kaya, sobrang talino ng ama niya!Lumuhod siya na may malakas na tunog at umiyak, “Mast
Bukod dito, pupunta siya sa Aurous Hill para bantayan si Mr. Chardon. Ang ibig sabihin ay wala siyang pagkakataon na maging tamad sa mga darating na araw. Kahit na ayaw niya, hindi siya nangahas na antalain ito at mabilis na umalis sa ilalim ng gabi.Nagbayad siya ng malaki para bumili ng isang kotse mula sa hotel owner at naglakbay mula sa maliit na siyudad papunta sa siyudad ng Yakutsk sa Russian Far East.Samantala, dinala ni Zachary ang isa pang jade ring na kinuha niya kay Terry at isang bank card na may mahigit one million US dollars para magsaya sa pinakamalaking nightclub sa Aurous Hill. Napapalibutan siya ng mga magagandang dalaga habang nag-eenjoy siya habang umiinom hanggang makuntento siya.May mga mahal na alak sa harap ni Zachary na may isang bote ng champagne na mahigit 10 o 20 thousand dollars. Ang mas maganda dito ay lampas 1000 thousand dollars.Bukod dito, ilang maganda at dalagang babae ang nakapalibot kay Zachary, pinupuri siya sa lahat ng posibleng paraan. Ang
Naing malungkot nang sobra ang kalooban ni Ruby nang marinig ang mga sinabi ng British Lord.Totoo, tulad nga ito ng hula niya. Palaging alam ng British Lord ang lokasyon ng mga great earl. Ang mas nakakatakot pa ay kayang analisahin ng British Lord ang kilos ng lahat ayon sa oras, lokasyon, at impormasyon na mayroon sa lokal na internet.Ang ibig sabihin ay sa buong buhay niya, marahil ay hindi niya matakasan ang kontrol ng British Lord.Kahit na ginagawa ng mga great earl ang mga misyon sa matagal na panahon nang hindi nag-uulat, may lason pa rin sila na ginawa ng British Lord sa katawan nila.Pero, ang mga tao tulad nila ay may mas mahabang buhay, kaya nagtakda ang British Lord ng mas mahabang oras para inumin nila ang antidote. Habang ang iba ay kailangan uminom ng antidote kada dalawang linggo, tatlong buwan, o kalahating taon, ang mga great earl ay kailangan lang inumin ang antidote kada tatlong taon.Pero anong pagkakaiba ang kayang gawin ng tatlong taon? Kung mga saranggol
Mabilis na pinindot ni Ruby ang answer button at sinabi nang magalang, “Hello, British Lord!”Nagsalita ang British Lord sa medyo marahan na tono sa kabilang dulo ng linya at sinabi, “Ruby, nasaan ka ngayon?”Kumunot ang noo ni Ruby. Alam niya na kapag dala-dala niya ang cellphone ng British Lord, kaya niya siyang tawagan sa kahit anong oras, dalawampu’t apat na oras, at siguradong alam niya ang lokasyon niya. Pero, kahit na alam niya ang lokasyon niya, dumaan pa rin ang British Lord sa pormalidad na magsimula ng isang kaswal na pag-uusap sa kanya. Mukhang gusto niyang mapalapit sa kanya.Nang maisip ito, sinabi nang magalang ni Ruby, “Sa ngayon ay nasa Far East pa rin ako.”Humuni ang British Lord bilang sagot at tinanong siya, “Nakahanap ka ba ng kahit anong bakas sa Far East na kaugnay kay Vera?”Mabilis na sumagot si Ruby, “British Lord, hindi sapat ang kakayahan ko at hindi pa ako nakakahanap ng kahit anong impormasyon na kaugnay kay Vera.”Ngumiti ang British Lord at sinabi
Alam ni Mr. Chardon na hindi na niya pwede pang suwayin ang mga utos nang walang angkop na dahilan dahil sinuway na niya ang mga utos dati at inantala ang pagpunta niya sa Aurous Hill.Ang ibig sabihin ng hindi pagsuway sa utos ay kailangan niyang pumunta agad sa Willow Manor at patayin ang mga miyembro ng pamilya Acker na natutulog, kasama na ang lahat ng pumoprotekta sa kanila. Siguradong magugulat ang buong mundo sa isang napakalaking operasyon.Madaling mahulaan na bilang lugar ng pangyayari, siguradong magkakaroon ng martial law ang Aurous Hill. Kung mangyayari iyon, paano niya masusundan ang mga bakas ni Zachary at ng boss niya?Kaya, ang pinakamagandang paraan para antalain ang operasyon ay kusang sabihin ang tungkol sa mahiwagang instrumento. Dahil, hindi lang mahalaga sa kanya ang mahiwagang instrumento, ngunit mahalaga rin ito sa British Lord.Naisip ni Mr. Chardon na itago ang Thunder Order na kayang magtawag ng kidlat, nilabas ang jade ring, at ginamit ito para hikayati
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau