Sinabi ni Jaime, “Sa pangalawang buwan, sinimulan kong tratuhin nang tapat ang peregrinasyon na ito, kaya pinaalis ko ang entourage na pinahintulutan ni Mr. Wade na dalhin ko, at balak kong maabot ang dulo nang mag-isa…”“Nagkasakit ako pagkatapos maulanan, kaya natulog ako sa isang kubo. Dahil, maraming mga pilgrim ang mananatili doon sa daan, kaya hindi ko inisip na may mali dito…”Bilang resulta, sinubukan akong ibenta ng mag-asawa sa may-ari ng black coal mine habang wala akong malay at may mataas na lagnat.”“Narinig kong sinabi nila na ang isang taong nasa hustong gulang ay maaaring mabenta ng 20 thousand dollars, at ang isang karaniwang trabahador sa minahan ay nasa three o four thousand dollars kada buwan. Basta’t makakakuha ng tao ang may-ari ng black coal mine, mababawi niya ang kapital niya ng mahigit kalahating taon kung gagawin niyang alipin ang tao na iyon, at ang mga matitira ay kita na niya.”“Sa oras na iyon, pumunta na doon ang may-ari ng black coal mine, pero tum
Simula noong nakumpirma ni Charlie na walang kinalaman ang pamilya Schulz sa pagkamatay ng mga magulang niya, hindi na niya naisip na kunin ang buhay ng kahit sino mula sa pamilya Schulz. Kaya niyang buhayin si Sheldon, lalo na si Jaime.Sinabihan niya rin ang mga tauhan niya na palihim na protektahan si Jaime para knia Helen at Sophie. Ang peregrinasyon sa Jordan Temple ay hindi katulad noong pagbibisikleta ni Dylan papunta sa Aurous Hill. May bisikleta ang isa, at dadaan din siya sa pinaka maunlad na lugar sa Oskia. Basta't hindi siya magpe-pedal nang hindi tumitingin sa highway, walang panganib sa buhay ni Dylan.Pero, iba ito para kay Jaime. Ang kapaligiran papunta sa kanluran ay palala nang palala, at may panganib kung saan-saan kung hindi siya mag-iingat. Hindi maipapaliwanag ni Charlie ang mga bagay-bagay kina Helen at Sophie kung mamatay si Jaime sa daan kung hindi niya poprotektahan nang palihim si Jaime.Alam din ni Jaime na hindi pinapunta ni Charlie ang mga taong iyon pa
Kung hindi makakapasa si Jaime, kahit na maging malaya siya simula ngayon, hindi niya pwedeng hawakan ang mga asset ng pamilya Schulz.Ito ay dahil gustong maghanap ni Charlie ng isang mapagkakatiwalaan at tapat na tauhan para kay Sophie, kaya wala dapat nakatagong panganib sa kandidato na ito. Kung may kahit kaunting kaisipan si Jaime na sumuko sa peregrinasyon na ito, hindi agad siya pagkakatiwalaan ni Charlie.Hindi alam ni Helen at Sophie ang tunay na intensyon ni Charlie. Hindi nila maitago ang pananabik nila nang marinig nilang handang maging mapagbigay si Charlie at bigyan si Jaime ng pagkakataon. Umaasa silang sasamantalahin ni Jaime ang sitwasyon na ito at sasang-ayon siiya.Gayunpaman, nag-atubili si Jaime saglit at pagkatapos ay sinabi, “Salamat kabaitan mo, Mr. Wade, pero gusto ko pa ring tapusin ang peregrinasyon na ito.”May walang bahalang ekspresyon si Charlie habang sinabi, “Pag-isipan mo ito nang mabuti. Magiging mas mahirap sa hinaharap ang daan. Papasok ka sa mg
“Pagsusulit?”Tumingin si Jaime sa kanyang ina nang may ilang pagdududa at tinanong nang nalilito, “Ma, anong ibig mong sabihin dito?”Sinabi nang seryoso ni Helen, “Mukhang ang layunin ng pagpunta ni Charlie ngayon ay itanong sayo ang tanong na iyon, para makita kung sasamantalahin mo ang pagkakataon na tapusin ang peregrinasyon.”Tinanong siya ni Jaime, “Anong sinusubukan sa akin ni Mr. Wade? Sinusubukan niya ang katapatan ko?”“Gano’n na nga!” Tumango nang bahagya si Helen at ipinaliwanag, “Ang istilo ng pagkilos ni Charlie ay katulad na katulad sa kanyang ama. Kahit na hindi ko masyadong kilala si Charlie, kilala ko si Curtis. Ang dahilan kung bakit naiiba si Curits sa karamihan ng mga pinuno ay ang unang hinahanap niya sa mga tao ay hindi ang abilidad o pinagmulan nila, ngunit ang pagkatao nila.”Pagkatapos huminto, idinagdag ni Helen, “Sa mga mata niya, kahit gaano pa kalakasa ang abilidad ng isang tao, basta’t hindi maganda ang pagkatao ng taong iyon, hindi siya magkakaroon n
Alas tres ng hapon.Isang direct flight papuntang Hong Kong ang umalis sa Aurous Airport.Si Marianne, na may malalim na iniisip, ay nakaupo sa eroplano, nakatingin sa labas ng bintana sa Aurous Hill na palayo nang palayo. Hindi niya mapigilang isipin ang mga detalye ng pagkikita nila ni Charlie sa Hong Kong.Kahit na naramdaman niya na mababa siya nang nagkataon na makita niyang magkasama sina Charlie at Nanako ngayong araw, hindi nito naapektuhan ang malalim na pagmamahal niya para kay Charlie.Ang iniisip niya lang ay sana mas mabilis ang paglipas ng oras sa hinaharap. Hindi na siya makapaghintay sa araw ng pagsisimula ng klase sa Aurous University. Nagpasya pa siya na tatawagan niya si Charlie pagkatapos magsimula ng klase para sabihin sa kanya na pumunta siya sa Aurous Hill sa isang business trip at sabihin sa kanya na nakapasok siya sa Aurous University kapag nagkita sila.Pinaghandaan na rin ni Marianne ang pinakamalala. Wala siyang pakialam kahit na hindi maging masaya si
Dahil, naglakbay ng libo-libong milya ang matandang lalaki para pumunta dito, kaya pinapahalagahan nilang dalawa ito nang sobra. Kaya, pumunta sila sa airport ng kalahating oras na mas maaga para hintayin siya.Habang mabagal na pumapasok ang eroplano sa hangar, nanginginig ang mga kamay ni Yashita sa kaba. Ito ay dahil hindi siya sigurado kung si Cadfan, na mainitin ang ulo at mayabang, ay papayagan siya bilang maging manugang na babae niya sa hinaharap.Iniisip niya kung ano ang gagawin kung hindi maging kuntento si Cadfan sa kanya at ituturi siya para pagalitan siya na hindi siya karapat-dapat sa kanyang anak sa sandaling bumaba siya.Napansin ni Sheldon ang kaba ni Yashita, kaya binulong niya sa tainga niya, “Huwag kang mag-alala. Hindi nagpakita ng hindi kasiyahan ang aking ama noong tinawagan ko siya para sabihin sa kanya ang tungkol dito.”Sinabi nang nangangamba ni Yashita, “Kilala ko ang pagkatao ni Lord Schulz. Mahilig siyang itago ang mga emosyon niya at madalas biglaan
Si Cadfan, na medyo matagal nang naging landlord sa Madagascar, ay walang ideya sa pinagdaanan ni Yashita sa mga nagdaang panahon.Ang naaalala niya lang ay naputol ang braso ni Yashita para iligtas ang kanyang anak, at halos nawala ang buong kanang braso niya mula sa kanyang balikat.Pero, si Yashita, na nasa harap niya, ay may suot na mahabang dress na short-sleeve, at mukhang nakakabit at flexible ang dalawang braso niya. Si Cadfan ay isa ring tao na maraming karanasan at nakita na ang buong mundo, at alam niya na imposible kahit sa pinakamagandang prosthetic limb na magmukhang parang tunay at flexible.Nang makita ni Yashita ang nasorpresang ekspresyon niya, ipapaliwanag na niya ito nang si Sheldon, na nasa gilid, ay sinabi nang mabilis, “Pa, mahabang kuwento ito. Pag-usapan natin ito sa kotse!”Alam ni Cadfan an siguradong may nakatago tungkol dito, kaya tumango siya at pumasok muna sa kotse.Agad pumasok si Yashita sa passenger seat habang si Sheldon ang nagmaneho ng kotse.
Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya kay Yashita, na nakaupo sa passenger seat, at mukhang nahiya habang sinabi, “Yashita, nahihiya ako nang sobra na isinuko ko si Rosalie para sa pamilya Schulz. Sana ay hindi kayo magtanim ng galit sa akin…”Lumingon si Yashita at sinabi nang seryoso, “Uncle Schulz, alam ko na nahirapan ka rin pagdating sa nangyari kay Rosalie. At saka, hindi lang ikaw ang masisisi para dito. Responsable rin si Sheldon. Kung hindi niya pinapunta si Rosalie para pumatay at ubusin ang buong pamilya Matsumoto, hindi ka mapipilitan na ilagay sa ganitong sitwasyon si Rosalie…”Bumuntong hininga si Cadfan at tinanong siya, “Yashita, nasaan na si Rosalie ngayon? Dapat akong humingi ng tawad sa kanya sa personal ngayong nakabalik ako!”Naunang sumagot si Sheldon kaysa kay Yashita, “Inihahanda ni Rosalie ang kasal sa hotel. Makikita mo siya kapag pumunta ka mamaya.”“Okay.:.” Tumango si Cadfan at tinanong ulit, “Hinayaan ba ni Charlie na bumalik si Jaime para sa kasal n