Kung hindi makakapasa si Jaime, kahit na maging malaya siya simula ngayon, hindi niya pwedeng hawakan ang mga asset ng pamilya Schulz.Ito ay dahil gustong maghanap ni Charlie ng isang mapagkakatiwalaan at tapat na tauhan para kay Sophie, kaya wala dapat nakatagong panganib sa kandidato na ito. Kung may kahit kaunting kaisipan si Jaime na sumuko sa peregrinasyon na ito, hindi agad siya pagkakatiwalaan ni Charlie.Hindi alam ni Helen at Sophie ang tunay na intensyon ni Charlie. Hindi nila maitago ang pananabik nila nang marinig nilang handang maging mapagbigay si Charlie at bigyan si Jaime ng pagkakataon. Umaasa silang sasamantalahin ni Jaime ang sitwasyon na ito at sasang-ayon siiya.Gayunpaman, nag-atubili si Jaime saglit at pagkatapos ay sinabi, “Salamat kabaitan mo, Mr. Wade, pero gusto ko pa ring tapusin ang peregrinasyon na ito.”May walang bahalang ekspresyon si Charlie habang sinabi, “Pag-isipan mo ito nang mabuti. Magiging mas mahirap sa hinaharap ang daan. Papasok ka sa mg
“Pagsusulit?”Tumingin si Jaime sa kanyang ina nang may ilang pagdududa at tinanong nang nalilito, “Ma, anong ibig mong sabihin dito?”Sinabi nang seryoso ni Helen, “Mukhang ang layunin ng pagpunta ni Charlie ngayon ay itanong sayo ang tanong na iyon, para makita kung sasamantalahin mo ang pagkakataon na tapusin ang peregrinasyon.”Tinanong siya ni Jaime, “Anong sinusubukan sa akin ni Mr. Wade? Sinusubukan niya ang katapatan ko?”“Gano’n na nga!” Tumango nang bahagya si Helen at ipinaliwanag, “Ang istilo ng pagkilos ni Charlie ay katulad na katulad sa kanyang ama. Kahit na hindi ko masyadong kilala si Charlie, kilala ko si Curtis. Ang dahilan kung bakit naiiba si Curits sa karamihan ng mga pinuno ay ang unang hinahanap niya sa mga tao ay hindi ang abilidad o pinagmulan nila, ngunit ang pagkatao nila.”Pagkatapos huminto, idinagdag ni Helen, “Sa mga mata niya, kahit gaano pa kalakasa ang abilidad ng isang tao, basta’t hindi maganda ang pagkatao ng taong iyon, hindi siya magkakaroon n
Alas tres ng hapon.Isang direct flight papuntang Hong Kong ang umalis sa Aurous Airport.Si Marianne, na may malalim na iniisip, ay nakaupo sa eroplano, nakatingin sa labas ng bintana sa Aurous Hill na palayo nang palayo. Hindi niya mapigilang isipin ang mga detalye ng pagkikita nila ni Charlie sa Hong Kong.Kahit na naramdaman niya na mababa siya nang nagkataon na makita niyang magkasama sina Charlie at Nanako ngayong araw, hindi nito naapektuhan ang malalim na pagmamahal niya para kay Charlie.Ang iniisip niya lang ay sana mas mabilis ang paglipas ng oras sa hinaharap. Hindi na siya makapaghintay sa araw ng pagsisimula ng klase sa Aurous University. Nagpasya pa siya na tatawagan niya si Charlie pagkatapos magsimula ng klase para sabihin sa kanya na pumunta siya sa Aurous Hill sa isang business trip at sabihin sa kanya na nakapasok siya sa Aurous University kapag nagkita sila.Pinaghandaan na rin ni Marianne ang pinakamalala. Wala siyang pakialam kahit na hindi maging masaya si
Dahil, naglakbay ng libo-libong milya ang matandang lalaki para pumunta dito, kaya pinapahalagahan nilang dalawa ito nang sobra. Kaya, pumunta sila sa airport ng kalahating oras na mas maaga para hintayin siya.Habang mabagal na pumapasok ang eroplano sa hangar, nanginginig ang mga kamay ni Yashita sa kaba. Ito ay dahil hindi siya sigurado kung si Cadfan, na mainitin ang ulo at mayabang, ay papayagan siya bilang maging manugang na babae niya sa hinaharap.Iniisip niya kung ano ang gagawin kung hindi maging kuntento si Cadfan sa kanya at ituturi siya para pagalitan siya na hindi siya karapat-dapat sa kanyang anak sa sandaling bumaba siya.Napansin ni Sheldon ang kaba ni Yashita, kaya binulong niya sa tainga niya, “Huwag kang mag-alala. Hindi nagpakita ng hindi kasiyahan ang aking ama noong tinawagan ko siya para sabihin sa kanya ang tungkol dito.”Sinabi nang nangangamba ni Yashita, “Kilala ko ang pagkatao ni Lord Schulz. Mahilig siyang itago ang mga emosyon niya at madalas biglaan
Si Cadfan, na medyo matagal nang naging landlord sa Madagascar, ay walang ideya sa pinagdaanan ni Yashita sa mga nagdaang panahon.Ang naaalala niya lang ay naputol ang braso ni Yashita para iligtas ang kanyang anak, at halos nawala ang buong kanang braso niya mula sa kanyang balikat.Pero, si Yashita, na nasa harap niya, ay may suot na mahabang dress na short-sleeve, at mukhang nakakabit at flexible ang dalawang braso niya. Si Cadfan ay isa ring tao na maraming karanasan at nakita na ang buong mundo, at alam niya na imposible kahit sa pinakamagandang prosthetic limb na magmukhang parang tunay at flexible.Nang makita ni Yashita ang nasorpresang ekspresyon niya, ipapaliwanag na niya ito nang si Sheldon, na nasa gilid, ay sinabi nang mabilis, “Pa, mahabang kuwento ito. Pag-usapan natin ito sa kotse!”Alam ni Cadfan an siguradong may nakatago tungkol dito, kaya tumango siya at pumasok muna sa kotse.Agad pumasok si Yashita sa passenger seat habang si Sheldon ang nagmaneho ng kotse.
Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya kay Yashita, na nakaupo sa passenger seat, at mukhang nahiya habang sinabi, “Yashita, nahihiya ako nang sobra na isinuko ko si Rosalie para sa pamilya Schulz. Sana ay hindi kayo magtanim ng galit sa akin…”Lumingon si Yashita at sinabi nang seryoso, “Uncle Schulz, alam ko na nahirapan ka rin pagdating sa nangyari kay Rosalie. At saka, hindi lang ikaw ang masisisi para dito. Responsable rin si Sheldon. Kung hindi niya pinapunta si Rosalie para pumatay at ubusin ang buong pamilya Matsumoto, hindi ka mapipilitan na ilagay sa ganitong sitwasyon si Rosalie…”Bumuntong hininga si Cadfan at tinanong siya, “Yashita, nasaan na si Rosalie ngayon? Dapat akong humingi ng tawad sa kanya sa personal ngayong nakabalik ako!”Naunang sumagot si Sheldon kaysa kay Yashita, “Inihahanda ni Rosalie ang kasal sa hotel. Makikita mo siya kapag pumunta ka mamaya.”“Okay.:.” Tumango si Cadfan at tinanong ulit, “Hinayaan ba ni Charlie na bumalik si Jaime para sa kasal n
Ang pagbabago ni Cadfan ay isa talagang bagay na hindi inaasahan ng maraming tao.Isa siyang matatag at mayabang na tao sa mata ng maraming miyembro ng pamilya Schulz, at walang nangahas na hamunin ang awtoridad niya sa pamilya Schulz. Kahit si Cadfan mismo ay hindi yumuko sa kahit sino sa pamilya Schulz.Pero, may konsensya pa rin siya na baguhin ang mga pamamaraan niya ngayon.Pagkatapos niyang dumating sa Shangri-La, sinamahan siya nina Sheldon at Yashita at pumunta agad kay Rosalie at tapat na humingi ng tawad sa kanya.Yumuko siya nang bahagya at sinabi kay Rosalie, “Rosalie, tinrato kita nang masa dati at paulit-ulit pa kitang pinagtaksilan para sa interes ng pamilya Schulz. Hindi ako maglalakas-loob na hingiin ang patawad mo ngayon pero sana ay matanggap mo ang tapat na paghingi ko ng tawad…”Hindi inaasahan ni Rosalie na magkukusa si Cadfan na humingi ng tawad sa kanya. Akala niya na hinding-hindi siya kikilalanin ni Cadfan dahil isa siyang anak sa labas. Kahit na alam niy
Kung ikukumpara ang Reiki sa electrical energy at ang singsing na ito sa isang baterya, agad mapapansin ang mga kakaibang aspeto nito sa isang tingin.Ang isang baterya na kasing laki nito ay karaniwang isang simpleng baterya lang, at ang dami ng enerhiya na kayang itago nito ay kakaunti lang. Ang pinakamataas na teknolohiya ng baterya sa ngayon ay naaabot na sa ilang daang milliampere-hours lang.Gayunpaman, ang kasalukuyang kondisyon ng singsing na ito ay parang isang baterya na napuno ng libo-libo o sampu-sampung libong kilowatt-hours ng enerhiya!Kaya, may tanong dito.Ayon sa law of energy conservation, ang ganito kalaking enerhiya ay hindi maaaring maglaho nang walang dahilan, kaya siguro ay naiipon ito o binabago ng singsing sa ilang paraan.Pero paano nito nagawa iyon? Saan naiipon ang lahat ng enerhiya?Kahit hindi masagot ni Charlie ang mga tanong na iyon, sigurado siya sa isang bagay, at iyon ay ang singsing na ito ay siguradong hindi pangkaraniwang bagay, dahil kaya n