Tuwang-tuwa si Sophie nang marinig niyang sabihin ni Charlie na bibisita siya sa bahay nila. Tumango siya nang nagpapasalamat at sinabi, “Okay, Mr. Wade. Susunduin ko muna ang kapatid ko at hihintayin ka sa mansyon ng mama ko.”“Okay.” Tumango nang bahagya si Charlie at sinabi kay Isaac, “Mr. Cameron, mangyaring ayusin mo ito at dalhin si Jaime para makipagkita kay Miss Schulz pagkatapos niyang bumaba sa eroplano.”Sinabi nang walang pag-aatubili ni Isaac, “Huwag kang mag-alala, Young Master, aayusin ko agad ito.”Tumango si Charlie at sinabi kay Sophie, “Miss Schulz, pumunta ka muna sa airport, magkita tayo sa hapon.”“Kita-kits sa hapon, Mr. Wade!”Pagkatapos magpaalam ni Sophie kay Charlie, nagmaneho siya nang naiinip papunta sa airport.Kahit na pinili ni Jaime na kumampi sa kanyang lolo, kay Cadfan, pagkatapos malagay sa panganib ng pamilya niya, hindi siya sinisi ni Sophie.Alam niya talaga ang pagkatao ng kanyang kapatid. Hindi siya masamang tao, pero masyado lang siyang
Bumuntong hininga si Jaime at sinabi nang tapat, “Hindi ako masyadong naghirap, pero palagi akong nakokonsensya sa tuwing naiisip ko kayo ni Mama. Hindi ko mapatawad ang sarili ko…”Pinagaan ni Sophie ang kalooban niya, “Lumipas na ang mga bagay na iyon, kaya huwag mo na ulit itong banggitin. Naiintindihan ka rin namin ni Mama, at hindi kami galit sayo.”Pagkasabi nito, nagmamadali niyang pinunasan ang mga luha niya at sinabi, “Kuya, hinihintay ka ni Mama sa bahay, kaya bilisan na natin!”Sinabi ni Jaime nang medyo nahihiya, “Sophie, hindi maganda para kay Mama na makita ako nang ganito. Bakit hindi muna ako humana png lugar para maligo at magbihis?”“Hindi na.” Umiling si Sophie at sinabi, “Naghanda na si Mama ng mga damit at pang-ahit para sayo. Bumalik ka na lang kasama ko nang mabilis…”Tinanong ni Jaime sa sorpresa, “Alam ba ni Mama na hahayaan akong pabalikin ni Mr. Wade ngayong araw? Maaari ba na nagmakaawa si Mama kay Mr. Wade na pabalikin ako?”“Hindi.” Umiling si Sophie
Sa old town district ng Aurous Hill.Mukhang bago na ang mansyon na tinirahan ni Charlie kasama ang mga magulang niya noong bata pa siya.Nagsikap nang sobra si Helen sa pag-renovate at unti-unting pag-aayos ng mansyon. Kahit na ganito pa rin ang hitsura ng lahat tulad dati, mukhang bumalik ang oras ng dalawampung taon na ang nakalipas.Sa nagdaang panahon, nabuhay nang sobrang relax si Helen araw-araw. Nagbabasa siya ng mga libro, umiinom ng tsaa, nag-eensayo ng kaligrapiya sa mansyon araw-araw, at matiyagang inaalagaan ang mga bulaklak at halaman sa courtyard sa libreng oras niya. Nabuhay siya nang masaya at kuntento araw-araw.Nasa peregrinasyon si Jaime sa panahon na ito, at madalas na bumabyahe si Sophie sa trabaho at bihira lang siyang bumalik para samahan siya, pero pakiramdam ni Helen na nakuntento pa rin siya nang sobra sa mag-isang buhay niya.Kahit na nag-aalala rin siya kay Jaime, alam niya rin na ito ang parusa ni Charlie para sa kanya. Hindi siya patatawarin nang mad
Sa sinauna at modernong panahon, maraming miyembro ng royal family at mga tagapagmana ng mga mayayamang pamilya ang nasanay na sa pagtataksil at pagtalikod sa isa’t isa dahil sa sarili nilang interes.Nakaluhod pa rin si Jaime, at dumadaloy ang mga luha niya sa kanyang mukha habang sinabi sa hindi maikukumparang matatag na boses, “Binalewala ko ang buhay ng aking ina at kapatid at inalala lang ang sarili kong kinabukasan. Hindi talaga ito makatao at hindi makatarungan, at hindi ako tapat at isa akong taksil!”Sinabi nang seryoso ni Helen, “Naiintindihan ko ang sinasabi mo, pero hindi mo rin ito maiiwasan. Hindi kita masisisi.”Nagpatuloy si Jaime sa malakas na boses, “Kung mali ako, mali ako! Isa lang palusot na sabihin na hindi ko ito maiiwasan! Pwede kong piliin na kampihan ang ina at kapatid ko at humingi ng katarungan para sa inyo, pero sa halip, nagkamali ako at binalewala ko ang mga buhay niyo at inisip ko lang ang sarili kong interes!”Nanahimik saglit si Helen. Pagkatapos a
“Walong buwan?”Sinabi ni Sophie, “Hindi ba’t kailangan mong maglakbay ng walo o siyam na kilometro araw-araw kung gusto mong marating ang Jordan Temple sa loob ng walong buwan?!”Tumango si Sophie at sinabi, “Ang walo o siyam na buwan ang pinakamababa. Kung maayos ang kondisyon at maganda ang panahon, kailangan kong maglakbay nang mas mabilis para mas marami akong oras na ma-enjoy kapag nadaanan ko ang mga magagandang lugar at magandang tanawin.”Nabalisa ulit si Sophie. Tumalikod si Helen at sinabi sa kanya, “Sophie, huwag mong guluhin ang kapatid mo at hayaan mo siyang maligo nang maayos.”Tumango nang bahagya si Sophie at sinabi kay Jamie, “Kuya, maligo ka muna nang mabuti. Hihintayin ka namin sa labas.”Humuni si Jamie bilang sagot. Pagkatapos isara ni Sophie ang pinto sa banyo, tinanggal ni Jaime ang mga punit-punit na damit niya at naghandang maligo.Pero, pagkatapos tumayo sa harap ng bathtub, tiningnan niya ang malinaw at mainit na tubig sa loob, pagkatapos ay dinala ang
Gustong ni Vera na magkaroon ng magandang relasyon kay Marianne, kaya nagkusa siyang samahan si Marianne sa Aurous University para pirmahan ang kontrata, pero hindi niya inaasahan na gugustuhin ni Marianne na pumunta sa Thompson First pagkatapos pirmahan ang kontrata. Nagulat talaga siya sa desisyon na ito.Kahit na pumunta si Vera sa Aurous Hill para hanapin si Charlie, hindi pa siya handang makita si Charlie sa sandaling ito, kaya ayaw niya talagang pumunta sa Thompson First.Buti na lang, ang likod na hilera ng SUV ay nababalot ng privacy tinting, kaya nanatili siya sa kotse at hinintay si Marianne, ginamit ang palusot na medyo masama ang pakiramdam niya.Pagkatapos lumabas ni Marianne sa elevator, binuksan ni Madam Marilyn ang sliding door sa kanang bahagi ng likod ng kotse. Pumasok si Marianne sa kotse at sinabi sa dalawa nang nakangiti, “Pasensya na at pinaghintay ko kayong dalawa. Tara na.”Huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nakangiti, “Hindi ito gano’n katagal, na
Nakasunod si Nanako sa likod ni Charlie, at nang makita niya na biglang huminto si Charlie at kumunot ang noo niya, tinanong niya siya nang nagmamadali, “Anong problema, Mr. Wade?”Sinabi ni Charlie nang may nalilitong ekspresyon, “Hindi ko rin alam…”Pagkatapos itong sabihin, nilabas niya nang hindi nag-iisip ang singsing.Nanginginig pa rin ang singsing na parang isang pasyente na may Parkinson’s disease habang nasa pagitan ng mga daliri ni Charlie, pero pagkatapos itong ilabas ni Charlie, unti-unti itong kumalma at hindi na ulit gumalaw.Mas lalong nalito si Charlie. Hindi niya mapigilang isipin, ‘Bakit ka ulit gumagalaw? Nagugutom ka ba ulit? Sinusubukan mo ba ulit akong dayain sa Reiki ko?’Nang makita ni Nanako na nakatingin si Charlie sa singsing sa kamay niya na may nalilitong ekspresyon, tinanong niya ulit, “Charlie-kun, may espesyal ba sa singsing na ito?”Natauhan si Charlie at ngumiti nang kaswal habang sinabi, “Hindi ito espesyal. Isa lang itong sirang singsing na na
Sinabi nang kaswal ni Vera, “Ang gwapong lalaki na dumaan sa gilid ng kotse natin sa underground parking lot kanina lang. Medyo matangkad siya at gwapo.”“Ga-Gano’n ba…?” Nataranta si Marianne at sinabi, “Hindi ko siya nakita. Naguluhan ako nang kaunti kanina lang…”“Okay.” Tumawa si Vera at sinabi, “Siguradong sasabihin ko sayo sa lalong madaling panahon kapag dumaan ang isang gwapong lalaki sa susunod.”“Okay…” Sumagot nang hindi nag-iisip si Marianne dahil naisip niya na tagumpay niyang naloko si Vera.Mas nakumbinsi rin si Vera sa sunod-sunod na kilos niya sa dati niyang hula na pumunta si Marianne sa Aurous Hill para kay Charlie.Hindi na nagsalita si Vera ngunit nilabas ang kanyang cellphone at nilagay ang mga salitang ‘Ito Nanako’ sa search engine.Nabasa na niya ang lahat ng files ni Charlie dati at maingat na hinulaan ang pagkakakilanlan, karanasan, kasalukuyang mapa ng negosyo, at power blueprint ni Charlie.Hula niya na si Charlie siguro ang namumuno sa Ito-Schulz Oce
Maraming taon nang hindi nabibisita ni Fleur ang libingan ni Elijah para magbigay galang. Kahit na ilang siglo na simula noong huli siyang pumunta dito, kaya niya pa ring tukuyin kung nasaan ang libingan ni Elijah.Sa kabila ng pagsira niya sa lapida at pagkawala ng mga puntod sa paglipas ng panahon, kaya niya pa ring hanapin ang libingan ni Elijah. Kahit na alam niya na hindi nakalibing dito ang katawan ni Elijah, itinuturing pa rin ni Fleur ang lugar na ito bilang pinakamalapit na lugar na kaugnay kay Elijah.Ang kasalukuyang pakiramdam niya magkakahalong lungkot, pagsisisi, at kaunting sama ng loob pa.Habang nilalamon siya ng mga emosyon, dumaloy sa isipan niya ang mga dating alaala niya na parang isang alon.Dati, inatake ni Fleur si Elijah nang hindi nag-iisip dahil sa pagmamahal at galit. Pagkatapos maglaho ni Elijah sa harap ng mga mata niya sa isang iglap, hula niya na dinala siguro siya kay Vera ng singsing na binigay ng master niya kay Elijah. Kaya, nagmamadali siyang um
Pagkatapos buksan ang camera, tumalikod nang hindi nag-iisip ang dalawa, nakatalikod sa papasikat na araw at nakatalikod kay Fleur bago sila kumuha ng picture.Pagkatapos kunin ang litrato, mabilis itong pinalaki ni Charlie. Dahil sa high-pixel na front camera, medyo malinaw ang mukha ni Fleur sa litrato.Pagkatapos ayusin ang posisyon nila, kumuha pa ng mas maraming litrato sina Charlie at Vera, patuloy na kumuha ng mga larawan kasama si Fleur sa likod gamit ang front camera.Sa kasamaang-palad, naglaho si Fleur sa gubat, at walang zoom function ang front camera. Malabo na kunan siya ng litrato sa sitwasyon na ito.Kaya, itinabi ni Charlie ang cellphone niya at patuloy na nagpanggap na hinahangaan nilla ang pagsikat ng araw kasama si Vera.Pero, maingat niya pa ring pinapanood si Fleur mula sa sulok ng paningin niya.Pagkatapos maghanap nang ilang sandali sa gubat, pinili ni Fleur ang medyo bukas na lugar, pagkatapos ay naglabas ng isang martilyo at isang silindrikong bagay na g
Nagulat talaga nang sobra si Fleur sa paglabas ni Charlie ng portrait ni Marcius sa Aurous Hill, sa punto na ang pinakamalaking inaalala niya sa pagpunta sa Oskia ngayon ay ang mabunyag ang pagkakakilanlan niya.Sa opinyon niya, ang mga batang camper siguro sa malapit ay mga estudyante na nasa eskwelahan pa. Hindi siya nag-aalala na may banta sa kaligtasan niya ang mga taong ito. Pero, narinig niya ang usapan nina Charlie at Vera at alam niya na marahil ay kaduda-duda ang kilos niya sa iba. Sa sitwasyon na ito, nag-atubili talaga siya nang kaunti.Napunta rin sa ibang direksyon ang atensyon niya dahil kay Charlie. Ngayon, nag-aalala na lang siya na paghihinalaan siya ng iba at hindi niya pinaghinalaan ang pagkakakilanlan ng mga kabataan na ito.Habang nag-aatubili si Fleur, isang ginintuang ilaw ang kumalat, at sumikat na ang araw mula sa silangan. Agad nanabik ang mga kabataan na nagpuyat buong gabi kasama si Charlie nang makita nila ang ilaw na ito. Nagsaya sila nagn malakas haban
Habang umaakyat siya sa Mount Turtle Back at nakita ang ilang tolda at isang dosenang kabataan sa malapit, kumunot nang kaunti ang mga kilay niya.Nakatingin ang mga taong ito sa direksyon kung saan sisikat ang araw, malinaw na gusto itong hangaan. Hindi nagduda si Fleur sa kanila, pero nainis at nadismaya siya nang kaunti dahil masyadong malapit ang mga taong ito sa libingan ng kanyang senior, si Elijah.Ang layunin ng pagbisita niya sa lugar na ito ay para alalahanin ang nakaraan sa libingan ni Elijah, at magsalita nang kaunti mula sa kailaliman ng puso niya sa kanyang senior.Pero, ang posisyon ng mga taong ito ay nasa dalawa o tatlong daang metro lang mula sa libingan ni Elijah, at siguradong makukuha niya ang atensyon nila kung didiretso siya doon. Mahihirapan siyang kausapin ang senior niya dahil dito.Sa sandaling ito, nasulyapan ni Charlie ang isang bata at mature na babae na kalilitaw lang sa malayo. Kayang makita ni Charlie ang hitsura niya gamit ang kanyang pambihirang p
Sa sandaling ito, nang sampung minuto na lang bago sumikat ang araw, nagdagdag ang lahat ng ilang sangay sa bonfire at nagsimulang hintayin ang sandali na sisikat ang araw mula sa likod ng bundok.Makalipas ang halos sampung minuto, ang dating maputlang langit ay nagsimulang lumiwanag ng ginintuang tingkad. Ito ang bakas na malapit nang sumikat ang araw sa abot-tanaw.Habang sabik ang lahat na makita ito, biglang naramdaman ni Charlie na may tao sa malayo na mabilis na papalapit sa lokasyon nila. Dahil nag-aalala siya na madidiskubre siya ni Fleur, sinanay ni Charlie ang mental cultivation method na tinuro sa kanya ni Ruby simula kagabi, mahigpit na kinulong ang sarili niyang Reiki sa loob ng katawan niya.Para sa mga cultivator, ang bawat tao ay parang isang submarine na naglalakbay sa malalim na karagatan, umaasa sa sonar detection para mahanap ang isa’t isa. Gamit ang analohiya na ito, ang isang tao na may mas mataas na cultivation ay parang isang mas advanced na submarine na may
Hindi katagalan, tuluyan nang lumubog ang araw, sinindihan na ng lahat ang bonfire at ang barbecue pit. Dahil naghanda ng sangkap ang lahat at nagdagdag pa si Charlie, medyo marami ang hapunan nila.Bukod dito, bumili rin si Charlie ng maraming wine, kaya mas sumigla ang paligid at atmospera. Sa madaling salita, nagpasya ang lahat na uminom at magsaya sa gabing iyon.Kaya, naglagay si Charlie ng ilang Reiki sa wine. Hindi kaya ng Reiki na palakasin ang katawan nila o gamutin ang mga sakit nila, pero sinisigurado nito na kahit gaano pa karami ang inumin nila sa gabing iyon, hindi man lang sila hihikab.Bukod dito, sa sandaling pumasok ang Reiki sa katawan nila, hindi ito mag-iiwan ng bakas. Kahit na pumunta si Fleur, wala siyang mapapansin.Ang Yorkshire Hill ay matatagpuan sa isang talampas, at medyo malaki ang pagkakaiba ng temperature sa umaga at gabi. Kasam na ang taas ng Mount Turtle Back, bumaba nang sobra ang temperature pagkatapos maggabi. Kaya, umupo ang lahat sa paligid ng
Habang nagsasalita siya, unti-unting naging seryoso ang ekspresyon niya. Sinabi niya, “Leni, mangako tayo sa isa’t isa. Subukan muna nating mabuhay ngayong taon. Kung sa susunod na taon, may mangyaring himala at walang namatay sa atin, pwede kang pumunta sa Oskia at makilala ang mga magulang ko para makuha ang basbas nila. Pagkatapos, pupunta ako sa United States kasama ka.”Si Leni, na kanina pa masaya, ay biglang naging mukhang pagod. Binulong niya, “May apat na buwan pa hanggang sa susunod na taon. Natatakot ako na kahit na hindi ako mamatay sa sandaling iyon, hindi ako makakapunta sa Oskia para makita ka.”Namula ang mga mata ni Shermaine, pero ngumiti siya at sinabi, “Ayos lang. Araw-araw na lang tayo mag-video call. Online na ang lahat ngayon. Kahit ang mga korte ay may hearing sa online. Kung kailangan, pwede na lang tayo kumuha ng isang pari, at pakakasalan kita sa online.”Pinigilan ni Leni ang mga luha niya, tumango nang marahan, at ngumiti habang sinabi, “Okay, deal. Kapa
Hindi inaasahan ni Charlie na habang nagca-camping siya sa mga bundok ng Yorkshire Hill, matatagpuan niya ang dalawang batang pasyente na may cancer. Ang nagpasorpresa sa kanya ay gustong sumali ng dalawang ito sa mga clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical sa Aurous Hill, pero tinanggihan silang dalawa.Ang mas nagpahanga pa sa kanya ay ang taong ito, si Leni, ay kilala pa si Jameson.Habang iniisip ang iba ang tungkol kay Jameson, na dating pinapangunahan ang buong FDA, na kusang umalis at nagsimula ng charity sa Aurous Hill, tinanong nang mausisa ni Charlie si Leni, “Helron, sobrang pamilyar ka ba kay Jameson Smith?”Sumagot nang kalmado si Leni, “Hindi naman. Dahil, bago siya umalis, isa siyang mataas na opisyal sa United States, at ang mga taong nakakausap niya sa FDA ay mga matataas na biopharmaceutical company at mga negosyante sa buong mundo. Ang isang tao tulad ni Jameson ay kahanga-hanga kahit sa mataas na lipunan. Paano magkakaroon ng pagkakataon ang isang ordinaryong
Sinabi ni Shermaine, na nasa gilid, “Hindi naman gano’n. Ang pamamahagi ng mga pwesto para sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical ay hindi base sa kung sino ang may pera at kapangyarihan, ngunit kung sino ang pinaka nangangailangan ng gamot. Ang lahat ng sumali para sa clinical trial ay mga pasyente na may cancer. Halos tatlumpung porsyento sa kanila ang idineklara ng mga doktor na may anim na buwan na lang para mabuhay. May daang-daang pasyente na may advanced pancreatic cancer, at marami sa kanila ay mga bata. Ang mga taong katulad namin na nasa 20s na ay mahihirapan na makakuha ng pwesto.”Tinanong nang mausisa ni Charlie, “Shermaine, sumali ka rin ba sa clinical trial ng Apothecary Pharmaceutical?”Tumango si Shermaine at sinabi, “Oo, pero hindi ako napili. Ang pamamaraan ng pagpili ng Apothecary Pharmaceutical ay parang pagkukumpara ng mga paghihirap. Una, ikukumpara nila kung sino ang may pinakamalalang sakit, pagkatapos ay kung sino ang pinakabata, kung sinong pamilya