Gustong ni Vera na magkaroon ng magandang relasyon kay Marianne, kaya nagkusa siyang samahan si Marianne sa Aurous University para pirmahan ang kontrata, pero hindi niya inaasahan na gugustuhin ni Marianne na pumunta sa Thompson First pagkatapos pirmahan ang kontrata. Nagulat talaga siya sa desisyon na ito.Kahit na pumunta si Vera sa Aurous Hill para hanapin si Charlie, hindi pa siya handang makita si Charlie sa sandaling ito, kaya ayaw niya talagang pumunta sa Thompson First.Buti na lang, ang likod na hilera ng SUV ay nababalot ng privacy tinting, kaya nanatili siya sa kotse at hinintay si Marianne, ginamit ang palusot na medyo masama ang pakiramdam niya.Pagkatapos lumabas ni Marianne sa elevator, binuksan ni Madam Marilyn ang sliding door sa kanang bahagi ng likod ng kotse. Pumasok si Marianne sa kotse at sinabi sa dalawa nang nakangiti, “Pasensya na at pinaghintay ko kayong dalawa. Tara na.”Huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nakangiti, “Hindi ito gano’n katagal, na
Nakasunod si Nanako sa likod ni Charlie, at nang makita niya na biglang huminto si Charlie at kumunot ang noo niya, tinanong niya siya nang nagmamadali, “Anong problema, Mr. Wade?”Sinabi ni Charlie nang may nalilitong ekspresyon, “Hindi ko rin alam…”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya nang hindi nag-iisip ang singsing.Nanginginig pa rin ang singsing na parang isang pasyente na may Parkinson’s disease habang nasa pagitan ng mga daliri ni Charlie, pero pagkatapos itong ilabas ni Charlie, unti-unti itong kumalma at hindi na ulit gumalaw.Mas lalong nalito si Charlie. Hindi niya mapigilang isipin, ‘Bakit ka ulit gumagalaw? Nagugutom ka ba ulit? Sinusubukan mo ba ulit akong dayain sa Reiki ko?’Nang makita ni Nanako na nakatingin si Charlie sa singsing sa kamay niya na may nalilitong ekspresyon, tinanong niya ulit, “Charlie-kun, may espesyal ba sa singsing na ito?”Natauhan si Charlie at ngumiti nang kaswal habang sinabi, “Hindi ito espesyal. Isa lang itong sirang singsing na na
Sinabi nang kaswal ni Vera, “Ang gwapong lalaki na dumaan sa gilid ng kotse natin sa underground parking lot kanina lang. Medyo matangkad siya at gwapo.”“Ga-Gano’n ba…?” Nataranta si Marianne at sinabi, “Hindi ko siya nakita. Naguluhan ako nang kaunti kanina lang…”“Okay.” Tumawa si Vera at sinabi, “Siguradong sasabihin ko sayo sa lalong madaling panahon kapag dumaan ang isang gwapong lalaki sa susunod.”“Okay…” Sumagot nang hindi nag-iisip si Marianne dahil naisip niya na tagumpay niyang naloko si Vera.Mas nakumbinsi rin si Vera sa sunod-sunod na kilos niya sa dati niyang hula na pumunta si Marianne sa Aurous Hill para kay Charlie.Hindi na nagsalita si Vera ngunit nilabas ang kanyang cellphone at nilagay ang mga salitang ‘Ito Nanako’ sa search engine.Nabasa na niya ang lahat ng files ni Charlie dati at maingat na hinulaan ang pagkakakilanlan, karanasan, kasalukuyang mapa ng negosyo, at power blueprint ni Charlie.Hula niya na si Charlie siguro ang namumuno sa Ito-Schulz Oce
Nang makita ulit ni Charlie si Yahiko, nalaman niya na sobrang ganda ng kondisyon niya.Para kay Yahiko, ang kahalagahan ng pagkakaroon ulit ng mga binti ay maikukumpara sa pagkakaroon ng bagong buhay, kaya mas lalo niyang pinahalagahan ang kasalukuyan.Sobrang sigla at magalang si Yahiko nang makita niya si Charlie. Lumabas siya sa personal para tanggapin si Charlie sa bahay, pagkatapos ay naghanda ng tsaa para kay Charlie. Kahit na abala siyang maglakad, hindi maitago ang pananabik niya.Si Hiroshi, na nasa gilid, ay sobrang galang din habang nanatili siyang nakayuko sa 90 degree na anggulo.Binati silang dalawa ni Charlie, tumingin nang mausisa sa bahay, at sinabi nang nakangiti, “Matagal na akong nakatira sa Thompson First, pero ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako sa high-rise building na ito.”Pagkasabi nito, tumingin siya sa ilog sa labas sa pamamagitan ng mga bintana mula sa sahig hanggang kisame sa sala at bumuntong hininga habang sinabi, “Sobrang ganda talaga ng ta
Pagkatapos itong sabihin, tinuro niya ang tuna sashimi sa magandang plato at sinabi kay Charlie, “Mr. Wade, ang mga sashimi na ito ay galing sa dalawang pisngi ng bluefin tuna. Ang auction price para sa isda na ito ay three million US dollars, pero ang napakaliit na karne mula sa dalawang pisngi ay nasa daang-daang libong US dollars na. Kung ililipat ito, ang presyo ng sashimi ay nasa sampu-sampung libong US dollars, at hindi ito mahahanap kahit sa mga pinakamagandang Michelin restaurant.”Hindi nagsasabi ng kalokohan si Yahiko. Sa lipunan ng karangyaan at pera sa Japan, napakamahal ng mga totoong produkto na may pinakamataas na kalidad.Ang pinakamataas na nakatalang auction price para sa bluefin tuna ay binili sa malaking presyo ng ilang milyong US dollars. Karamihan ng karne mula sa ganiton isda ay napupunta sa mga high-end restaurant. Pero, ang totoong sitwasyon ay imposible para sa dalawang pisngi ng bluefin tuna tulad nito na pumunta sa kusina ng kahit anong restaurant. Matag
Tumagay sila Charlie, Yahiko, at Hiroshi, habang nakatayo sa gilid si Nanako at patuloy na pinupuno ang sake para sa kanya.Kung titingnan, pinupuno lang ni Nanako ang sake ni Charlie at pinupuno lang ni Emi ang sake ni Yahiko. Kaya, si Hiroshi ang naglalagay ng sarili niyang sake.Sa opinyon ni Charlie, ang hindi talaga masarap ang tinatawag na ‘Laughing Dragon and Nine Heavens’. Bukod sa purong bango ng bigas nito, kulang talaga ito. Kung gusto niyang malasing nang kahit kaunti, dapat ay nasa 40% ang laman na alcohol nito. Para kay Charlie, ang ganitong sake ay hindi naiiba sa pag-inom ng tubig.Pero, dahil isa itong national treasure na dinala ni Yahiko, sinamahan siya ni Charlie at uminom kasama siya.Puno rin ng papuri si Charlie para sa napakasarap na sashimi na inihanda ni Emi.Sa totoo lang, pakiramdam niya na walang kahit anong lasa ang sashimi mismo, at nilalasahn niya lang ang lambot ng iba’t ibang isda. Walang masyadong kaibahan sa kabuuang lasa pagkatapos itong isawsa
Tumango si Charlie at sinabi, “Mabuti naman. Wala ako sa Aurous Hill sa mga nakalipas na araw, pero marahil ay hindi ako pupunta sa kahit saan sa mga susunod. Malaya ka po na tawagan ak kung kailangan mo ng tulong sa kahit ano sa Aurous Hill.”“Okay!” Hindi masyadong magalang si Helen at sumang-ayon nang nakangiti. Pagkatapos ay inimbita niya si Charlie papasok sa bahay.Hindi mapigilan ni Charlie na maging mapanglaw sa sandaling pumasok siya sa bahay.Noong nirentahan ng mga magulang niya ang mansyon na ito dati, maingat din nila itong inayos, at ganito pa rin ang hitsura nito hanggang ngayon. Kahit na mukhang sobrang luma na nito, binibigyan nito ng preskong pakiramdam ang mga tao.Makalipas ang dalawampung taon, naging sira-sira ang mansyon na ito, pero pagkatapos ng maingat na pag-aayos ni Helen, mukhang tila ba bumalik ang lahat sa estado nito noong dalawampung taon na ang nakalipas.Sa ilang sandali, naramdaman ni Charlie na tila ba bumalik siya sa panahon noong pito o walon
Sinabi ni Jaime, “Sa pangalawang buwan, sinimulan kong tratuhin nang tapat ang peregrinasyon na ito, kaya pinaalis ko ang entourage na pinahintulutan ni Mr. Wade na dalhin ko, at balak kong maabot ang dulo nang mag-isa…”“Nagkasakit ako pagkatapos maulanan, kaya natulog ako sa isang kubo. Dahil, maraming mga pilgrim ang mananatili doon sa daan, kaya hindi ko inisip na may mali dito…”Bilang resulta, sinubukan akong ibenta ng mag-asawa sa may-ari ng black coal mine habang wala akong malay at may mataas na lagnat.”“Narinig kong sinabi nila na ang isang taong nasa hustong gulang ay maaaring mabenta ng 20 thousand dollars, at ang isang karaniwang trabahador sa minahan ay nasa three o four thousand dollars kada buwan. Basta’t makakakuha ng tao ang may-ari ng black coal mine, mababawi niya ang kapital niya ng mahigit kalahating taon kung gagawin niyang alipin ang tao na iyon, at ang mga matitira ay kita na niya.”“Sa oras na iyon, pumunta na doon ang may-ari ng black coal mine, pero tum