Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Charlie, at binuksan niya at nakita niya na isa itong video na ipinadala ni Isaac. Ito rin ang video na sinabi niya kay Isaac na ipakuha nang palihim sa isang tao, para tingnan ang totoong estado ni Jaime ngayon.Nagbago nang sobra ang tingin ni Charlie kay Jaime pagkatapos makita ang ginawa ni Jaime.Ang dahilan kung bakit niya sinabihan si Jaime na lumuhod ay hindi lang para parusahan siya, ngunit para bigyan siya ng pagkakataon na suriin ang sarili niya.Maraming paraan para parusahan siya. Sa totoo lang, ang pinakamagandang paraan ay ilagay siya sa kulungan ng aso tulad ni Jiro at hayaan siyang manatili doon kasama ang mga aso.Pero, sa opinyon ni Charlie, kapatid pa rin ni Sophie si Jaie, at anak din siya ni Aunt Helen. Kung maibabalik niya siya sa tamang landas, magandang bagay din ito para aky Sophie at sa buong pamilya Schulz.Sa una ay akala ni Charlie na kailangan maghintay ni Jaime hanggang sa matapos ang buong karanasan na ito bago
Simula sa umpisa pa lang, walang balak si Nanako na itago kay Charlie ang desisyon niya na bumili ng bahay sa Thompson First.Ang inisip niya lang ay pumunta nang maaga sa Aurous Hill para bigyan ng maliit na sorpresa si Charlie. Para naman sa pagbili ng bahay, mas gusto niyang malaman ito nang bukas at tapat ni Charlie.Hindi inaasahan ni Charlie na bibilig si Nanako ng bahay sa Thompson First, kaya tinanong niya nang mausisa, “Kailan ito nangyari? Anong bahay ang binili mo?”Sinabi ni Nanako nang nakangiti, “Bumili ako ng isang apartment unit na kaharap ang ilog dahil ubos na ang mga villa.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Nanako, “Sa una ay balak kong bumili ng mas klasikal na villa, pero nandito na nang ilang araw si Tanaka-san at wala siyang mahanap ng angkop na villa, kaya nagpasya siyang bilhin na lang ang apartment unit sa Thompson First kahapon.”Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Magiging magkapitbahay na tayo simula ngayon. Malaya kang tumira sa Aur
Alam ni Nanako na kumita ng malaki si Charlie sa auction para sa Rejuvenating Pill at ang malaking bahagi ng pera na iyon ay ginamit para sa investment at pagpapaunlad ng Aurous Hill, kaya tinanong niya nang hindi nag-iisip, “Mr. Wade, magsasagawa ka pa rin ba ng auction para sa Rejuvenating Pill sa susunod na taon? Kung gagawin pa rin ang auction para sa Rejuvenating Pill, siguradong makakaakit ng maraming top foreign-funded enterprise ang Aurous Hill, at marahil ay makagawa ka ng bagong financial center gamit ang Rejuvenating Pill!”Bumuntong hininga si Charlie, umiling, at sinabi, “Nagpasya ako na pansamantalang hindi muna gawin ang auction para sa Rejuvenating Pill sa susunod na taon.”Pagkasabi nito, idinagdag ni Charlie, “Sa totoo lang, may malaking problema pa ako na hindi naaayos, at natatakot ako na gagawa ako ng problema kung ipagpapatuloy ko ang auction para sa Rejuvenating Pill. Kailangan kong maghintay hanggang sa malutas ko ang problema na ito bago ko isagawa ulit ang a
Habang nasa isip ito, inisip ni Charlie kung dapat ba niyang bigyan ng pagkakataon ang lolo niya at bigyan siya ng invitation letter para makasali rin siya sa auction. Kung gano’n, siguradong may lakas ang kanyang lolo na mag-bid para sa Rejuvenating Pill, at aangat din nang sobra ang pisikal na kondisyon nyia.Pero, pagkakakitaan niya ng 100 o 200 billion US dollars ang lolo niya kung gano’n. Pakiramdam ni Charlie na hindi siya mapapakali kung tatanggapin niya ang pera na ito.Kaya, hindi na niya ito inisip at nagpasya na lang na maghintay sa susunod na taon kapag nagpasya na talaga siya na isagawa ang auction para sa Rejuvenating Pill bago pag-isipan ang problema na ito.Ang magkapatid, sina Sophie at Rosalie, ay nakikinig nang tahimik sa gilid. Nagseselos na si Sophie. Nakikita niya na pinapaboran ni Charlie si Nanako, pero sa hindi inaasahan, kaya ring bigyan ng payo ni Nanako si Charlie. Nainggit siya nang sobra nang makita niya na mukhang perpekto silang dalawa sa isa’t isa.
Tuwang-tuwa si Sophie nang marinig niyang sabihin ni Charlie na bibisita siya sa bahay nila. Tumango siya nang nagpapasalamat at sinabi, “Okay, Mr. Wade. Susunduin ko muna ang kapatid ko at hihintayin ka sa mansyon ng mama ko.”“Okay.” Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi kay Isaac, “Mr. Cameron, mangyaring ayusin mo ito at dalhin si Jaime para makipagkita kay Miss Schulz pagkatapos niyang bumaba sa eroplano.”Sinabi nang walang pag-aatubili ni Isaac, “Huwag kang mag-alala, Young Master, aayusin ko agad ito.”Tumango si Charlie at sinabi kay Sophie, “Miss Schulz, pumunta ka muna sa airport, magkita tayo sa hapon.”“Kita-kits sa hapon, Mr. Wade!”Pagkatapos magpaalam ni Sophie kay Charlie, nagmaneho siya nang naiinip papunta sa airport.Kahit na pinili ni Jaime na kumampi sa kanyang lolo, kay Cadfan, pagkatapos malagay sa panganib ng pamilya niya, hindi siya sinisi ni Sophie.Alam niya talaga ang pagkatao ng kanyang kapatid. Hindi siya masamang tao, pero masyado lang siyang
Bumuntong hininga si Jaime at sinabi nang tapat, “Hindi ako masyadong naghirap, pero palagi akong nakokonsensya sa tuwing naiisip ko kayo ni Mama. Hindi ko mapatawad ang sarili ko…”Pinagaan ni Sophie ang kalooban niya, “Lumipas na ang mga bagay na iyon, kaya huwag mo na ulit itong banggitin. Naiintindihan ka rin namin ni Mama, at hindi kami galit sayo.”Pagkasabi nito, nagmamadali niyang pinunasan ang mga luha niya at sinabi, “Kuya, hinihintay ka ni Mama sa bahay, kaya bilisan na natin!”Sinabi ni Jaime nang medyo nahihiya, “Sophie, hindi maganda para kay Mama na makita ako nang ganito. Bakit hindi muna ako humana png lugar para maligo at magbihis?”“Hindi na.” Umiling si Sophie at sinabi, “Naghanda na si Mama ng mga damit at pang-ahit para sayo. Bumalik ka na lang kasama ko nang mabilis…”Tinanong ni Jaime sa sorpresa, “Alam ba ni Mama na hahayaan akong pabalikin ni Mr. Wade ngayong araw? Maaari ba na nagmakaawa si Mama kay Mr. Wade na pabalikin ako?”“Hindi.” Umiling si Sophie
Sa old town district ng Aurous Hill.Mukhang bago na ang mansyon na tinirahan ni Charlie kasama ang mga magulang niya noong bata pa siya.Nagsikap nang sobra si Helen sa pag-renovate at unti-unting pag-aayos ng mansyon. Kahit na ganito pa rin ang hitsura ng lahat tulad dati, mukhang bumalik ang oras ng dalawampung taon na ang nakalipas.Sa nagdaang panahon, nabuhay nang sobrang relax si Helen araw-araw. Nagbabasa siya ng mga libro, umiinom ng tsaa, nag-eensayo ng kaligrapiya sa mansyon araw-araw, at matiyagang inaalagaan ang mga bulaklak at halaman sa courtyard sa libreng oras niya. Nabuhay siya nang masaya at kuntento araw-araw.Nasa peregrinasyon si Jaime sa panahon na ito, at madalas na bumabyahe si Sophie sa trabaho at bihira lang siyang bumalik para samahan siya, pero pakiramdam ni Helen na nakuntento pa rin siya nang sobra sa mag-isang buhay niya.Kahit na nag-aalala rin siya kay Jaime, alam niya rin na ito ang parusa ni Charlie para sa kanya. Hindi siya patatawarin nang mad
Sa sinauna at modernong panahon, maraming miyembro ng royal family at mga tagapagmana ng mga mayayamang pamilya ang nasanay na sa pagtataksil at pagtalikod sa isa’t isa dahil sa sarili nilang interes.Nakaluhod pa rin si Jaime, at dumadaloy ang mga luha niya sa kanyang mukha habang sinabi sa hindi maikukumparang matatag na boses, “Binalewala ko ang buhay ng aking ina at kapatid at inalala lang ang sarili kong kinabukasan. Hindi talaga ito makatao at hindi makatarungan, at hindi ako tapat at isa akong taksil!”Sinabi nang seryoso ni Helen, “Naiintindihan ko ang sinasabi mo, pero hindi mo rin ito maiiwasan. Hindi kita masisisi.”Nagpatuloy si Jaime sa malakas na boses, “Kung mali ako, mali ako! Isa lang palusot na sabihin na hindi ko ito maiiwasan! Pwede kong piliin na kampihan ang ina at kapatid ko at humingi ng katarungan para sa inyo, pero sa halip, nagkamali ako at binalewala ko ang mga buhay niyo at inisip ko lang ang sarili kong interes!”Nanahimik saglit si Helen. Pagkatapos a