Sa old town district ng Aurous Hill.Mukhang bago na ang mansyon na tinirahan ni Charlie kasama ang mga magulang niya noong bata pa siya.Nagsikap nang sobra si Helen sa pag-renovate at unti-unting pag-aayos ng mansyon. Kahit na ganito pa rin ang hitsura ng lahat tulad dati, mukhang bumalik ang oras ng dalawampung taon na ang nakalipas.Sa nagdaang panahon, nabuhay nang sobrang relax si Helen araw-araw. Nagbabasa siya ng mga libro, umiinom ng tsaa, nag-eensayo ng kaligrapiya sa mansyon araw-araw, at matiyagang inaalagaan ang mga bulaklak at halaman sa courtyard sa libreng oras niya. Nabuhay siya nang masaya at kuntento araw-araw.Nasa peregrinasyon si Jaime sa panahon na ito, at madalas na bumabyahe si Sophie sa trabaho at bihira lang siyang bumalik para samahan siya, pero pakiramdam ni Helen na nakuntento pa rin siya nang sobra sa mag-isang buhay niya.Kahit na nag-aalala rin siya kay Jaime, alam niya rin na ito ang parusa ni Charlie para sa kanya. Hindi siya patatawarin nang mad
Sa sinauna at modernong panahon, maraming miyembro ng royal family at mga tagapagmana ng mga mayayamang pamilya ang nasanay na sa pagtataksil at pagtalikod sa isa’t isa dahil sa sarili nilang interes.Nakaluhod pa rin si Jaime, at dumadaloy ang mga luha niya sa kanyang mukha habang sinabi sa hindi maikukumparang matatag na boses, “Binalewala ko ang buhay ng aking ina at kapatid at inalala lang ang sarili kong kinabukasan. Hindi talaga ito makatao at hindi makatarungan, at hindi ako tapat at isa akong taksil!”Sinabi nang seryoso ni Helen, “Naiintindihan ko ang sinasabi mo, pero hindi mo rin ito maiiwasan. Hindi kita masisisi.”Nagpatuloy si Jaime sa malakas na boses, “Kung mali ako, mali ako! Isa lang palusot na sabihin na hindi ko ito maiiwasan! Pwede kong piliin na kampihan ang ina at kapatid ko at humingi ng katarungan para sa inyo, pero sa halip, nagkamali ako at binalewala ko ang mga buhay niyo at inisip ko lang ang sarili kong interes!”Nanahimik saglit si Helen. Pagkatapos a
“Walong buwan?”Sinabi ni Sophie, “Hindi ba’t kailangan mong maglakbay ng walo o siyam na kilometro araw-araw kung gusto mong marating ang Jordan Temple sa loob ng walong buwan?!”Tumango si Sophie at sinabi, “Ang walo o siyam na buwan ang pinakamababa. Kung maayos ang kondisyon at maganda ang panahon, kailangan kong maglakbay nang mas mabilis para mas marami akong oras na ma-enjoy kapag nadaanan ko ang mga magagandang lugar at magandang tanawin.”Nabalisa ulit si Sophie. Tumalikod si Helen at sinabi sa kanya, “Sophie, huwag mong guluhin ang kapatid mo at hayaan mo siyang maligo nang maayos.”Tumango nang bahagya si Sophie at sinabi kay Jamie, “Kuya, maligo ka muna nang mabuti. Hihintayin ka namin sa labas.”Humuni si Jamie bilang sagot. Pagkatapos isara ni Sophie ang pinto sa banyo, tinanggal ni Jaime ang mga punit-punit na damit niya at naghandang maligo.Pero, pagkatapos tumayo sa harap ng bathtub, tiningnan niya ang malinaw at mainit na tubig sa loob, pagkatapos ay dinala ang
Gustong ni Vera na magkaroon ng magandang relasyon kay Marianne, kaya nagkusa siyang samahan si Marianne sa Aurous University para pirmahan ang kontrata, pero hindi niya inaasahan na gugustuhin ni Marianne na pumunta sa Thompson First pagkatapos pirmahan ang kontrata. Nagulat talaga siya sa desisyon na ito.Kahit na pumunta si Vera sa Aurous Hill para hanapin si Charlie, hindi pa siya handang makita si Charlie sa sandaling ito, kaya ayaw niya talagang pumunta sa Thompson First.Buti na lang, ang likod na hilera ng SUV ay nababalot ng privacy tinting, kaya nanatili siya sa kotse at hinintay si Marianne, ginamit ang palusot na medyo masama ang pakiramdam niya.Pagkatapos lumabas ni Marianne sa elevator, binuksan ni Madam Marilyn ang sliding door sa kanang bahagi ng likod ng kotse. Pumasok si Marianne sa kotse at sinabi sa dalawa nang nakangiti, “Pasensya na at pinaghintay ko kayong dalawa. Tara na.”Huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nakangiti, “Hindi ito gano’n katagal, na
Nakasunod si Nanako sa likod ni Charlie, at nang makita niya na biglang huminto si Charlie at kumunot ang noo niya, tinanong niya siya nang nagmamadali, “Anong problema, Mr. Wade?”Sinabi ni Charlie nang may nalilitong ekspresyon, “Hindi ko rin alam…”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya nang hindi nag-iisip ang singsing.Nanginginig pa rin ang singsing na parang isang pasyente na may Parkinson’s disease habang nasa pagitan ng mga daliri ni Charlie, pero pagkatapos itong ilabas ni Charlie, unti-unti itong kumalma at hindi na ulit gumalaw.Mas lalong nalito si Charlie. Hindi niya mapigilang isipin, ‘Bakit ka ulit gumagalaw? Nagugutom ka ba ulit? Sinusubukan mo ba ulit akong dayain sa Reiki ko?’Nang makita ni Nanako na nakatingin si Charlie sa singsing sa kamay niya na may nalilitong ekspresyon, tinanong niya ulit, “Charlie-kun, may espesyal ba sa singsing na ito?”Natauhan si Charlie at ngumiti nang kaswal habang sinabi, “Hindi ito espesyal. Isa lang itong sirang singsing na na
Sinabi nang kaswal ni Vera, “Ang gwapong lalaki na dumaan sa gilid ng kotse natin sa underground parking lot kanina lang. Medyo matangkad siya at gwapo.”“Ga-Gano’n ba…?” Nataranta si Marianne at sinabi, “Hindi ko siya nakita. Naguluhan ako nang kaunti kanina lang…”“Okay.” Tumawa si Vera at sinabi, “Siguradong sasabihin ko sayo sa lalong madaling panahon kapag dumaan ang isang gwapong lalaki sa susunod.”“Okay…” Sumagot nang hindi nag-iisip si Marianne dahil naisip niya na tagumpay niyang naloko si Vera.Mas nakumbinsi rin si Vera sa sunod-sunod na kilos niya sa dati niyang hula na pumunta si Marianne sa Aurous Hill para kay Charlie.Hindi na nagsalita si Vera ngunit nilabas ang kanyang cellphone at nilagay ang mga salitang ‘Ito Nanako’ sa search engine.Nabasa na niya ang lahat ng files ni Charlie dati at maingat na hinulaan ang pagkakakilanlan, karanasan, kasalukuyang mapa ng negosyo, at power blueprint ni Charlie.Hula niya na si Charlie siguro ang namumuno sa Ito-Schulz Oce
Nang makita ulit ni Charlie si Yahiko, nalaman niya na sobrang ganda ng kondisyon niya.Para kay Yahiko, ang kahalagahan ng pagkakaroon ulit ng mga binti ay maikukumpara sa pagkakaroon ng bagong buhay, kaya mas lalo niyang pinahalagahan ang kasalukuyan.Sobrang sigla at magalang si Yahiko nang makita niya si Charlie. Lumabas siya sa personal para tanggapin si Charlie sa bahay, pagkatapos ay naghanda ng tsaa para kay Charlie. Kahit na abala siyang maglakad, hindi maitago ang pananabik niya.Si Hiroshi, na nasa gilid, ay sobrang galang din habang nanatili siyang nakayuko sa 90 degree na anggulo.Binati silang dalawa ni Charlie, tumingin nang mausisa sa bahay, at sinabi nang nakangiti, “Matagal na akong nakatira sa Thompson First, pero ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa high-rise building na ito.”Pagkasabi nito, tumingin siya sa ilog sa labas sa pamamagitan ng mga bintana mula sa sahig hanggang kisame sa sala at bumuntong hininga habang sinabi, “Sobrang ganda talaga ng ta
Pagkatapos itong sabihin, tinuro niya ang tuna sashimi sa magandang plato at sinabi kay Charlie, “Mr. Wade, ang mga sashimi na ito ay galing sa dalawang pisngi ng bluefin tuna. Ang auction price para sa isda na ito ay three million US dollars, pero ang napakaliit na karne mula sa dalawang pisngi ay nasa daang-daang libong US dollars na. Kung ililipat ito, ang presyo ng sashimi ay nasa sampu-sampung libong US dollars, at hindi ito mahahanap kahit sa mga pinakamagandang Michelin restaurant.”Hindi nagsasabi ng kalokohan si Yahiko. Sa lipunan ng karangyaan at pera sa Japan, napakamahal ng mga totoong produkto na may pinakamataas na kalidad.Ang pinakamataas na nakatalang auction price para sa bluefin tuna ay binili sa malaking presyo ng ilang milyong US dollars. Karamihan ng karne mula sa ganiton isda ay napupunta sa mga high-end restaurant. Pero, ang totoong sitwasyon ay imposible para sa dalawang pisngi ng bluefin tuna tulad nito na pumunta sa kusina ng kahit anong restaurant. Matag